PROLOGUE
Kahit sino ay may Sixth Sense o Third Eye. Isa itong abilidad na hindi lahat ng tao
ay naniniwala sa ganitong kakayahan. Ang pagkakaroon ng ganitong kaalaman ay
hindi madali, kagaya ng iniisip ng ibang tao. May mga tao na nagagamit ito para
makatulong sa iba. Pwede mo itong ignorahin at ipatanggal sa mga eksperto sa
pamamagitan ng isang orasyon. O kaya naman ay paglawakin at pag-aralan para
malaman mo kung gaano ka ka-espesyal sa pagkakaroon ng ganitong abilidad kapag
natutunan mo na itong gamitin sa tamang paraan.
Ang mga susunod na kwento na inyong mababasa ay may kaugnayan sa mga tunay na
pangyayari na isinalaysay ng kusang loob ng mga taong nakaranas nito. Mga hindi
pangkaraniwang sitwasyon na nakaka-pangilabot at nakaka-manghang eksena. Mga
bagay na mahirap ipaliwanag ng siyensya.
Sa mga kwentong ito, malalaman natin na may ibang mga nilalang pa pala ang
nabubuhay sa mundong ating ginagalawan. At totoo pala ang mga pangyayaring
mahirap sa atin ang paniwalaan. Naniniwala ka ba na may DIYOS? Naniniwala ka ba
sa DEMONYO? Eh sa multo, maligno o elemento?
Hindi mo pa siguro sila nakikita, kaya posibleng hindi ka din naniniwala. Ang
importante ay may alam ka.

Ang lugar na ito ay matatagpuan sa bayan ng Silang, Cavite kung saan kilala ang
pagkakaroon ng mga medalyon o talisman. Marami sa mga taga-Cavite ay naniniwala
sa kakayahan ng isang Agimat na madalas ang mayroon ay ang mga manggagamot o
albularyo.
Ang looban na ito ay kilala bilang nakakatakot na lugar. Isa daw kasi ito sa mga
ginawang tapunan ng mga bangkay noong panahon ng Hapon. At ang ilan sa mga
kaluluwa ng mga ito ay madalas magpakita sa gabi sa mga taong nakatira dito.
May mga hindi maipaliwanag at nakakamanghang pangitain ng mga elemento, multo at madami
pang iba sa lugar na ito. Madalas ay nagpapakita ang mga ito sa mga bata dahil
inosente ang mga bata sa kanilang uri. Sa lugar na ito na tila ba ginawa ng
tahanan ng mga kakaibang nilalang.
Alamin ang mundo ng mga elemento, mundo ng panaginip, at mga espiritu.
Tuloy po kayo sa aming looban.
Ang espiritu ay isang enerhiya. Ang mga tao ay nakatira sa mundong may pisikal na
anyo at hindi alam ang ibang mundo na posibleng ginagalawan ng ibang nilalang
tulad ng mga espiritu. Espiritu ang kadalasang tawag sa kaluluwa ng isang taong
namayapa na.
Ayon sa isang research ay may dalawampung katotohanan sa mga Kaluluwang nagpapakita:
1. Gusto nilang kunin ang atensyon mo.
2. Wala silang pakialam sa oras.
3. Hindi nila alam na patay na sila. Para lang silang nakulong sa isang bangungot
na paulit ulit.
4. Kaya nilang makipag-ugnayan sa mga tao sa maraming paraan. Sa panaginip,
orasyon, malalim na kaisipan, syentipikong paraan o pag gamit ng materyal na
bagay.
5. Sila ay palaging naka-abang sa mga nangyayari sa paligid.
6. Malakas ang pang amoy nila. May mga klase ng amoy na gusto ng mga kaluluwa.
7. Mas aktibo sila sa gabi. Mas malakas ang enerhiya ng mga ito kapag walang mga
buhay na kagamitan sa bahay at walang mga taong nakikita. Ang mga sumusunod ay nakaka-apekto
sa kanilang sariling enerhiya.
8. Madalas silang magpakita sa mga madidilim o may sinag ng konting liwanag. Kung
minsan ay malabo ang kanilang itsura kung minsan naman ay parang normal na tao
sila na pwede mong makasalamuha. At para bang buhay pa din.
9. Madalas silang magpakita kung saan sila huling nagpunta o yung alam nilang
kanilang tahanan.
10. Mas madalas magpakita sa mga mas nakakabata na may inosenteng kaisipan.
11. Naiiwan sa kanila ang tunay nilang ugali o kung ano ang huli nilang naramdaman
bago sila binawian ng buhay.
12. Hindi lahat ng multo ay hindi lamang makaalis sa mundo ng mga tao, may ilan na
piniling magtigil dito.
13. Hindi maiaalis sa kanila ang kanilang personalidad.
14. Madalas silang makita ng mga bata at hayop, hindi man sadyang magpakita sa mga
ito.
15. Kahit ang mga kaluluwa ng mga hayop ay maari din maging ganito.
16. Ang mga kaluluwa ay matulungin din.
17. Minsan ay nagiging maalagain sila sa kanilang kapamilya.
18. Marami sa kanila ay hindi alam na patay na sila, anong nangyari sa kanila at
kung bakit hindi natin sila nakikita at kinakausap.
19. Kapag naiinip ang isang multo ay nagiging makulit sila.
20. Nagagawa nilang lumipat ng mga lokasyon ayon sa gusto nilang puntahan na
narating na nila noon.
Mahilig talagang maglaro ang mga kabataan, noong sampung taong gulang pa lamang ako ay
madalas kaming maglaro sa labas ng bahay kahit madilim na, dahil nakatira lang
kami sa isang looban o compound.
Madalas naming laruin ang tagu-taguan kapag ganoong oras. Habang nagbibilang ang taya
sa pader ay magtatago na kami sa mga lugar na alam naming hindi kaya ng taya na
puntahan dahil sa sobrang dilim. Masikip ang daanan sa gilid ng bahay ng tyuhin
namin patungo sa lugar na aming pagtataguan. Sa likod ng bahay na iyon ay isang
pulo na sakop pa din ng aming looban.
