Episode 1 (Part 3)

Sa isang hindi malilimutang araw, nagkaroon ng hindi inaasahang tensyon sa klase ni Floring. Nakilala niya si Katrina, isang batang mayabang at may matalim na dila. Si Katrina ay anak ng isang abogado at may mataas na tingin sa sarili, kaya't hindi naging maganda ang kanilang unang pag-uusap.

Katrina: "Hoy, bata! Sabi nila may matalinong babae daw dito sa eskwela, pero ikaw, mukhang mahiyain at walang alam."

Floring: "Ano po? Bakit naman po?"

Katrina: "Kasi ikaw lang naman ang pinakabata, eh! Ako si Katrina. At ikaw, anong pangalan mo?"

Floring: "Ako po si Florencia, ang palayaw ko ay Floring."

Katrina: "Floring? Hah! Ang panget naman ng palayaw mo!"

Nagkagulo ang mga kamag-aral ni Floring, at nagsimula silang magsalita upang depensahan siya. Sinabi ni Carmela kay Katrina

Carmela: "Hoy, ano ba!, ikaw!, si Floring ay matalino! Mahal na mahal niya ang pagbabasa at pagsusulat! At tsaka, Katrina hindi mo siya dapat tinatawag na panget!"

Kaklase ni Floring 1: "Oo nga, mabait siya! At ikaw bata, masungit ka!"

Kaklase ni Floring 2: Tama si Carmela, laging panay kaibigan si Floring, di ba?!

Sumagot si Katrina ng may paghamak. Pero si Carmela, di pa mapahuli Katrina.

Carmela: Ano masasabi mo?... Katrina

Katrina (Galit): "Ah, ganon ba? Kung ganon, heto sa'yo!"

Biglang nasabununtan ni Katrina si Carmela, isa sa mga kaibigan ni Floring ay tila nagalit

Carmela: "Aray! Ano ba, Katrina?!?"

Katrina: "Bagay na bagay sa'yo!"

Si Carmela ay mabilis na nagalit, ngunit bago pa magpatuloy ang laban, si Floring na ang tumahimik.

Floring: "Tama na, huwag niyo nang sasaktan ang mga kaklase ko!"

Tumahimik ang buong klase nang marinig ang matapang na boses ni Floring. Subalit, hindi pa rin natatapos ang tensyon sa pagitan ni Katrina at Carmela.

Matutulungan kaya ni Floring na maitigil ang alitan? O magpapatuloy ang gulo sa klase?

Sundan sa Ika-4 na Bahagi.

Ate Abbie Creator

Matigilan kaya ni Floring si Katrina sa ginagawang panganakit kay Carmela?