[ CHRISTIAN SALCEDO-KING ]

At the library.

Mahinahon akong kumatok sa pintuan ng library, hindi naman iyon nakasara kaya nakita na agad ako ni Lolo. "Lo, narito na po ako." 5 PM pa lang ay pumunta na ko rito, hindi ko kasi kayang patagalin at hindi sabihin agad kay Lolo ang tugkol kila Pasing at Pedro.

"Pasok, napa-aga ata ang punta mo? Maupo ka muna apo." turo niya pa sa upuang malapit sa harapan niya, pagpasok ko ay agad kong napansin na may mga papeles siyang binabasa at pinipirmahan. Kahit kasi narito lang siya sa mansion ay may inaasikaso pa rin siyang mga negosyo at namamalakad ng hacienda. Ang mga negosyo lang nila sa Manila ang inatang niya sa akin habang si Xie ay nag-aaral pa at di pa handa sa negosyo, ako muna ang katulong ni Lolo.

"Lo, bago po pala ang lahat, maaari niyo po bang ipatawag si Pedro?" tumango siya bilang sagot at agad namang tumawang sa teleponong katabi niya. "Pedro? Iho, kailangan kita rito sa library." Naka-connect ang teleponong iyon sa kwarto ng mga kasambahay at mga trabahador sa mansion, si Pedro ay isa sa mga naninirahan dito sa mansion. 

"Tungkol ba kay Pasing ang kailangan mo kay Pedro?" nagtaka ako sa tinuran ni Lolo, mukhang matagal niya ng alam ang sitwasyon nila Pasing at Pedro.

"Opo." tipid kong sagot, hindi na ako nagpaliwanag kay Lolo, hinantay ko na lang ang pagdating ni Pedro. Wala pang isang minuto ay dumating na si Pedro.

"Bakit po Don Juanito?" nahihiya pa itong magtanong kay Lolo, pero ako na ang nagsalita.

"Tungkol kay Pasing ang pag-uusapan natin Pedro." yumuko lang ito at hinihintay ang susunod ko pang sasabihin. "Alam mo bang buntis si Pasing?" Halata ang pagkabigla niya sa mga narinig niya.

"Don Juanito! Hindi ko po sinasady-," napaluhod pa siya ng sabihin iyon. Hindi ko na rin siya pinatapos pang magsalita. "Kailangan mong panagutan ang pinagbubuntis niya Pedro."

Natahimik siya saglit, halata ang takot niya sa mga nalaman niya. Si Lolo naman ay napahawak sa sentido niya, nag-iisip siguro siya kung paano tutulungan si Pedro.

"Iho, ang mahalaga ngayon ay makausap mo si Pasing at ang papa niya." sabi ni Lolo.

"Paano po Don Juanito? Hindi po ako mayaman, b-baka po hindi ako matanggap ng papa ni Pasing." halos mangiyak-iyak si Pedro. Napabuntong hininga naman si Lolo.

"Kung gusto mo, sasamahan ko kayo bukas ni Pasing o kung kailan kayo handa. Ang importante kasi ngayon ay ipaalam niyo kay Mayor ang relasyon niyong dalawa, para na rin sa ikabubuti ng magiging anak niyo." ako na mismo ang nagprisinta na samahan sila, ayoko kasing dumagdag sa alalahanin ni Lolo ang bagay na ito.

Nanatiling namang nakaluhod at umiiyak si Pedro sa harap namin, paulit-ulit itong humingi ng tawad kay Lolo.

"Hindi ako galit sayo Pedro. Masama lang ang loob ko dahil nagawa niyong ilihim ni Pasing ang relasyon niyo at ngayon ay nagbunga pa. Para ko na kayong pamilya rito kaya kung iniisip mong palalayasin kita ay di ko gagawin iyon. Ngayon pang kailangan mo ng tulong. Alam kong mahihirapan tayong kumbinsihin ang papa ni Pasing pero sana buong loob ninyong panindigan ang bata na nasa sinapupunan niya ngayon." mahabang litanya ni Lolo. Napakabait talaga ni Lolo, hindi niya talaga itinuturing na iba ang mga kasama niya sa bahay. 

"Salamat po Don Juanito, tatanawin ko po na malaking utang na loob ang mga tulong ninyo sa akin. Pasensya na po talaga kayo sa mga nagawa ko pero pangako, hindi ko po papabayaan si Pasing at ang magiging anak namin."

"Oh siya sige, makakabalik ka na sa silid mo. Sabihan niyo na lang ako bukas kung kailan tayo pupunta kay Mayor." Nagulat ako sa sinabing iyon ni Lolo, hindi niya talaga papabayaan si Pedro at gusto niya na siya pa ang personal na sasama sa kanila.

