Sobrang sarap ng tulog ko. Pakiramdam ko ay nakahiga ako sa mga ulap dahil sa lambot ng kama ko… at siguro ay dahil na rin sa pagod ko sa nagdaang araw. Kaarawan kahapon ng aking nakababatang kapatid na si Junie, kaya busy ang buong bahay hanggang sa umalis ang lahat ng bisita namin. Though sobrang nakakapagod, masaya ang araw na iyon.
Bigla na lang akong nabalikwas sa aking kama nang makarinig ako ng napakalakas na ingay ng pito sa aking tenga. Nang luminaw na ang aking mga mata, nakita ko si Junie sa tabi ng aking kama na tuloy sa pag-ihip ng kanyang pito.
“Ate Cha! Gising na!” malakas niyang sigaw.
“Aaagh! Junie, hindi porke’t may nagregalo sa’yo ng pito sa birthday mo eh pwede mo na akong gisingin nang ganito araw araw!” sumbat ko sa kanya habang patakbo siyang lumabas ng kwarto ko.
Tumingin ako sa orasan. Limang minuto na lang ay alas siyete na ng umaga. Sabagay, malapit na rin naman ang oras ng aking paggising kaya minabuti kong mag-ready na lang for school.
Pagbaba ko sa dining room, naabutan ko sina Mama at Papa na nakaupo na, halatang inaantok pa rin.
“Ginising ka ni Junie gamit yung pito niya, noh?” bungad sa akin ni Mama.
“O-opo,” sagot ko nang umupo na ako sa hapag-kainan. “Papano niyo nalaman?”
“Kami rin, eh,” sagot ni Papa habang binigyan siya ng kape ng maid.
Maya’t maya ay sumunod na rin si Junie sa amin. Milagrong hindi niya dala ngayon ang pito niya.
“Good morning po,” bati niya. “Tinago ko muna yung whistle ko sa room ko para magamit ko ulit bukas.”
“Please, huwag,” natatawang pagmamaktol ni Papa.
Marangya man ang aming pamumuhay, we still manage to maintain our family ties. Hindi tulad sa karamihan ng mga nababasa kong story sa Wattpad na sobrang maldita ni girl dahil may problema sa pamilya or whatnot. Sabagay, kaya ko rin namang magmaldita kung gustuhin ko pero I choose to be kind na lang.
*****
“So, kung sakaling idi-discuss sa mga Literature classes ang I Love You Since 1892 100 years from now, malamang i-interpret nila yung paglagay ng glue ng kapatid ni Carmela as a metaphor for keeping their family close together, where in fact, as in glue lang ang nilagay sa mukha niya… just because,” paliwanag sa amin ni Sir Veracruz, na siyang ikinatawa ng buong klase.
Ang nagustuhan ko sa aming teacher sa literature ay kaya niyang gawing interesting at exciting ang kahit na pinaka-boring na subject namin. Pero I think ganon naman ang halos lahat ng mga naging teachers namin dito sa Winchester Academy Foundation.
Natatandaan ko tuloy noong first day namin sa Trigonometry class na sinabi sa amin ni Mrs. del Mundo na hindi namin kailangan ang Trigonometry sa totoong buhay, ngunit kailangan naming pag-aralan ito. Saka niya tinanong kung may athletes sa klase namin. Syempre, nagtaas yung mga classmates kong kasali sa basketball at football team. Tinanong din ni Ma’am kung ano ang gamit ng weight training sa kanila samantalang hindi naman nila ito kailangan. Sumagot ang kaklase kong si Russel na captain ng football team na ginagawa nila ang weight training para masanay ang muscles sa mabigat na gawain. Saka naman ipinaliwanag ni Ma’am na ganon din ang gamit ng Trigonometry: para itong weight training for our brains.
I just think that’s empowering to know.
“Kaya kung sakaling buhay man ngayon si Edgar Allan Poe, sisigaw siya nang, ‘Hindi ako nagsulat tungkol sa mga uwak para ikumpara ang mga ito sa lagay ng isip ko! Nagsulat ako tungkol sa mga uwak dahil mahilig ako sa mga uwak!” pagpapatuloy ni Sir Veracruz.
Mas malakas ang tawanan ng buong klase dahil dito.
Ilang sandali pa ay nag-ring na ang bell. Dismissal time na.
“So class, wala muna kayong homework ngayon dahil nalalapit na ang foundation week ng Winchester, at kailangan niyong mag-focus sa mga booth niyo,” sabi sa amin ni Sir. “By the way, masama ang pakiramdam ni Ms. Faltado ngayon so wala kayong klase sa Chemistry mamaya. Sige, class dismissed.”
