I can feel it... he's walking towards me. Wala na akong nagawa kundi ang umupo sa lapag at sumandal sa pintuan. Niyakap ko na lang ang mga legs ko. I'm dead. I can really feel him near me... I even told him a lot of things about me. "I am asking you, Daliah. Why--" "Ouch!" Sigaw ko. Napatayo ako kaagad. I massaged my back. Hinarap ko siya sa pintuang binuksan niya. I'm immediately greeted by his dark eyes. He's looking down to me kaya tumayo ko. "So... you're here," Panimula niya. Kasabay ng pagtingin niya sa likuran ko ay ang pagtitig ko sa mga mata niya. Please naman, Marcus. Naramdaman ko na humawak sa braso ko mula sa likuran ko yung guy. Hindi ko inalis ang tingin ko kay Marcus. Kahit ramdam ko na ang paghigpit ng hawak ng kamay nung lalaki sa akin. Nakatitig din siya sa lalaki. "Daliah... I've been waiting for you." dagdag niya. Paano niya...? Naramdaman ko na ang unti-unting paghina ng pagkakahawak sa akin nung guy sa likod ko. "My gosh!" Sigaw ko pa nang naramdaman ko ang biglang paghila sa akin. This time, it's Marcus. Papasok sa unit niya. Pagkapasok ko sa loob ay agad ko silang binalikan ng tingin. Ganun din naman ang pagtingin niya sa akin. "Stay." Sa hindi malamang dahilan, napapasunod ako ng mga mata niya. Gosh, Daliah! Nakita kong nilapitan niya yung lalaki. Hinawakan niya ito sa balikat at humarang na ang likuran niya sa mukha nung lalaki. He said something to the guy and they seemed to agree on something. Matapos nun ay umalis na yung lalaki. Ganun lang yun? Anyways, hindi ko namalayang nagpipigil ako ng paghinga kanina pa. What's with that guy? He seemed nice though... then bigla na lang nagiba. Naupo na ako sa sofa niya. Hindi ko natingnan ang paligid nang nagpunta ako rito dahil sa room ang diretsyo ko. Ooops. That sounds wrong. Napatingin ako sa may pinto. Pagkatapos ibalibag ang pinto ay lumakad siya papalapit sa akin. His eyes, ocean blue eyes... they are again... claiming mine. "What was that?" He asked. "What do you mean? The guy was clearly chasing me... And how... paano mo nalaman yung name ko?" I asked back. Hmp. Bumuntong-hininga lamang siya at pumunta ng kwarto niya. What now? "Ouch!" Sigaw kong muli nang maramdaman ang sling bag ko na nasa lap ko na ngayon. "Why did you...?!" Kaagad kong binuksan iyon at inilabas ang camera ko. I hugged it tight. "This," sambit niya na nagpatingin sa akin sa hawak niya ngayon... my passport and visa! "Hey!" "I will only give this to you if you will promise me that you will go back to your family. Stop running away from your families you... youngsters." Ha. Youngster? Me? You bet! "EXCUSE ME. I am... I did not ran away! My family did! From me! Heck, they aren't even answering my calls..." I lashed out. Why? Totoo naman. Umm only dad though kasi siya lang tinawagan ko. "Give me your phone." Sambit niya while holding out his hands to me. "Why would I do that?" Gosh. Inirapan ko siya. "Hey-- Bitiwan mo yan--" Sambit ko matapos niyang biglaang kuhain sa akin yung bag ko. Binalik niya sa akin yung bag at ngayon ay hawak na niya ang phone ko. Hinarap niya sa akin iyon, "Password." I sighed. "'Pag ba binigay ko, you will help me?" I need to be sure. Wala na akong pupuntahan. And I don't want any guys following me around for the remaining months of my stay here! Hindi siya nagsalita at hinablot ang kamay ko. Kanina pa 'to ha! "You can just ask!" I shouted. After niyang ilagay yung thumb ko sa fingerprint scanner ay bumukas ito. Pero namatay din. Gosh! Buti naman! It's lowbatt nga pala! "Akin na yan," Sambit ko sabay tayo upang kuhanin sa kaniya ang phone ngunit iniangat niya lang ito sa ere. "What the?" "Not until I can talk to your