Si Chalisa Mae San Andres ay isang junior high school student ng Winchester Academy Foundation. Siya rin ang nagkataong vice president ng kanilang student council at nagkaka-crush na rin siya sa kanilang presidente na si Alvin Lazarus Torrunueva. Normal lang ang kanyang buhay pamilya at eskwela, ngunit ang lahat ng ito ay magbabago sa isang gabi lamang. Malamang ay gusto niyong tanungin kung paano. Eh malay ko ba? I just met her noong isang gabi na may hinahanap kaming manananggal sa school nila.
In any case, ako pala si Argus Arello, at mahigit dalawang libong taong gulang na ako. I'm particularly proud of my bait-and-switch descriptions, pero dahil nakaabot ka na sa point na ito, ituloy mo nang basahin ang kwentong ito. Isang kwento na puno ng kababalaghan, kalokohan, at mga bagay na nagtatago sa mismong harapan ng iyong dalawang duling na mata.