"bzzz! bzzz! hello?" tunog ng radio.

agad naman itong pinuntahan ni dante ang radio at kinuha, at nag patuloy sa pagtunog ang radio. "kung may nakakarinigman sa minsahe na ito na nag mumula sa ibat ibang istasyon ng radio makinig ho kayong lahat. tayo ay nagkaroon ng matinding sakuna at tinatawag itong zombie apocalypse, sa lahat ng nakakarinig nito at sa mga natitirang survivor ay agad kayong mag evacuate sa pinakamalapit na evacuation center. sa mga taong nag aalala sa kanilang mga pamilya wag ho kayong mag alala dahil nakalikas na ang mga mamamayan ng lugar na ito sa pinaka malapit at ibat ibang evacuation center at kung may hinahanap kayo na pamilya nyo agad kayong pumunta sa mga evacuation center at mag iingat kayo sa daan, hihintayin namin kayo. bzzz..." 

pagkatapos mapakinggang ni dante ang nag sasalita sa radio ay parang nabunutan ito ng tinik sa kanyang dibdib dahil nag karoon ito ng pag-asa na baka sakaling ligtas pa ang kanyang ina at nakalikas na ito sa evacuation center. agad na nag impake ng mga gamit si dante, kinuha niya ang kaniyang bag at nag lagay ng mga damit, tubig, makakain, at iba pa. 

pagkatapos ni dante mag ayos ng mga gamit ay agad na itong lumabas at minamasid ang kapaligiran kung may nagbabadyang panganib, ngunit wala naman nakitang zombie si dante sa labas ng kanilang bahay at tsaka ito umalis patungo sa evacuation center. biglang sumagi sa isip ni dante na kulang ang dala nitong pagkain at naisip nya na dumaan sa convenient store, nag double ingat si dante sa pag punta sa convenient store. habang nag iingat ito, ay may napansin siya na may parang gumagalaw sa loob ng convenient store at aninag tao. dahan dahan na lumapit si dante sa pinto at sinilip ito. napabuntong hininga si dante dahil isang survivor lang pala ang nasa loob, nagulat ang survivor habang kumukuha ito ng mga pagkain.

"s-sino yan?" takot na sabi nito.

agad na nag pakita si dante, "kapwa survivor modin ako, pasensya na kung natakot kita. habang papunta kasi ako dito akala ko zombie kaya nag tago muna ako." sambit nito.

"g-ganon ba! edi kung ganon nandito ka din para kumuha ng mga pagkain?" 

"oo, may dala na ako kaso naisip ko na baka kulangin kaya pumunta ako dito."

agad na tinanong ni dante kung ano ang pangalan nito, "tsaka nga pala, ano pala ang pangalan mo?"

"ako si kate, ikaw ano pangalan mo?" tanong din sa kanya "dante, dante ang pangalan ko."

 pagkatapos nila mag pa kilala sa isat isa ay tsaka na sila kumuha ng mga pagkain na kanilang dadalhin, "pupunta kadin ba sa evacuation center?" tanong ni dante.

"oo, pupunta ako dun at titignan ko kung nandun mga kapatid ko, sana ligtas lang sila." 

"sakto duon din ang punta ko, gusto mo sabay na tayo pumunta? delikado din na mag isa sa daan lalo na mdaming zombie sa dadaanan natin."

pumayag naman si kate sa alok ni dante na sabay sila pumunta sa evacuation center para nadin mas doble ingat. pagkatapos nila kumuha ng mga kakainin ay agad na sa silang umalis ng convenient store.

habang sila ay nag lalakad, si dante ang nangunguna sa daan at si kate naman sa hulihan para kung may biglang mag ambush na zombie ay agad silang makaka-react. biglang nakarinig si dante ng kaluskos galing sa unahan at agad itong huminto, "bakit ka huminto?" tanong ni kate. "shhh!!! wagkang maingay may narinig akong kaluskos sa bandang unahan, teka lang at sisilipin ko."

sinilip ni dante kung saan nya ito banda narinig, pagkasilip ni dante ay nakita niya na napakadaming zombie ang nakaharang sa daan at nagulat ito sa kanyang nakita at napaatras. 

"kate! kate! atras, balik tayo madaming zombie dito. kate?" nag tataka si dante dahil hindi sumasagot si kate sa mga sinasabi nito. biglang humarap si dante at nakita nito na nakatulala at walang imik si kate, "d-dante wag kang kikilos m-may zombieee." 

biglang sumugod ang zombie na nakatingin kay kate at biglang napaupo si kate dahil sa sobrang takot, agad din naman na sumugod si dante para patayin ang zombie. hinampas niya ang ulo gamit ang sandata nitong baseball bat na galing pa sa gym, "ayos ka lang ba kate?" tanong nito. tumango lamang si kate at natatakot padin, agad naman na tinulungan ni dante na tumayo si kate at akala nila okay na ang lahat.

narinig ng iba pang zombie ang mga tunog banda sa kanilang pwesto at biglang napatingin si dante kung saan may maraming zombie at nagulat ito, "shit!!! takbo kate!!!" kinuha ni dante ang kamay ni kate at sinimulan na nilang tumakbo. napakadaming zombie ang humahabol sa kanila dahil sa sobrang pagod at takot ni kate ay napatid pa ito.

