Naalimpungatan si Michelle sa ingay ng cellphone niya, akala niya ay alarm lang iyon pero tawag pala mula sa isang unknown number. Kunot noo niyang sinagot iyon para tumigil sa pag-ring.
"Hmn, hello? Who's this?" halata sa tinig nito nakakagising lang niya.
Teka, anong oras na ba?
Madilim pa kaya kahit hindi niya sipatin ang orasan ay alam niyang hindi pa naman umaga.
"Chelle, kailan ka ba uuwi?" natinigan naman niya agad ang nasa kabilang linya. OMG!
Kilalang kilala niya kung sino ang caller kaya napabangon siya bigla, nawala ang antok niya at agad na tinutop ang pagitan ng kanyang kilay. Nag-aalangan pa nga siya kung sasagot pa siya sa kausap.
Paano na naman kaya niya nalaman ang bagong number ko?! Argh!
"Ahh, ano, Lolo, hindi pa po ako uuwi diyan." pagkasabi non ay ibinaba niya agad ang tawag, dali daling niyang inayos ang sarili. Inilabas niya rin ang mga damit mula sa maliit na aparador ng inuupahan niyang kwarto at basta na lang inilagay iyon sa isang back pack.
Tumunog muli ang cellphone ni Michelle, ilang minuto muna ang pinalipas nito bago sagutin ang tawag ng Lolo niya.
"Lolo, ayoko nga munang umuwi." agad niyang bungad pagkasagot muli sa tawag nito.
"Apo. Nag-aalala lang naman ako sayo. Ilang buwan ka ng hindi umuuwi." napabuntong hininga na lang si Michelle bago sumagot ulit.
"Lolo, wag ako. Alam kong alam niyo kung na saan ako, at sigurado rin ako na lagi kayong updated sa mga ginagawa ko. Halata kaya ang mga alipores niyo. At isa pa," huminto siya saglit sa pagsasalita at sumilip sa bintana, tiningnan nito kung may tao sa labas, "Hindi ko naman talaga kayo iiwan eh, gusto ko lang mamuhay ng ako lang muna. Yung simple. Yung kahit papaano naman ay nakuha ko man lang ang mga bagay na gusto ko, yung napaghirapan ko talaga. Ayoko pong umasa sa yaman niyo." Michelle has her own principles, iba para sa kanya ang fulfilment ng may sariling achievement na siya mismo ang nag-effort. Iyon ang madalas nilang pag-awayan ng Lolo niya.
Hindi naman spoiled brat si Michelle, kung tutuusin nga eh kaya niya talagang makuha ang gusto niya ng hindi niya pinaghihirapan. Sadyang ini-spoil lang siya ng Lolo niya dahil siya na lang ang natitira nitong pamilya.
Mayaman ang Lolo ni Michelle at kaya nitong ibigay ang lahat. He is one of the wealthiest and most well-known businessmen in the Philippines. He has numerous businesses across the country, but Michelle isn't claiming them as her own. Sooner or later, she has to embrace her destiny as Schneider-Sy's only heir.
Michelle is not that ungrateful for her future. Pero nagsasawa na kasi siyang magkaroon ng bantay minuminuto o oras-oras. Lahat na lang ng galaw niya kahit sa pagkain ay may nakatingin o kaya'y may nakabantay. Her grandpa is overprotective.
"Gusto ko lang naman protektahan ka apo. Mahirap na, maraming may gusto na makilala ka. Lalo ngayon, nasa tamang edad ka na." He's referring to his associates. They just want me to be their key to their business's expansion.
Marriage of convenience. Tsk.
For them, an arranged marriage is just like any other conventional business agreement.
"Lo, di naman nila alam ang itsura ko, pero tingin ko ang mga alipores niyo mapapahamak sa akin." My pictures are hidden from the public for my protection. Kahit nga Facebook or any other social media ay wala akong account.
"What do you mean apo? May ginawa ba ang mga pinadala kong bodyguards?"
Napabuntong hininga na lang ako ng maalala ko na naman ang nangyari sa mall noong isang linggo.
***
[ MALL ]
Naglilibot lang sana ako sa mall nang mapansin ko na may nakasunod sa akin. Napahawak na lang ako sa tungki ng aking ilong, isa na naman siguro ito sa mga bodyguards ni Lolo.
Noong isang araw lang ay nailigaw ko na sila tapos ngayon eto na naman.
'Kailan ba ko magiging malaya?'
