Episode 1 (Part 1)
Taong 1955
Isang batang babae na mabait, matalino, at masipag mula sa pamilyang Sta. Lucia sa Santa Cruz, lungsod ng Maynila.
Ihinyero ang kanyang ama, habang guro naman ang kanyang ina. Si Flor o Floring ay isang mabait na bata, lalo na sa kanyang lola, na mahilig makinig sa mga kwento nito. Nang magsimula siyang mag-aral sa isang paaralan ng mga kabataang babae, natutunan niyang pahalagahan ang mga guro at kaibigan.
Isang araw, ipinakilala siya ng kanyang guro na si Mrs. Santiago sa mga bagong kamag-aral.
Mrs. Santiago: "Mga bata, nais ko kayong ipakilala sa inyong bagong kamag-aral. Siya si Florencia, isang mabait na batang mula sa isang magandang pamilya, dito sa Maynila. Ang palayaw niya ay si Floring. Nawa'y maging magkaibigan kayo."
Mga Kamag-Aral: "Opo!"
Mrs. Santiago: "Batiin niyo si Floring."
Mga Kamag-Aral: "Magandang araw po, Floring!"
Magaling si Floring sa pagbabasa at pagsusulat, at may likas din na talento sa pagguhit gamit ang krayola. Naging mabuti siyang kaibigan sa mga bagong kaklase, at laging handang tumulong sa iba.
Sundan sa Ikalawang Bahagi.
Paano magsimula ni Floring sa pag-aaral