Episode 1 (Part 4)
Habang patuloy ang alitan sa pagitan ni Katrina at Carmela, may isang batang mabilis na tumakbo upang humingi ng tulong sa guro.
Kaklase ni Floring: "Teacher!!..."
Mrs. Garcia: "Oh, bata, ano'ng nangyari?"
Kaklase ni Floring: "May nag-aaway po sa koridor!"
Mrs. Garcia: "Ano?! Sabihin mo nga?"
Kaklase ni Floring: "Kasi po, nag-away po sila ng kaklase ko!"
Mrs. Garcia: "Sige, halika muna, ipakita mo sa akin!"
Nang makarating ang guro at ang bata sa koridor, nakita nila si Katrina at Carmela na patuloy na nag-aaway. Tumigil ang lahat nang magsalita ang guro.
Guro (Mrs. Garcia): "Hoy! Tigil muna kayo diyan! Anong nangyayari?!"
Kaklase ni Floring: Nasabunutan ni Katrina si Carmela
Mrs. Garcia: Ayos ka lang ba? sabihin mo?
Napaiyak si Carmela, dahil sa ginawang pagsabunutan ni Katrina
Carmela (kaklase ni Floring): "Teacher!... bigla akong nasabunutan!"
Mrs. Garcia: "Huh?! Nasabunutan ka? Sinong nag-away sa inyo?"
Carmela: "Si Katrina po!, kasi naasar siya kay Floring"
Nagalit si Mrs. Garcia kay Katrina sa nangyari kay Carmela.
Mrs. Garcia: "Katrina! Anong nangyari? Bakit ka nag-away kay Carmela? hah?!"
Katrina: "Teacher, hindi ko po sinasadya! Kasi po nakakahiya itong batang mabait na ito!"
Mrs. Garcia: "Makinig ka, Katrina! Hindi tama ang magsaktan ng kapwa mo! Hindi mo pwedeng saktan ang kaklase mo, naiintindihan mo?"
Katrina: "Teacher, wala po akong kasalanan!"
Mrs. Garcia: "Sabi ko na nga, pupunta ka sa guro tagapayo para mag-usap tayo. Halika!"
Dahil sa nangyari, dinala ni Mrs. Garcia si Katrina sa guro tagapayo, kung saan ikino-condemn ng guro ang kanyang ginawa sa koridor. Samantala, habang nangyayari ito, pinasalamatan ni Floring si Carmela. Naramdaman niyang nakatulong siya sa kanyang kaibigan, at para siyang niyayakap ng buong klase.
Carmela: "Salamat po, Ate Floring! Alam ko, isa kang mabait at matalino. Alam kong makakamtan mo ang pangarap mo!"
Floring: "Walang anuman, Carmela. Basta't magkaibigan tayo, at lagi akong nandiyan para sa'yo. Pero para sa akin, mahalaga ang pagmamahal sa kapwa."
Carmela: "Wow! Ang galing mo talaga, Ate Floring! Dapat magpatuloy ka lang at sana makarating ka sa tagumpay, lalo na para sa magulang mo, di ba?"
Habang ang mga kaibigan ni Floring ay nagsasabi ng mga magagandang salita, nagpasalamat siya sa kanilang lahat. Nais niyang mapanatili ang magandang ugnayan sa kanyang mga kaklase at magpatuloy sa pangarap niya.
Sa di malilimutang pag-uusap ng magkakaibigan, natutunan ni Floring na hindi lang sa talino at talento nag-uugat ang tagumpay, kundi pati sa pagmamahal at suporta ng mga kaibigan.
Sundan sa Ika-5 na Bahagi.
Tuluyan silang magkakaibigan sina Floring at Carmela, pero paano magkabati sila?