[ MICHELLE SCHNEIDER-SY ]

Sa sobrang haba ng biyahe ay nakatulog ako nang mahimbing. Hindi ko nga namalayang nakasandal na ko sa katabi kong lalaki. NAKAKAHIYA! Kanina pa kaya kami ganito?

Nakahinto na ang bus at mukhang sa pagkilos ko kaya siya nagising. Nagkatitigan pa kami at kitang kita ko kung paano niya ko titigan, halos parang nanalamin siya sa mga mata ko dahil sa lapit ng mukha namin sa isa't isa. 

Napaurong ako at tumingin sa ibang gawi dahil di ko alam kung ilang segundo o minuto na kaming nagtitigan.

Teka! May muta yata ako kaya siya titig na titig sa akin. Agad kong pinunasan ang gilid ng mga mata ko para alisin kung sakali ngang may muta. 

"Sorry, napasandal pala ko sayo." mahina kong sambit dahil mukhang matagal akong nakatulog sa balikat niya. Halata kasing hindi ito umalis para makatulog ako ng maayos.

"Okay lang miss, sorry din. Di ko namalayan nasa terminal na pala tayo." Sh*t! ang manly naman ng boses niya. Nilingon ko siya at ganoon pa rin ang tingin nito sa akin. Bakit kaya?

Hindi na ko nakapagsalita dahil ngayon ko lang na-realize ang na ang guwapo ng katabi ko. Hindi ko akalain na sa kanya ako nakasandal ng ilang oras na byahe.

"Uhm, baka kailangan mo pala ng gamot? Mayroon ako rito sa bag." Uhh? Gamot?

"Bakit?" Doktor ba siya para offer-an ako ng gamot?

"Mukha kasing masama ang pakiramdam mo, balot na balot ka at naka-mask ka pa." pagpapaliwanag niya pa.

"Ahh, hindi, ayos lang ako. Sanay lang talaga ko naka-mask lalo na pag sumasakay ako ng bus." pagdadahilan ko kahit ginawa ko lang talaga iyon para magtago sa mga alipores ni Lolo.

Nagbabaan na ang ilang mga pasahero, dahil nasa hulihang bahagi kami ay hindi muna ako tumayo, ganoon rin ang ginawa ng katabi ko. Hinintay munang rin niyang magsibabaan ang mga pasahero. Binalik naman niya ang tingin sa akin, mukhang sinusuri ang itsura ko. Hindi ko pa rin kasi tinatanggal ang mask ko.

"By the way, I'm Christian." inilahad niya pa ang kanyang kamay para makipagkilala sa akin.

"Michelle." tipid kong sagot pero hindi ko inabot ang kanyang kamay. Tinitigan ko lang iyon.

"Ma'am at Sir, hindi pa ho kayo baba?" sabi ng kundoktor na hindi man lang namin namalayang kami na lang ang naiwan sa bus.

"Bababa na po" sagot naman ni Christian, at halos sabay kaming tumayo at kinuha ang mga bag namin. 

Saktong pagbaba namin ay nag-ring ang cellphone niya, agad naman niya iyong kinuha sa pocket ng jacket niya at sinagot. "Yes Lo? -Sige, salamat Lo, -Narito na po ako sa terminal. kakarating ko lang po-" hindi na ko naki-usyoso pa, naglakad na ko palabas ng terminal. 

Feeling ko bakasyonista o may business si Christian rito, kahit kasi naka-jacket ito ay napansin ko ang pananamit niya. Bukod sa jacket, naka-polo, slacks pants at leather shoes ito. May mamahalin ring siyan relo at cellphone. Mukha siyang executive sa tindig niya.

Parang pumunta lang siya ng probinsya dahil sa negosyo.

"Kalayaan!" hindi ko napigilan ang sarili kong sambitin iyon naitaas ko pa nga ang mga kamay ko sa sobrang kasiyahan, tinanggal ko na ang mask at hood ko. Mukhang wala ring nakasunod sa akin dahil kung meron man, malamang sa malamang eh kanina pa ko may sundo o kaya naman tumatawag na si Lolo. Hindi niya kasi hinahayaang makalayo ako ng Maynila eh. Kaya first time ko talaga itong pagbiyahe sa labas ng Maynila.