"Mauna ka Jules!" Utos ng isa.
"Ha! Bakit ako. Ikaw Kuya Pardoy! Mas matanda ka."
"Ayoko, ikaw na lang, andyan ka na eh." Sagot ni Pardoy.
Nasa bandang gitna ang aking pwesto, at habang naglalakad kami ay biglang tumigil si
Jules na nasa unahan ng pila. Halos magkauntugan na kami dahil lahat kami ay
nakayuko at nakatingin sa aming nilalakaran.
"Anong nangyari?" Tanong ko habang nakasilip sa unahan.
"Anong meron?" Tanong ng iba pa.
Halos sunod-sunod ang tanong naming lahat sa kanya. Napatingin kami kay Jules na
nakatitig at nakanganga sa aming pupuntahan. At ng aming masilip kung bakit sya
napatigil, kami mismo ay kinilabutan dahil sa dulo aming dinadaanan ay may
isang babae na nakatalikod at nakalutang sa lupa. Mahaba ang kanyang buhok na
halos abot sa kanyang talampakan. Malabo ang kanyang imahe pero kitang kita sya
sa gitna ng kadiliman.
"Multoooo!"
Napasigaw na lang kaming lahat at sabay sabay kaming nagtakbuhan paalis sa
lugar. Sa patio ng aming tahanan ay patuloy kami sa walang tigil na tanungan
tungkol sa babaeng aming nakita ng biglang may kaluskos kaming narinig mula sa
lugar kung saan kami nakakita ng multo. At doon ay lumabas ang tyuhin namin na
lasing at nakayuko habang nagsasara ng zipper nito. Maari kayang nasa likuran
nya ang multo habang sya ay umiihi sa likod ng bahay? Hindi kasi namin sya
nakita doon ng makita namin ang babae.
Nagpunta si Jules sa bahay namin para makipag-laro. Hindi napansin ng Nanay nya na
umalis sya dahil abala ito sa pagluluto. Mayroon kasi silang maliit na
karinderya. Ng biglang dumating si Ate Edang.
Edang: "Ate Peya pwede bang maki-gamit ng CR?"
Peya: "Oo naman, kaya lang mukhang may tao, Baby andyan ka ba sa loob?"
iyon ang tawag kay Jules ng kanyang Ina.
Boses sa Banyo: "Opo nanay."
Peya: "Ano ginagawa mo?"
Boses sa Banyo: "Nadumi po."
Peya: "Bilisan mo at gagamit ang ninang mo ng banyo."
Makalipas ang ilang minuto ay masayang pumasok ng bahay si Jules. Laking gulat ng
dalawang nagku-kwentuhan sa may sala.
Peya: "Akala ko ba eh nasa banyo ka?"
Jules: "Huh. Galing ako kina Jane wala ako sa banyo."
Edang: "Sino yung kausap namin sa banyo ng Nanay mo?"
Nagpunta silang lahat sa banyo para tingnan kung sino ang nasa loob ng banyo. Ng itulak
nila ang pinto ay bumukas ito ngunit walang tao sa loob. Nagtaka man sila dahil
walang paraan na makakalabas ang tao sa banyo ng hindi nila nakikita ay hindi
na nila ito pinagtuunan ng pansin. At hindi na din nakigamit ng banyo si Edang
sa takot na may makita sya sa loob nito.
Isang hapon ay nagpunta ako kina Jules ang pinaka malapit sa akin na pinsan ko. Mula
sa'min ay pwede kong gamitin ang pinto sa likod, bukod sa madali kong mapapasok
ang bahay, ay agad ang madadaanan ko agad ang kwarto ni Jules.
Paglapit ko sa pinto ng kwarto ni Jules ay may babaeng kumakanta habang nanalamin. Hindi
ko sya pinansin kahit nginitian naman nya ako dahil hindi ko nakita si Jules.
Para bang kakaiba din ang pakiramdam ko noong nasilayan ko sya. Naisip ko na baka busy ang pinsan ko dahil may
bisita sya sa kwarto kaya nag desisyon na lang akong dumiretso na lang sana sa
labas. Dalawang hakbang pa lang ang nagagawa ko ng bigla akong natigilan. Hindi
kasi nalabas ang pinsan ko ng may ibang tao sa kwarto nya. Kaya humakbang ako
pabalik para sana itanong kung nasaan ang pinsan ko, ngunit wala na ang babaeng
nananalamin. Wala ng tao sa kwarto ni Jules. Walang paraan na makakalabas ng
bahay ang babae ng hindi ko nakikita. Kaya dali-dali akong lumabas sa sobrang
kaba. Agad kong naisip na multo ang aking nakita na madalas mangyari sa akin
ngunit hindi ko talaga makasanayan.
Nahulog ang tatay ko sa bubong habang inaayos ang yero. Nabalian sya ng buto sa paa,
kamay at katawan at hirap syang umakyat sa kanilang kwarto na nasa ikalawang
palapag ng bahay namin. Kaya minarapat naming magpalit na lamang kahit nasa
ilalim ng kanilang kwarto ang aking silid.
Isang gabi ay dumating ang panganay kong kapatid kasama ang aking pamangkin na lalaki
na si Franz. Gusto nya ay sa akin tumabing matulog kaya isinama ko sya sa itaas
ng bahay. Habang nakaupo kami sa kama ko ay bigla na lang sya nagyaya na bumaba
na lang.
Franz: "Tita bumaba na tayo ayoko na dito, may multo."
Jane: "Nasaan naman ang multo ha Franz?"
Franz: "Ayan sa harap ng cabinet sa likod mo Tita.”
Jane: "Anong itsura ng multo Franz." Kinabahan man ay hindi ako
nagpahalata.
Franz: "Hindi masyadong maganda Tita kasi buhaghag ang buhok nya at pango ang ilong."
Jane: "Halika bumaba na tayo bago pa magalit ang multo sa panlalait mo."
Sabi ko na lamang. Pero ang totoo ay natakot ako dahil iyon mismo ang itsura ng
babaeng nagpapakita sa akin sa kwarto ko sa ibaba ng bahay. At palagi ko din
itong nakikita sa aking mga bangungot.
