3: Pero mas mahal ko sya

Binuksan ko ang pinto ng kwarto nya at padabog na lumapit sa kama nya.

"KUYA BUMANGON KANA!" ano bayan ang aga aga sumisigaw na ako, nakakainis tong si kuya.

"Hmm...mamaya na antok pa ako." nakapikit nyang sagot at maslalong hinigpitan ang pagkakayakap sa unan nya.

"Pano ako walang maghahatid sakin." hinila hila ko ang braso nya.

"Maglakad ka nalang."

"Kuya nakakainis ka!"

Padabog akong naglakad palabas ng kwarto nya, paglakarin banaman ang kagandahan ko. Bumaba nalang ako.

"Goodmorning mommy, nasan si daddy?" tanong ko pagbaba ko sa hagdan.

"May pinuntahan lang syang importante, where's your brother?" umopu si mommy sa couch at inayos yong mga folders.

"Nasa taas pa, kahit anong gawin ko ayaw paring bumangon. Maglalakad nalang ako." nakasimangot kong sabi, si kuya kasi daig pa si sleeping beauty kong matulog.

"Are you sure my princess, pano ang kagandahan mo?" natawa ako sa sinabi ni mommy.

"Don't cha worry mommy, kahit pawisan ako hindi parin mababawasan ang kagandahan ko."

Lumapit sakin si mommy tapos niyakap nya ako. "Syempre mana ka ata sakin."

Nagtawanan kami, hinalikan ko sya sa pisngi at nagpaalam na.

"Bye Suzie."

Nagsimula na akong maglakad mabuti nalang at malapit lang ang bahay namin sa school.

Habang naglalakad ako ay napapahinto ang mga tao at napapatingin sakin. May mabuti din palang naidulot ang paglalakad ko atleast they have a chance to see my beautiful face at hindi ang isang nagmamaganda na humaharang ngayon sa dinadaanan ko.

 

"Hoy ikaw! Ang lakas ng loob mong magpacute sa boyfriend ko!" sigaw nya.

 

Ano bayan pangit nanga sya tanga pa, napakadakila naman ng boyfriend nya handang magtiis para mapatunayang face does'nt matter.

 

"Excuse me." tinaasan ko sya ng kilay.

 

"Ano dadaan ka? Guilty ka siguro kaya tatakas ka nalang." tapos ngumiti sya ng nakakaasar.

 

Malamang dadaan ako eh nasa kalsada kami, pero hello alam naman natin na hindi yun ang ibig kong sabihin. Tinignan ko syang mabuti at thank God dahil hindi sya nag-aaral sa Cornel University, dahil hindi ko matatanggap na sa kahariang ako ang reyna ay may nakapasok na low IQ. Nginitian ko sya.

 

"Hindi lilipad ako, angel kasi ako pero yung sungay mo nakaharang you look like a monster kase eh."

 

Umousok na yong ilong at tenga nya sa galit, mukha talaga syang monster grabe ang pangit.

 

"Ang ka-" hindi na nya natapos ang sasabihin dahil pinigilan na sya ng boyfriend nya.

 

"Lily tama na." tapos tinignan nya ako. "Miss sorry sa ginawa ng girlfriend ko."

 

Mabuti pa sya may manners. Kung merong The Princess and The Frog, sila naman more like The Prince and The Frog.

 

"Okay lang sanay na akong may nae-insecure sa kagandahan ko." tapos tinignan ko yong frog. "And correction, hindi kona kailangang magpacute dahil matagal na akong cute at maganda."

 

I flip my hair and walk away, iniwan ko silang nakanganga. Yan ang nakukuha ng mga taong tanga na haharang sakin akala nya.

 

Pagdating ko sa school nakita ko si Nicko na naghihintay sa gate, nung nakita nya ako lumapit sya sakin tapos hinawakan nya ang dalawa kong kamay.

 

"Babe I'm sorry."

 

Ngumiti ako, "okay lang ano bang nangyari at absent ka kahapon and your not answering my calls."

 

Umiwas sya ng tingin. "Sasabihin ko sayo mamaya pumasok muna tayo."

 

Tapos naglakad na kami papuntang room, ang dami na namang nakatingin samin. Pagsamahin ba naman ng maganda at gwapo.

 

"Babe sorry..."

 

Tinignan ko sya at alam kong sincere sya, kaya ngitian ko sya ng matamis.

 

"Babe It's okay."

 

Nung nasa tapat na kami nang room nag salita na naman sya.

 

"Babe I'm sorry hope you understand." hinawakan ko ang pisngi nya.

 

"Babe I understand okay, wagkanang mag-alala."

 

Ngumiti sya sa sinabi ko at pumasok na kami sa loob. Sinalubong agad sya ng mga kaibigan nya kaya dumiretso na ako sa upuan ko.

 

"Best nalaman mo naba?" bigla nalang may nagsalita sa likod ko.

 

"Ay palakang frog!"

 

"Ako palakang frog baka ikaw!" pinamewangan nya ako.

 

"Kung ako palaka ikaw butete." pasalampak syang umopo sa tabi ko.

 

"So bakit sya absent kahapon?"

 

"Sasabihin daw nya mamaya."

 

"Okay, by the way goodmorning." ngiti ngiti nyang sabi kaya tinaasan ko sya ng kilay.