"kate!? ayos ka lang ba?" 

"ughh! d-dante iwanan muna ako hayaan muna ko dito."

"hindi pwede, kailangan nating makapunta sa evacuation center diba hahanapin mopa mga kapatid mo?" sigaw nito habang nag aalala.

"hindi na ako makatayo at makatakbo pa, parang may naipit na ugat sa paa ko, cghe na dante umalis kana iwan munako malapit na sila."

walang magawa si dante kung din buhatin nalang si kate, "t-teka dante, anong ginagawa mo?" 

"hindi kita pwedeng iwan dahil may mga kapatid ka pang nag hihintay sayo." binuhat ni dante si kate at walang magawa si kate kungdi hayaan nalamang na gawin ito sa kanya ni dante. sinimulan ni dante na tumakbo ulit buhat-buhat si kate. makalipas ang ilang minutong pag takbo ay nakahanap ng bahay si dante para dito na lamang mag pahinga muna. 

inilapag ni dante si kate sa higaan at kinuha niya ang bag para kunin ang first aid kit, agad nitong ginamot ang sprain sa paa ni kate. "salamat dante hindi moko iniwan kahit na sinabi ko sayo na iwan moko." 

"walang anuman, sabi ko nga diba na sabay tayong pupunta sa evacuation center."

bumaba si dante galing sa taas at sinilip kung may mga zombie pa sa labas, pagkasilip nito ay may mga zombie na at ang mga zombie na iyon ay ang mga humabol sa kanila kanina, bumalik si dante sa taas para sabihin ito kay kate.

"may mga zombie sa labas yun yung mga humabol sa atin kanina!" 

"ganon ba, siguro dito muna tayo mag pahinga at mag palipas ng gabi at kung okay na ang paa ko bukas pwede na tayong umalis."

"tama, mas mabuti nga kung ganon."

dito sila nag palipas ng gabi sa bahay na kung saan ay ginawa nila itong taguan, ilang araw din ang nakalipas bago gumaling ang sprain sa paa ni kate at pagkagaling nito ay agad din silang umalis. 

kahit na ilang araw din sila na nag tatago ay may mga zombie padin na nakakalat sa daan at hindi nadin ito gaano kadami katulad nung mga nakaraang araw. lumabas si dante at dala dala ang baseball bat nito, sinimulan niya ang pag patay sa mga zombie ng paisa isa at pagkatapos ng pagpatay nito ay agad itong sumigaw, "kate! okay na wala ng mga zombie dito maaari ka nang lumabas." lumabas si kate ng marinig niya ang sigaw ni dante at nag daretso na sila patungo sa evacuation center.

habang sila ay nag lalakad hindi alam nila dante namay sumusunod sa kanila na isang zombie, ang zombie na ito ay isang atleta. nuong nabubuhay pa ang zombie na ito ay isa itong atleta ng track n field at sumasali ito sa palarong pambansa. 

habang nag lalakad sila ay bigla nalamang tumakbo ang zombie na ito at nag dare-daretso patungo kay dante at kinagat siya sa kanyang balikat. nagulat si kate at napasigaw, agad na binunot ni kate ang kutsilyo nito at sabay sinaksak niya ang likod ng zombing atleta ngunit wala itong talab at hindi bumibitaw ang atletang zombie mula sa pagkakakagat nito. hindi na bago kay dante ang ganito dahil alam niya na hindi siya nagagalusan o hindi siya natatablahan ng anumang uri ng kagat ng mga zombie, kaya agad nitong hinawakan ni dante ang ulo ng zombing atleta at pwersahang inalis sa pagkakakagat nito at binunot ni dante ang kutsilyong nakasaksak sa likuran ng zombie at tsaka ito isinaksak sa ulo ng zombing atleta at agad itong natumba. 

labis ang pag aalala ni kate kay dante, "ayos ka lang ba? baka may kagat ka?" at tinignan ni kate ang balikat ni dante at nagulat ito na walang bakas na kagat o sugat ang nasa balikat ni dante. 

"nagulat kaba?" tanong nito. "maski nung una nagulat din ako, ilang beses na ako kinagat ng zombie pero kahit isang galos o kagat wala man lang." 

akala nila dante na okay na ang lahat at biglang tumayo ang zombing atleta at tumakbo papunta kay kate, napansin ito ni dante at agad nitong hinarangan si kate at pinakagat ang kanyang braso. binunot ni dante ang kutsilyong nakatusok sa ulo ng zombie at tsaka ito pinag puputol ang dalawang paa ng zombie para hindi na ito ulit makatakbo at dinurog nadin niya ang ulo nito at para masigurado na patay na ang zombie. 

nagpasalamat si kate sa ginawa ni dante na pag sagip sa kanya sa pangalawang pagkakataon, nabanggit din ni dante na kailangan na nilang umalis dahil hindi na safe ang lugar na ito at baka may mga zombie pa na mga nagtatago dito kaya dapat nadin nilang umalis. nag patuloy sila sa paglalakad papuntang evacuation center, hindi nila alam namay ibang survivor pala ang nakakita sa mga nangyare at natuwa din sa nakita nito na kahit nakagat si dante ay wala padin itong sugat o kagat. 

"mukang interesado ito!" banggit ng survivor.

JRLnovel Creator

Chapter 2 - Ang zombing atleta