Game 2142
10:56 na ng gabi at nakikipaglaban ng normal match ang team REVENGE sa isang urban na kabahayan. 3-0 na ang score na. Ang kalaban ay tatlong attacker at isang shooter.
Tumatakbo si Cj sa bubong ng mga kabahayan dahil hinahabol siya ng isang attacker. Iyon nalang ang natira dahil pinaslang na ni Kim ang mga kasamahan nito, papunta narin ito kung saan naroroon sila Cj.
Habang si Glenn naman ay nakaabang sa bubungan ng isang bahay. Tinitignan niya sa scope si Cj na hinahabol ng attacker. Sa sobrang bilis ng kalaban ay mabilis itong nakahabol, hiniwa niya si Cj habang tumatakbo, pero nasangga ito gamit ang espada at tumalon sa kabilang bahay.
“170 meters........ 150 meters...... 130 meters...... Cj sa hudyat ko umilag ka.”
Utos ni Glenn kay Cj na kahit isa itong laro ay hingal na hingal parin. Nang lumapit na si Cj sa 100 meters ay nag bigay nang hudyat si Glenn. Kinalabit na niya ang gatilyo ng kayang baril pero sa hindi inaasahanng pagkaka-taon, imbis na be-buwelo ng talon si Cj ay nadulas ito pabulusok sa bahay, dahil ang bubong ng bahay ay gawa sa tiles. Napamura siya at natawa ang humahabol na attacker sa nangyari, pero hindi nya namalayan na binaril pala siya ni Glenn na tumama sa kaniyang dibdib, agad na namatay ang attacker at nanalo ang team revenge sa score na 4-0.
Teleporting in 1 min
“HAHAHAHA ano ginagawa mu... hahaha.”
Hindi makahinga si Glenn sa tawa habang si Cj ay tumatayo sa kanyang kinahulugan. Nakita rin ito ni Kim pero pinipilit niyang hindi tumawa sa pamamagitan ng hindi pagtingin kay Cj. Nagtagpo ang tatlo sa pwesto ni Cj na ngayon ay nagpapagpag nang damit.
“Isasave ko yung part na yun para sayo hahaha”
“Slash!!!!!!”
Habang nagsasalita si Glenn ay inatake siya ni Cj sa pmamagitan ng pagactivate ng skill ng kanyang espada. Si Kim naman ay pinapanood ang dalawa. Natanong naman ni Cj kung bakit espada na ulit ang gamit ni Kim imbis na scythe, pero hindi na niya pinalitan ung kanyang outfit na itim na coat.
“Hmm magandang tignan” Sagot naman ni Kim kay Cj, at na teleport na ang tatlo pabalik sa room
Teleport
*****
“Buti nanalo tayo kahit kulang tayo ng isang player.”
Bangit ni Cj habang tumitingin sa kanyang window screen. Nag salita rin si Glenn tungkol doon.
“Magaling naman ang mga kalaban, kaso may magaling rin tayo na player, diba Kim???”
Tanong niya kay Kim pero tango lang at pilit na oo lang ang sinagot nito. Halos limang buwan na ang lumopas mula ng maging team sila. Ang goal nila ngayon ay makuha ang titulong ninakaw sa ama ni Kim, at ito ang pagging game master.
****
Lumabas na sila sa teleporting chamber room at mag lalog-out
“...sa lunes naman, may gagawin ako sa weekend ihh, pero kailangan natin magpalakas para matulungan natin si Kim sa kanyang mission.”
Bangit ni Glenn sa dalawa, si Cj naman ay napa-salute at si Kim naman ay hindi na rin nagsalita. Humirit si Cj at natanong kung nasaan si Nicoh pero hindi rin alam ni Glenn at sinabi rin nya na madalang pumasok ito. Tinanong niya kung ano ang dahilan nang pagliban niya sa klase ang sinagot naman ni Nicoh ay agent work. Natapos na sila sa paguusap at sabay sabay sila nag logout.
Pagkatapos noon bumukas ang pinto nang I.T.S. at lumabas si Cj. Nagsara ang pinto ng I.T.S.(see volume 1 chapter 1) at bumababa siya papuntang kusina para uminom nang tubig, sakto namang dumating ang kanyang ina na kakagaling lang sa trabaho.
