"alam mo ba ang tungkol sa survivors guild at survivors guild association?"
nag tataka si dante kung ano ang mga bagay na ito dahil ngayon palamang narinig ito ni dante, "wala akong alam sa sinasabi mo, ano ba ang mga yan?"
"ang survivors guild ay isang grupo ng mga survivor na nagsama sama, para makagawa ng survivors guild dapat kailangan na magkaroon ng mahigit sa tatlo ang grupo."
"hmmm!!! ano naman ang SGA?"
"ang SGA ay ang humahawak sa survivors guild o sila ang namamalakad nito, kailangan mong pumunta sa mismong headquarters para mag apply ng guild."
"bakit mo naman sakin sinasabi ang bagay nayan?" nagtatakang tanong ni dante.
"kaya ko sinasabe ang bagay nato dahil gusto ko sanang gumawa ka ng sarili mong guild dahil nakikitaan kita ng isang potential bilang isang guild leader at mahigitan pa ang iba bang guild!"
"bakit hindi nalang ikaw ang gumawa?"
"tulad nga ng sinabi ko may potential ako, kung ako ang gagawa at magiging guild leader walang mangyayare sa grupo." "ano sa tingin mo papayag kaba sa alok ko?"
"ano pabang magagawa ko kung sa tingin mo namay potential ako bakit hindi natin subukan."
"nice nice yan ang gusto ko sayo."
"oo nga pala saan mo nakuha ang impormasyon nayan?"
"habang naglilibot ako sa lugar nato may nakita akong isang grupo at isa silang survivors guild. hindi ko alam kung ano pangalan ng guld nila pero may narinig ako na sinabi nilang kailangan nila matalo ang top 10 guild sa buong pilipinas lalo na ang top 1 na guild at ang pangalan ng guild nila ay santelmo. pag kakarinig ko pa nga ang grupo nila ay nakabilang sa top 50 guild sa pilipinas."
"alex! sa tingin mo ba mahihigitan ba natin ang top 50 at 10 ng pilipinas?"
"kung ikaw ang leader oo mahihigitan mo. never pang nagkamali ang paningin ko haha."
naabutan na ng liwanag sila alex at dante habang nag uusap, pagkagising nila kate at ang kanyang mga kapatid umalis na sila agad sa kanilang pinag pahingahan. dahil nasabi din ni dante na ituro ni alex kung saan ang headquarter ng SGA upang mag apply at gumawa ng sarili nilang guild, tinuro at sinamahan ni alex sila dante papunta sa SGA dahil may pagkalayuan ang SGA nag hanap sila ng abandonadong sasakyan para gawing sasakyan papunta sa SGA.
makalipas ang ilang oras nilang byahe nakarating na sila sa headquarters ng SGA sa tarlac city, kada city ng pilipinas mula luzon, visayas, at mindanao ay may kanya kanyang headquarter ng SGA. pagkarating nila sa SGA agad silang pumunta sa second floor ng headquarter dahil naroon ang pag apply ng guild, ganon na lamang ang tingin sa kanila ng iba pang survivor na naduon pagkalabas nila mismo sa elevator. nag iba ang simoy ng hangin ng pagkadating nila dito, hindi nalang pinansin nila dante ang mga iba pang survivor at agad silang dumaretso sa isang silid na kung saan naroon ang mag a-assist sa kanila para makapag apply ng guild.
pagpasok nila sa silid ay agad naman silang tinanong ng isang babae na namamahala nito, "isa akong executive sa SGA at ang panagalan ko ay marry, ano ang maililingkod ko sa inyo?" nag bigay galang.
nag salita agad si dante tungkol sa pakay nila, "balak sana naming gumawa ng isang guild."
agad naman na kinuha ni marry ang mga papel na kailangan sagutan ni dante, "bago mo sagutan ang mga papeles na iyan may dalawang requirement ang SGA para makabuo ng guild. una dapat mahigit sa tatlo ang myembro para makabuo ng guild pangalawa dapat nakapatay na kayo ng zombie bilang isang grupo at kailangan din ito ng patunay na nakapatay din kayo ng isang 2nd grade na zombie."
biglang nahinaan ng loob si dante sa narinig dahil hindi ang akala ni dante ay hindi pa siya nakapatay ng 2nd grade na zombie o kung ano ibig sabihin ng 2nd grade zombie. natawa si alex dahil nakita nila ang reaction ni dante.
"bakit ka ngumingiti dyan? may problema na nga tayo tapos ngingitian mo pako!" sigaw ni dante.
biglang ipinakita ni alex ang isang ulo ng zombie at isa itong 2nd class na zombie, nagulat ang executive ng SGA sa nakita dahil isa nga itong 2nd grade zombie. kinuha ng executive ang ulo at inilagay ito sa isang briefcase.
"dahil napatunayan ninyo na nakapatay nga kayo ng 2nd grade zombie ay maaari mona itong sagutan."
kinuha ni dante ang mga papel at agad nitong sinagutan, pagkatapos binalik ni dante ang mga papel sa executive, "dahil nasagutan na ninyo ang papael kailangan ko na itong ibigay sa ikatataas at kailangan ninyong mag hintay ng mga ilang oras para ma approve ang mga ito."
umalis na ang executive at nag usap usap sila dante.
"saan mo nakuha ang ulo nayun alex?" galit na tanong ni dante.