Speaking of Lolo. Paano nga ba niya ako ma-ta-track o matatawagan kung nakapatay naman ang cellphone ko, hehe.

Ito pala ang pakiramdam ng malaya ka.

Ng makalabas ako sa terminal ay pinagmasdan ko ang paligid. 

Sariwa ang hangin, walang polusyon, walang matataas na gusali. Puro luntian ang nakikita ko, may mga kubo at mayroon din namang gawa sa bato ang bahay o sementado na. 

Habang sukbit ang backpack ko ay excited ako magsimula sa lugar na ito.

Napansin ko ang paglabas ni Christian kanina, may sumundo sa kanyang kotse. Muli ay tumitig ito sa akin, halata ang pagkabigla ng makita ulit ako. 

Ano kayang problema nito sa sa itsura ko?

Lumingon-lingon pa ako sa paligid, hindi lang pala siya ang nakatingin sa akin. Lahat halos ng taong nakakakita sa akin ay pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. 

Grabe naman itong probinsyang napuntahan ko, mukhang ayaw nila sa dayo. 

Tiningnan ko pa ang aking sarili. Paa, kamay, damit, at hinawakan ko pa nga ang mukha ko para i-check kung may dumi o nakadikit na bagay. Pero wala naman. 

Bakit kaya nila ko tinitingnan?

Binalik ko ang tingin ko kay Christian, naka-ngiti ito sa akin, parang natutuwa pa siya sa pag-check ko sa sarili ko. 

Ano ba kasing problema sa akin?

"What?" tanong ko kahit alam ko namang hindi niya iyon maririnig dahil malayo ang distansya naming dalawa. Imbis na sagutin ako ay ngumiti at umiling-iling lang siya, tapos kumaway pa bago pumasok sa kotse.

Parang gusto niyang sabihin na 'Hindi ka welcome dito' ang overthinker ko na--Hays, bahala na nga!

At teka nga muna! Na saang probinsiya nga ba ako? Sumakay lang kasi ako ng bus tapos di ko na chineck sa google map kung saan talaga ako bumiyahe.

Napahawak na lang ako sa tungki ng ilong ko. Ayoko namang buksan ang cellphone ko dahil sigurado akong naka-abang sila Lolo para ma-trace ako.

[ CHRISTIAN SALCEDO-KING ]

Pagbaba ko ng bus ay agad na tumawag si Lolo sa akin, sinagot ko naman agad iyon, "Yes Lo?" Nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang pagbaba ni Michelle at agad itong naglakad palabas ng terminal.

"Tumawag sa akin si Xie, di ka daw nagdala ng kotse kaya ipinasundo na kita kay Nestor."

"Sige, salamat Lo," sinundan ko naman si Michelle pero hindi malapit ang agwat namin, baka mamaya kasi iba ang isipin niya sa akin.

"Nasaan ka na ba?"

"Narito na po ako sa terminal, kakarating ko lang po."

"Maigi, baka nariyan na rin sa labas si Nestor inaabangan ka."

"Kalayaan!" rinig ko pang sambit ni Michelle, itinaas pa nito ang dalawang kamay na parang nagbubunyi, sa di kalayuan ay nakita ko na si Mang Nestor. "Lo, nakita ko na po si Mang Nestor, ibaba ko na po ang tawag, usap na lang po tayo pagdating ko sa Hacienda."

"Sige apo, mag-ingat ka."

Nasa tapat na ko ng kotse ng mapansin kong hindi pa rin umaalis si Michelle, parang pinagmamasdan nito ang paligid. Napaghahalataan tuloy na hindi siya taga-rito. 

Isa pa, hindi ko rin maiwasang titigan siya dahil nang tanggalin niya ang mask at hood niya ay di nga ako nagkamali-She's gorgeous. 

Her beauty left me speechless. 

Maging mga naglalakad lang na nakakakita sa kanya ay di maiwasang titigan siya. 

No doubt, she's an eye-turner.

Dahil siguro sa titig ko kaya napalingon siya sa iba, mukhang na-concious sa itsura niya kaya chineck niya pa ang kanyang sarili. Natatawa na ko dahil pati mukha niya ay chineck niya kung may dumi ba. She's cute when she does that.

