IKALAWANG YUGTO:ELEMENTO (ELEMENTALS) 

                

undefined

  

Ang mga elemento ay may kakaibang katangian. Kung gugustuhin nilang makihalubilo,
pwede silang magbalatkayo sa paraan na hindi sila mapapansin.
 

Ang mga elemental ay mapaglaro pero ang laro nila kung minsan ay nakakasakit para
sa ating mga normal na tao. Karamihan sa mga ginagawa ng mga elemental ay hindi
man nila sinasadya, ito ay mapanganib para sa atin. May mga sarili man silang
dahilan, iyon ay naaayon pa din sa sirkulo ng kabuuan ng mundo.
 

Marami ang naniniwala na may ibang lugar ang mga elemental bagamat nandito din sa
ating kinatatayuan. Maaring magkaiba ang dimensyon na ating ginagalawan. At may
mga bagay ka na makikita mo sa lugar nila na hindi mo na makikita sa atin. Sa
pamamagitan ng kanilang mahika ay nakakatawid sila sa pagitan ng dalawang
dimensyon. Portal o gateway ang tawag sa pintuan na naghahati sa dalawang mundo.
 

May mga naniniwala sa mga uri na ito, subalit ng pasukin at baguhin ng simbahan ang
paniniwala ng mga tao, marami sa mga tao ang hindi na naniniwala sa mga ito. Sa
katotohanang mahirap naman talaga na ito ay paniwalaan. Kagaya ng mga dwende,
kapre, tikbalang, diwata at aswang. Sa ngayon, ang mga tao ay naniniwala lamang
sa mga bagay na nakikita lang nila. Pero marami ang mga hindi nakikita ng iyong
mga mata.
 

Sabi nga ni Paracelsus, isang Medical Scientist, isang doctor na naniniwala sa faith
healing. Maraming mga sakit ang hindi mo kayang ipaliwanag o ng syensya. Bukod
sa pag aaral ng medisina ay inalam din nya ang klase ng pagpapagaling na
ginagawa ng mga albularyo. Naniniwala sya na may mga sakit na hindi kayang
magamot ng isang doctor. Katulad na lang ng mga sakit na ang nag-dulot ay ang
mga elemental.
 

Sabi ni Paracelsus: 

Ang mga elemental ay hindi espiritu dahil sila ay may laman, dugo at buto.
Namumuhay sa mga kakahuyan. Kumakain at nakikipag-usap, kumikilos at natutulog.
Sila na naninirahan sa gitna ng mundo ng espiritu at tao.
 

   

 MANANANGGAL 

Ito ang manananggal, nahahati ang katawan nito: ang mga paa hanggang bewang nito ay
naiiwan kung saan at ang itaas na bahagi naman ng katawan nito ay nagkakaroon
ng pakpak na syang lumilipad para maghanap ng paborito nitong pagkain tulad ng
sanggol sa tyan at galang mga bata.
 

  TIKTIK / ASWANG 

Kagaya ng tiktik o aswang, mga bata o sanggol rin ang tipo nilang kainin. Kagaya ng mga bampira, may
mga pangil ang mga ito at nag-iiba ng itsura, makikita sa mga bubong ng bahay,
may humahabang dila na kadalasang hinahabol ng mga barangay officials sa mga
tagalog movies.
 

DWENDE 

Nakatira ang mga ito sa mga puno o tumpok ng lupa. Madalas silang maglaro at magsaya.
Karaniwan na din nilang mapag tripan ang mga tao. Kapag may nagustuhan sila na
tao ay nagpapakita at nakikipag-kaibigan sila sa mga ito. Kalaunan ay isasama
nila ito sa kanilang lugar at hindi na ito makakabalik sa tunay niyang mundo.
 

KAPRE 

Makikita ito sa malalaking puno. Isang higanteng tao na laging may hawak na tabako.
Malimit nyang mapaglaruan ang mga taong napapadayo sa nasasakupan nya.
 

 TIKBALANG 

Isang malaking nilalang na ang ulo ay tulad sa isang kabayo at ang matipuno nitong
katawan na parang sa tao. Nakapwesto ito sa mga puno na nagsisilbing daan sa
pagitan ng dalawang dimension, sa tao at sa elemental. Madalas nyang iligaw ang
mga tao na napapadaan sa kanyang lugar.
 