"Sasama pa rin ako, baka kailanganin niyo ng tulong ko eh." kinindatan ko pa si Lolo, napangiti pa ito sa akin. Alam niya rin kasing magaan ang loob sa akin ni Mayor Alvares.

"Salamat po ulit Don Juanito, at senyorito Christian."

Pagkalabas niya ng library ay di ko napigilang mapahilamos. Parang hindi ko kasi kaya ang mga ginawagawa ni Lolo. 

Grabe ang kontrol nito sa sitwasyon. Siguro kaya siya mahusay sa mga negosyo dahil sa kaya niyang iayon ang emosyon niya sa sitwasyon.

Dahil diyan mas lalong tumaas ang respeto at paghanga ko sa kanya.

"Hindi ako nagkamali sayo apo, hindi na ko mag-aalala kung iiwan ko si Xie sa tabi mo." out of nowhere ay nasambit iyon ni Lolo.

"Lo, ano bang pinagsasabi mo? HAHA! masyado ka naman atang seryoso?" Pagbibiro ko pa, ayoko kasi ng ganitong usapan. Parang naghahabilin siya.

"Apo, may gusto sana akong sabihin sayo na alam kong ikakagalit mo." seryoso naman itong nakatitig sa akin, hindi niya pinansin ang biro ko. Napakunot noo naman ako sa sinabi niya, ano naman kaya ang ikakagalit ko sa sasabihin niya?

"Ano po iyon Lo?" ngumiti ako kahit kinakabahan sa sasabihin niya.

"I made an agreement with one of our investors," huminto ito saglit at parang tinatantiya ako kung dapat na ba niyang sabihin ang agreement nila.

"...that you are going to be set up to arrange marriage."

[ MICHELLE SCHNEIDER-SY ]

Lumipas ang maghapon na puro gala lang ang inatupag ko. Nakaramdam lang ako ng pagod ng masakit na ang mga paa ko kakalakad.

Ang saya pala mag-isa. 

Malayo sa ingay ng siyudad at trapiko.

Ang sarap palang maging malaya.

Nagpapahinga ako ngayon sa isang lumang simbahan, kakatapos ko lang din kasing kumain. Mabuti nga at dito ako napadpad, sakto kasing magkakaroon ng pista sa bayan na ito kaya marami ang bukas na tindahan rito. 

Ang ganda ng istruktura ng simbahang ito, mukhang luma siya pero nanatili ang karangyaan at masining na disenyo nito. Kung siguro ikakasal ako, itong simabahan na ito ang pipiliin ko.

Habang nasa loob ako ng simbahan ay pinili ko na rin ang magdasal. Sa may likuran ako nakapuwesto, lumuhod na ko at pinagsalikop ang mga kamay ko saka nagdasal. Pumikit na rin ako at mataimtim na nanalangin sa maikling kong 'pasasalamat sa lahat ng mga nangyari, maging ang proteksyon ko sa mga paglalakbay ko pang gagawin.'

"Ay Diyos ko po!" napahawak pa ko sa aking dibdib dahil saktong pagmulat ko ay may bata sa harap ko. Titig na titig ito sa akin. Napaayos naman ako ng upo.

Aalukin niya ba ko ng sampaguita? Pero wala naman siyang dalang bulaklak.

"Hi po ate! Anghel po ba kayo?" sabi nung batang babae nasa edad na lima o anim na, di ako sigurado. Medyo bulul pa siya magsalita eh, ang cute. Nasaan naman kaya ang mga magulang nito?

"Ah? Eh, hindi beh" Natatawa kong sagot sa kanya, grabe kasi ang pagtitig nito sa mga mata ko. "Nasaan pala ang kasama mo? Dapat di ka humihiwalay sa kanila." nagpalinga-linga pa ko para hanapin ang magulang niya pero wala namang ibang tao na malapit sa amin.

"Diyan lang po ako eh," turo niya sa labas ng simbahan. Saan naman kaya siya nakatira?

"Ah? Malapit lang ang bahay mo rito? Hindi ka pa ba hinahanap sa inyo? Mag-a-alas-singko na oh, mamaya madilim na." Ngayon ko lang narealize na kanina pa ako gala ako ng gala eh wala naman akong tutuluyan ngayong gabi. Saan naman kaya ako matutulog? Eh wala naman akong kakilala rito. Napahawak ako sa noo ko. 

Bakit ba nakalimutan kong maghanap muna ng tutuluyan?!

