"Pulang jacket"
By: MegumiJ29


Isang misteryosong kasuotan.
Na nabili ko sa may tindahan.
Ako'y namamangha, sa tingkad at taglay na kariktan.
Malambot ang tela, kaya aking nagustuhan.

Sinuot ko at aking natantong ito'y napaka lambot sa katawan.
Damang dama ko ang init na nanunulay sa kalamnan.
Ngunit ano itong dulot nito sa akin?
Umiinit ang aking pakiramdam.
Hindi ko na nakayanan kaya ako'y napasigaw.

Hindi minsan ako'y nakadama ng ganito, ngayon pa lamang.
Nanlalabo ang paningin.
Tila kinakain ng apoy ang aking katauhan.
Pilit inaalis ang jacket sa aking katawan.

Ngunit tila nagiging isa ito sa akin.
Hindi na ako magtataka, ito pala ay galing sa sinauna.
Ito ay itinakda na mapabilang sa akin.
Napahalakhak na lang ako bigla.

Owl Tribe Creator

Isang Tula tungkol sa mahiwagang pulang jacket na