Tumingin siyang muli sa akin at nagsalita, "What?" kahit di ko narinig iyon ay nabasa ko ang labi niya. She has thin lips, napaka-natural din ng kulay, kahit malayo ako ay masasabi kong hindi siya naka-make up. Ang lakas ng dating ng babaeng ito sa akin. Argh! Again, bakit ko ba pinagnanasahan ang estrangherang babaeng ito?

Nginitian ko lang siya at umiling bilang sagot, saka pumasok na ako sa kotse. Baka mamaya ay mas lalo akong mahumaling sa kanya kapag tinitigan ko pa siya ng matagal.

"Aba senyorito, nakita mo ba yung dalagang iyon? Ang ganda niya oh, taga-saan kaya siya?" Agad na usyoso ni Mang Nestor nang makapasok ako ng sasakyan.

"Si Michelle po?" di ko napigilang banggitin ang pangalan niya.

"Kilala mo siya? Aba! Isabay na kaya natin?" halata ang tuwa ni Mang Nestor ng malaman ang pangalan ni Michelle.

"Di ko po siya kilala, eh nagkasabay lang po kami sa bus." 

"Mukhang hindi siya taga-rito senyor-"

"Mang Nestor, pasensya na po pero inaantay na po tayo ni Lolo sa Hacienda." Hindi ko na pinatapos si Mang Nestor sa sasabihin niya, kailangan ko kasing makarating agad ng Hacienda para i-update si Lolo tungkol sa meeting ko kanina sa mga Schneider. "Sige po," saka nagsimulang paandarin ni Mang Nestor ang kotse.

Binuksan ko naman ang social media ko para hanapin ang profile ni Michelle. Naka-type na sa search ang 'Michelle' ng maalala kong hindi ko pala nakuha ang last name niya. Napa-mura na lang ako sa isip ko. 

"Nga pala senyorito, malapit na ang pista dito sa atin. Sa linggo nga ay Stacruzan na at balita ko ikaw ang magiging kapareha ng Reyna Elena." sabi ni Mang Nestor habang nagmamaneho. Kaya rin siguro ako pinapauwi ni Lolo dahil din doon. 

Paano naman kaya yung businesses namin sa Manila kung magtatagal ako dito? Ngayon pa lang iniisip ko na ang tambak na papeles pagbalik ko sa trabaho.

"Sino naman po ang Reyna Elena?" tatlong araw na lang din bago mag-linggo. Ang hilig talaga ni Lolo sa surprises. Wala man lang akong paghahanda sa gaganapin sa linggo.

"Si Pasing, yung anak ni Mayor." Napahawak na lang ako sa pagitan ng kilay ko. Bakit siya pa? Parang sumakit ang ulo ko ng malaman kong si Pasing ang magiging Reyna Elena. Hindi naman sa ayoko kay Pasing, pero iba ang diskarte ng babaeng iyon. Siya yung tipo ng babae na 'nasa loob ang kulo'. 

Kung si Michelle kaya ang gawin nilang Reyna Elena, baka mag-volunteer pa ko.

"Senyorito, narito na po tayo." Hindi ko namalayang nasa Hacienda na kami. "Salamat po manong." pagkababa ko ng kotse ay agad akong sinalubong nila Lolo at ng mga taga-bario, parang pista na agad dahil sa dami ng tao at may handaan pa.

"Welcome apo!"

"Lo, ang aga naman ata ng pista dito? Haha!" ang dami pang sumalubong sa akin para batiin ako, nakipag-kamay at yumakap pa ang iba. Parang pakiramdam ko tuloy ay matagal akong nawala sa Hacienda.

"Apo, na-miss ka lang namin dahil matagal na bago ka ulit nakadalaw rito. Ikaw naman kasi, puro na lang negosyo ang inatupag mo. Nakalimutan mo ng may pamilya ka rito." 

Kinamusta ko na rin ang mga taong sumalubong sa akin, hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na galing lang din ako sa pagsisilbi sa mga King's at isa pa hindi naman ako snob. Marunong din akong ngumiti pero pagdating sa trabaho kailangan seryoso lagi, dahil iyon ang bagay na ipinagkatiwala sa akin ng umampon sa akin, Si Don Juanito King.

