Nag mistulang trumpo na tagilid si Cj
dahil paulit ulit siyang gumamit nang skill. Sa paraan na iyon ay nagtalsikan
at naalis ang mga nakadagan sa kanya. Pagtapos noon ay agad siyang nag-exit
dahil nag sulputan ulit ang mga dummy enemy. Lumabas siya sa practice room at
nanlanta sa pinagga-gawa niya.
“Hays.....bat andami nun gusto ko lang naman mag
practice ng 1v1 ehh.”
Bulong niya sa kanyang sarili. Napa
buntong hininga sya ng biglang may kumalabit sa kanya. Isang player na naka
maid outfit at nakatalukbong nang tela ang ulo. Nang pagtingin ni Cj sa mukha
nito ay si Mey pala ang player.
“Ohh may bat naka ganyan ka????”
“SHHHHHHHH!!!”
Pabulong na sabi ni Mey at sabay
takip sa bibig ni Cj. Unti-unti nilang naririnig ang mga dagungdong ng paa ng
mga player na tumatakbo. Hinatak ni Mey si Cj papasok sa practice room at
nilagyan ng password ang room, para walang makapasok. Pagkatapos ay tinanggal
niya ang tela sa kanyang ulo at bumungad ang suot niyang maid outfit na may
espada sa likod.
“Wow dami mong avatar ahh!!!“
“Ahh, ganun ba maganda ba??”
Tanong ni Mey habang umiikot at pinapakita kay Cj ang
mahabang palda at boots nito na kulay itim, at ang supil na pang maid. Sumagot ng
oo si Cj at natuwa naman si Mey, pero sunod noon ay tinanong ni Cj kung bakit
siya nagtatago sa mga player.
“Ahh mga fans ko sa game yung mga players na humahabol
sakin.“
“Hindi ba maganda yun????”
Tanong ni Cj sabay pumunta sa upuan para umupo.
Sumunod rin si Mey sa upuan, nagulat si Cj dahil habang nagsasalita si Mey
malapit ito sa kanya at halos magka-dikit na sila.
“Oo tingin ko maganda, mataas popularity sa game. Kaso...
yung iba ng haharasss na at lumalagpas na sa line. Teka... ano ung
binubutingting mo dyan sa window screen mo?? “
Pabirong sabi ni Mey kay Cj na nag-uumpisa ng mag-panic,
dahil sa lapit nila sa isa’t-isa. Napansin niya ang window screen ni Cj at
information.
“Ahhh yung mga information mo tunay yan no??? “
“Oo ganun na ng—“
Nagulat si Mey dahil nakalagay ang tunay na mga
information ni Cj sa game. Kung ano ang Number, Address at School na
pinapasukan nito. Sinabi niya agad kay Cj na delikado iyon dahil pwede ito
pagmulan ng problema sa game or real world. Sinabi ni Mey na baguhin agad ito bago pa malaman ng iba pang mga player,
lalo na ang mga handang gumawa ng masama sa tunay na mundo.
“Ahh salamat-salamat, babaguhin ko sa suno-”
“Nga.....Yon....Na”
Paisa-isang bigkas ni Mey kay Cj
habang nilalapit ang mukha niya na halos ika tumba sa upuan ni Cj. Napilitan
ito na baguhin ang mga information on the spot. Habang nag babago ay napansin
ni Mey ang school na pinapasukan ni Cj.
“Sa next-jap Institute ka rin pala nagaaral?”
“Oo bakit dun ka rin nag-aaral!!????”
Gulat na sagot ni Cj na para bang swerte dahil may
player ulit na makikilala sa tunay na mundo, Pero hindi ang sagot nito.
“Ehh... ahh... ano lang.... hindi-dating kakilala ko
lang doon din nag aaral.”
Pautal-utal na sagot ni Mey at parang
pinagpawisan, kahit nasa game sila. Inabot ng mga ilang minuto ang pagpapalit ng
mga information ni Cj. Habang tinuturuaan ni Mey kung pano magpalit.
“Yahay natapos na rin, dahil dyan hindi kana madali ma
scam ng mga ibang player.”
“Scam??”
“Ehh hindi mo alam yun?? Yung mga manloloko na player,
kadalasan target nila ang rp points.”
Naalala ni Cj yung lalaking brown na buhok na naging
dahilan ng pakikipag laban nila sa magkakapatid na player.
“Ahhh! parang yung sinabi ni Glenn.”
“Ganun na nga! pero nga pala, nag practice kaba dito
nung nakita kita kanina?”
Sumagot nang oo si Cj, at sinabi nya
ang kung ano ang ginawa nya kanina, tungkol sa hindi pag adjust ng settings ng
mga dummy V.A.I. na halos hindi siya
maka exit sa practice room. Dahil dito ay natawa si Mey at itinuro kung pano
ayusin ang settings.
“Hahahhaha... ok lang yan newbie player ka pa naman
ihh. Eto papakita ko punta ka sa window setting, may icon dito ng callibration
kung low high or mid, and lagay mo kung ilan dummy tapos i-set mo rin kung anong class ang lalabas, kung
attacker ba or shooter, para sa ganun hindi ka maguluhan. Pede mo rin i set yung
environment dito sa next panel at yan voala.”
