hindi alam nila dante at kate namay nakakita sa mga pangyare, "mukang interesado to" sambit ng di kilalang survivor.

ilang kilomentro nalang ang lalakarin nila dante ay malapit na sila makarating sa evacuation center. grabe ang pinag daanan ng dalawa habang sila ay papunta sa kanilang paroroonan, biglang nag salita si kate habang sila ay nag lalakad, "siguro kung hindi kita kasama ngayon papunta sa evacuation center siguro isa nadin ako sa mga naging zombie."

"siguro nga, hahaha!!!" pabirong sabi ni dante.

 makalipas ang ilang minuto sa kanilang pag lalakad nakita na nila dante kung nasaan ang evacuation center, "malapit na tayo kate unting tiis nalang makikita munadin mga kapatid mo." 

sumagot si kate, "kaya nga maraming salamat sa pag sabay sakin papunta sa evacuation center." biglang nalungkot si kate.

"oh! bakit bigla ka nalungkot?" tanong ni dante.

"kinakabahan kasi ako na baka wala mga kapatid ko sa evacuation center." 

"tiwala ka lang, nandyan ang mga kapatid mo at wag kang mawalan ng pag asa."

"sabagay tama ka, salamat sa pag cheer up sakin" ngumiti.

nakarating na sila dante at kate sa evacuation center, sinamahan ni dante na hanapin ni kate ang mga kapatid nito. habang sa kanilang pag hahanap, may isang survivor na may kagat sa kanyang tagiliran at hindi nya ito ipinaalam sa mga kinauukulan sa loob ng evacuation center. unting unti na kumakalat ang virus sa kanyang katwan. 

at makalipas ang ilang oras na pag hahanap sa kapatid ni kate ay nakita nya rin ito sa wakas, biglang napaluha si kate at tumakbo papunta sa kanyang mga kapatid at niyakap ito, "rica! rico! mabuti naman at ligtas kayo!" labis ang saya namay kasamang iyak ang pinapakitang emosyon ni kate. 

napangiti din si dante sa nasaksihan nito at nag paalam nadin siya kay kate, "kate! total nakita muna mga kapatid mo siguro hanggang dito nalang." tumayo si kate at nilapitan niya si dante at hinawakan ang mga kamay nito, "maraming salamat! dahil sayo nakita ko mga kapatid ko salamat talaga." at sabay yakap kay dante.

niyakap nya din ito ng pabalik at nag paalam, sinimulan ni dante ang pag hahanap nito sa kanyang nanay dahil madaming tao ang nasa loob ng evacuation center. ngunit sa kalagitnaan nito sa pag hahanap may biglang kagulahan na nangyayare sa loob ng evacuation center, matinding tilian at sigawan ang pumapaligid dito, dahil gusto malaman ni dante kung ano ang nangyayare sa bandang dako na iyon ay agad nitong pinuntahan. pagkalapit ni dante sa kaguluhan nakita nito na madami nang zombie ang kumakalat at kumakain ng mga tao, dahil dito mas matindi ang kaguluhan na nangyari, dahil sa sobrang panic ng mga tao sa loob ay hindi na nila alam ang kanilang gagawin. unti unti nang dumadami ang mga zombie dahil madami narin silang nakagat at na infection. 

dahil sa kaguluhan na ito walang magawa si dante kungdi ihinto niya ang pag hahanap sa kanyang nanay at puksain nalamang ang mga zombie bago pa ito dumami, agad naman niya kinuha ang kanyang baseball bat at sinimulang patayin ang mga zombie. puro dugo ang bumabalot sa loob ng evacuation center at mas madami pang zombie na nahawaan, habang nagpapatuloy si dante sa pag patay ng mga zombie bigla itong napunta kung saan nakapwesto sila kate at ang kanyang mga kapatid.

napansin ni dante ang isang zombie na sumusugod papunta kila kate at agad naman nitong hinabol ni dante, habang papalapit na ang zombie ay agad naman itong naabutan ni dante at hinampas ang ulo. labis din ang pag iyak ng mga kapatid ni kate dahil sa kaguluhan, "okay lang ba kayo?" tanong ni dante. 

"sa akin okay lang ako pero ang mga kapatid ko hindi!" sagot ni kate.

tinulungan ni dante ang mga bata na tumayo at tsaka sila umalis sa kanilang pwesto. nilabas ni kate ang kanyang kutsilyo upang tulungan si dante sa pagpatay ng iba pang zombie. nasanay nadin si kate sa ganitong sitwasyon kaya parang nakakasabay nadin siya kay dante dahil ayaw nitong maging pabigat ulit kay dante kung sakaling magsama ulit sila.

habang malapit na sila sa labasan ng evacuation center, bigla nalamang huminto si dante, "dante! bakit anong problema?" hindi alam ni kate kung bakit bigla nalamang ito huminto. ang hindi alam ni kate na ang dahilan kung bakit biglang huminto si dante ay dahil nakita nito ang kanyang ina na naging zombie nadin.

hindi makapaniwala si dante sa nakikita niya na para bang panaganip ang lahat dahil ang nag iisang pamilya nito ay isa nading zombie. biglang nagtaka si dante kung bakit biglang itinaas ng ina niyang zombie ang dalawa nitong kamay na para bang pinapaabot ito sa kanya, "d-d-dan t-tee!!!"

tinawag siya ng kanyang ina sa kanyang pangalan, napaiyak si dante at lumapit ito sa kanyang ina at niyakap ito. habang niyayakap niya ang kanyang ina bigla siyang kinagat, hindi ito pinansin ni dante at patuloy lang sya sa pag yakap nito at sa pag iyak at humingi nadin ito ng tawad sa kanyang ina dahil hindi niya naligtas ito, "ma! patawadddd!!!" 

habang niyayakap niya ang kanyang ina ay bigla nalang sumabog ang ulo nito. dahil binaril pala ito ng isa ring survivor. walang reaction si dante sa nangyare dahil nasa isip isip nadin nito na, zombie nadin ang kanyang ina at hindi nya din ito kayang patayin at nagpasalamat pa si dante sa bumaril, "salamat kung sino kaman."

