IKATLONG YUGTO: PANAGINIP
(DREAMS)
 

undefined

 

Ang panaginip ay ang mga nagaganap at nabubuo sa isang bahagi ng iyong utak kapag
ikaw ay natutulog. May mga taong nakapagsasabi ng mga ibig sabihin nito. Bawat
pangyayari o bagay sa iyong panaginip ay mayroong kahulugan. May iba naman na
nagsasabi na ang panaginip ay parte ng mga nangyari sa iyo sa buong araw na
nagdaan.
 

Ang makakita ng Espiritu sa iyong panaginip, ibig sabihin daw nito ay mga bagay na
hindi mo maabot o mga gustong gawin na imposible ng mangyari. O hindi ka na
masyadong nakakasabay sa buhay ng mundong ginagalawan mo. Subukan mo ding
alamin kung ano ang ipinahihiwatig ng espiritu sa iyong panaginip. Dahil
maaring ang ibig sabihin nito ay kailangan mo ng iwan ang mga hindi magandang
gawain na sumisira sayo at naglalayo sa iyo sa karamihan.
 

Kung ang espiritu ay isang kamag-anak o kaibigan ay maaring may kinalaman ito sa mga
pinagsisisihan mo na may kinalaman sa pinagsamahan nyo.
 

Ang bangungot ay isang masamang panaginip. Maaring makamatay sa mga taong may
problema sa kalusugan lalo na sa puso. Ito ang uri ng panaginip na nakakatakot
ang mga nangyayari. Ito ang klase ng panaginip na mahirap alisin sa iyong isip
at maaring tumagal ng buong araw o higit pa.
 

Maaring dahilan ng isang bangungot ay ang mga problema na iniiwasan mo in real time.
Ibig sabihin ay oras na para harapin mo ang mga problema mo. Minsan ang ibig
sabihin din nito ay maaring may masamang mangyayari o isang babala sa maaring
maganap sa iyong buhay. Isang babala na maaring tungkol sa iyong kalusugan o
isang aksidente. Kung minsan ang bangungot ay nag-u-ugat din sa mga bagay na
kinikimkim mo ng mahabang panahon. Maari pang makatulong sa iyo ang mga ito
para solusyunan ang iyong malaking problema. Kailangan mo lang intindihin ang
ibig sabihin ng iyong mga panaginip.
 

Sa panaginip, ang negatibong emosyon ay mas lamang kaysa sa positibong emosyon.
Kaya ang takot at pagkabagabag ay mas madalas maramdaman sa isang panaginip,
kasunod ng galit at kalungkutan.
 

Limang minuto pagkatapos ng isang panaginip, kalahati nito ay iyo ng makakalimutan,
pagkatapos ng sampung minuto 90% na nito ay hindi mo na alam ang eksaktong
pangyayari. Ano ba ang dapat mong gawin pagkagising mo para hindi mo ito
makalimutan?
 

Pag nagising ka na, wag ka munang tumayo, isipin mo muna ang iyong panaginip 

Buuin ito sa iyong imahinasyon hanggang mamemorya mo ang nangyari bago ka tumayo. 

Sa aking pang-unawa, ang panaginip ay isa rin sa paraan ng mga yumao na para
makausap ang kanilang mga mahal sa buhay. Katulad sa mga kaluluwang hindi
matahimik, isa rin ito sa paraan nila para makipag usap sa mga tao. Karamihan
sa mga ito ay hindi pa handang mamatay o hindi matanggap ang klase ng kanilang
pagkamatay, ngunit wala tayong magagawa. Kung oras mo na, oras mo na.
 

  

  

False Awakening Dream: akala mo gising ka na, hindi pa din pala, may isang panaginip
pa ulit bago ka magising ng tuluyan.
 

  

Lucid Dream: Alam mong nananaginip ka lang at nakakayanan mo itong kontrolin base sa
gusto mong mangyari.
 

  

Prophetic Dream: nakapagsasabi ng mangyayari sa hinaharap. 

  

Recurring Dream: Panaginip na nauulit o naipagpapatuloy sa ibang araw. 