 

"Anong good sa morning eh may pangit na humarang sa dinadaanan ko kanina."

 

"Alam ko naman kayang kaya mo kung sino mang malas na yon, at saka good ang morning dahil nakakita ka ng magandang kagaya ko." mahaba nitong sabi.

 

Walang hiyang Irid na toh lalamangan pa ako I'm the queen pero pagbigyan na natin total she's my bestfriend naman eh.

 

Dumating na si Mr. Rodriguez kaya nagsi-upo na ang mga kaklase ko, umupo nadin si Nicko sa tabi ko at nginitian nya ako, parang may kakaiba sa ngiti nya pero di ko alam kung ano.

 

Nung lunch break na ay sabay na kaming tatlo papuntang cafeteria habang naglalakad kami ay humingi na naman ng sorry sakin si Nicko. Nung nakapasok na kami sa cafeteria nag volunteer sya na sya na ang kukuha ng pagkain namin kaya nagkaroon kami ng chance ni Irid para mag-usap.

 

"Best grabe talaga si Nicko noh, kanina pa sya sorry ng sorry sayo," sabi nya.

 

"Oo nga, but I feel something's wrong," sagot ko.

 

"Oo nga noh, I think its not all about sa pag absent at hindi nya pagsagot ng mga tawag mo ang hinihingian nya ng sorry."

 

Kinabahan ako sa sinabi ni Irid, napatingin ako kay Nicko pabalik na sya rito at dala ang pagkain namin.

 

"No, wag muna tayong magpaka-nega," tumango naman sya.

 

"Yeah, innocent until proven guilty."

 

Dumating na si Nicko at tahimik kaming kumain, kapag nakakatingininan kami ni Nicko ay nginingitian nya ako, isang malungkot na ngiti.

 

Pagkatapos ng klase pupunta na sana ako sa gym para magpractice pero bigla nalang akong hinila ni Nicko.

 

"Babe, san tayo pupunta?" tanong ko.

 

"Sa garden." tapos huminga sya ng malalim.

 

Pagdating namin don ay umupo kami sa bench. Nakatingin sya sa malayo at parang ang lalim ng iniisip, hinawakan ko ang kamay ny kaya napatingin sya sakin.

 

"Babe my problema ba?" alam kong meron pero tinanong ko parin, tanga na kung tanga pero kinakabahan na ako.

 

"Suzzet alam mong mahal kita," sabi nya na nakatingin sa mga mata ko.

 

"Oo, at alam mong mahal din kita." sagot ko.

 

Niyakap nya ako kaya medyo nawala ang kaba ko mas lalo nyang hinigpitan ang yakap, pero hindi ko inaasahan ang sunod nyang sinabi.

 

"Pero mas mahal ko sya."

 

Sa sobrang gulat ko natulak ko sya, right at that moment my fairytale life broke and fell into pieces.

 

"Babe nagbibiro ka lang diba?" pinilit kong pasayahin ang boses ko dahil hindi ito matatanggap ng puso ko pero unti unting nadudurog ang puso ko.

 

Dahan dahan syang umiling at dahil dun ay napahagolgol na ako ng iyak.

 

"Let's break up, I'm sorry."

 

"Nicko bakit naman tayo magbre-break eh ok naman tayo hahaha." wala akong maramdaman ang gusto ko lang ay tumawa, baliw na ata ako.

 

"Suzzet your smart and I know that you know that it's the best thing to do." Hinawakan nya ang dalawang balikat ko.

 

"NO!" Hindi ko toh matatanggap.

 

Kung kanina wala akong maramdaman ngayon galit na ako, hindi pwedeng sa ganito lang toh matapos were having our first anniversary next week. Nagsimulang umagos ang mga luha ko ang dating galit ay napalitan na ng sakit, ang sakit sakit ng nararamdaman ko.

 

"Siguro may nagawa akong mali, sabihin mo kung ano aayusin ko please wag lang ganito." Pagsusumamo ko.

 

"Suzzet please stop," tumayo sya at akmang hahawakan ako pero umiwas ako.

 

"Siguro masyado na akong maldita sa paningin mo, sabihin mo lang magpapakabait ako."

 

Mukha na akong tanga sa ginagawa ko pero wala akong pakealam, I can't lose him. Niyakap ko sya ng mahigpit baka maawa sya sakin at bawiin yong mga sinabi nya.

 

"Nicko wag ka namang ganyan nasasaktan na ako."

 

"Tanggapin mo nalang na wala na tayo." Inalis nya ang mga kamay ko na nakayakap sa kanya at nagsimula na syang maglakad palayo, palayo sakin.

 

"SINO BA SYA! ANO BANG MERON SA KANYA NA WALA AKO AT NAGAWA MO AKONG SAKTAN NG GANITO!"

 

Huminto sya pero hindi nya ako nilingon. "I'm sorry."

 

Tuluyan na syang nalakad at iniwan akong nag-iisa. Unti unti akong napaupo, awang awa ako sa sarili ko mugto na ang mga mata ko at punong puno na ng luha ang mga mata ko. Hindi ako toh, nasan na yong malditang Suzzet na walang kinatatakutan? I don't diserve all of this pain I'm the queen at kung sino kamang babae ka sisiguraduhin kong magbabayad ka.

 

"YOU BITCH!"

JoyShell Creator