"hehh!!!" sagot nito, "halika na at sumunod kayo sakin, isama muna din yang babae at yang mga batang kasama nyo."

agad na umalis sila dante, kate at ang mga kapatid nito ganon nadin ang survivor na tumulong sa kanila. ang survivor na ito ang nakakita sa nangyare sa kanila habang papunta sila sa evacuation center at sinundan sila nito ng palihim, dinala sila ng survivor sa isang bahay at nag pahinga sila dito. habang nagpapahinga napansin ni kate na ang lungkot ni dante at tinanong nito kung sino yung zombie na niyakap niya, "dante sino yung zombie na niyakap mo kanina?" 

"nanay ko yun, sya ang dahilan kung bakit ako pumunta sa evacuation center para hanapin sya." 

"g-ganon ba?! sorry ng dahil samin naging zombie ang nanay mo!" malungkot na sabi nito.

"wag mo sisihin ang sarili mo, hindi mo naman kasalanan na naging ganon ang nanay ko . kasalanan koto dahil isa akong mahina kaya hindi ko naligtas ang sarili kong magulang." sinuntok niya ang sahig dahil sa sobrang inis at galit nito sa kanyang sarili.

"hindi totoo yan, hindi ka mahina. ng dahil sayo nandito at ligtas ako at ang mga kapatid ko."

biglang sumingit ang survivor sa kanilang pag uusap, "ehem! ehem! wag kayo maingay natutulog na ang mga bata." "diba ang pangalan mo dante!" banggit ng survivor.

"oo, dante pangalan ko bakit mo alam?"

"ow! ow! chill lang bro hindi ako stalker tulad ng inisip mo" "nagkataon lang na nakita ko kayo na magkasama papunta sa evacuation center at napagdesisyonan ko na sundan ko kayo, you know baka may exciting na mangyare haha."

dahil sa narinig ni dante ay agad itong nagalit at hinawakan ang kwelyo ng damit ng survivor, "ano sabi mo? exciting ba na nagkaroon ng trahedya sa loob ng evacuation center?!"

"wews! relax bro kahit na ganto ako may awa padin naman ako sa mga tao kaya chill ka lang bro."

"tsk!!!" at binitawan ni dante ang pagkakahawak nito sa kwelyo at naupo nalamang, "tsaka nga pala ano pangalan mo?" tanong ni dante.

"ako si alexander, you can call me alex nalang for short." "alam mo naging interesado ako sayo dante."

"ano?! pinag lololoko moba ako?"

"relax bro mali yang iniisip mo, naging interesado ako sayo dahil sa abilidad o sa kakayahan mo."

"abilidad? kakayahan? ano pinag sasasabi mo."

"wag kana mag maang-maangan pa, alam kong dika tinatablahan ng kagat ng zombie kahit ilang beses kapa kagatin wagka mag alala satin satin lang to at hindi ko ipag kakalat haha!"

"tsk! ano naman kung hindi ako tinatablahan ng kagat ng mga zombie kahit ako hindi ko alam kung bakit ganon nangyare sakin."

"sa totoo lang hindi lang ikaw ang may ganyang kakayahan, meron din akong kakayahan pero iba, hindi katulad ng sayo."

"ano ba ang kakayanan mo tulad ng tinutukoy mo?" 

"kung sayo mala bakal na balat ang sakin naman mala agila ang mata in short kaya kong makita ng malinawan kahit na nasa malayo ako na lugar. nakikita mo ba tong dala ko isa itong baril na sniper ito lang naman ginamit ko sa pag patay sa zombie mong nanay."

"ganon ba! btw salamat dahil ikaw na gumawa ng bagay na iyon, hindi ko kasi kayang saktan ang nanay ko kahit na nasa ganong kalagayan na sya."

"may sasabihin pako sayo dante isa itong importanteng bagay."

"ano iyon?" nagtatakang tanong nito.

"alam munaba yung tungkol sa mga survivor guild at survivor's guild association o SGA kung tawagin?"

"survivor guild? SGA? hindi ko alam yan at ngayon ko lang narinig yan."

"o sige wag ka mag alala sasabihin ko din naman sayo kung ano ang SGA at survivor guild." "pero bago yun mag pahinga muna tayo at pagod ako kakasunod sa inyo hehe."

"tsk! bahala ka basta bukas ipaliwanag mo sakin kung ano ang mga yan at kung hindi naman maganda ang bagay na iyan magkalimutan nalang tayo."

"okie dokie, no problem alam kong magugustuhan moto haha."

JRLnovel Creator

Chapter 3 - Trahedya sa evacuation center