  

  

   

  

SA SALA 

Sa sala kami madalas matulog ng boyfriend ko kasi madalas kaming manood ng mga
movies kapag tapos ng manood ng teleserye ang parents ko. Hating-gabi na at
talagang sobrang inaantok na ako noon pero si Jover ay hindi pa gustong matulog
kaya nahiga na ako sa carpet at siya naman ay nanatiling nakahiga sa sofa.
Ilang saglit lamang ng ako ay humiga, nakita ko sa aking kaliwang mata kung
nasaan ang front door namin, ay naglalakad ang aking tiyahin na si Ate Peya.
Patay na ito ilang taon na ang nakakaraan kaya nakapagtatakang nakikita ko sya
ng mga oras na yun. Iniiwas ko ang aking tingin sa kanya ngunit sa kabilang
side ko naman kung nasaan ang aming kusina at palikuran ay naglalakad palapit
din sa akin ang isa ko pang tiyahin na si Ate Lila na mas matagal ng yumao.
Pumikit ako saglit ngunit sa aking pagdilat nakita ko naman ang aking lola na
kailan lamang namatay, sa aking ulunan kung nasaan ang aming kainan. Lahat sila
ay naglalakad papalapit sa akin at unti-unting yumukod sa aking mukha. Bigla
akong tinawag at tinapik ni Jover.
 

"Jane! Gising. Umuungol ka." Tapik sa akin ni Jover. 

Nagising ako at nagulat sa sinabi ni Jover. Limang minuto pa lang ang nakakalipas ng ako
ay mahiga pero parang napakatagal kong nakita ang mga kamag-anak kong pumanaw
na. Akala ko ay sinusundo na nila ako.
 

  

  

SA SALA PART 2 

Nag-iisip kami isang gabi kung saang parte sa sala naman kami matutulog ni Jover. Kung
hindi may daga na dadaan sa paanan namin, butiki na malalglag galing sa bubong
o ipis na lumilipad, madami kaming iniiwasan. Napili naming matulog sa may
konting silong sa gilid ng dati kong kwarto kung saan natutulog ngayon ang
aking mga magulang.
 

Malalim na ang aking pagtulog ngunit naalimpungatan ako ng aking marinig ang mahinang
ungol ng aking katabi na si Jover. Hindi ko binuksan ang ilaw sa sala, sa halip
ay inalog ko sya at pinilit gisingin. Sa aking pagkaka-alala, kapag may
lalaking binabangungot ay kailangan muna syang subukan na gisingin at kapag
gising na ay pwede ng buksan ang ilaw. Pag nauna mo daw buksan ang ilaw ay
mamamatay ang binabangungot.
 

Ngunit hindi magising si Jover sa halip ay lalo lamang lumakas ang ungol nya at
lumakas ang panginginig ng kanyang katawan. Takot na takot ako habang inaalog
ko sya. Umiiyak na ako habang sinisigaw ko ang kanyang pangalan. Sinubukan ko
syang sampalin, hindi pa din sya magising inulit ko ang sampal at mas malakas
pa. Ngunit hindi pa din sya magising. Nanghihina ako at napayakap na lang sa
kanya habang tinatawag ang diyos para gisingin si Jover. Maya-maya ay tumigil
ang kanyang pag ungol at panginginig. Nagmulat na sya ng mga mata at napakunot
noo.
 

 "Bakit ka umiiyak?" tanong nya sa akin. 

"Diyos ko po salamat." At napayakap lang ulit ako sa kanya. 

Maka-ilang sandal ay ikinuwento ko sa kanya kung ano ang nangyari. Maya-maya ay nagbukas
na din ng pinto ng kwarto ang pinsan kong buntis na si Jules, nakitulog sya sa
bahay dahil inaaswang daw sya doon sa bahay nila, at bumaba na din ang kapatid
ko na si Onad.
 

"Narinig ko ang sigaw mo Jane kaya ako bumaba." 

Sabi ni Onad 

"Ako din pero hindi ako lumabas agad, anong nangyari?"
Sabi naman ni Jules.
 

Sinabi ko sa kanila kung ano ang nangyari. 

"Ako? Hindi kaya. Nagising nga ako kasi sigaw ka ng
sigaw eh." Sabi ni Jover habang nainom ng tubig na inabot ko.
 

