2: Just give me a chance to prove myself

 

NICKO's POV

 

"Ano bayan gabi na kami natapos hindi ko tuloy nahatid si Suzzet."

 

Nilagay kona ang mga gamit ko salikod tapos sumakay na ako at pinaandar ang kotse.

 

"Susunduin ko nalang sya bukas."

 

Pagdaan ko sa park may nakita akong umiiyak na babae, parang pamilyar sya sakin kaya tinigil ko ang sasakyan at tinignan syang mabuti.

 

"Si Diana yon ah, ang tahimik kong kapitbahay anong ginagawa nya dito sa ganitong oras at ba't sya umiiyak."

 

Bumaba ako at nilapitan sya nung makita ko ang mukha nya na puno ng luha ay bigla nalang akong nainis.

 

"Diana bakit ka umiiyak sinong may gawa sayo nyan?"

 

"N-nicko ba-bakit nandito ka?" sumisinghot singhot pa sya.

 

"Hindi na mahalaga yon, ngayon sabihin mo sakin kong bakit ka umiiyak."

 

"U-uwi na ako," aalis na sana sya pero hinawakan ko ang magkabilang balikat nya.

 

"DIANA"

 

Napayuko sya pagkatapos ay tumingin sa may puno kaya sinundan ko sya ng tingin at dun ko nakita ang boyfriend nyang may kahalikang ibang babae.

 

Hindi ko alam pero naglakad ako papunta sa kanila tinawag ako ni Diana pero hindi ko sya pinansin nasa gagong lalaking yon lang ang atensyon ko, anong karapatan nyang saktan si Diana.

 

"Oh Nicko i-" hindi na nya natapos ang sasabihin dahil sinuntok kona sya sa mukha.

 

Gulat na gulat syang nakatingin sakin pati yung kasama nyang babae.

 

"Anong problema mo?"

 

"Ikaw ang problema ko!" susuntokin ko na sana sya ulit nang maramdaman kong may yumakap sakin galing sa likod.

 

"Nicko tama na, uwi na tayo please." naramdaman ko ang mga luha nya sa likod ko.

 

I sigh to calm myself, I grab her hand and start walking, pero bago kami makalayo tinignan ko ng masama ang gago nyang boyfriend.

 

Tahimik lang akong nagmamaneho habang pinapahiran nya ng panyong bigay ko ang mga luha nya.

 

"Nicko sana hindi mo na ginawa yon."

 

Bigla nalang uminit ang ulo ko kaya inis ko syang nilingon.

 

"Pagkatapos ng ginawa nya sayo ipagtatangol mo pa sya!" ano bang meron sa lalaking yon.

 

"Hindi sa ganon, pano kong gantihan ka nya." puno ng pag aalala ng boses nya kaya ngapangiti ako.

 

"Ano kaba kaya ko ang sarili ko. Alam mo ang mga ganong klase ng lalaki hindi dapat iniiyakan." pinahid ko ang luha nya gamit ang hinlalaki ng aking kamay.

 

"Eh masakit kaya." grabe ang cute nya pag nagpapout.

 

"Tss. marami panamgang ibang lalaki dyan sa tabi tabi...sa tabi ng bahay mo."

 

"Ha? Hindi kita narinig lakasan mo."

 

"Huh, ang sabiko maraming lalaki dyan sa tabi tabi." sana lumosot, ipapahamak pa ako ng bibig ko tsk.

 

"Hindi yan, yong kasunod." bakit ba ang kulit nya ngayon eh dati pag nagsasalita ako eh hindi sya namamansin.

 

"Wala na yong kasunod yon na yon." sabi ko habang hinihimas ang batok ko, grabe kinakabahan ako mabuti nalang dumating na kami.

 

"Nandito na pala tayo sige bababa na ako." binuksan na nya ang pinto. "Ahm Nicko."

 

"Hmm"

 

"Salamat" tapos lumabas na sya.

 

Napahawak ako sa puso ko "grabe ang bilis ng tibok ng puso ko."

 

Pumasok na ako sa bahay at dumiretso sa kwarto. Gusto kong makapag isip naalala ko si Suzzet. Oo mahal ko sya walang duda pero may kakaiba akong nararamdaman pag nakikita ko si Diana.

 

Kakaiba si Diana sa lahat ng babae sa school, hindi sya kagaya nila na habol ng habol sakin at kinikilig tuwing dadaan ako. Sya yong tipong tahimik lang pero masayahin napakabait nya at minsan naiinis ako dahil dun, hindi kasi sya lumalaban kahit alam nyang tama sya. Gusto kong lagi sa tabi nya para protektahan.

 

Lumapit ako sa bintana at tumingin sa labas, magkaharap lang ang kwarto namin at isang puno lang ang pagitan.

 

DIANA's POV

 

Hindi ako makatulog naaalala ko parin ang nangyari kanina. Nagtxt si Josh na break na kami, syempre nagulat ako kaya tinanong ko sya kung bakit. Sabi nya puntahan ko daw sya sa park kung gusto kong malaman ang dahilan. Kahit gabi na ay pumonta ako at dun ko nakitang may kahalikan syan ibang babae, kaya hindi kona mapigilan ang umiyak ano ba ang mali sakin para maranasan ko toh naging mabait naman ako sa lahat at minahal ko sya pero bakit sa kabila ng lahat ay ganito.