Unang gabi ng burol ng aking tyuhin at hindi maganda ang pakiramdam ng pinsan ko na
si Rose Ann. Noong buhay pa ang tyuhin namin ay madalas itong pumapasok sa
bahay nila. Kumukuha ng pagkain, nanonood ng tv, natutulog, kahit walang paalam
ay nakakapag-tigil ito sa loob ng kanilang bahay.
Nakakaramdam sya ng takot ng gabing iyon at hindi sya mapakali, aminado naman syang duwag
talaga sya. Naka-lock man ang kanyang silid ay hindi nya pinapatay ang ilaw
dito. Nakatakip din ang kumot nya sa kanyang buong katawan habang siya ay
nakapikit. Balak na nyang matulog dahil natatakot na talaga sya, ng biglang may
bumulong sa kanyang tainga. Boses na madalas nyang marinig sa aming tyuhin na
kasalukuyang nakaburol, pag ito ay lasing. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa
sobrang takot ay hindi sya makagalaw. Muli nyang ipinikit ang kanyang mga mata
at pinilit matulog dahil wala syang kasama ng gabing yon.
Ang sumunod na gabi ay sinigurado nyang hindi na sya malalapitan ng kaluluwa ng
aming tyuhin. Lahat ng iyong makikita ay kulay pula. Sabi nila pag nagsuot ka
ng pula ang tingin sayo ng kaluluwa ay isang apoy kaya hindi ka nila lalapitan.
Pulang medyas, pajama, damit, kumot, unan, kurtina. Lahat kulay pula. Handa na
ulit syang matulog at kampante syang hindi na magpaparamdam ang tyuhin namin sa
kanya, ng walang anu-anu ay:
May kaluskos syang narinig sa kusina na sadyang nakakapagtaka dahil wala ng gising
sa kanilang bahay. Maririnig mo ang hagok ng kanyang ina. Wala ang kanyang ama,
nasa kabilang bahay ito at nagmamadjong, naka-lock ang pinto ng kanilang bahay
kaya walang ibang tao ang makaka-pasok. May naghahalungkat ng pagkain sa kusina
kagaya ng madalas gawin ng tyuhin namin nung nabubuhay pa ito. At maririnig mo
ang hangos nya kapag lasing sya na lalong nakapagpa-dagdag ng takot na
nararamdaman ng pinsan kong si Rose Ann.
Simula noon ay hindi na sya natulog mag-isa sa kanilang bahay. At mula noon ay sumilip
na din sya sa kabaong ng aming tyuhin na namatay.
May kaunting handaan sa aming bahay, kaya isinama ko ang ilan sa aking mga kaibigan
sa kolehiyo. Ang ilan sa amin ay lasing na at nagkakasiyahan sa pagkanta at pag
inom.
Cindy: "Ate Jane paihi ako."
Jane: "Sige lang pumasok ka na, alam mo naman kung saan eh." Ito ang
pinaka-bata sa aming magkakaibigan at nakainom din ito kaya minabuti kong
sundan sya dahil baka mapansin ito ng aking mga magulang na nasa sala.
Cindy: "Sandali!! Sino ba yan? Sinabi ng sandali lang eh!!" Nagtataka man
dahil nagsasalita ito sa loob kahit walang kasama ay hinintay ko na lamang
itong maka-labas. Ng makalabas ito ay galit itong nagtanong,
Cindy: "Sino ba yung katok ng katok ang kulit kulit nakaka asar ha."
Jane: "Cindy walang kumakatok. Hinihintay ka lang namin lumabas." Halata
ang pagtataka sa mukha ni Cindy noon kaya medyo natawa ang magulang ko.
Tatay: "Hayaan mo na yun dadaan daw kasi sya kaya nakatok. Masasanay ka din pag madalas
ka dito sa amin."
Hindi ko na binaggit sa kanya na madalas talagang mangyari ang ganun sa banyo namin.
Ang pagkatok ng kaluluwa ng isang babae. Dahil dumadaan ito sa aming palikuran
kapag pupunta sa labas ng bahay.
Nasa loob na ng kwarto si Jules at si Lia para matulog na. Nagdasal lamang sila at
naghanda ng matulog. Nauna ng makatulog si Lia sa kanya. Nang makaramdam na sya
ng antok ay may naramdaman sya na humaplos sa kanyang buhok. Nagulat sya dahil
wala namang ibang tao sa loob ng kwarto. Sarado na ang bahay at tulog si Lia na
nasa harapan nya. Bahagya syang nakaramdam ng kaba. Sinubukan nyang silipin ang
ilalim ng kanyang higaan, ngunit walang tao dun. Naisip nya ang kanyang yumaong
ina. Siguro ay binabantayan sya nito habang pinapatulog ang kanyang anak. Kaya
itinuloy na lamang nya ang kanyang pagtulog.
May gaganapin na party sa bahay ng gabi na yun. Lahat ay nakatalagang magdala ng
kahit ano na pwedeng mapagsaluhan sa okasyon. Pagkatapos ng party, ang lahat ay
lasing na at ang iba naman ay tulog na. Kanya kanyang pwesto na sa loob ng
bahay ng pinsan kong si Jules.
Pumasok ako sa kwarto ni Jules kung saan kami nakahanap ng mapupwestuhan. Habang ang
lahat ay tahimik ay bigla na lamang nagsalita si Mhel, isa sa mga kaibigan
namin na may malaking boses.
"Ate wag ka maingay! matulog ka na lang!" Galit na sabi ng isa sa aming mga
kaibigan.
Tuloy pa din sa pagsasalita si Mhel ng mga bagay na hindi namin maintindihan. Palakas
ng palakas ang kanyang boses hanggang para na syang sumisigaw.
"Akin ang katawan na ito!" malinaw nyang sabi na ikinagulat naming lahat.
Para kaming binuhusan ng malamig na tubig. Lahat kami ay napatayo at napatingin sa
kanya. Habang tumatawa sya ng malakas. Ang boses nya ay kakaiba. Parang
nangagaling sa ilalim ng lupa. Sobrang lalim pakinggan at nakakatakot marinig.
