1: Ikaw na ang may sweet na boyfriend!
SUZZET's POV
"Goodmorning sunshine!" tumayo na ako sa kama ko at nag stretching in a beautiful way.
Tiningala ko yung mga posters nila sa paligid ng kwarto ko. Cindirella, Snow White, Aurora, Bell, Jasmine at Arie. Idol ko kaya ang mga love story nila, just how magical. Meron din akong DVD's, books and stufftoys nila sa buong kwarto ko.
Oh I forgot to introduce my self, I'm Suzzet Jim Villamor, 17 years old, beautiful, sexy,5'5, have a white and flawless skin, smart, rich, in short I'm like a princess.
Naligo na ako at nagbihis, pagbaba ko nakita ko si kuya sa tapat ng hagdan.
"Goodmorning kuya!"
"Goodmorning Suzie, pumapangit ka ata." tapos ngumiti sya ng nakakaasar.
Hindi rin ako magpapatalo at tinaasan ko sya ng kilay. "Are you reffering to yourself?"
"Hahaha..." tumawa lang sya tapos hinila na ako.
"Kuya san tayo pupunta?"
Bago pa kami makapasok sa sala ay narinig ko na yung kantang On the Wings of Love, theme song yon nila mommy at daddy.
Pagpasok namin ay nakita ko si mommy at daddy na nagsasayaw. Humarap naman sakin si kuya at nilahad nya ang kamay nya.
"Can I have this dance my princess?"
Ngumiti ako tapos tinanggap ang kamay nya at nag bow kagaya ng mga prinsesa. Lumapit na kami kina mommy at sumayaw.
"Goodmorning Suzie," bati ni mommy paglapit namin sa kanila.
"Goodmorning mommy," ngumiti ako at ganon din si mommy, ang ganda nya talaga pero mas maganda ako. Hahaha kalabanin ba naman ang ina.
"Change partner naman!" grabe naman toh makasigaw si kuya akala mo ang layo layo namin sa isat isa.
Umikot naman kami ni mommy, kaya si daddy na ang partner ko.
"Goodmorning my princess." bati ni daddy.
"Goodmorning daddy."
"Kumusta ang umaga mo?"
"This is a perfect morning," nakangiti kong sagot.
Tumawa naman si daddy, "Lagi namang yang ang sagot mo sa tuwing nagsasayaw tayo."
Tumawa na rin ako, "Kasi pagkasayaw ko kayo ni kuya nagiging perfect ang umaga ko."
Nagsayaw pa kami ng ilang minutes tapos hinatid na ko ni kuya sa school.
Hininto na ni kuya ang kotse nya, nandito na pala kami sa school. I forgot to tell you at I'm already in senior high, grade 11 to be exact and currently studying here in Cornel University.
"Bye Suzie."
"Bye kuya," hinalikan ko sya sa cheeks, tapos bumaba na ako ng sasakyan.
Naglakad ako ng taas noo, syempre kung ganito ba naman kaganda ang mukha mo hindi mo talaga kaylangang itago, kawawa naman sila baka hindi makakita ng maganda.
Habang naglalakad ako, napapahinto at napapatingin sila sa akin. Bigla nalang may bumangga sa akin, busy kasi sya sa pakikipag usap sa kasama nya kaya siguro hindi nya ako nakita.
Nung nakita nya ako ay bigla syang namutla.
"Mi-miss S-suzzet I'm sorry, hindi ko po sinasadya sorry talaga." Nagba-bow pa sya habang humihingi ng tawad.
"Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo dahil hindi mo kilala kung sino ang mababangga mo." Taas kilay at cross arm kong sabi.
Mas lalo naman syang namutla. "Sorry po talaga Miss Suzzet," tapos nagbow na naman sya.
Nahihilo na ako sa ginagawa nya, tinaasan ko sya ng kilay, flip my hair then walk away from her what so ever drama.
Pasalamat sya at good mood ako, kung hindi ay hindi lang yon ang aabutin nya. Kung sa bahay ako ang prinsessa dito sa school I'm the queen and no one dare to block my way, well maliban dun sa isang tatanga tanga.
Malapit na ako sa room nang may narinig akong mga hikbi.
"Ano bayan ang aga aga may umiiyak nah."
Hinanap ko yong sino man yong umiiyak, pagtingin ko sa isang corridor nakita ko ang babaeng umiiyak, kaya pala sya umiiyak kasi sinasabunutan sya nung tatlong babae. Ano bayan isa lang yong kalaban tapos tatlo sila. Tsk, nakakababa ng kagandahan.