parents. Now give me your charger." "I AM NOT A CHILD! GIVE IT BACK!" Kahit na anong gawin niya ay ayaw niyang ibigay yun pabalik. "You'll stay here 'till I figure out what to do with you. You are my damn responsibility right now." Pagkasabi niya noon ay kinuha niya ang charger ko mula sa bag ko at pumasok sa room niya. Gosh. But it is better this way than to be outside. I looked around. Hindi ganoon kalaki yung place niya but it's clean. Napatingin ako sa may kitchen niya. May mga bag ng groceries ang nakalagay doon at nakakalat sa counter. Tapos sa may coffee table dito sa harap ko ay yung messenger bag niya. Tumingin ulit ako sa door niya at kitang-kita yung sapatos niyang hindi nakaayos doon. Sa ayos ng lugar niya, 'pag may magulo, halata kaagad. "Daliah." Agad akong napatayo nang marinig ang maawtoridad niyang boses. It feels weird whenever he calls my name. Naglakad ako papasok ng room niya. Nakaupo siya sa upuan sa may desk niya kung nasaan yung mga display niya. Hawak niya ang phone ko habang naka-charge 'to. Matapos kong mabuksan ang phone ay kaagad niyang tiningnan ang contacts ko. "What are their numbers?" tanong niya. Sinabi ko sa kaniya yung kay dad and kay Jonathan. After a few minutes, just like I've expected, ay walang sumagot. Told ya. But it means I can't contact Jonathan 'din... baka sa insta niya or fb pwede? "So, they've ran away from me..." Sambit ko na lang habang nakatingin sa floor. Will he help me? Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "I'll call them myself, then." Pagkasabi niya nun ay kinuha niya ang phone niya at nag-dial. Kahit doon, wala rin. Binalikan niya ang phone ko. "I guess it's all done. He..." may binulong pa siya but 'di ko na narinig. He even sighed. "Done? What do you mean?" I asked. He faced me, "You are in trouble now. However, I'm still not sure how to help you." "Filipino ka. Half, right? Oh, we're the same! You can even understand Tagalog, I guess? So, bakit 'di mo na lang isipin na tinutulungan mo kapwa Pinoy mo?" Sige na, Marcus. Pumayag ka na! "Because of you, my supposedly nice farewell and closure were ruined. You shouldn't have done that," then nag-isang step pa siya palapit sa akin. "...for so many damn reasons." Nakatitig lang siya sa akin. Napalunok ako. His eyes, despite of it being oceanic blue, is now dark. Hunting, even. Binaba niya yung phone ko sa desk niya at tumayo ng maayos. "W-well, just think of it as helping me nga diba? I've got no choice!" Depensa ko. Lumakad pa siya palapit sa akin. He smirked while eyeing me. "Help? You only thought of yourself. Kahit nung tinulungan kita nung gabing yun. You were basically a mess! Then the next morning, I never thought that there's even a worse thing that could happen to me," napaatras ako nang lumapit pa siya sa akin. Napatigil ako nang maramdaman ang pader. Gosh. His eyes are overpowering me! "It's not my fault that I did not wake up earlier that morning! Malay ko ba sa'yo or diyan sa fiancee mo na darating na kayo sa ganoong oras? You should have left me that night, then!" I cannot let him do this. Just help me already, will you? He sighed. Ilang inches na lang ang lapit ng mga mata namin sa isa't-isa. Nararamdaman ko ang mabigat niyang paghinga. I can even smell his perfume. "One month, it is." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. So... I'm secured na for one month! I just need to go home afterwards. Mas lalo pa siyang lumapit sa akin. Okay...? Walang imik niyang tinititigan ang mukha ko. I covered my mouth when he instantly put his hand on my right side. What is he doing now? Sinalubong ko rin ang mga mata niyang tila binabasa ako ngayon. "...At what cost?"