"Nananaginip ka kanina. Ikwento mo nga kung ano yun." 

Napilitan syang magkwento dahil naghihintay din ang pinsan at kapatid ko. 

"Natutulog daw tayo ganitong pwesto pa din parang totoong
nangyayari, may isang babae dyan sa dulo ng sofa na nakatitig sa atin tapos
paikot ikot sya sa paligid nating dalawa tapos palapit sya ng palapit kada ikot
nya sa 'tin. Natakot ka at sumigaw tapos nagising ako."
 

Hindi na ulit kami natulog pagkatapos noon. 

  

PAMAMAALAM 

Nakita ni Jules ang nanay ng isa sa mga kaibigan namin sa taas ng bahay ng aming lola.
Bumaba ito at nilapitan sya para iabot ang isang sulat. Kasalukuyan syang
nakatayo noon sa may kalsada sa tapat ng kanilang bahay. Wala naman itong
sinabi, iniabot lang ang sulat sa kanya at umalis na. Kahit nagtataka ay wala
na syang sinabi at tinaggap na lamang ang sulat.
 

  

Bigla na lamang syang nagising, "panaginip lang pala". Sa isip nya. Ano
kaya ang ibig sabihin noon. Hindi naman sya close doon sa taong napanaginipan
nya. Nagtataka man ay inignora na lamang nya ito. Ng makalabas na sya ng
kanilang bahay ay napag-alaman nya na patay na pala ang taong iyon, ng gabi
ring iyon na ito ay makita nya sa kanyang panaginip.
 

Isang gabi, matutulog na sya ng makita nya ang aming lola. Diretso lang ito ng lakad
palapit sa kinahihigaan nya at walang ano-ano ay nahiga ito sa kanya mismo,
parang nasa loob ng katawan nya ang aming lola. Bigla na lamang syang nagising
pagkatapos noon, hindi naman nagtagal ng makarinig din sya ng ingay sa labas ng
bahay. Patay na ang aming lola.
 

Weird no? Isa lang ba iyong pamamaalam? 

  

PANAGINIP LANG 

Si Jover noon ay pauwi na ng bahay nila pero naisip nya na masyado ng late para
umuwi kaya nagdesisyon sya na makitulog na lang sa bahay ng isang kaibigan.
Pumayag naman si Boy na matulog sya doon. Halos karamihan sa kanilang mga
kaibigan ay doon na natulog sa bahay kaya sa sofa na lamang silang dalawa
natulog.
 

Komportable naman ang higa ni Jover, pero nagising sya ng mapansin na para siyang umaangat,
pagdilat nya ay nasa harap nya na ang bubong. Lumingon sya sa baba at nakita
nya ang katawan nya na natutulog sa sofa.
 

"Aaaaaaaaaahhhhh!!"
Hindi nya napigilan ang mapasigaw. Pagkatapos noon ay para syang bumagsak
pabalik sa kanyang katawan at tuluyang nagising.
 

Napatingin sila sa oras dahil nagising din si Boy sa sigaw nya, 3:00am. 

"Pre, anong problema? Bakit ka sumigaw?" tanong ni Boy sa kanya. 

"Wala pre, panaginip lang. Panaginip lang." 

  

BAGONG KAIBIGAN 

May kausap si Morris na babae sa sala ng aming bahay. Masaya ang lahat na
nagku-kwentuhan doon. Ng biglang tumayo ang babae na kausap nya.
 

"Magbabanyo lang ako." Sabi nito 

"Ah sige lang." sagot ni Morris 

Nagpunta na ang babae sa CR, ngunit sadyang napakatagal nito kaya naisip ni Morris na
sundan ang babae sa CR para alamin kung mayroon itong kailangan. Tatawagin nya
sana ang babae mula sa labas ng banyo ng maisip nyang hindi pala nya naitanong
ang pangalan nito. Sinubukan nyang itulak ang pinto at bumukas naman ito, wala
doon ang babae. Sa halip ay isa pang pinto ang nakita nya sa kabilang side ng
banyo, diretso sa labas ng bahay. Nagtataka man ay inignora na lamang nya ito
at umuwi na lamang sya ng bahay.
 