Ang tawa nya ay parang sa isang demonyo. Sinubukan namin siyang pigilan ngunit
sadyang napakalakas nito at patuloy na sinasaktan ang kanyang sarili. May
nakahawak sa magkabilang kamay, balikat, bewang, hita, binti at paa. Sa dami
namin na nakahawak sa kanya ay tila napakalakas pa din nya at naihahagis nya pa
kami. Nataranta ang lahat dahil sa nangyayari at parang nawala ang aming
kalasingan.
Bigla kong naalala ang mga ginawa ng espiritista noon sa aking tyahin na sinaniban at
sinubukan kong gawin yun sa kanya. Rosaryo sa ibabaw ng mga paa, mga posporo sa
gilid na bawat daliri tapos ay pipisilin. Nakita ng pinsan ko ang ginagawa ko
kaya ako ay kanyang pinigilan.
"Jane hindi yan tatalab sa kanya hindi ka naman espiritista, tumawag ka ng may alam
sa gagawin."
Sabi ni Jules.
Tumawag ako ng kapitbahay para sunduin ang albularyo na si Ka Levi. Nadaanan ko ang isa
sa mga kaibigan namin na si Jerry sa may pintuan na nakatitig lang kay Mhel.
"Totoo ba yan?" tanong nito sa akin na mukang lasing pa din at nakakalokong
nakangisi pa.
"Mukha ba siyang nagbibiro?" sigaw ko sa kanya, at tumulong na din siya sa
paghawak kay Mhel na nagwawala na noon.
Maya-maya ay dumating na si Ka Levi, lahat kami ay umalis sa pagkakahawak kay Mhel habang
tawa naman ito ng tawa.
"Wala kayong magagawa! Akin ang katawan ng batang to! Mahina na siya!
Bwahahaha." Sigaw pa din niya.
Habang nagsasalita si Mhel ay nag aayos nang gagamitin si Ka Levi.
"May sanib siya, isang demonyo, kailangan mapa-alis ang sanib." wika nito.
May mga ginagawa sya para palayasin ang demonyo sa katawan ng aming kaibigan ng
biglang dumating ang nanay at lola ni Mhel. Nagsalita ang lola nya ng mabilis,
sobrang bilis na hindi na namin maintindihan kung anong sinasabi nya.
"May gift of tongue sya." paliwanag ni Ka Levi.
Sinampal ng Lola nya si Mhel, pero tumatawa lang ang aming kaibigan.
"Iaalis namin sya dito" Sabi ng kanyang ina.
"Saan po kayo pupunta Tita?" tanong naming magkakaibigan.
"Sa kilala naming albularyo." sagot nito.
Binuhat nila si Mhel at isinakay sa kotse. Pinipilit nilang mapa-start ang makina ng
sasakyan ngunit namamatay lang ito. Tatlong beses pa nilang sinubukan bago ito
naka andar ng maayos. Naiwan kaming tulala sa terasa ng bahay hanggang umaga.
Naghintay kami ng balita kung ano ang nangyari pero wala na kaming narinig sa
kanila.
Nagkita na lang ulit kami ng sumunod na sem sa school. Nai-kwento ng aming kaibigan na
wala syang maalala sa mga nangyari pero nabanggit ng kanyang ina na dinala sya
nito sa albularyo, mayroon itong orasyon na ginawa hanggang mawalan sya ng
malay. Pagkatapos noon ay wala na ang demonyo sa kanyang katawan ng siya ay
magising muli.
Kasal ng aking Uncle at maraming inihahanda sa bahay ng Lola ko. Lahat kami ay
marunong magluto kaya hindi na kami nahingi na tulong sa iba pag mayroon kaming
gaganapin na handaan. Nasa itaas ang aking Ina habang inaayos ang mga nilutong
ulam. Mag isa lamang sya doon ng umakyat sya. Nang bumababa na sya ng hagdan ay
naglalaro pa kami sa ibaba.
Nakapagtataka na kapag humahakbang na sya paibaba ng hagdan ay dalawang yabag ang iyong
maririnig. Naka-apak lamang ang aking Ina kaya mahina lamang ang kanyang mga
yabag, kasunod nito ay tunog ng isang tungkod. Nakatingin kami sa paa nya
hanggang makababa sya sa sahig. Ngumiti lamang ang aking Ina at sinabing baka
nangangamusta lamang ang aming Lolo dahil ikakasal na ang kanyang anak.
Pagkatapos ng event nagpahinga ang pinsan kong si Ate Emie sa couch sa tabi ng hagdan. May
narinig syang mga batang naglalaro sa itaas, nagtatakbuhan at nagtatawanan.
Sumigaw sya para itanong kung sino ang mga naglalaro sa itaas at sinaway nya
ang mga ito, bigla namang tumahimik doon. Dumating naman ang Uncle ko at nakita
sya.
"May mga batang naglalaro sa itaas, nagtatawanan at nagtatakbuhan. Sino yung mga
yun?"
"Wala namang bata sa itaas, lahat sila ay naglalaro sa labas."
Naiwan syang napapaisip sa loob ng lumang bahay ng aming Lola kung saan ay mas madalas
silang makakita ng kababalaghan noon. Tulad ng mga gintong manok kasama ang mga
sisiw nito at isang pila ng mga langgam na ginto na kailangan mo daw patakan ng
iyong dugo bago sila maglaho. Mayroon din naming isang pari na pugot ang ulo na
nakatayo sa dulo ng hagdan, o isang bilanggo na may hila hilang bilog na bakal
sa kanyang mga paa at naglalakad ng marahan.
May girlfriend ang panganay kong kapatid na si Pardoy, si Michelle. Kung minsan ay
nag-aaway sila na normal lang sa magkasintahan.
Isang araw tumawag si Michelle.
"Hello Ferdie?"
"Nhie" sagot ng kuya ko.
Ang mga sumunod na sagot ni Michelle ay iba sa mga sinasabi ni Ferdie kaya pinili
na lamang nyang makinig dito na para bang may iba itong kausap sa kabilang
linya.
Sa kabilang linya, may kausap talaga si Michelle sa phone ng kapatid ko.
