𝔸ℕ𝕀ℕ𝕆
[ isinulat ni lapisnawalangpambura ]
Bakas ang saya sa lapad ng kanyang ngiti,
Mukhang matagal na tinitigan mula ng siya’y makita.
Bawat pagkilos animo’y nilalaro ng imahinasyon.
Imahinasyong nagpapalalim ng kanyang nararamdaman.
Anong pakiramdam nga ba ito?
Kahumahumaling?
Kakakaba-kaba?
Nilinga ang paligid ngunit walang nakita.
Isang pares ng mga mata ang alam niyang nakatitig,
Ngunit hindi malaman kung saan ito nakalagi.
Yumuko’t tinitigan ang sariling anino.
Humingang malalim saka kinausap ang sarili,
“𝑩𝒂𝒌𝒊𝒕 𝒃𝒂 𝒍𝒂𝒈𝒊 𝒌𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒌𝒂𝒔𝒖𝒏𝒐𝒅?”
Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito,
May lungkot.
May galit.
Maya maya ay ngumiti muli.
“𝑩𝒂𝒌𝒊𝒕 𝒃𝒂 𝒍𝒂𝒈𝒊 𝒌𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒌𝒂𝒔𝒖𝒏𝒐𝒅?”
“𝑩𝒂𝒌𝒊𝒕 𝒃𝒂 𝒍𝒂𝒈𝒊 𝒌𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒌𝒂𝒔𝒖𝒏𝒐𝒅?”
“𝑩𝒂𝒌𝒊𝒕 𝒃𝒂 𝒍𝒂𝒈𝒊 𝒌𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒌𝒂𝒔𝒖𝒏𝒐𝒅?”
Hindi mawari kung anong nangyayari.
Hindi masagot ang paulit ulit na tanong.
Tulad ng kalaban sa loob ng isipan, walang mukha.
Aninong laging nakasunod.
Aninong sumira sa kariktan ng katinuan.
Isang tula na nagtatanong ng bakit sumusunod ang iyong anino.