Tinulak nila yong babae kaya napaupo sya sa sahig. Lumapit na ako, masakit sa mata yung pinaggagawa nila.
"Anong nagyayari dito?" tanong ko dun sa tatlong mukhang what so ever.
"Kasi Miss Suzzet, binangga ako ng babaeng yan kaya natapon yong kape ko sa uniform ko." Tinuro pa nya yung umiiyak na babae na hanggang ngayon ay nakaupo padin.
Tinignan ko yong uniform nya, may stain nga ng kape, eh anong pinaglalaban nya? Eh halata namang hindi kamahalan yong uniform nya, di tulad sakin made from Italy.
"Miss Suzzet turuan nyo sya ng leksyon," sabi naman ng kasama nya.
Kumunot ang noo ko, "Inuotusan mo ba ako?" aba ang kapal nya para utusan ako.
"Hi-hindi po, sorry Miss Suzzet." Tapos yumuko sya.
Napabuntong hininga nalang ako at hinarap yung babaeng natapunan ng kape. Napansin ko rin na madami nang nakatingin sa amin, ang mga tao nga naman.
"Well kung natapunan ka ng kape sana tinapunan mo din sya."
"Ha?" nagtatakang tanong nya.
Gusto kong matawa dahil para syang tanga. Tinaasan ko sya ng kilay.
"O baka naman gusto mo lang pantayan ang pagkamaldita ko kaya ka naging war freak?"
"Hindi po Miss Suzzet, hindi po yon ang intensyon ko." Halata sa boses nya na natatakot sya, dapat lang.
"Eh ano pang hinihintay nyo? Alis!"
Nagmamadali naman silang umalis, ganon din yong mga nanunuod natakot din ata. Nagsimula na akong maglakad.
"Miss Suzzet," nilingon ko sya nakatayo na sya ngayon habang pinupunasan ang mga luha nya.
"Pwede ba, pagod na akong makipag usap sa mga pangit."
Pagpasok ko sa room bigla namang may sumigaw.
"SUZIE!!"
Ano ba namang babae toh ang ingay ingay sya lang ang may lakas ng loob para sigawan ako, palibhasa bestfriend ko. Kung ako ang princess-slash-queen sya naman well meet my fairy godmother.
"Irid Mae Lambera anong problema mo?!" napasigaw nadin ako, syempre hindi dapat ako magpapatalo.
Pinandilatan nya naman ako ng mata. "Pwede ba wag mo akong tawagin sa buo kong pangalan, nakakainis kasi yong Mae, parang May na ginawa lang Mae. Get's mo? Yung sa kalendaryo."
"Whatever." I rolled my eyes.
Bigla namang may umakbay sakin. "Good morning babe."
Nginitian ko sya. "Goodmorning din babe."
Every princess needs a prince and I like you to meet Nicko Alvares. Kami ang pinaka sikat na couple dito bukod kasi sa pareho kaming maganda at gwapo, pareho din kaming mayaman at matalino. His the team captain and I'm the cheer leader. In short perfect couple kami at sya ang kokompleto sa buhay ko.
Umupo na kami sa mga upuan namin kasi dumating na yong teacher.
Pagdating ng lunch hindi namin nakasama si Nicko kasi pinatawag sya ng couch nila.
"Suzie nakita moba si Gina?"
I rolled my eyes, "aba malay ko sa babaeng yon kanina ko pa sya di makita."
"Yong babaeng yon talaga."
"Suzzet"
Tinignan ko sya, kasama sya ni Nicko sa basketball team Trigger ata ang pangalan.
"Bakit?"
Inabutan nya ako ng three red roses. "Pinapabigay ni Nicko, pambawi daw kasi hindi sya nakasama sa inyo."
Nakangiti ko naman tinanggap at inamoy, hmm bango. "Pakisabi thank you."
"Sige alis na ako," nag salute pasya bago umalis.
"Friend ikaw na, ikaw na ang may sweet na boyfriend!" hinahampas hampas nya pa ako. Hindi rin sya kinikilig noh.
"Hahaha... syempre naman eh sa ganda kong toh!"
hi everyone! this is my second novel in webkom ayiee, so ang upadate nito ay kagaya ng ongoing novel ko every Monday and Thursday ang update, enjoy!