Bagsak ang mga balikat ko sa isiping iyon.
Kailan nga kaya mangyayari iyon?
Binilisan ko na lang ang paglakad ko. Pumunta ako sa kung saan saan, sa arcade, botique shops, food court. Nagbabaka sakaling mapagod sila at maligaw na rin. Pero parang mas dumarami ang sumusunod sa akin.
They're wearing a formal suit, animo'y nasa shooting sila ng Men in Black movie.
Maya maya pa ay may mga naka-unipormeng guard ng mall na rin ang nakasunod sa akin, para nila akong pinoprotektahan sa mga taong nakapaligid sa akin kahit wala namang nagtatangkang lumapit sa akin.
Shocks! Lalong nakuha nila ang atensyon ng publiko!
Masyado bang halata ang disguise ko?
O may mali kaya sa suot ko?
Black sunglasses, plain white shirt, maong pants at black jacket with hood lang naman ang suot ko.
Mukha na ba kong goons para sundan pati guards ng mall?
Naisip kong pumasok muna ng CR. Siguro naman di na nila ako susundan doon.
Pero nagkamali ako, may mga pumasok na naka formal suit and tie na kababaihan, kaya pumasok agad ako sa isa sa mga cubicle.
'Positive narito si Lady Michelle.' 'Copy that.' rinig ko radio nila na tingin ko'y lagi nilang dala.
Di pa man ako nakakalabas ng cubicle ay narinig ko pa ang ilan sa mga pumapasok sa CR, 'May artista ba?' 'Daming guard sa labas' 'Baka may shooting?'.
Argh!
I hate attention! Nakakainis naman si Lolo, nahanap na naman niya ko! Tsk!
Wala na kong magagawa pa, inayos ko ang hood sa ulo ko at naglakad ng mabilis palabas.
Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad habang nakayuko. Mas binilisan ko pa dahil ang dami na talagang nakatingin sa akin.
Nang mahanap ko ang elevator exit papuntang parking ay tinanong ko agad ang isa sa mga nakasunod sa akin "Tell me where he is." Alam kong narito si Albert. Ang head buttler ng pamilya SCHNEIDER-SY.
"This way miss," sumunod naman ako sa kanila.
"We're coming Sir." narinig ko pang pag-radyo ng isa sa mga bodyguard. Sumakay naman kami ng elevator, at ng nasa floor na kami kung nasaan si Albert.
"Albert!" Sigaw ko, wala na akong pakialam kung may ibang makarinig sa amin.
"Young lady Mich-" agad siyang yumukod ng makita ako. "Stop following me, hindi na nakakatuwa!"
"Hindi po pwede lady Michelle, ipinagbilin po ni Mr. Sy na bantayan namin kayo,"
"Di na ko bata para bantayan pa, so, please stop following me or else," nag-isip ako ng susunod ko pang sasabihin pero wala na kong maisip. Para kasing wala rin namang silbi kung ano pa ang sasabihin ko dahil sumusunod lang naman sila sa utos ni Lolo. Hindi ko rin naman pwedeng pigilan si Lolo dahil alam kong nag-aalala lang naman siya sa akin.
Malalim ang buntong hininga ko bago ako nagsalita ulit, "basta wag niyo na kong sundan, kaya ko naman alagaan ang sarili ko. Isa pa, ayoko ng atensyon, kapag nariyan kayo mas lalong dumadami ang nakatingin sa akin." Sinenyasan ni Albert ang mga bodyguards na umalis, agad naman silang sumunod at bumalik sa mga kani-kanilang mga sasakyan. Ramdam na siguro ni Albert ang frustrations ko.
"Paumanhin po lady Michelle."
"Just give me my space, kailangan ko rin namang huminga Albert." Hindi ko magawang magalit sa kanila, hindi ko naman ugaling manisi o magalit eh.
***
"Apo, nariyan ka pa ba? Hello?" nabalik ako sa ulirat ng marinig kong muli ang boses ni Lolo.
"Lo, pwede ba? This time wag niyo muna ako papasundan, babalik naman po ako kapag," Napahinto ako saglit "...nahanap ko na ang hinahanap ko."
"Ano ba kasi hinahanap mo apo? You know that I can give you whatever you want. I can give you everything."