Nasa kabilang tabi lang naman ang kanilang bahay, ng sya ay matigilan. Nakita nya
ang babae sa gilid ng kanilang bahay at naka-ngiti sa kanya.
 

"Uy ang tagal nating nag-usap pero hindi ko pala naitanong man lang ang pangalan
mo."
 

"Tama, ako nga pala si Steph" 

Natigilan si Morris ng bigla nyang maalala ang pangalang Stephanie Baldosa ang babaeng
nagpapakita sa akin sa aming bahay.
 

At bigla na syang nagising. Panaginip lang pala. So kaya pala may pinto palabas ng
bahay dun sa loob ng banyo. Weird kasi ang mga panaginip minsan. Pero mas weird
na nasa panginip nya ang babaeng laging laman ng bangungot ko.
 

  

  

    

Amulet o Anting-anting 

Ito ay galing sa salitang malay na ang ibig sabihin ay nakasabit/nakalaylay. Gawa
ito sa iba't ibang klase ng metal at pinaniniwalaan na nagbibigay
ito ng lakas o kapangyarihang pisikal, mental at espirituwal sa sinumang
nagmamay-ari dito. May mga orasyon na ginagawa sa bawat klase ng anting-anting
para manatili ang kapangyarihan nito at mapanatili itong sagrado.
 

Arkanghel Gabriel Medalion

Isang amulet na nagbibigay ng proteksyon sa may
suot nito.
Para hindi ka malapitan ng mga espiritu. 

Eye of Horus  

The all seeing eye. Ito ay nagbibigay sayo ng kakayahan na makita ang hindi nakikita ng isang
pangkaraniwang mata.
 

  

  

  

 

“Ang Unang Pagtatagpo” 

March
2001
 

"Jane! Jane! Halika. Sumama ka sa akin!" Isang boses ang aking naririnig at
pinipilit nya akong sumama sa kanya. Lumabas ako ng kwarto para alamin kung
sino ang taong iyon ng makita ko ang isang babae na nakatayo sa katabing silid,
ang aming bodega. Nakatingin sya sa akin at nakalahad ang kamay nya sa
kinaroronan ko. Gumalaw ito paabante at tumagos ito sa pader ng kasunod na
silid, ang aming bodega at pagkatapos noon ay tumagos na naman sa pader sa may
kusina hanggang pumasok ito ng banyo. Tumagos muli ito sa pader palabas.
 

Hindi ko malaman kung bakit natatakot na ako ay patuloy pa din ang pag-sunod ko sa
kanya.
 

Nasa dulo na sya ng aming looban ng ako ay makalabas. Doon ko lang napansin na hindi
pala sya naglalakad dahil nakalutang ang kanyang mga paa sa lupa. Para syang
lumilipad ng nakatayo. Gumalaw na naman ito papunta sa pulo na katabi ng aming
looban.
 

Susunod pa din sana ako ng bigla akong magising. Pawisan at hirap na hirap huminga.
Takot na takot ako noon dahil para syang totoong nangyari. Hindi pa naman ako
sanay na bukas ang ilaw sa pagtulog. Palaging madilim sa kwarto ko at naka-lock
ang pinto. Kinalimutan ko na lang ang panaginip at pinilit kong matulog ulit.
Hindi ko inaasahan na simula lamang pala iyon ng isang misteryo.
 

  

  

“Ang Paghaharap” 

March
2003
 

"Jane, Jane, Halika sumama ka sa akin." Nagising ako ng isang boses na muling
tumatawag sa akin, sa isip ko "eto na naman sya." Iniikot ko ang
aking paningin ng maramdaman kong umaangat ang itaas na bahagi ng aking
katawan. At sa labas ng aking bintana ay nakatayo ang isang babae, ito rin yung
babae sa aking naunang bangungot. Naka-titig sya sa akin at nakalahad ang isang
kamay nito sa aking kinaroroonan, para bang ito ang nagpapagalaw sa aking
katawan.
 