Hindi na masyadong nakakapagtaka na wala ulit mamaya si Ms. Faltado dahil madalas na sumama ang pakiramdam niya sa hindi malamang dahilan. Buti na rin lang at nakakahabol pa siya sa mga lessons namin at hindi pa naman kami nahuhuli sa syllabus.
Bago ako makalabas ng kwarto ay may tumawag sa akin pabalik.
“Chalisa,” tawag sa akin ni Romana, “you’re invited sa birthday party ko mamayang gabi.”
Si Romana Angelica Brucal lang naman ang pinakamalaking party girl sa buong Winchester, but I really appreciate her wanting to invite me to her party.
Ngunit umiling ako at nagsabing, “Girl, pasensya na, pero alam mo naman na malapit na ang foundation week. Sobrang magiging busy kaming mga members ng student council sa pag-organize ng mga events. Besides, ‘diba there’s someone more deserving of that invitation aside from me?”
Understandably, her face fell nang naintindihan na niya ang ibig kong sabihin. “For now, cool off na lang muna kami ni Joshua. Everything happened so fast, and I think it would be best if we give each other some space. And anyway, I understand kung hindi ka makapunta, but still, I want you to have this. Hindi man tayo ganon ka-close, you’re still the one to give me good advice. I’d rather that you can’t come kesa naman may mga fake people na makapunta, if you know what I mean.”
Finally, I took the envelope and replied, “Okay, ikaw ang bahala. At salamat sa invitation.”
*****
Wala man kaming klase sa Chemistry nang hapon ay ginabi pa rin kaming matapos sa student council meeting namin. Kahit papaano, naplano na namin ang schedule ng meetings with the teachers, staff, at nung ibang club leaders.
Alas sais y media na ng hapon nang makapag-ayos ako ng gamit ko. Aalis na sana ako sa office nang may pumigil sa akin.
“Sandali lang, Chalisa,” tawag sa akin ni Alvin.
Si Alvin Lazarus Torrunueva ang presidente ng junior high school department student council samantalang ako naman ang vice president. Kung hindi ko pa ito nasasabi sa inyo, I think it’s high time you know that I have a big crush on him.
“A… ano yun, Alvin?” medyo nautal kong tanong.
“Pwede mo bang daanan si Ms. Faltado sa faculty room?” request niya sa akin. “Hindi nakapag-Chemistry ang Section C kanina dahil wala siya, pero nung nagtuturo siya sa amin sa Class B kanina, halatang may nararamdaman na siya kanina. Kung makita mo siya sa faculty room, check mo na lang kung ok siya.”
“Ahm, sige, Alvin,” sagot ko. “T-teka, hindi mo ba ako pwedeng samahan papunta sa faculty room?”
Sa tingin ko ay pumula ang mga pisngi ko sa tanong kong ito.
“Ay, hahanapin ko pa kasi si Manong Fred at tatanungin sa kanya kung pwede niyang buksan yung Damayan Building,” paliwanag niya. “Nakuha ko na yung approval ni Headmistress Argos na gamitin yun for the festivities, so all that’s left to do is to actually get it opened.”
“Ah ok sige, ako na lang ang bahala kay Ms. Faltado,” I assured him.
“Sige, salamat,” wika ni Alvin, sabay hawak sa balikat ko bago siya lumabas ng office. This goes without saying na sobra akong kinilig sa ginawa niya!
Laking pagtataka ko nang makarating ako sa faculty room at walang katau-tao doon. Ilang beses kong tinawag si Ms. Faltado before concluding na wala ngang tao sa faculty room saka ako lumabas ng school building.
I was just about to call Papa nang may narinig akong kakaibang ingay na nanggaling sa Damayan Building. Isang ingay na para bang pinagsamang alulong ng aso at ingay ng paniki.
Against my better judgement, I pocketed my phone at pinasok ang Damayan Building despite the fact that it was dimly lit.
This was my first time seeing the inside of Damayan Building, which apparently used to be a sports complex na hindi na ginamit dahil sa outdoor gym ng Winchester. Still, medyo nasayangan lang ako habang nilalakad ko ang mga corridors nito dahil pwede pang gamitin ang building na ito. It was only a good thing na nakuha na ni Alvin ang approval ni Mrs. Argos na gamitin ito for the festivities. I can only imagine what my classmates could come up with once na malaman nilang gagamitin namin ito.
After a while, I only realized that I already reached the basement of the building, which is packed with parade props of all kinds. Dito namin tinatago yung mga props for the parade na ayaw naming sirain dahil pwede pa namang gamitin ulit. Sa kabilang dako ng basement, may nakita akong isang anino.