"Apo, kumain at magpahinga ka muna at mamayang gabi ay puntahan mo ako sa library, may pag-uusapan tayo." sabi pa ni Lolo bago siya tuluyang pumasok ng mansion.

Sinunod ko naman ang sinabi ni Lolo, pagkatapos kumain ay nagpahinga muna ako sa kwarto. Inayos ko rin muna ang dala kong gamit. May napansin lang akong kakaiba ng makapa ko ang bulsa ng bag ko. Parang may flat na box?

Kukuhain ko pa lang sana iyon ng marinig kong may kumatok. "Pasok," si Pasing pala. Mukhang ang bilis makarating ng balita sa kanyang narito na ko ulit sa Hacienda.

"Christian? Pwede ka bang makausap?" ibinalik ko ang tingin ko sa bag saka siya sinagot. "Oo naman, sandali lang ha, sa labas na lang tayo mag-usap." sabi ko sa kanya saka binitiwan ang inaayos ko sanang gamit.

Sigurado naman akong di yan aalis hangga't di niya ko nakakausap. 

"Anong sadya mo?" baka ipapaalam niya na sa akin na siya ang magiging kapareha ko sa Stacruzan.

"Buntis ako." Di na ko nagulat. "Congrats" sabi na eh, nasa loob ang kulo nitong si Pasing.

"Ikaw ang AMA!" napahawak ako sa pagitang ng kilay ko. Pilit kinakalma ang sarili para hindi ako makapagsalita ng di kanais-nais kay Pasing. Mahirap na, anak ng Mayor ito baka mamaya magkaroon pa ng hidwaan ng dahil lang sa akin.

"Pasing," malalim ang buntong hininga ko bago ako muli nagsalita "Alam mo naman, at alam ng lahat na hindi magiging akin yan," dahil di naman ako nalagi rito sa Hacienda, nasa Maynila ako ng ilang buwan at imposibleng may mangyari sa amin ni Pasing "kung ako sayo puntahan mo na lang ang totoong ama niyan." Noon pa man ay gustong gusto na ko ni Pasing, pinagtangkaan na nga niya akong pikutin dati. Nilasing niya ko noon pero dahil sa hindi ko nga siya gusto kaya hindi natuloy ang balak niya. 

Umiyak na siya, wala naman akong magagawa sa problema niya. Hays, naaawa lang ako sa bata.

"Gusto mo ba na ako na magsabi sa papa mo?" umiling-iling siya bilang sagot pero tuloy pa rin sa pag-iyak.

"Sino ba ang Tatay niyan?" tiningnan niya pa ako bago sumagot, "Si Pedro." Isa sa hardenero namin dito sa Hacienda. Mukhang hindi maiiwasang magkaroon ng hidwaan sa pagitan ng Hacienda namin at pamilya nila. Paano kaya namin ito sasabihin sa Papa niya?

"Hanggang maaga pa sabihin mo na kay Pedro, pati na rin sa papa mo," tinapik ko pa ang balikat niya na lalong ikinahagulol niya. "Siguro naman maiintindihan at matatanggap nila ang sinapit mo Pasing." hindi pa rin humuhupa ang pag-iyak niya. Parang lalo lang siyang naiyak sa sinabi ko?

Paano ba mag-comfort ng babae?

"Pasensya ka na Pasing, sa bagay na ito, mas makakabuti kung sayo manggagaling ang sinabi mo sa akin. Kung pananagutan man ay hindi kita matutulungan diyan." Hinayaan ko lang siyang umiyak ng umiyak.

"Ganito na lang, ako kakausap kay Pedro. Pero sa papa mo, dapat ikaw na ang magsabi." tumigil na siya sa pag-iyak, parang nahimasmasan at napagtanto na ang dapat niyang gagawin. Binigyan ko siya ng panyo para punasan niya ang mga luha niya. Kinuha naman niya iyon at tumatango-tango bilang pagsang-ayon sa suhestiyon ko.

"Sige. Salamat. Christian. Tsaka, pasensya ka na." sambit niya habang pinupunasan ang tuloy-tuloy pa rin na pag-agos ng kaniyang mga luha.

Lapis Creator

CHAPTER 2