Sa takot na baka ito ay lumapit sa akin ay tumayo ako at nagtangkang tumakbo
papunta sa may pinto. Sa ginawa kong iyon ay nagkaharap kami sa may bintana.
Masyadong makipot ang kwarto ko at maliit lang ang pagitan ng higaan at ng
bintana. Para lang akong nananalamin, sa harap ko ay ang bintana at ang babeng
nakaharap na ngayon sa akin. Tumakbo ako palapit sa pintuan ng kwarto ko ngunit
ayaw nitong bumukas habang patuloy ang pagtawag ng babae sa aking pangalan.
Sigaw naman ako ng sigaw, halos gibain ko na ang pintuan ng kwarto ko para lang
makalabas, sa puntong ito ay nakatitig ang babae sa akin habang nakalahad ang
mga kamay nito sa aking harapan, namumula ang mga mata nito at patuloy na
tinatawag ang aking pangalan.
 

Wala na akong magawa tinakpan ko na lamang ang aking mga mata at sumigaw: 

"Tigilan mo na ko Stephanie Baldosa!" 

At bigla na lang akong nagising na kapos sa paghinga. Para bang nasa harap ko pa
din ang babae sa aking panaginip. Nakapagtatakang naalala ko ang kanyang
pangalan. Wala akong kilalang ganong pangalan, umiiyak na nagtakip ako ng kumot
at may kaba pa sa aking dibdib, para bang nararamdaman ko pa din sya sa aking
madilim na silid.
 

Naisip ko na maaaring isang ordinaryong bangungot lang iyon, marahil natakot ako doon
sa unang panaginip ko kaya tumanim sa utak ko ang mga nangyari, pero mukang mas
komplikado pa ngayon ang sitwasyon.
 

  

“Ang Albularyo” 

Naikwento ko ang mga bangungot ko sa aking pinsan na si Jules. Kahit sya ay nagtaka sa
dalawang magkasunod na panaginip na tila ba magkarugtong lang. Pagkatapos ng
pangyayaring iyon ay hindi na ako muling nakatulog sa aking kwarto. Nagpupunta
lang ako doon pag kukuha ng damit. Doon ako natutulog sa bahay ng pinsan ko na
si Jules, doon lang din sa loob ng aming looban.
 

Isang araw may isang faith healer na bumisita sa aming looban, ipinasundo pala ito ng
Tita ko na nanay ni Jules para magpa-gamot. Nagpunta din doon ang nanay at
tatay ko dahil parehas din daw sila may nararamdaman sa katawan na hindi
maganda. Gusto ni Jules na magpa-tingin din ako o magpa-tawas ka nga. Pero
hindi ko gustong alamin kung anong meron doon sa mga nakaraang bangungot ko
kaya lumabas na lang ako ng bahay.
 

Sumunod naman sa labas ang pinsan ko pero makalipas ang ilang minuto, nagulat na lang
ako ng tawagin ako ng mga tao sa loob ng bahay. Ako na daw ang susunod.
Napatingin na lang ako kay Jules,
 

"Sige na para malaman natin kung ano yan" 

"Anong sinabi mo doon?" 

"Wala! Sabi lang isulat ko ang age, name at birthdate mo sa papel." 

Wala na akong nagawa kundi ang pumasok sa loob. Nagsimula ng ritwal ang albularyo.
Inangat ang nabuong kandila sa tubig at tumingin sa akin.
 

"Babae ito, na bumabagabag sa iyo. Kaluluwang hindi
matahimik. Sa panaginip ba o nagpapakita
talaga
siya sa iyo?"
 

"Sa panaginip lang po." nagtataka man ay sumagot na lamang ako, tumpak ang
sinabi nito, baka nga makatulong sya. Nakikinig din ang mga magulang ko at
nagulat na lang ng mga oras na iyon, noon lamang nila nalaman na may mga ganoon
palang pangyayari sa akin ang hindi nila alam.
 

"Sino ang gumigising sa iyo pag binabangungot ka? 

Tinanong mo ba sya at kinausap kung anong kailangan
nya sayo." Tanong ng albularyo sa akin.
 

"Wala, mag isa lang ako sa kwarto ko, nagigising na lang ako ng mag-isa pag sasama na
ako sa kanya. Nakakatakot nga sya, at hindi ko din maintindihan kung anong
kailangan nya sa akin. Basta tinatawag nya lang ako at pinapasama sa
kanya."
 