IYANAK 

Isang sanggol na maamo kapag itsurang tao pero halimaw kapag nagalit. Isang baby na biktima daw ng
abortion o pagpapalaglag.
 

  

   

  

  

BABAENG ENGKANTO 

 Ang kambal na si Kim at Ken ay may nakahiwalay na kwarto sa labas ng bahay.
Alas-tres na ng madaling-araw ng may kumatok sa kanilang pintuan. Nag-alangan
silang magbukas dahil sa oras, pero hindi tumitigil ang pagkatok kaya napilitan
silang silipin kung sino ang nasa labas.
 

BABAE: "Hi, pwedeng makausap si Catrina." 

Si Catrina na tinutukoy nito ay si Giting, pinsan namin na bago lamang sa aming
lugar, sa Gumaca, Quezon ito naninirahan. Nagtataka man ay lumabas pa din si
Kim para tingnan si Giting sa kabilang bahay.
 

KIM: "Sandali titingnan ko. Hindi kasi sya ditto nakatira, malamang tulog na
yun."
 

Habang naglalakad sa looban si Kim ay nag-iisip sya dahil wala sa kanila ang tumatawag
ng Catrina kay Giting. Marahil ay bagong kaibigan niya ang babae kaya ganoon.
May kakaiba kasi sa itsura ng babae, wala itong guhit o kanal sa ibaba ng
ilong. Ang weirdo tuloy nyang tingnan. Gayunpaman ay tinawag nya pa din si
Giting at si Emman ang lumabas, kapatid nito. Sinilip nya ulit ang babae na
nakatayo sa harap ng pinto ng kwarto nya. Nakatingin lang ito sa kanya.
 

EMMAN: "Tulog na sya bakit?" 

KIM: "May naghahanap sa kanya." 

Nagsimula na silang maglakad papunta sa kanyang kwarto kung saan nandoon ang babae ngunit
wala na ito sa kung saan nya ito iniwan.
 

Noon nya lang naisip ang sinabi ng kanyang ina tungkol sa mga engkantong
nagpapanggap na tao. Wala ang mga ito ng kanal sa ilalim ng ilong.
 

  

TIKBALANG 

Maganda ang nagdaang gabi ni Boy kaya
nahihirapan syang matulog. Bukas ang pinto ng kwarto nya dahil napaka-init.
Nasa kabilang kama naman ang ate nya na si Jules. Sa pwesto nya ay nakikita nya
ang kanilang kusina. Doon ay may nakaupo na parang isang palaka. Pinikit nyang
muli ang mata para makasigurado. Tulog na ang lahat sa bahay kaya imposibleng
may tao doon. Isang malaking bulto ang nakaupo doon sa may mesa. Ang ulo nito
ay parang isang kabayo
at ang katawan nito ay parang sa tao.

Parang palaka ang pagkakaupo nito sa sahig
sa tabi ng mesa at nakatitig ito sa kanyang kinatatayuan. Malapit lang ang
pwesto nya sa kinauupuan ng Tikbalang, bagamat madilim ay mas nakadagdag pa
iyon sa takot na nararamdaman nya. Dali-dali syang bumalik sa pagkakahiga at
nag takip ng kumot. Hindi na sya nagmulat ng mata hanggang sa makatulog sa
sobrang takot.
 

  

ANG KABALYERO AT ANG UNICORN 

Nagsimula yon ng si Jay ay tatlong taon pa lamang, Nagtitigil pa sila sa bukid ng mga
panahon na yon. Noong mga bata pa kami, ilan lamang ang bahay sa aming looban.
Madalas ay kalaro ni Jay ang kaibigan nyang kabalyero, palagi silang nagpupunta
sa lugar kung saan sila ay makapaglalaro.
 