"Basta Lo, please lang, wag muna ngayon." Ibinaba ko na ang tawag. Kailangan may gawin ako, kailangan pumunta ako sa lugar na walang nakakakilala sa akin. Nag-ring na naman ulit ang cellphone ko pero hindi ko na iyon sinagot, tinitigan ko muna ito bago tanggalin ang baterya saka inilapag sa mesang malapit sa higaan ko.
Mag-a-ala singko pa lang ng madaling araw. Siguradong may biyahe na ng ganitong oras.
Ang plano ko ngayong araw ay pumunta sa bus terminal at bumiyahe sa unang bus na babiyahe pa-probinsya.
Kung saan man iyon ay bahala na.
Nagawa ko namang makatakas sa mga bantay ni Lolo, kahit kasi dito sa inuupahan ko ay may bantay ako sa labas. Mabuti na lang may sikretong daan rito sa kwarto ko para makalabas ako ng hindi nila nadidiskubre. Talagang kinatigan ako ang may-ari ng paupahan para makatakas ako.
Malapit lang ang bus terminal sa paupahan ko kaya nakarating ako ron ng maaga.
Agad akong sumakay sa unang bus na dahan dahang umaandar palabas ng terminal. Wala namang pila iyon kaya hindi na ako pinigilan ng kundoktor. Hindi pa rin naman ito puno nang maka-akyat ako, kaya tinungo ko ang dulong bahagi at doon naupo.
Inilagay ko naman ang bag ko sa may paanan ko at inayos ang suot kong hood sa ulo ko, nakatutok kasi ang lamig ng aircon sa bunbunan ko. Nag-mask na rin ako para hindi rin makita ang buo kong mukha, para kung sakali mang makatulog ako ay di ko na intindihin pa kung naka-nga-nga ako o tumutulo na ang laway ko.
Maya maya lang din ay may mga tulad kong pasahero ang humabol na sumakay. Di ko na lang inabala pang tingnan kung saan sila uupo, mas gusto ko kasing matulog dahil inaantok pa talaga ako. Pumikit na ako at isinandal ang aking ulo sa bintana para makatulog. Naramdaman ko namang may tumabi sa akin, hindi naman na bago iyon pagsasakay ka sa pampublikong transportasyon kaya hinayaan ko na lang.
Ilang minuto pa lang ang lumipas pero gising pa rin ang diwa ko, naramdaman ko ang dampi ng init ng araw sa kaunting nakalantad kong balat.
Dumilat ako saglit at kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng bag. Sinigurado ko lang na nakapatay iyon para hindi na nila ako matrack pa. Oo, may tracker ang cellphone ko, pero gagana lang iyon kapag naka-bukas, lately ko lang din nadiskubre iyon.
Paniguradong hinahanap na nila ako ngayon. Sa sobrang antok ko isinuksuk ko na lang sa kung saang bulsa ng bag ko ang cellphone at pinilit kong itinuloy ang tulog ko.
***
Pauwi ako ngayon sa Hacienda. Puyat ako dahil sa online meeting namin with foreign investors kaya di na ko nag-abala pa na gumamit ng sasakyan pauwi. Naisipan ko na lang na mag-commute dahil wala akong ma-book na driver, kahit taxi ay di pwede dahil wala namang direktang biyahe pa-Mansion dahil probinsya na iyon.
Sakto namang may palabas ng bus sa terminal, wala namang pila kaya sumakay na ko agad, halos punuan na pala at sa dulo na lang may mauupuan.
Paupo pa lang ako ng mapansin ko ang babaeng makakatabi ko. Balot na balot kasi ito. Naka-hood na nga, naka-mask pa.
Baka masama ang pakiramdam niya? Hindi pa naman kasi gaanong malamig sa bus dahil nakabukas pa ang pinto nito. Ganon pa man ay naupo pa rin ako sa tabi niya, ibinaba ko naman ang dala kong bag sa may paanan ko dahil puno na ang mga lagayan ng bagahe sa taas.
Ilang minuto lang ay nagising ang katabi ko, yumuko ito at may kinuha sa bag niya na nasa paanan rin pala nakalagay katabi ng bag ko. Cellphone lang pala ang kinuha niya, pero hindi niya iyon binuksan, tinitigan niya lang iyon at binalik sa bag saka itinuloy ang pagtulog. Mukhang masama nga ang pakiramdam niya, kawawa naman.
Gusto ko sana siya alukin ng gamot kasi lagi akong may dalang gamot kapag bumabiyahe pero mukhang mas gusto niyang matulog kaya hinayaan ko na lang siya. Siguro mamaya na lang pag nagising ulit siya.