"Siguro may gusto syang sabihin o ipakita sayo, bakit hindi mo itry sumama para malaman
mo kung bakit ka nya kailangan?"
 

"Panaginip yun, hindi ko kontrolado ang mga nagyayari, at kahit sumasama ako sa kanya,
nagigising ako kaya hindi natutuloy. At kung sumama nga ako at di ako nagising,
siguradong patay na ko ngayon."
 

"Malakas ang fighting spirit mo kung ganon. Ganito ang gawin mo, magpadasal ka ng siyam
na araw sa bahay ninyo at pabendisyunan mo ang mga lugar kung saan mo sya
nakita. At magpamisa ka sa simbahan para sa kanya."
 

Lahat yun ay ginawa ko. Kaya akala ko ay tapos na. Hindi pa pala. At hindi ko akalain
na mas malala pa ang mga susunod na mangyayari.
 

  

“Ang Babaeng Umiiyak sa Aking Kwarto” 

Mag-isa lang ako sa bahay namin ng hapon na yun around 5pm. Dumating ang pinsan kong si
Jules. Naisipan naming na maglaro ng baraha habang naka-on ang TV. Magkaharap
kami noon sa sala, maliit lang ang bahay namin kaya bawat sulok ng bahay ay
makikita mo kapag andon ka sa gitna, ang sala.
 

Sa aming paglalaro ay nakarinig ako ng babae na umiiyak na para bang nanggagaling
sa loob ng aking silid. Nasa gilid lang namin ang kwarto ko kaya malinaw kong
naririnig ang umiiyak na babae. Tumingin ako kay jules pero mukang dedma lang
sya. Mukang wala naman syang naririnig kaya hindi ko na lang ito pinansin para
hindi na din matakot ang pinsan ko. Naulit ang pag iyak ng babae at natigilan
na din si Jules.
 

"Hindi mo ba naririnig yun, parang may umiiyak." 

"Kanina ko pa naririnig ayoko lang na takutin ka, akala ko kasi hindi mo naririnig
eh."
 

Habang nagbubulungan ay binawasan din namin ang
volume ng TV.
 

"Baka sa kapitbahay lang naman yun." 

Sabay kaming naghintay kung mauulit ang pag iyak. Nang biglang bumukas ang palyado
kong ceiling fan sa kwarto at kasunod noon ay ang pag iyak na naman ng babae ng
mas malakas. Para bang nandon lang ito sa likod ng pinto ng aking silid. Sabay
kaming napasigaw at napatakbo ng pinsan ko palabas ng bahay. Sa sobrang
pagmamadali, hindi na namin nagawang mag suot ng tsinelas.
 

Naisip kong baka nagpapa-alam lang yung babae sa akin pagkatapos ng mga padasal at
pagbendisyon na ginawa sa bahay.
 

  

“Sa Aking Tabi” 

Isang gabi, ng matutulog na kami ng pinsan ko ay tinawag ako ng panganay kong kapatid
na si Pardoy. Umuwi ako ng bahay para alamin kung bakit, kailangan lang pala ng
tagaluto ng hapunan nito. Medyo late na kasi sya dumating galing trabaho.
Marahil ay pagod na at gutom na ito. Pagkasalang ko ng sinaing ay bumalik ako
agad sa kwarto ng pinsan ko. Ay mga pinagku-kwentuhan kami ng gabi na yun.
Nakalimutan ko na ang niluluto ko ng marinig ko ang kapatid kong sumisigaw.
 

"Sunog na ang sinaing!" Galit na galit na sigaw ng kapatid ko. 

Dali-dali akong bumalik ng bahay, sunog na talaga yung sinaing. Napagalitan nya ko kaya
hindi na ako nakalabas ng bahay, diretso akong pumasok ng dati kong kwarto, na
sa ngayon ay kuya ko nga ang gumagamit. Sa sobrang sama ng loob ko ay doon na
ako inabutan ng antok.
 