“Sino yan?” I called out, not knowing kung sino ang nandoon.
Unti-unting lumapit sa akin ang anino, and what’s frustrating is hindi ko ma-identify kung sino ito.
“Sino yan? Kung hindi ka po staff ng school, bawal ka dito,” I warned whoever was coming towards me.
Alam kong minsanan akong namutla nang nagkaroon ng pakpak na parang paniki ang aninong palapit nang palapit sa akin. At this point, nakalimutan ko nang sumigaw o gumalaw sa sobrang takot. Tila estatwa akong tumitig sa kung ano man ang papalapit sa akin.
Narealize ko na lang na meron na palang nakahawak sa braso ko. Pagtingin ko sa kanya, nakita ko ang isang lalaki na mukhang mas matanda lang sa akin ng ilang taon.
“Kung sinabi kong takbo, TAKBO!”
Sinunod ko ang utos sa akin ng binata at sinundan siyang tumakbo palabas ng basement.
Nilingon ko ang pinanggalingan namin, kung saan ko nakita ang kalahating katawan ng isang babaeng may pakpak ng paniki na mabilis na nakakahabol sa amin.
“Dito!” sigaw ng lalaki, sabay hila sa akin sa isang classroom.
Agad niyang sinara ang pinto pagkapasok namin at kailangan naming itong harangin nang matagal upang hindi makapasok ang…
“M-manananggal,” hingal ko. “Manananggal ba ‘yun?”
“Yep, it’s a manananggal, alright,” sagot sa akin ng lalaki. “I’m Gus, by the way, Argus Arello. Nice to meet you. What’s your name?”
Hindi nagtagal ay mukhang iniwan na kami ng manananggal sa corridor at nakuha ko na ring sagutin ang tanong ng lalaki. “Chalisa. Chalisa ang pangalan ko.”
“Nice meeting you, Chalisa,” the guy named Argus replied. “By the way, that thing you just saw doon sa basement -”
Bago matapos ni Argus ang sinasabi niya, mayroong kumatok sa pinto nang apat na beses. Agad itong binuksan ni Argus at pumasok ang isang babae na sa tingin ko ay nasa early 30s niya.
“Gus, I think nawalan ng interes ang manananggal sa’yo,” mabilis na salita ng babae. “Fred is her next target.”
“Fred?” sabad ko. “As in si Manong Fred na hinahanap ng student council president?”
“Her name’s Chalisa, by the way,” Argus drawled saka siya lumingon sa akin. “That’s Raffy, but now that I know that Fred is with someone else, that person’s life is in danger and we need to find them now!”
“Teka, ‘diba manananggal yun?” tanong ko. “All we need is lagyan ng asin yung kalahati ng katawan niya, ‘diba? Siguro naiwan pa sa basement ‘yung -”
Argus let out a scoff and said, “The human race, wala nang alam kundi pumatay ng iba.”
“Let’s not go there and let’s make sure na walang mamamatay sa gabing ito,” the woman named Raffy snapped.
Sabay-sabay kaming tumakbo palabas ng kwarto habang may tinawagan si Raffy.
“Fred! Nasaan ka?” sigaw ni Raffy sa kanyang phone.
Hindi ko masyadong marinig ang sinabi ng kausap niya sa kabilang linya, ngunit nang ibaba ni Raffy ang telepono, sinabi niya, “Nasa court sila. Ni-lock niya yung pinto dahil baka unahan tayo ng manananggal doon.”
“So paano tayo makakapasok sa court kung ni-lock ni Manong Fred yung pinto?” angal ko
“Hehe! Just watch!” tawa ni Argus.
Nang nakarating kami sa malaking pintuan ng court, may inilabas si Raffy sa kanyang bulsa na parang isang taser gun, pero itinutok niya ito sa lock ng pinto at tila ba ito nakuryente bago ito bumukas nang mag-isa. Doon na namin nadatnan sina Alvin at Manong Fred… na aaminin ko, ngayon ko lang nakita. Isa siyang napakalaki at maskuladong lalaki na tila ba nasa kanyang late 40s na.
“Chalisa!” bulalas ni Alvin nang lumapit na kami sa kanila. “Nandito ka pa pala?”
Bago ako makasagot at narinig ko ulit ang ingay ng pinagsamang alulong ng aso at ingay ng paniki sa labas ng covered court. Walang anu-ano ay biglang bumukas ang pinto ng court at pumasok ang manananggal sa loob.