Isang araw ay nawala na lamang si Jay habang nangangahoy ang kanyang nanay. Nakita
nila si Jay sa loob ng bukid sa may balon. Simula noon ay hindi na nila isinama
si Jay doon sa bukid.
Muling nakita ni Jay ang kanyang kaibigan na kabalyero sakay ng kabayo nito na may
sungay at may pakpak, puting puti ang kabayo nito. Sobrang ganda. Nasa itaas
ito ng puno ng nyog. Niyayaya sya ng kanyang kaibigan na mamasyal pero hindi
sya makasama dahil nandoon ang kanyang ina. Itinuro nya ito sa kanyang ina pero
hindi nito makita ang kaibigan. Natakot ang nanay nya ng sabihin nya ang itsura
ng tinutukoy nyang kaibigan. Pinatingnan sya sa albularyo at ipinagdasal.
Simula noon ay hindi na muling nagpakita ang kabalyero sa kanya.
 

  

DWENDENG MAKULIT 

Isang gabi ay bigla na lang nag-iiyak ang pamangkin kong si Justin. Nakatingin sya sa
may itaas at may itinuturo doon. Pagkatapos ay tatakpan nito ang kanyang mga
mata na para bang takot na takot. Hindi sya mapakali sa kanyang pwesto, sobrang
likot nito at paikot ikot sa kinauupuan. Para bang may gustong takasan. Kaya
nagpasya ang nanay nito na si Rob na buhatin na si Justin.
 

Rob: "Bakit anak. Anong nakikita mo?" 

Justin: "Ahhhh!!" Sabay wagayway ng kamay na parang may humahawak dito.
Hanggang sa labas ng kwarto ay ganun sya. Hanggang sa makatulog na sya na buhat
ng kanyang ina.
 

Pinatingnan namin sya sa albularyo. Sabi nito ay may mga dwende daw sa bahay namin at
naiingayan daw ito kay Rob kaya pinaglalaruan si Justin. Mag alay daw kami ng
pagkain sa mga ito at humingi na tawad para wag ng guluhin ang pamangkin ko. At
ginawa naman nila. Pero may mga gabing nauulit ang mga ganitong eksena kay
Justin. At talagang takot na takot sya habang tumatakbo. Iwas ng iwas sa bagay
na hindi naman namin nakikita.
 

  

SPIRIT OF THE GLASS 

Araw ng mga patay noon at napag usapan naming magpipinsan na subukan ang mga
napapanood namin sa TV. Mahilig kaming manood ng mga nakakatakot na movie.
Kagaya ng mga madalas na mapanood sa magandang gabi bayan. Tutal madami naman
ang nagpaparamdam at nagpapakita sa amin doon sa aming looban. Naisipan namin
na mag spirit of the glass para kausapin ang mga kaluluwang ligaw sa aming
lugar. Gumawa ako ng kopya ng board sa isang kartolina. Nag cut din ako ng mga
kandila na ilalagay sa apat na sulok ng kartolina at isa sa gitna.
 

Inalam ko mismo kung pano ang ginagawang ritual para maka-tawag ng espiritu gamit ang
mga iyon. Tinawag ko na ang mga pinsan ko para magsimula na kami sa aming
ritual. Dalawa sa mga ito ay hindi sumali dahil natatakot daw sila.
 

Nagpatuloy kami sa aming ritual at tumawag ng espiritu. 

"Spirit of the glass are you in?" at gumalaw ang baso, sobrang gaan at dulas ng
pag galaw nito. Hanggang makarating ang baso sa YES.
 

"Itaas nyu nga yung mga daliri nyu baka nanti-trip lang
kayo eh." wika ni Mars.
 

"Anong pangalan mo?" Excited na tanong namin. Gumalaw ang baso papunta sa letter
"D" at nakita namin na mag isa talagang gumagalaw ang baso. Napahawak
si Mayeth sa Krus na pendant ng kwintas nya sa sobrang takot. Napatingin naman
si Mars dito at tuluyan ding napahinto. Huminto na ang pag galaw ng baso. Para
kaming natulala sa pagkamangha, totoo nga pala ang spirit of the glass.
 

Inulit namin ang ritual ngunit parehas lamang ang nagyari. Isang letra lamang ang
pinupuntahan ng baso "D".
 

Nang walang ano-ano ay sumigaw ang isang pinsan ko na si Mercy na nanonood sa di
kalayuan na sofa.
 

"Demonyo yan demonyo!!! Ahhhh." 