Nagising ako ng madaling araw ng mapansin ko na may nakaupo sa tabi ko. Nakaupo sya ng
paluhod sa tabi ng bintana kung saan tumatagos ang liwanag na galing sa buwan.
Hindi ko talaga maaninag ang mukha nya. Naisip ko bigla si Jules, mahilig kasi
sya na pagtripan ako pag hindi ito makatulog. Pero hindi ito gumagalaw, sa
halip ay nakatingin lamang sya sa akin.
 

Pumaling ako sa kabilang bahagi ng higaan ng biglang may bumaba ng hagdan. Biglang
pumasok sa isip ko ang nangyari ng nagdaang gabi.
 

"So wala ako sa kwarto ng pinsan ko at wala dapat akong kasama sa kwarto. Sino ang
katabi ko?" Nagsimula na naman akong gapangan ng takot. Hindi ko na
maigalaw ang katawan ko, sa pagkaka-alam ko ay nakatingin lang sa akin ang
babaeng katabi ko at habang naiisip ko kung gaano ito kalapit sa akin ay lalo
akong hindi makapag-isip ng gagawin.
 

Idagdag mo pa ang nakakatakot na tunog ng ceiling fan ko na pupugak pugak na sa pag
ikot. At ang liwanag na galing lamang sa buwan na tumatagos sa bintana. Para na
naman akong nanood ng horror movie at anytime ay pwede nya kong hawakan. Sa
naisip ko ay bigla akong tumayo at walang lingon likod na binuksan ang pinto ng
kwarto at lumabas. Diretso ako sa kusina kung saan ay kasalukuyan na
nagliligpit ng plato ang aking ina. Ito pala ang bumaba sa hagdan kanina.
Tiningnan ko ang oras para makasigurado, alas-tres ng umaga.
 

"Bakit ang aga mo gumising at dyan ka pala natulog?"
Tanong ng nanay ko.
 

"Oo nga eh, may katabi kasi akong matulog." 

"Sino? Si jules? Anong problema dun?" 

"Wala akong kasama sa kwarto matulog kagabi" 

Napatanga na lang ang nanay ko at sinabing 

"ahhhhh. Ok." 

Akala ko pa naman ay tapos na, mas masama ata ngayon dahil hindi na sya sa panaginip
lang nagpaparamdam at nagpapakita.
 

  

“Ang Pagpaparamdam” 

Maganda ang araw na yun. Habang nagpa-plantsa ako ng mga damit ay naglalaba naman si
Jules sa labas. Nasa palengke na ang nanay ko ng ako ay magising. Habang
namamalantsa sa sala ay biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto. Sagad ang
pagkakabukas nito at bigla ding sumara agad. Nagulat talaga ako. Una, ang sahig
namin ay carpeted pero hanggang pinto lang ng kwarto ko. Kaya pag binuksan ang
pinto nito ay medyo mahirap kasi sumasayad ang dulong bahagi ng pinto sa
carpet. Hindi ito kaya ng simpleng hangin lang.
 

Diretso lang ako ng plansta ng damit ng bumukas at sumarado na naman ang pinto na
naulit pa ng maraming beses. Medyo mabilis lang sya, kaya naisip ko marahil ay
pinagti-tripan ako ng bunso kong kapatid na si Obet. Iisa lang ang pinto namin
para makalabas ng bahay kaya wala itong ibang susuotan. Maliit lang ang kwarto
ko at walang pagtataguan at kita mo ang bawat sulok ng bahay pag nasa sala kung
saan ako naroroon. Inayos ko ang plantsa at lumabas. Kinausap ko si jules para
abangan at gantihan ang kapatid ko. Nag abang sya sa may pinto at ako naman ang
pumasok ng kwarto ko. Subalit walang tao doon. Hinanap ko sya sa ibang parte ng
bahay pero wala talagang ibang tao dun. Ako lang.
 

Sa labas ko na lang ng bahay inabangan ang nanay ko dahil sa takot. 

  

“Ang Paglapit ng mga Kaluluwang Ligaw” 

Tapos na ako ng pag-aaral sa vocational course ko na Computer System Design and Programming

at doon na ulit ako natutulog sa kwarto ko. Medyo matagal na din akong nawala dito.

Hindi talaga ako makatulog ng buhay ang ilaw at bukas ang pinto. Kaya kagaya din ng dati, natutulog pa din
ako ng patay ang ilaw at lock ang pinto.
 