"relax chill ka lang dante sasabihin ko din naman haha." "ang ulo na iyon ay ang dahilan ng kaguluhan sa evacuation center, at napag kaalaman ko na isa itong 2nd grade zombie dahil iba sa sa pangkaraniwang zombie kumpara sa 3rd grade. habang papunta ako sa inyo napansin koto at agad kong kinuha dahil isa rin ito sa requirement para makabuo ng guild."
"ano ba ang ibig sabihin ng mga grade na ito medyo naguguluhan pako?"
"ang mga zombie ay may ranking dipende kung gaano ito kalakas, may apat na ranking ang zombie. ang pinakamahina o mababa sa ranking ang 3rd grade zombie, sila yung mga zombie na walang isip at hindi gaano kalakasan at kasing lakas lang nila ang mga normal na tao. susunod naman ang 2nd grade zombie ang grade na ito ay mas malakas pa sa mga normal na tao. ang susunod naman ay ang 1st grade zombie, ag mga zombie na ito ay may mga kakayahan, sila yung mga dating tao namay mga kakayahan tulad ng may alam sa pag suntok, may alam sapag hawak ng baril at iba pa. nakalaban kana din nito kung maaalala mo yung nakalaban mong atleta na zombie, itinuturing iyon na 1st grade dahil sa pambihirang bilis nito sa pag takbo dahil nga dati itong atleta ng track n field nung nabubuhay pa sya. at ang huli ang special grade zombie, ang mga zombie na ito ay may talino na katulad natin at nakakapag salita rin sila ang mga zombie na ito ay may abilidad din tulad ng mga survivor."
"ibig sabihin pala ang una kong napatay nazombie sa gym ay 1st grade din dahil alam nito mag bukas ng pintuan dahil matagal narin syang nag babantay duon at pati narin yung zombie na mabilis tumakbo isa ding 1st grade kung alam ko lang sana kinuha ko mga ulo nila at hindi ko na dinurog para may maipakita sa SGA."
makalipas ang oras sa pag hihintay bumalik na ang executive para ibigay ang card bilang patunay na isa na silang survivors guild.
"congratulations sa inyo survivors guild naga."
tulad nga ng nabanggit ng executive ang pangalan ng kanilang guild ay NAGA, ang pangalan na ito ay isa sa mga myth creature ng pilipinas ang bakunawa. ang bakunawa ay isang folklore ng pilipinas at ang itsura nito ay isang serpent dragon at tinatawag din itong NAGA dahil kasing tulad nito ang serpent diety ng Hindu-Buddhist. ang guild na ay ang pang 51 guild ng pilipinas.
"ang card na iyan ang mag papatunay na isa na kayong ganap na guild, tulad nga ng nakalagay sa card top 51 kayo sa buong pilipinas. maari pa itong mag bago sa pamamagitan ng mission, ang mga mission ay nag bibigay ng points kung matapos ninyo ito. para makakuha ng mission kailangan ninyong bumalik sa first floor dahil nandun ang hall of mission. duon kayo kukuha at ibabalik ang mission pag natapos na ninyo ito take note dapat kailangan ninyong dalhin ang ulo ng zombie base sa inyong mission at ilalagay ninyo ito sa isang briefcase wag kayo mag alala ibibigay sa inyo ang briefcase kasama ang mission ninyo. yun lang ang masasabi ko goodluck sa mission ninyo guild NAGA."
pagkatapos i-explain ng executive ang tungkol sa card at sa mission, hinatid niya ang grupo ni dante sa first floor upang simulan ang unang mission nila. pagkahatid sa kanila sa first floor nag paalam na ang executive kila dante at agad naman nag usap usap ang grupo nila dante.
"tama nga ang pag pili ko sayo dante haha maganda ang napili mong pangalan sa guild natin." papuri ni alex kay dante.
"diba ang naga isa itong serpent diety sa pag kakaalam ko ah." sambit ni kate.
"diba bakunawa iyon." biglang sagot ni rico sa kanyang ate.
"oo tama kayo, bakunawa the moon eater nga ang basehan ko sa pangalan ng ating guild at mabuti naman nagustuhan ninyo."
agad naman na nag salita si rica patungkol sa bakunawa, "tulad nga ng sinabi ni kuya dante yung bakunawa diba kumain ng pitong buwan pero sa pitong iyon anim lang ang nakain nya."
namangha naman si dante sa sinabi ni rica dahil sa murang edad ay may alam na sya sa bagay na iyon, "ang galing mo naman rica saan mo natutunan yan."
"sa school po hihi."
"habang iniisip ko ang pangalan natin sa guild ay naisip ko din na magkaroon ng executive sa guild natin tulad ng SGA may executive, kaya napag isip isip ko na magkaroon tayo ng executives at papangalanan kong the 7th moon."
nagkaroon naman ng interesado ang mga kasama ni dante tungkol sa bagay na ito. isa isang binanggit at inatas ni dante ang mga posisyon nila, si alex ang 1st moon si kate ang 2nd moon at sila rico at rica ang 3rd moon. kaya ginawang 3rd moon si rica at rico dahil magkambal ito at naisip ni dante na mas magandang pagsamahin ang dalawa para magkaroon ito ng magandang koneksyon sa pakikipaglaban.
Chapter 4 - survivor's guild "NAGA"