"Bye po ate Anghel." kumaway kaway pa siya sa akin bago lumabas ng simbahan, may sundo na pala siya labas. Ang cute naman nung bata na yun, 'Anghel' ang tawag sa akin. HAHA!

May napadaang na isang binatilyo, base sa suot niya mukha siyang sakristan ng simbahang ito.

"Kuya," nakatingin naman siya sa akin pero hindi siya huminto. Bakit ganun?

"Kuya?" tawag ko ulit sakanya saka siya huminto, hindi pa rin maalis ang titig nito sa akin. Hinayaan ko na lang kasi kahit kanina pa man ay pinagtitinginan na ko ng mga tao rito.

"B-bakit po?" halos mautal-utal niya pang sabi.

"May alam ka bang pwede kong matuluyan dito? Paupahan o apartment? O baka may Hotels na malapit rito?" gusto ko kasi na malapit lang rito sa simbahan para madali rin akong makapunta sa pista.

"Paupahan ho?" Napaisip siya saglit, "sigurado pong puno na po ngayon ang mga paupahan, marami po kasing turista ang maagang nagsidating bago mag-pista sa linggo." Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at mukhang napansin naman iyon ng kausap ko. 

"Kung gusto niyo po ay ipakiusap ko po kay Father na makituloy muna kayo rito sa simbahan? Hanggang sa ka-pistahan ho? Narito rin po kasi ngayon sa simbahan ang mga Madre galing Maynila para tumulong po sa pista." nabuhayan ako sa sinabi ng binata.

"Talaga? Salamat ahh! Kahit dayo lang ako ang bait mo sa akin, pero teka, ano pa lang pangalan mo?" napangiti siya ng malapad at napahawak pa sa batok niya na parang nahihiya siya.

"Angelo po, halina na po at puntahan natin si Father." Oo nga, magpapaalam pala muna. Nako, sana okay lang kila Father at Sisters. Nakakahiya man ay wala naman akong ibang options, wala naman kasi akong kakilala rito.

Pumunta na kami opisina ni Father, sakto namang naroon rin sila Sisters. Nang sabihin ni Angelo ang pakay namin ay agad namang silang pumayag na tulungan ako, alam din kasi nilang mahirap na maghanap ng matutuluyan sa ganitong oras. 

"Pangako po Father Arnaldo and Sisters, tutulong po ako sa preparasyon niyo sa pista, salamat po ulit sa pagpapatuloy niyo sa akin dito."

"Walang anuman iyon iha, bukas ang simbahan sa lahat ng nangangailangan. Tingin ko nga ay itinadhana kang mapadpad dito, kami nga ang dapat magpasalamat dahil pumayag ka agad sa alok namin." sabi pa ni Father Arnaldo

"Mabuti nga pumayag ka agad na maging kapalit bilang Reyna Elena. Talaga namang hindi kami pinabayaan ng Panginoon at tila nagdala ng totoong santa sa gaganaping prusisyon." sabi ni Sister Teresa, bigla raw kasing umatras yung dapat sanang Reyna Elena. Dahil malapit na ang prusisyon at pista ay di naman nila pwedeng basta basta na lang ikansela ang lahat ng preparasyon.

"Halina't ihahatid ka na namin sa iyong silid para makapagpahinga ka na rin muna." pag-aaya naman ni Sister Melba sa akin. Nagpakilala naman na ko sa kanila pero "Iha" pa rin ang tawag nila sa akin.

"Sige po, maraming salamat pong muli." nakasunod lang ako sa kanila habang panay kwento ng history ng simbahan at bayang ito si Sister Teresa, pero dahil na rin siguro sa sobrang pagod ko simula umagang biyahe at gala ay wala akong maintindihan. Sorry Lord, bukas magiging attentive na ko sa mga sasabihin nila Sisters, sa ngayon po kailangan ko na talaga ng maayos na tulog.

Mukhang mas matagal na si Sister Teresa rito sa simbahan dahil siya ang mas maraming kinukwento. Mas matanda rin ito kay Sister Melba.

"Heto iha," iniabot naman ni Sister Teresa ang susi sa akin.

"Kung may kailangan ka, magkatabi lang ang kwarto natin." sabi pa ni Sister Melba.

Dalawang araw na lang pala ay Stacruzan na. Actually, first time ko iyong gagawin. Hindi ko nga alam kung paano ang preparasyon para doon.

"Sige po Sisters, salamat po ulit." iniwan na nila ako, halata na siguro nila ang lamlam ng mga mata ko. Sa pagod ko, hindi na ko nag-abala pang magbihis, ibinaba ko lang ang mga gamit ko saka agad niyakap ng katawan ko ang kama at tuluyang nakatulog.

Lapis Creator

CHAPTER 3