Bigla silang na teleport sa practice room sa isang
open field na mabato at mahangin. Lumabas ang isang dummy pag tapos ay sumugod
ito sa dalawa, pero agad itong hiniwa ni Mey sa tatlo.
“Pag tapos neto ay pwede ka mag-bukas ng windows
screen at i pause and play ang pag spawn.”
“Ahhh unti-untiin ko lang, di pumapasok sa utak ko.”
“Hahaha may pagka mangmang ka nga, ayon sa naririnig
ko hahahaha.”
“Oo ehh, hahaha hmmmm, san mo naman narinig yun???”
Pinagpawisan ulit si Mey kahit na nasa game sila. Sinabi
niya na noong tournament ay nadinig niya na nag-uusap ang team nila Cj sa gilid.
Pautal-utal niya sinabi ito na para bang nag hahanap ng palusot.
“Ahh ok-ok hahaha, pagpasensyahan mo na ako.”
“Wala yun sorry rin at nakikinig ako sa usapan nyo (safe).”
“Nga pala pano mo nagawang tatlo yung douplex skill??”
Tanong ni Cj habang nag papalabas ng
dummy si Mey sa field. Sinabi niyang ito ang upgrade version ng douplex at
triplex. Pinakita niya ito ulit sa pamamagitan ng pag hiwa sa isang dummy na
tumalsik pagtapos nang atake.
“Ganun lang“
“Woahh! lupet ahh! matututnan ko rin ba yan ?”
“Oo naman, kaso matagal tagal pa. Pano naman kasi
hindi basta-basta na uupgrade ang default skill at all around na skill. Laban lang ng laban, kailangan ma
prepresure yung player, o kaya depende sa situation. Pero hindi tulad ng tatlo
tanging ang unique skill lang ang pwede mapasa sa ibang player.”
Habang nag sasalita si Mey ay sumubok
si Cj na pumatay ng isang dummy. Inatake niya ito at hiniwa gamit ang skill na
douplex splinter, pero hindi gaano ka lakas katulad ng kay Mey.
“ahh galing ahh malakas ka para sa isang newbie. Hindi
kataka-taka na nagamit mo yung slitsword ko hehe”
“ahh salamat... tungkol nga pala dun.... Pasensya,
hindi ko alam na importante pala yun. Sobrang mahal pala ng presyo nun, tapos
ginamit ko pa sa tournament.”
“Ok lang, alam ko naman pwede kang pagkatiwalaang
player at tao. Pero tanong ko lang, pano mo nagawa na gamitin yung slitsword
pang hiwa sa bala? Kahit ako hindi ko kayang maka hiwa ng bala ehh. Ikaw palang
nakagawa nun tapos sa sniper pa na bala.”
“Ahh yun ba, hindi ko lang sinasadya na mahiwa yun. Kasi nung gumamit ako nang slit
sword sakto yung leeg nya na naka align sa bala papunta sakin, at sa
pamamagitan ng eyes assistance ginamit ko yung pagkakataon para mahiwa yung
bala”
Nagulat si Mey sa sinabi ni Cj dahil
hindi nya alam na pwede pala ito gawin. Namangha ito dahil matagal na nya
ginagamitaa ang unique skill na ito, pero hindi nya alam na possible pala yung
ginawa ni Cj.
“Mukhang ikaw ang karapat dapat na gumamit nang unique
skill ko hahahaha.”
“Hindi totoo yan hahah.”
“Hmmmm mag 1v1 kaya tayo???”
Biglang tanong ni Mey na nagpahinto kay Cj sa pag
patay ng mga dummy.
“Talo ako malakas ka kumpara saken at matagal na sa
laro na ito.”
Palusot ni Cj, pero medyo interesado rin siya sa kung
gaano ka lakas si Mey sa laban
“Hindi yan teka ayusin ko lang settings sa room.”
Mabilis na nag iba ang environment sa room. Naging
urban area ang paligid at puro bahay, Lumawak rin ito
“Game ka na ba? Ikaw bahala kung laban na.”
“Talaga bang kailangan natin mag laban pa? halata
naman kung sino mananal-”
Palusot ulit ni Cj pero walang ano-ano
ay umatake na agad si Mey na nanggaling sa taas nagulat si Cj at nakailag. Nabiyak
at nagtalsikan ang mga aspalto kung saan nakatayo si Cj. Umatrass si Cj at
dumistansya, pero hinawi ni Mey ang usok at sabay bulusok kung saan narooroon
si Cj.
“Shield!!!”
Sambit ni Cj para sanggain ang atake at nung oras ng pag
sangga ay nabiyak ulit ang mga lupa sa bigat ng atake na binitawan ni Mey. Hindi
kinaya ng shield ni Cj na kinasira nito. Agad naman niyang ginamit ang espada
niya para sanggain ang atake. Hinantaw ni Mey si Cj ng kanyang espada at unti-unti
nya itong napapa-atras. Ramdam ni Cj ang bigat ng bawat atake sa kanya at napagtanto
na nasa ibang antas ng player si Mey.
“(Ka lvl nya siguro si Kim grabe ang lakas)”
Biglang umilaw ang espada ni Mey na
hudyat na gagamit ito ng skill kaya nag activate rin si Cj nang skill para sanggain
ito.
“Slash!!”
“Slash!!”
.