Sabay takbo ng mabilis palabas ng bahay. Nagsunuran naman habang nasigaw ang iba sa
aking mga kasamahan.
 

Natuwa man o natakot, at least napatunayan namin na it is true and it really works.
Nagtanong kami sa eksperto kung bakit ganoon ang nangyari at sinabi nila na may
kulang sa aming tanong. Kung ang natawag ba namin ay espiritu ng tao o isang
elemento.
 

  

MALILIIT NA NILALANG 

Paborito ng lola ko ang panganay kong kapatid na si Pardoy. Madalas ay siya ang katabi nitong
matulog sa lumang bahay simula ng ma-byuda ang aming lola. Isang gabi ng
matutulog na sila ay biglang nagtatakbo pababa ng hagdan ang kapatid ko habang
sumisigaw ng malakas. Natataranta naman na sinundan sya ng butihing lola namin.
 

"Ahhhhhh". 

Si Pardoy habang pababa ng hagdan. Inihagis nya ang kumot sa ere at umupo sa gitna
ng babagsakan nito.
 

"Bakit ka ba tumakbo, bumalik na tayo sa taas at matulog." Ika ng aming lola. 

"Sige na Inang bumalik ka na sa taas, ayoko dun andoon yung bata." 

"Sino bang bata, ikaw lang naman ang bata dito." 

"Meron andyan sa labas ang kulit, pinipingot ang tenga ko, ang sakit." 

Tinanggal ng lola ko ang kumot na nakatakip sa kapatid ko para ipakita dito na wala naman
ibang tao doon.
 

Muling nagsisigaw ang kapatid ko at umakyat pabalik sa itaas. 

Nang sumunod na gabi ay doon na sya sa amin natulog. Magkakasama kami sa isang
kwarto sa itaas ng bahay namin. Maya maya ay sumisigaw na naman sya at humiga
sa gitna ng higaan ng aming magulang.
 

"Bakit Pardoy?" Tanong ng nanay namin sa kanya. 

"May bata pong makulit sa may higaan namin, hinihila nya yung tenga ko." Sagot
ni Pardoy.
 

"Anong itsura nitong batang sinasabi mo?" 

"May suot na pulang tusok na sombrero at patusok na pulang sapatos, at pulang damit.
Maliit lang po sya."
 

Nagkatinginan lamang ang magulang namin at pinabayaan na ng nanay ko na matulog ang kapatid
ko sa tabi nila at hindi na nagtanong.
 

Ganoon din kasi ang pangalawang kapatid ko na si Onad na may kalaro naman na maliit na
bata. Kulay puti naman ang kaibigan nya.
 

Isang umaga nakita ni Onad ang panganay naming kapatid na si Pardoy na tumatakbo
palabas ng bahay habang iniikot ang mga kamay nito.
 

"Kuya, anong ginagawa mo?" 

"Hindi mo ba nakikita ang laki ng isang kamay ko, hindi
talaga titigil yung batang yun eh."
 

"Wala namang iba sa kamay mo eh, ganoon pa din. "Nananaginip ka ba?" 

"Hindi. Dahil 'to sa batang yun!" 

At patuloy na iniikot ang kanyang kamay. 

  

MALILIIT NA NILALANG PART 2 

Medyo kakaiba ang kinikilos ng kapatid ko na si Onad nitong mga nakaraang araw. Minsan
mag isa syang naglalaro sa itaas ng bahay namin pero para syang may kausap at
ang saya saya nya. Tinanong namin sya tungkol dun at sinabi naman nya na may
kaibigan talaga sya na may gintong laruan pero maliliit lang. At madalas na
maglaro sila pag hating-gabi na.
 

Minsan tinanong sya ng aming nanay kung saan nakatira ang kaibigan nya. 

"Opo nay, sa malaking puno po ng manga sa likod ng bahay natin." 

Bukod sa puno ng manga ay may puno din ng chico doon at parehas itong malago at
madaming mamunga.
 

"Paano mo nalaman, nakarating ka na ba doon?" 

"Opo nay, sobrang dami ng pagkain lahat masasarap. Ginto ang mga gamit." 

"May kinain ka ba don?" 

