undefined

undefined

“Anong ginagawa mo sa tv???” 

  

Tanong ng kanyang ina. Umupo si Cj
nag message kay Glenn, nag reply agad si Glenn at ganon rin ang reaction na
naramdaman. Nag seen na rin si Kim sa group chat at para bang alam na nya na
ganon ang mangyayari. Pinagpatuloy nila ang pagnood sa hearing hanggang matapos
ito. Umabot ito ng gabi sa tagal at ang konklusyon ay hindi pa maaring payagan
na matanggal ang titulong dead-country sa dalawamput-apat na bansa dahil sa
kanilang utang na 40% palang ang nababayaran. Nagkomento naman ang ina ni Cj sa
pangyayari na iyon.
 

  

“Hays kailan pa kaya matatangal iyon sa laki ng utang
nang Pilipinas, aabutin ng dalawang dekada ang pagbayad. Ang hirap siguro ng
posiyon ng anak ng dating presidente dahil walang tumatayong leader nang bansa
kaya sya na ang ang nilagay sa ilalim.”
 

  

“Ngek bakit naman ilalim??? Diba dapat taas yun??” 

  

Tanong ni Cj habang nililigpit na nang ina niya ang
laptop.
 

  

“Dahil sa nangyayaring sitwasyon, parang buhat-buhat
niya ang bansang Pilipinas. Ngayon kung sino man ang leader ng bansa ay sya ang
magiging responsable sa mga kasalanan nung nakaraang administration diba??? Nung
nagpakamatay ang presidente ng Pilipinas dahil sa pagkalubog sa utang. Simula
non ay wala ng
tumayong leader, at ang
nag-iisang nyang anak ang pinalit. Edi parang pasan nya tayo kaya sa ibaba sya.
Buti hindi na pre-presure yun.“
 

  

“Ano ba kasalanan nung nakaraan??” 

  

Nangunot ang noo ng Ina ni Cj sa tanong pero sinagot
nya parin ito.
 

  

“Ahhhhh... bago maging Age of Advance blah blah noong
year 2019,
puro disaster ang nangyari sa
bansa at sa buong mundo. Sunog dito, lindol doon, nandyan din ang korapsyon sa
bansa natin. Pero ang dalawang major disaster ay ang red pandemic, isang sakit
na nanggaling sa bansang china na umubos ng bilyong katao. Nung mga unang taon ay
naagapan pa ito at nagawan ng vaccince, pero dahil sa paglawak at pag mutate ng
sakit na ito, hindi na naagapan ng mga ginawang vaccince. Dito nalubog ang
bansa sa utang hmmm..... pagkakatanda ko bale may nagbabadyang gyera rin nun
ihh, pero yung red pandemic talaga ang may malaking effect sa mundo. Kasabay
rin nun yung pagsabog ng isang facility sa Switzerland. Grabe yun halos mabura
sa mapa yung bansa na yun, pero nung halos bilyon na ang namatay may isang
kompanya ang sumulpot at nag bigay ng mas matibay na vaccine. Dahil doon unti
unti nagamot ang ang ang ...ang naghiihngalong mundo........tsk dahil dun kaya
naghiwalay kami nang ama mo ihh..... ahhhh ang haba ng sinabi ko. Ok na siguro
yan no?”
 

  

“Ahhhhh ma sanka nakatingin???” 

  

Sabi ni Cj sa kanayang Ina na nakatingin sa kanan
bahagi niya na para bang may nakikinig din. Pagtapos ng mahabang kwento ay
nagluto na si Cj para sa hapunan at sakto namang dumating si Joy at nag bihis
pambahay. Inihain na ni Cj ang ulam at kanin, habang si Joy at ang Ina nila ay
naglalaway sa ulam na sinigang Pagtapos non ay nagumpisa na silang kumain.
 

  

“Ma, Joy bawas-bawasan nyo pagkain ng kanin, baka
tumaba na kayo.”
 