 

Hindi ko inaasahan ang pagdating ni Nicko at mas lalong nagulat ako sa pagsugod nya kay Josh galit na galit sya at kung hindi ko sya mapigilan ay siguradong bugbug sarado si Josh ngayon. Kahit sinaktan ako ng lalaking yon ay ayaw ko parin syang mapahamak pati na si Nicko, kanina nung hinawakan nya ang kamay ko ay bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko, diko alam kong bakit basta feeling ko safe ako sa tabi nya. Napahiga ako sa kama.

 

"Ano bayan kakagaling ko lang sa break up pero bakit parang ang bilis nawala ng sakit?"

 

Bigla nalang may kumatok sa bintana kaya sa subrang gulat ko ay agad agad akong nagtalukbong ng kumot, huhu may multo mommy...

 

"Diana..."

 

Mommy tulong tinatawag ako ng multo kukunin na nya ako huhu...

 

"Diana gising kapaba?"

 

Teka parang kilala ko ang boses nato, dahan dahan akong lumapit sa bintana at binuksan ito.

 

"Anong..." hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko basta ang bilis ng tibok ng puso ngayong nandito sya sa harap ko.

 

"Ah, pwede ba tayong mag-usap?" inabot ni Nicko ang kanyang kamay.

 

Nag-aalangan pa ako sa una pero tinanggap ko ito at biglang may kuryenteng dumaloy sa buon katawan ko, hindi pala sa katawan lang kundi pati sa kaluluwa OA ba? Pero yun yong nararamdaman ko ngayon. Umupo kami sa malaking sanga ng puno at parehong nakatingin sa langit na magkahawak parin ang kamay.

 

"Naiisip mo parin ba sya?" basag nya sa katahimikan.

 

"Ha? Ahm..." hindi ko alam ang sasabihin masyadong malakas ang kabog ng dibdib ko.

 

Maslalong hinigpitan ni Nicko ang pagkakahawak sa kamay ko at tinignan ako ng diretso sa mata kaya dumoble rin ang tibok ng puso ko, aatakihin na yata ako sa puso nito.

 

"Diana his not worth it, just give me a chance to prove myself."

 

"Anong ibig mong sabihin?"

 

"Simula nung lumipat ka dito nagustohan na kita, hindi mo alam kung gaano ako nagsikap para mapalapit sayo pero palagi mo nalang akong iniiwasan. Akala ko simple pagkagusto lang yung nararamdaman ko kaya pinilit kong kalimutan, but now that I have this opportunity I want to prove myself to you."

 

"Nicko..." hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko speechless sa english nganga sa tagalog.

 

"Please." tapos niyakap nya ako.

 

Pano nangyaring ang isang sikat sa school na Nicko Alvares ay magkagusto sa isang simpleng katulad ko at loner sa school, ang mga kagaya ni Miss Suzzet na maganda, sexy at matalino ang bagay sa kanya.

 

SUZZET's POV

 

Kinalabit ako ni Irid nung tumalikod yung teacher namin, nilingon ko sya.

 

"What?" mahina kong tanong.

 

"Bakit absent si Nicko?"

 

"Hindi ko nga rin alam eh, pero tatawagan ko sya mamaya." sagot ko.

 

"Bakit naman sya a-absent? Eh diba may practice sila sa basketball?" nakakalokang babae toh! Kung alam ko lang ang sagot edi hindi ko na sana tatawagan si Nicko.

 

"Pwede ba, mamaya na tayo mag-usap, nakakababa ng kagandahan ang magbulongan," inirapan nya ako and I just did the same. Ano kayang nangyari kay Nicko? Anyway nakinig nalang uli ako sa teacher.

 

Pagkatapos ng klase sinubukan kong tawagan si Nicko pero unattended ang phone nya.

 

"Nakausap mo naba sya?" tanong ni Irid habang binubuksan ang locker nya.

 

"Hindi ko sya macontact," nakasimangot kong sagot.

 

Tumawa sya kaya tinaasan ko sya ng kilay.

 

"Wag ka ngang sumimangot, mas lalo kang pumapangit!" tapos tumawa ulit sya.

 

"Excuse me?" namewang ako, "Ang sabihin mo insecure kalang kasi kahit na nakasimangot ako maganda parin ako!" proud kong sabi.

 

She rolled her eyes. "Ang mabuti pa let's go to the gym na para makapagpractice na tayo."

 

Nagpalit na kami ng damit at dumiretso na sa gym. Pagdating namin ay nandun na ang mga kasama namin kaya nagpractice na agad kami. We've practice our new stunts and dance moves. Nagform sila ng pyramid sa likod ko, tumakbo ako palapit sa kanila tapos nag tumbling ako ng dalawang beses, umakyat ako sa pyramid at pagdating ko sa tuktok namewang ako sandali then hinawakan ng dalawa kong kasama ang magkabila kong kamay tapos hinagis nila ako, nag triple twist ako at sinalo naman ako ng mga kasamahan ko na nag-aabang sa baba.

 

Almost two months na naming prina-practice ang stunt na yun at ngayon lang namin na perfect. After the practice I contact again Nicko, pero hindi parin nya sinasagot. Uuwi na nga lang ako, I dont want to be stress at baka mabawasan pa ang kagandahan ko. Tatanungin ko nalang sya bukas.

JoyShell Creator

wahhh! sabi ko sa tursday ang update pero friday na ngayon hehe, akala ko saki aabot ako kahapon, anyway enjoy!!