"Hello Ferdie?"
"Sino ka?" Isang babae ang sumagot ng phone ni Ferdie. Ngunit ang boses ng babae
ay para bang nakaka- kilabot, parang galing sa ilalim ng balon, malamig at
mababa.
"Ako? Girlfriend ako ni Ferdie, at ikaw?"
"Kung sino ka man, please tulungan mo ko!"
"Ano bang sinasabi mo? Ibigay mo na nga yung phone kay Ferdie wala akong panahon sa
kalokohan nyo." gusto nyang mainis dito dahil inisip nyang pinagti-tripan
sya ng mga kaibigan nito.
"Tulungan mo ko please!" Ng biglang maputol ang linya.
Kaya tinawagan nya ulit ang kapatid ko dahil galit na talaga sya.
"Hello Ferdie? Tingin mo nakakatuwa ha? Sino yung babae na yun?"
"Sinong babae? Eh ikaw lang naman ang may kausap kanina. Sisigawan na nga sana kita
kaya lang naputol yung tawag."
"Huh? May kausap akong babae humihingi ng tulong."
"Kalimutan mo na lang yun, baka gulo lang sa linya ng
phone yun."
"Pero kailangan nya ng tulong."
"Pero wala na tayong alam bukod dun diba, naputol na yung tawag?"
"Kunsabagay."
Nagugutom si Obet ng gabing iyon kaya lumabas muna sya ng bahay namin para maghanap ng
bukas na tindahan o mag-abang na lang ng magtitinda ng balot. Paglabas ng bahay
namin ay may makikita ka na mahabang kulungan ng manok sa gilid ng daanan.
Nakalagay ito sa tapat ng bahay ng uncle namin na kamamatay lang kaya walang nagtitigil
sa bahay na iyon. Yun ang Uncle namin na madalas may kausap na espiritu. Nakita
ni Obet na may nakaupo sa ibabaw ng kulungan na iyon, isang babae na nakaputing
bestida at nakatitig lang sa bahay ng Uncle namin. Umakyat ang kilabot sa kanyang
buong katawan ng matanawan ito. Hindi pa man nya nakikita ang itsura ng babae
ay alam na nyang isa iyong multo. Hindi na sya tumuloy sa labas. Sa halip ay
pumasok na lang sya sa bahay at natulog.
Ang lahat ay tulog na, ng walang anu-anu ay may narinig si Rina sa labas ng bahay.
Para bang may inilubog sa isang drum ng tubig. Hindi nya ito matanaw sa bintana
kaya nagpasya syang lumabas ng bahay para tingnan kung ano ito.
"Hoy sino ka? Anong ginagawa mo dyan?"
Isang babae ang naka-tungo sa tubig kaya hinintay nya pa itong umahon para makilala
nya ito. Hindi nagtagal ay inangat nito ang
katawan sa tubig at iniiwas ang mahaba at tuwid nitong buhok. Sobrang haba ng
buhok nito at mas laking gulat nya ng makitang kamuka ito ng kanyang kapatid na
noon naman ay may kulot na buhok. Sa lakas ng sigaw nya habang papasok sya sa
loob ng bahay ay halos nagising lahat ng tao na natutulog. Tiningnan ng kanyang
mga kasama sa bahay ang babae sa labas ngunit wala na ito at para bang wala din
ang gustong maniwala sa kanya. Baka daw isa lamang iyong panaginip. Pero hindi,
alam nya kung ano ang kanyang nakita.
Halos alas-otso na ng gabi at hinihintay na lang ni Ayel na dumating ang kanyang mga
magulang. Binigyan ko sya ng ulam na dinala naman nito sa kanilang bahay.
Humahangos itong bumalik kaya tinanong ko sya kung bakit.
Jane: "Bakit nagmamadali ka Andyan na ba magulang mo?"
Ayel: "Wala pa po. May tao po sa labas ng bahay namin."
Jane: "Ahh.. May bisita kayo? Eh bakit andito ka pa? Iniwan mo yung bisita dun?
Balikan mo at sabihin mong padating na din magulang mo."
Ayel: "Wala na sya."
Jane: "Paano mo nalaman na wala na sya eh hindi mo pa sya pinupuntahan?"
Ayel: "Nung pumasok ako ng bahay, nakatayo sya sa may pinto namin, kahit noong
lumabas ako. Pero hindi sya nagsasalita, hindi din sya gumagalaw. Hindi ko na
din sya magawang kausapin kasi nakakatakot ang itsura nya habang nakatitig lang
sa dingding ng bahay namin kaya nilagpasan ko lang sya. Paglabas ko ng gate
bigla na lang syang nawala sa pwesto nya kaya tumakbo na ko."
Jane: "Ahhh. Ok." Huli ko ng naisip na multo pala ang tinutukoy nitong
nakatayo sa labas ng bahay nila.
Kabilang si Bochoy sa mga dancer ng aming bayan. Madalas siyang umuwi ng madaling araw
sa tuwing galing sya sa practice. Isang gabi, ng sya ay umuwi, pinatay nya ang
motor nya, malayo pa lang para walang mabulabog na natutulog sa kanila. Pinili
nyang iparada iyon sa looban, sa aming terasa. Kasama nya din kasi sa grupo ang
kapatid kong bunso na si Obet.
Paglabas ng bakuran namin ay may nakita syang babae na nakatayo sa harap ng gate nina
Morris, isa sa mga pinsan namin. Ang bahay nila ay kasunod ng bahay namin
pagpasok ng compound. Wala itong ginagawa, nakatanaw lang sya sa bahay. Hindi
sya mukang pamilyar dahil kilala nya lahat ng mga kamag-anak namin ng asawa nya
na pinsan ko, si Rose Ann. Nakaputi ang babae na kagaya ng mga white lady sa mga
nakakatakot na palabas. Sa naisip ay lalong gumapang ang kilabot sa kanyang katawan.
Hindi din kasi ito gumagalaw man lang. Naglakad sya palabas ng looban at hindi
lumingon sa likod. Diretso ang katawan nya at tingin sa nilalakaran habang
nagdadasal sa takot. Nagkaroon lang sya ng lakas ng loob na lumingon ng
makarating na sya ng kalsada at nakapagtatakang wala na ang babae sa
kinatatayuan nito.