"Hindi ako nakakain eh, narinig ko na tinawag mo ako kaya kinailangan kong umalis agad
at pumayag
naman sya." 

Sinabihan ng nanay ko ang kapatid ko na huwag na ulit babalik at sasama don sa kaibigan
nya, kung hindi ay hindi na sya makaka-uwi at makakabalik sa amin.
 

Kinailangan putulin ang mga puno sa likod ng bahay namin dahil tatayuan ito ng bahay ng
isang tiyuhin ko.
 

Ang sabi ng kapatid ko ay dinalaw sya ng kaibigan nyang dwende at nagpaalam ito sa
kanya. Wala na daw syang matitirahan sa malapit at kinakailangan nya ng umalis.
Muli daw syang magbabalik kapag binata na ang kapatid kong si Onad.
 

Hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik ang dwende na yun, pero madami pa ding ibang dwende
ang nakatira sa aming looban.
 

  

ASWANG 1 

Masyadong mainit ng mga panahon na yun kahit gabi na. Kaya nag pasya si Kuya Polo na sa
labas na lang ng veranda matulog.
 

Nagising sya dahil sa isang ingay na hindi nya alam kung san nagmumula. Nang may
mamataan syang isang itim na nilalang na mas malaki kesa normal na tao.
Tumatalon ito sa bawat bubong ng bahayan sa kanilang looban. Nang lumapag ito
sa bubong na tapat ng kanilang veranda kung saan sya kasalukuyang nakahiga,
sobrang takot ang naramdaman nya.
 

Napahawak sya ng mahigpit sa gulok na malapit lamang sa kanyang hinihigaan. Hindi sya
makamulat ng diretso dahil natatakot sya na makita sya nito ng gising.
  

Sobrang bagsik ng mga mata nito at sobrang pula, tumalon ito sa kabilang bubong, tapos
sa lupa hanggang makalayo ito. Until now ay hindi nya alam kung anong klaseng
nilalang ba ang tawag sa nakita nya ng gabi na yon.
 

  

ASWANG 2 

Buntis noon si Ineng sa panganay nila ni Randy. Dun sila noon nagtitigil sa bahay ng
lola namin.
 

Isang gabi ay may narinig si Ineng na ingay ng ibon sa labas ng bahay sa may bintana.
Alam na nya ang mga balita tungkol sa isang aswang o tiktik na naghahanap ng
buntis na mabibiktima para kainin ang sanggol sa sinapupunan ng isang ina.
 

Mabilis nyang ginising ang kanyang asawa ng marinig ang ingay na yun. Malakas kasi ang
ingay na iyon.
 

Ineng: "Randy may tiktik ata sa labas natatakot ako." 

Randy: "Malakas ba ang huni?" 

Ineng: "Oo malakas." 

Randy: "Malayo pa yun, dyan ka lang sisilipin ko." 

Inabangan nga ni Randy kung may lalabas na tiktik ng gabing yun sa may bintana at hindi
sila nagkamali, maya maya ay may nakarinig na sila na tila ba may lumilipad sa
may bintana. Isang malaking ibon ang nasa labas, patuloy ang pagmumura at
paghampas ni Randy dito para umalis ang ibon. Hindi makapaniwala si Ineng sa
nakikita, totoo pala ang tiktik. Finally, napaalis na din nila ito at ang mga
sumunod na gabi mayroon na silang bawang sa mga bintana bilang proteksyon. Sabi
kasi ng mga albularyo ay malaki ang takot ng mga ito sa bawang.
 

  

  

  

  

  

  

  

  

  

  

  

  

  

  

  

  

  

  

  

  

  

  

  

  

  

  

  

  

   

AME Creator

Mahirap paniwalaan ang mga ganitong pangyayari kung hindi mo nakikita. Paanong nagkaroon ng ganitong mga nilalang na iba sa ating nakakasalamuha? Totoo nga ba ang mga elemento na ito? Maraming mga bagay sa mundo ang mahirap paniwalaan. At madami din ang hindi kayang ipaliwanag ng siyensya kapag nakita mo na. Kagaya ng mga Sirena na madalas pag usapan sa social media. Ikaw may ganito ka na din bang karanasan?