Nagising ako na para bang may nakatitig sa akin. Pumaling ako sa may side table ng may
mapansin doon, isang pares ng paa, hindi ko alam kung bakit tiningnan ko pa
talaga kung sino ang nag mamay-ari ng mga paa na yon. Unti-unti kong inangat
ang aking paningin simula sa paa nito hanggang sa makita ko ang nagmamay-ari
nito. Isang lalaki na duguan ang mukha at nakatungo sa akin ang aking nakita.
Sagad ang ulo nya sa ceiling kaya nakayuko ito at diretsong naka titig sa akin.
Napabangon ako sa aking higaan at napa-atras sa dulong bahagi nito, ng biglang
may isang kumpol ng usok ang biglang umikot at nag korteng babae sa bahaging
iyon ng higaan. Inilahad nito ang kamay nya sa akin at sumigaw. Napa-atras ako
sa may gitna ng higaan, takot na takot ako at sigaw ako ng sigaw. Wala akong
matatakbuhan dahil ang lalaki ay nasa may pinto ng aking silid. Tinakpan ko na
lang ang mga mata ko at umiyak habang nagdadasal. Narinig ko ang kapatid ko na
tumatawag sa labas ng aking kwarto. Pagmulat ko ay para lamang akong nanaginip.
Nakahiga pa din ako sa aking higaan ngunit basa ng luha ang aking mga mata.
 

Nang sumunod na gabi ay ganon na naman ang aking pakiramdam. Para bang may nakayakap
sa akin ng mahigpit at halos hindi na ako makahinga. Parang may mali, naisip ko
na isa na naman iyong bangungot. Nagdasal ako ngunit parang hindi ko memoryado
ang dasal na madalas ko naman gawin, "Diyos ko gisingin mo ako" at
bigla akong nagising ng humahangos, ng biglang may para bang sumasabunot sa
aking buhok. Sa gilid na aking mata ay may babaeng nakatitig sa akin, nakahiga
sa aking tabi pero hindi ako makagalaw para lingunin ito, para syang sumisigaw
dahil bumubuka ang bibig nito pero wala akong naririnig na boses galing sa
kanya.
 

Nagpilit akong makagalaw at napaharap ako sa kanya, ng bigla itong sumigaw. Pero bigla
din akong nagising, totoo na. Nakiramdam ako kung may mangyayari pa pero totoo
na talaga, gising na ko. Double dream, hindi ko alam na mangyayari iyon sa akin.
 

Bumalik ako sa albularyong nang gamot sa akin noon, dinala ko ang mga talisman ng tatay
ko ang eye of horus o one eye at ang Anghel Gabriel.
 

Nagtanong ako kung may silbi ba yun at paano gamitin dahil sayang naman. Nagalit sya ng
makita ang one eye, ang sabi nya kaya marahil nilalapitan ako ng mga ligaw na
kaluluwa ay naisip ng mga ito na kaya ko silang tulungan. Naiwan sa akin ang
Anghel Gabriel bilang proteksyon sa mga kaluluwang ligaw.
 

Simula noon sa tuwing sasapit ang araw ng mga kaluluwa ay ipinagdadasal at ipinag
titirik ko ng kandila sa bahay namin ang kaluluwa ng babaeng nagpapakita sa
akin.
 

Para sa kanyang katahimikan. 

  

Iba’t ibang uri ng mga Tao na gumagamit ng kakayahan sa mahika. 

 Mangkukulam  

Ang tawag sa mga witches na ginagamit ang kapangyarihan sa masamang mga Gawain o
Black Magic.
 

  

Manggagaway

Ang katungali ng mga mangkukulam ng ginagamit sa mabuti ang kakayahan o tinatawag
na White Magic.
 

  

Albularyo 

Ang tawag sa mga nagpapagaling gamit ang halamang gamut o gumagamit ng kakayahan
para sa pang gagamot.
 

  

  

  

  

TAPOS NA PO!  

AME Creator

Sa anumang pangyayari o kaganapan sa ating buhay ay may isa pa din tayong pwedeng masandalan. DASAL at PAGTITIWALA sa ating LUMIKHA.