  

Nahinto ang dalawa sa pagsandok ng
kanin at napatingin ng masama kay Cj. Biglang natanong ni Joy kung ano ang
gagawin ng section nila Cj, pero ang sagot ni Cj ay hindi pa ito napag
didisisyonan ng klase.
 

  

“Ahhh ganun ba pero isang linggo nalang ahh! yari hindi
pa kayo nang papasa nang form.“
 

  

“Yun nga ihh, dapat nung biyernes pa yun ihh, kaso nag-away
si Kenneth at class press namin.”
 

  

“Si Kenneth? Bakit naman? lakas ng loob na awayin yung
class press nyo ahh. Sya yung pinaka nakakatakot na class press sa school.“
 

  

Tanong ni Joy sabay higop ng sabaw. Ang Ina nila ay
kain lang nang kain.
 

  

“Ehh alam mo naman ayaw patalo, pero sino ba naman
hindi tututol dun sa maid cafe?”
 

  

“Ehhh Maid cafe? ayus yun ahhh! May mga cosplay outfit
ako ng maid baka gusto nyo?”
 

Komento nang ina ni Cj 

  

“Lalaki mag susuot ng maid uniform......” 

  

“ehh?“ 

“WAHHH!” 

  

Excited na reaction ng kanyang Ina, Habang ang kanyang
kapatid naman ay para bang nandidiri
 

  

“Kaya yun, kahit botohan hati disisyon ehh, kaya
malalalan natin sa lunes, abangan!!!”
 

  

Sabi ni Cj habang nakatingin sa kanyang tagiliran na
parabang may nakikinig rin sa kanya.
 

  

“Huh? sino tinitignan mo dyan kuya?” 

“Gay-gaya!” 

  

Sabi ng kayang Ina at nag-tawanan ang
tatlo.
 

*** 

Natapos ng kumain ang pamilya at si Cj
naman ay pumunta sa kanyang kwarto. Tinginan niya ang I.T.S. at humiga siya sa
kama pero sumulyap ulit siya dito. Tumayo siya at lumapit sa machine pagtapos
ay pinindot niya at nagbukas ito. Pumasok siya at nag sarado ito ng kusa at nag
countdown ng tatlong secondo bago matransport sa game. Bigla nahatak siya ng
isang kakaibang pwersa na nagpapikit sa kanya. Maya-maya lang rinig na ang lakad
at ingay ng mga player na naguusap. Sa pagdilat ng kanyang mata ay bumungad sa kanya
ang mga player na naglalakad. Biglang may nakasagi sa kanya at nag-sorry siya,
pati ang player ay humingi din ng pasensya. Agad-agad ay pumunta siya sa
practice room para mag ensayo at nagbabakasakali na maka unlock ng skill nag
set siya ng dummy enemy V.A.I. Pagkatapos nun ay nag handa sya para ma teleport.
 

  

Teleporting in 10 secs 

  

Na teleport siya sa isang malawak na
open field na room at kasabay noon ang pag-sulpot ng isang dummy attacker. Agad
siyang sumugod dito at napatay niya agad. Pagtapos ay may lumabas ulit na
dalawang attacker. Walang ano-ano ay sumugod agad ito hindi niya alam na isa-isang
sumusulpot ang dummy enemy sa paligid at duma-dami nang duma-dami.
 

  

“Slash!!!!!... Parang ang dami ata ahh... teka kahit
dummy lang kayo hindi ko kayo
ahhhhhhhh!” 

  

Isa-isa pinapatay ni Cj ang mga dummy
enemy pero hindi ito nauubos. Kinalaunan ay may lumabas na shooter at sniper na
dummy enemy at pinagbabaril si Cj. Buti na lang hindi namamatay sa practice
room ang isang player, pero ang mga damage na natatanggap niya ay madami kaya
masakit ng bahagya sa isang player. Hindi ma open ni Cj ang window screen dahil
dinadaganan siya nang mga dummy, pero nakaisip ito nang paraan at nag-activate
nang skill.
 

  

“Doublplex slashhhh!!!” 

“Doublplex slashhhh!!!” “Doublplex
slashhhh!!!”
  

cjp00 Creator

.