Tumunog naman ang cellphone ko. Nang makita ko ang caller kung sino ay sinagot ko agad.
"Hello Xie, bakit ka napatawag?"
"Kuya, pupunta ka ba kay Lolo ngayon?" She's my stepsister, the only princess of the King's family.
"Oo. Nasa byahe pa lang ako, bakit? May problema ba?" gumalaw muli ang katabi ko at napasandal ito sa akin. Mahimbing na agad ang tulog niya.
"Wala naman, pakisabi na lang kay Lolo na dalawin niya ko minsan, miss ko na siya eh." hindi ko man kaharap ngayon si Xie ay sigurado akong nakangiti ito.
"Okay sige sasabihin ko. Teka, bakit ang aga mo yata nagising ngayon ahh?" mag-6:00 pa lang kasi. Hininaan ko naman ang boses ko dahil baka mamaya ay magising itong katabi ko na ngayon ay nakasandal sa balikat ko.
"Bakit bumubulong ka kuya? May kasama o katabi ka ba ngayon? Ikaw ah!" tinutudyo pa ko ni Xie, pero sinagot ko pa rin siya ng mahinang boses, "Tss, oo may katabi ako, actually nasa bus ako ngayon, nag-commute lang."
"Bakit? Di mo ba dala yung kotse mo? Sana pala sinabihan mo ko agad, ako na sana naghatid sayo sa Hacienda." Ang bait talaga ng kapatid kong ito, kahit na hindi ako ang totoong King's ay ramdam kong pamilya talaga ang turing niya sa akin.
"Xie, iniiba mo na ang usapan, bakit nga ang aga mo ngayon?" normally kasi past 9:00 AM pa ito nagigising at tumatawag sa akin.
"School project, kailangan maaga ako sa university. Tapos baka unahan na naman ako ni Joshua sa parking eh. Isa pa, may practice pa mamaya sa theatre, kailangan ko mag-reserve ng studio, ako inassign nila eh." mahabang paliwanag ni Xie. Napaka-busy naman pala ng araw niya.
"At sino naman si Joshua?" She sounds annoyed when she mentions the name of that guy.
"Someone who really annoys me, siguro pag nagkita kayo baka masapak mo siya sa sobrang kayabangan niya." narinig ko ang pagbukas at pagsara niya ng pinto ng kotse, mukhang babiyahe na rin ito. Hindi ko naman napigilang matawa dahil naimagine ko ang pikon niya. Gumalaw naman ang ulo ng nakasandal sa balikat ko at sinalo agad ang ulo niya para di siya tuluyang magising.
"Whats funny, Kuya? Dapat mainis ka rin sa kanya kasi iniinis niya ko araw-araw." narinig pala niya ang tawa ko. Sa totoo lang ay natutuwa ako na may naikukwento na siyang lalaki sa akin, parang pakiramdam ko kasi noon ay kay Lex lang siya nagkukweno. Bestfriend niya iyon sa Hacienda namin, ngayon lang sila nagkahiwalay dahil sa Manila nag-aaral ng college si Xie.
"Wala naman, I'm just amazed na marunong ka pa lang mainis sa ibang lalaki. Alam ko kasi ako lang ang may kakayahang asarin ka." this time ay naging maingat ako sa pagtawa ko, baka mamaya tuluyang magising itong katabi ko.
"Ewan ko sayo kuya! Ibababa ko na ito, mag-da-drive na rin ako eh."
"Okay, sige. Ingat ka."
"Bye." siya na ang nagbaba ng tawag, ayaw na ayaw niya kasing ako ang nababa ng tawag sa kanya.
Itinago ko naman ang cellphone ko sa pocket ng suot kong jacket.
Plano ko na ring matulog, pero bago iyon ay tinitigan ko muna maigi ang babaeng mahimbing na natutulog sa balikat ko. Hindi ko pa pala naiaalis ang kamay ko sa ulo niya.
Iniayos ko ng dahan dahan ang pagkakasandal niya sa balikat ko. Hindi ko pa man nakikita ng buo ang mukha niya ay sigurado akong maganda siyang babae.
Mala-porselana kasi ang kutis nito at mahahaba rin ang pilikmata. Maging ang hibla ng buhok niya ay maganda at ang bango niya. Parang may katabi akong celebrity.
Teka nga! Bakit parang pinagnanasahan ko na ang estrangherang babaeng ito?
CHAPTER 1