Akma kaming susunggaban ng manananggal nang bigla akong yakapin ni Alvin na para bang pinoprotektahan niya ako laban doon. Kung hindi lang ganito kadelikado ang sitwasyon, na it’s a matter of life and death, sobrang romantic siguro nito kung nangyari sa ibang pagkakataon. Wala na lang akong nagawa kundi pumikit at yumakap din kay Alvin dahil sa takot.
Ngunit hinintay ko man kung ano ang sumunod na nangyari, hindi ito dumating. Nagkatinginan kami ni Alvin at nalaman namin that we are still well. Laking gulat na lang namin nang nakita namin si Manong Fred na para bang may kinokontrol na force field na may kung anu-anong symbols na siyang nag-trap sa manananggal in mid-air.
“Where’s the antidote?” narinig kong sigaw ni Argus.
Nakita kong may ibinato si Raffy kay Argus saka siya nagsuot ng… cosplay gloves? Parang ganon yung nakita kong gloves na gamit nung main character doon sa anime na pinapanood ni Junie. Hitman Reborn yata ang title nun? Hindi ako sigurado. Pero sinuot ni Argus yung gloves saka umilaw nang green yung mga mata niya at ihinagis yung antidote sa manananggal, which turned out to be a dart na saktong tumama sa leeg niya.
Ilang sandaling nagwala ang manananggal pero kinalaunan, bumagsak na ito sa sahig at nawalan ng malay. Napansin ko rin na unti-unting nagmo-morph ang katawan ng manananggal nang parang sa tao, though kalahati pa rin ito at may pakpak. After a while, nakita ko na ang tunay na anyo ng manananggal, at nakilala ko siya bilang si…
“Ms. Faltado!?” bulalas ko, na siyang ikinagising niya.
Tumingin ako kay Alvin at maging siya ay ‘di makapaniwala.
“Ah, so you know this person?” tanong ni Argus. “Right, no need for introductions, then.”
Pagbangon ni Ms. Faltado, tumingin siya sa aming lahat. Kaming dalawa ni Alvin ay malungkot niyang tinignan at sinabing, “Pasensya na kayo kung kailangan niyong malaman sa ganitong paraan.”
“Ibig niyo pong sabihin…” ani Alvin, ngunit hindi niya matuloy ang sasabihin niya.
“Bago pa man kayo mag-isip ng ibang bagay, hayaan niyong ipaliwanag namin,” sabi ni Manong Fred.
“Short answer, rabies,” sabad ni Argus.
“Long answer, yung mga napapanood niyong mga manananggal sa TV at pelikula eh rabid yung mga yun,” pagpapatuloy ni Raffy. “Normally, manananggals are also like humans. You’ll be surprised what other mythical creatures are actually not like what they are portrayed in the movies kung ipagpapatuloy natin ang discussion na ito.”
“All the same, this is the last time na hahayaan kong mangyari ang ganitong insidente sa Winchester,” wika ni Ms. Faltado. “Bukas na bukas din, I shall file my resignation from my post as a Science teacher.”
“Pero Ma’am,” protesta ni Alvin,” hindi niyo naman po siguro kailangang umalis.”
“Hindi natin alam kung kailan mangyayari ulit sa akin ito, kaya mas maganda na lang na iwasan natin,” sagot ni Ms. Faltado.
“Pero ibig sabihin, yung antidote, gamot yun ng rabies sa kanila?” tanong ko.
“Sorry, young lady, but that medicine is useless for humans,” Argus inserted. “Modern and magical medicine alike haven’t found a cure for rabies for dogs and humans. But that’s beside the point already. So… what do you think, now that you found out that manananggals, and other mythical creatures do exist? This is just the tip of the iceberg, so lemme know if you wanna know more.”
Tumingin ako ulit sa kalahating katawan ni Ms. Faltado. Hindi ko sigurado kung stress lang ito sa upcoming na foundation week namin or dahil hinabol ako ng manananggal kanina, pero sa tingin ko, that’s just enough information I can process for tonight.
By the way, kung hindi pa ako nagpapakilala, ako nga pala si Chalisa Mae San Andres. And no, hindi sa akin iikot ang kwentong ito. Nevertheless, sana maenjoy niyo ang mga susunod na mangyayari.
Hello! Ako si Chalisa Mae San Andres, Vice President ng Student Council ng Junior High School Department ng Winchester Academy Foundation. Palapit na nang palapit ang Foundation Week ng academy, at sa totoo lang, hindi ko mawari kung bakit sumabay pa ang experience na ito kung kailan napaka-hectic ng schedule. Define toxic, 'diba? In any case, I do hope you enjoy this short read, and also, enjoy while I'm still on the spotlight.