“Ohh gising kapa kumain naba kayo??”
“Syempre naman hating gabi na ihh, tinirhan ka namin ng ulam initin ko na??”
Tanong ni Cj sa kanyang ina na isang programmer sa isang american company na naka base sa Pilipinas. Umakyat na si Cj at humiga dahil ang kanyang ina nalang daw ang mag-iinit. Matutulog na sana sya pero naisip nya ang pa ulit ulit nyang napapanaginipan. May nakasampang isang babae sa isang palayan o matatas na damo hindi nagtagal ay napikit nalag siya at nakatulog.
***
Sa kabilang banda kakatapos lang mag-ayos nang papeles si Nicoh sa isang hotel room sa china. Humiga na ito para magpahinga tinignan nya muna ang mga gamit niya kung kumpleto na. Damit, mga documento, smartphone at salamin pambasa. Aligaga sya dahil bukas na gaganapin ang pagdinig sa pagalis nang titulong dead-country sa dalawamput-apat na bansa. napapikit narin ito at ang ilaw sa room ay kusa nang namatay.
***
Sumapit na ang umaga at 10:00 am na nagising si Cj. Bakas sa mukha niya na napanaginipan na naman niya ang babae at ang lugar. Bumaba na siya at pumunta ng sala. Nakita niya ang kayang ina na nag kokompyuter, habang si Joy naman ay nanonood ng palabas sa telebisyon nang naka higa.
“Oyy....... paupo naman ohh....”
Hindi pinansin ni Joy ang sinabi ni Cj kaya binaba niya ang paa nito at umupo pero itinaas ulit pero tinungtong naman ito sa balikat ni Cj at nag away na sila.
“Hoy.....ano ba yan! wag kayong magulo at nag kokonsentrate ako dito!”
Inis na sabi ng kanilang ina at nahinto na ang away ng magkapatid at nanonood nalang nang palabas sa tv. Habang naglilipat ng channel si Joy ay saktong napunta ito sa anime channel at dali dali nitong nilipat ng magkapatid pero huli na ang lahat, kahit anong bilis ng paglipat nila ay nakita ito agad ng kanilang ina.
“...ibalik nyo......”
Binalik nila sa anime channel at wala na silang magawa habang pinapanood na ng kanilang ina ang anime. Habang si Joy naman ay tumayo para kumuha ng makakain. Si Cj naman ay pinatong ang paa sa lamesa para maging komportable ang kanyang posisyon sa panonood nang telibisyon. Kinalaunan ay naiyak ang magkapatid sa kanilang pinanood na anime dahil namatay ang minamahal nang bida nito.
“Hehe bat ka naluluha Joy....”
“Huh!! Naluluha ikaw nga nagpupunas nang mata ehh”
Nahinto ulit sa pagtatalo ang dalawang magkapatid dahil ang kanilang ina ay humagulgol ng iyak at nang pupunas nang sipon. Pagtapos ng palabas ay tumayo si Joy at naghanda dahil pupunta ito sa eskwelahan dahil sa School festival. Isa si Joy sa mga representative sa section nila, kaya kailangam kasama siya sa meeting. Si Cj naman ay nanood ulit pero bagot na bagot ito sa panonoood nang tv habang kumakain. Kinalaunan ay naantok na ito nang biglang nabaling ang kanyang atensyon sa isang channel kung saan may Court Hearing na nagaganap. Hindi nya muna agad nilipat ang palabas at sinabihan rin siya ng kanyang ina na wag ilipat ng ibang channel. Nng pinanood nilang ito ay hearing kung saan ang topic ay ang pagtanggal ng titulong deadcountry sa dalawatput-apat na bansa. Kasama rito ang bansang Pilipinas, pero ang pumukaw ng atensyon ay ang nagsasalita sa harap ng mga judge. Isang lalaking naka coat at naka reading glasses at maayos na buhok. Inisip-isip niya na parang kilala niya ito. Tinakpan niya ang buhok sa screen ng tv at inimagine ang nakababang buhok ay nagulat siya dahil si Nicoh pala ang lalaking nagsasalita.
.