Na ospital ang tatay ko for a week. Lahat ng Doctors na nag-check sa kanya, ang
sabi ay kailangan na syang i-dialysis. Nagkaroon sya ng pneumonia at may
impeksyon na, na-apektuhan na noon ang puso nya. Wala ng natira sa baga nya,
tapos diabetic pa sya kaya pati mata nya ay naapektuhan na din. Ayaw ng tatay
ko na magpa-dialysis kaya nakiusap sya sa akin na iuwi na sya sa bahay. Alam
din kasi nya na hindi namin kaya ang gastusin kapag natuloy ang dialysis. At
tinapat na din kami ng doctor nya na ubos na ang baga nya. Hindi pa daw sya
handang mamatay pero gusto nyang nasa bahay kapag nangyari na yun.
Umuwi ako ng araw din na yun para humiram ng ambulance na sasakyan nya pauwi. Hindi
kami pwedeng magtagal sa byahe dahil sa kalagayan nya. Ang nanay ko naman ang
nag ayos ng mga papel nya sa hospital para makalabas na din sya ng araw na yun.
Kailangan ng tatay ko ng oxygen kaya bago kami makalabas ng hospital ay tinawagan ko na
ang driver ng ambulance na mag ready na sa tapat ng entrance ng hospital.
Malapit na kami sa ambulance ng biglang atakihin ang tatay ko.
Jane: "Nay tingnan mo si tatay! Andito na ang ambulansya!"
Aida: "Patay na sya Jane. Hindi na sya humihinga." Sabi ng pinsan ko habang
umiiyak sa balikat ng nanay ko. Magkayakap silang umiyak habang nakatingin sa
tatay ko.
Natigilan ako ng saglit, at napaisip. Nilapitan ko ang tatay ko na nakahiga sa stretcher
ng ospital sa harap ng ambulance.
Jane: "Tay. Tay. Eto na, uuwi na tayo. Wag ka namang ganyan. Gusto mo ng umuwi
diba. Eto na oh."
Kinakabahan pero matigas na sabi ko sa kanya, ayokong umiyak habang nag iiyakan ang mga
kasama ko doon. Tinapik ko sa dibdib ang aking ama. Napalakas ata at bigla
itong napasinghap.
Jane: "Buhay pa sya. Bilis isakay nyo na sya." Mabilis na tinalon ko ang
pinto ng ambulance para maihanda ang oxygen sa loob para sa tatay ko.
Sa loob ng Ambulance:
May kausap ang aking ama pero hindi namin alam kung sino. Sobrang likot nya,
marahil ay epekto iyon ng mga ininom nyang gamot. Bigla kong naalala yung
binabanggit sa akin ng nanay ko nung nasa bahay pa sya at nilalagnat. May
dalawang tao daw sa may pintuan namin. Sabi nya, isa dito ay nilalagyan sya ng
basura sa dibdib at tinatanggal naman ito ng isa pa. Naikwento yun ng aking ama
sa nanay ko nung nasa hospital na sila.
Sa bahay, naghanda kami ng dalawang malaking oxygen tanks, isa sa kwarto at isa sa
sala. Lahat ng gamit nya sa hospital ay kumpleto din sa bahay pati ang mga
gamot. Sabi ng iba matibay ang aking ama dahil meron syang agimat. Kaya kahit
sinabi ng doctor na isang atake lang ay wala na sya, ay nakakayanan pa din nya.
Sobrang dami na ng atake nya sa hospital at sa bahay pero nalagpasan nya lahat
iyon. Marami syang hirap na naranasan at saksi ang buong pamilya namin doon.
Dalawang araw bago sya mamatay ay nakapag-handa pa sya. Nagpalinis sya ng kuko sa kamay
at paa sa kapatid nyang manikurista na si Nanie. A day before ay kumain pa
kaming dalawa sa may labas ng tindahan namin. Kagagaling ko lang sa trabaho
noon na pang gabi, dumiretso ako sa amin para kamustahin sya at sinabayan ko na
syang kumain. Kakaiba ang mga ikinikilos nya. Meron syang sinasabi pero hindi
sa akin, dun sya sa tabi ko nakatingin pero pader na ang katabi ko.
Mike: "Mamaya na, hindi pa sya tapos kumain." Sambit nito na nakatingin sa
tabi ko.
Jane: "Pa, sino kausap mo?"
Mike: "Kayo." Sagot nito habang inilalahad angkamay sa harap ko simula
kaliwa hanggang kanan na para bang ang dami kong katabi.
Sabi ng nanay ko kapag nasa loob ito ng bahay ay pilit itong naghahanap ng pinto
para lumabas. Mas clingy na din ito at parang bata mag lambing. Sabi nila ganun
naman talaga ang mga matatanda. Pero 63 pa lang ang edad ng tatay ko.
Sa pagpapatuloy ng aming usapan:
Jane: "Tapos ka na bang kumain?"
Mike: "Oo, tapos na ko." Itinabi na ng nanay ko ang pinagkainan namin.
Nagpaalam na din ako noon, kailangan ko na din kasing matulog dahil may pasok pa ako ng
gabi. Pero ilang oras pa lang ang nakakalipas ay ipinasundo na ako ng pinsan ko.
Si tatay daw, pilit naglalakad at pinupuntahan ang mga kapatid nya at
kinakausap. Halos hindi na daw ito makalakad mag isa, binuhat na ito ng isang
kapatid nya na si kuya tacio para mapuntahan lahat ng kaptid nito. Naabutan ko
sila na nakaupo sa may labas ng tindahan namin. Ayaw daw nitong umuwi at
pumasok sa bahay namin. Bulong sya ng bulong at nakatitig sa kung saan.
Mike: "Wag ngayon, wag muna ngayon."
Jane: "Tay halika na po sa loob late na po."
Mike: "Wag ngayon. Wag. Wag ngayon."
Ipinabuhat ko na sya sa kapatid at pinsan ko dahil ayaw nya talagang umalis doon sa
kinauupuan nya. Umuwi ako at naligo muna para maghanda sa trabaho. Nararamdaman ko na ang pamama-alam
ng tatay ko pero pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko. Hindi pa ako handa.
Ayokong isipin ang mga susunod na mangyayari. Pero hindi ko mapigilan.
Kakatapos ko pa lang magbihis ng biglang umulan ng malakas. Dumating ang
dalawang pamangkin ko at sinabing inaatake na naman ang aking ama. Ipinasundo
na din ang albularyong tumitingin sa kanya simula ng lumabas sya ng hospital,
apat na buwan na ang nakalipas.
Healer: "Mag-dasal ka sa Diyos."
Mike: "Diyos ko, kayo na po ang bahala sa pamilya ko."
Healer: "Ano ka ba, ipagdasal mo ang mabilis mong pag galing. At maraming araw pa
na sana ay makasama mo ang pamilya mo."
Ngumiti lang ang aking ama at bigla na naman itong inatake. At iyon na din ang huli
nito. Nalagutan na sya ng hininga ng dumating ako sa bahay. Nakahiga na sya sa
sahig at marami na ang nakaikot sa kanya. Nag alisan ang mga ito ng dumating
ako.
Onad: "Wala na sya Jane."
Jane: "Pano mo nasabi. Anong nangyari, na check nyo na ba sya, may pumipintig pa
sa pulso nya hindi nyo ba nararamdaman. Tay naririnig mo ba ako?"
Onad: "Jane habang umiiling at umiiyak."
Iyak ako ng iyak, wala na talaga sya, and this time ay totoo na. Wala ng paraan para
mabuhay sya ng isang tapik ng kamay ko. Lumabas ako dahil hindi na talaga ako
makahinga. Gusto kong sumigaw ng mga oras na iyon. Ang hirap tanggapin.
Pagkatapos ng isang buwan ay nagsimula syang makita ng dalawang pamangkin ko. Sa loob ng
bahay namin. Madalas din syang makita sa panaginip ng bunsong kapatid ko na si
Obet.
Kausap daw nya ito at galit na galit ang tatay ko. Naglalakad ito palapit sa kanya
habang nakayuko at nakabukaka dahil sobrang laki ng bayag nito, gaya ng
nangyari sa kanya bago ito mamatay.
Mike: "Bakit nyo ako nilibing! Hindi pa ako patay!"
Ang sabi ng albularyo ay hindi pa talaga patay ang tatay ko ng gabing iyon.
Naglakbay lang ang kaluluwa nito at pwede pa itong bumalik sa kanyang katawan.
Nakakagulat at mahirap man na paniwalaan ay napaiyak ako sa panghihinayang. Nagpunta ako ng
chapel at nagdasal. Kinausap ko ang diyos at ang tatay ko. Humingi ako ng tawad
na hindi namin sinigurado ang kalagayan nya ng gabing iyon. Nakiusap ako na
magbigay sya ng senyales kung paano ko malalaman na napatawad na nya kami sa
nangyari at kung masaya na sya sa kinalalagyan nya.
Makalipas ang isang araw ay nakausap ko si Franz, anak ng panganay kong kapatid na si
Pardoy. Ang sabi nya ay nakita nya si tatay. Nakangiti daw ito at may ilaw sa
may ulo nya na parang spotlight.
Nakakalungkot man isipin ang nangyari ay nakahinga na din kami ng maluwag. Alam kong nagbigay
lang sya ng mensahe na tugon sa dasal ko noon.
Hinihintay ni Rose ang asawa nya na dumating galing sa trabaho. Nakatayo sya sa veranda at
naghihintay, kung saan kita nya ang buong looban. Lagpas hating-gabi na at
pinipilit ni Rose na wag makatulog.
May nakita syang babaeng nakapang-kasal na lumabas ng gate nina Ayel sa bandang
dulo ng looban. Nagpunta ito sa gitna ng looban at nagsimulang maglakad na para
bang naglalakad sa aisle ng isang simbahan. Dahan-dahan, hanggang marating nito
ang bungad ng looban, pero bago nito marating ang kalsada ay bigla itong
naglaho. Para syang naputulan ng dila, nandilat ang kanyang mga mata at
namangha sa nasilayan.
Hindi nya magawang sumigaw sa sobrang takot, parang isang palabas sa magic show,
dali-dali na pumasok sya sa loob ng kwarto at doon na lamang hinintay ang kanyang
asawa. Hindi nagtagal ay nakarating din ang asawa nya sa bahay at pinilit na
lamang nya ang sariling matulog.
Akala ni Jay ay dun na nagtatapos sa "Kabalyero" (isang kwento sa Elemento
Chapter) ang kanyang nakakatakot na kwento pero nagkamali sya. Nag focus sya
masyado sa pag-aaral at sa mga tunay na taong kaibigan, sigurado syang hindi
engkanto ang mga iyon.
Isang gabi, nagising sya dahil sobrang init at talagang naiihi na din sya. Pero imbes
na sa banyo, ay lumabas sya ng bahay para magpahangin na din. At hindi pa sya
nakuntento, hindi lang sa labas ng bahay sya pumunta kundi sa may kalsada.
Habang umiihi sa isang poste sa gilid ng kalsada sa tapat ng aming looban ay may
natanawan syang naglalakad sa may kanto. Isa itong babae na naka-
traje-de-boda. Nagtataka man ay hindi nya ito pinansin. Bahagya syang napa-isip
ng malalim habang hinihintay matapos ang sarili nya sa pag-ihi. "Bakit may
babaeng naglalakad ng naka-traje-de-boda sa madaling-araw" ng bigla syang
makaramdam ng kaba. Tiningnan nya muli ang babaeng naglalakad at nakitang
malapit na ito sa kinatatayuan nya. Dali-dali nyang tinapos ang ginagawa at
nagmamadaling naglakad pabalik ng bahay.
Hindi na sya nakabalik sa pagtulog pagkatapos noon.
Marami pang mga ganitong pangyayari sa looban. Kung minsan may mga aninong bigla na
lang lumalagpas sa likod mo na parang guni-guni lang kaya hindi na namin
pinapansin. At sigurado akong nakaramdam ka na din ng ganito.
Hanggang isang gabi ng umuwi si Jay ng late sa bahay galing sa lamay sa bahay ng
classmate nya. Sobrang tahimik ang ginawa nyang paglakad para wala syang
maistorbo dahil mapapagalitan sya. Habang naglalakad ay may natanaw syang kamay
sa may bintana. Naisip nyang baka kakilala nya ito kaya lumapit sya sa bintana
at sinilip ito. Mga mapupula at nanlilisik na mata ang kanyang nakita na
nakatitig din sa kanya. Halos mapatalon sa sobrang takot si Jay at napalayo sa
bintana, dali-daling nagpunta sa higaan at nagdasal. Iyon na yata ang pinaka
nakakatakot na naranasan nya sa buong buhay nya. Sa tuwing ipipikit nya ang mga
mata ay para bang nakikita nya pa ang nakakatakot na matang iyon.
Nagta-trabaho sya ng sobra hanggang mapagod para matutulog na lang sya pagdating ng bahay.
Minsan nagigising sya ng 3:00am tapos matutulog na lang ulit sya. Ayaw na nyang
pag aksayahan ng panahon na isipin kung totoo bang devil's hour ang oras na
iyon. Ayaw na nyang takutin pa ang sarili nya.
Hindi nya iniiwang buhay ang ilaw pag matutulog dahil hindi sya sanay ng ganoon. Ayaw
nya ng maliwanag pag matutulog kaya kinakailangan nya pang abutin ang cellphone
nya sa side table para tingnan ang oras kapag nagising sya.
Isang beses, nagising na naman sya ng wala sa oras kaya tatayo sana sya para mag
banyo, ng may masagi sya sa kanyang paanan. Tiningnan nya ito at nakita nyang
may nakatayo doon na nakapantalon na maong at puting tshirt na lalaki, hindi
nya matanaw ang mukha nito pero alam nyang isa itong kalbo. Hindi ito gumagalaw
kaya para matiyak ay tinadyakan nya ito ngunit wala syang tinatamaan kundi
pader. Nag taklob sya ng kumot sa takot na lapitan sya nito at hindi na gumalaw
hanggang makatulog ulit.
Kapapanganak pa lang ni Tessie ng halos isang lingo ang nakalilipas pero naghahakot na sya
ng kahoy, hapon na sya dumating at idiniretso na nya ang mga kahoy sa likod
bahay. Nakapagli-linis na rin sya at nakapaglu-luto na, parang walang masakit
sa kanya.
Isang hapon habang sya ay namamahinga, pagkatapos mangahoy, ay bigla na lang syang
narinig ng mga kapit-bahay na sumisigaw. Yung anak nya daw ay kinuha ng mga
naka-hood na itim na mga nilalang. Ang baby nya ay kasalukuyang nakahiga lamang
sa kanyang tabi habang patuloy sa pag-iyak, marahil ay dahil sa kanyang malakas
na pag-sigaw.
"Tessie, ayan lang ang anak mo sa iyong tabi." Sambit ng isa sa mga kapit-bahay
namin. Ngunit hinampas lang nito ang kanyang anak ng unan at sinabing hindi nya
anak iyon kundi isang iyong unan.
Nagtataka na lang kami habang tinitingnan sya kaya napag-pasyahan ng mga ito na tumawag
ng isang espiritista. Kamag-anak din namin ang espiritistang ipinasundo para
tingnan si Tessie.
Kinuha nito ang kanyang mga gamit, may posporong iniipit sa mga daliri sa paa ni
Tessie at rosary at pagkatapos ay pinisil ito. Napasigaw si Tessie sa sakit.
Nakaka gulat na iba't-ibang boses ang lumabas sa bibig ni Tessie, parang isang
demonyo na nasasaktan. Nakakatakot ang sigaw nito at malaki ang kanyang boses.
Espiritista: "Ilan kayo sa katawan ng babaeng ito ngayon?"
Tessie: "Sampu." Nagpakilala pa ang mga ito isa isa.
Espiritista: "Ano ang kasalan nya sa inyo?"
Tessie: "Kasalanan nya ito, nasaktan kami sa ginawa nya. Tinapunan nya ng kahoy
ang aming tirahan at ito ang kabayaran, sa amin na ang katawan na ito." At
tumawa ito ng malakas na animo isang demonyo.
Napatigil sa pagtawa si Tessie ng maglabas ang espiritista ng isang buntot pagi, parang
latigo. Akmang ihahataw na ito sa kanya, nanlaki ang mga mata nito habang
nakataas ang kamay. Pinipigilan ang espiritista na ihataw ang buntot pagi sa
kanya.
Tessie: "Wag! Maawa ka, masakit yan wag mo akong hatawin" boses na ni Tessie
ang aming narinig.
Espiritista: "Gusto kong umalis ka na ngayon sa katawan ng babaeng ito at wag nang
babalik."
At umalis na nga daw ang mga kaluluwang ligaw sa katawan ni Tessie. Ang buong akala
namin ay tapos na ang mga kaganapan, ng bigla ay marinig namin na nagsisigawan
ang nasa kabilang bahay.
Napasugod ang espiritista sa kabilang bahay at nakita ang isang matandang tyahin namin na
nakaharap sa salamin habang nagme-make up at kumekembot habang ang anak nito ay
nagwawala sa sahig.
May ginawang ritual ang espiritista at bigla na lang bumagsak sa sahig ang katawan
ng dalawang sinaniban. Makatapos ang ilang segundo ay nagising na ang dalawa at
pawisan, balik na din sila sa dati nilang katinuan.
Parang pelikula ang nangyari ng araw na iyon. Isang kaganapan na hindi mawawala sa
isip naming lahat dito sa aming looban.
Saan Nga ba tayo mapupunta kapag tayo ay pumanaw na. Totoo ba ang kaharian ng Diyos sa langit o ang Impyerno? Bakit may mga kaluluwang nagtitigil pa sa mundo ng mga buhay pa? Alamin ang iba pang nilalang na nakakasalamuha natin ng hindi mo namamalayan.