Limang segundo, kinse minuto lampas ng alas siyete ng gabi ng kami ng mga kaklase ko ay nakarating sa exit gate ng compound ng aming school. May dalawang fish ball stand malapit sa kalsada, seven eleven sa kaliwang kanto at sa tapat ay isang luwag na shed lulan ay limang kataong nag-aabang pauwi o marahil ay nagkukuwentuhan lang. Pawang mga estudyante na katatapos lang ng klase o nagpapalipas oras ang mga naglipana sa kalye.
"Yo Raki, next time ulit. Una na kame", bungad na pananalita ng kaklase ko sa kanang bahagi ng aking katawan. Tinapik pa balikat ko alam na ngang bad trip ako ngayon.
"Sige, maya pa ako. Raraket muna ng konti", sumbat ko pabalik.
Lunes, nanalo man ako ng isang libo sa pustahan, pakiramdam ko anlaki pa din ng pagkatalo ko nung sumapit ang hapon. Nag-umpisa kay Jeny, sinundan ni classmate, tinapos ni Mam. Baket ba naman kasi hindi pa ako sumabay papuntang school kanina kina classmate after namen mamili ng kailangan sa drawing. Natrapik tuloy, na-late, namura na naman ni Mam. Its not that na-torpe ako kanina, niyaya ko pa nga sila mag-lunch, libre ko. Pero nung tumanggi sila, di na ako nakaimik pa nung alukin akong sabayan sila sa byahe pa-school. Sayang pagkakataon. Move on.
Nag-vibrate phone ko which I really was expecting. One message containing estimated time of arrival, seven-forty pm. Hopefully may magandang maidudulot pagraket ko ngayon, or baka malasin na naman ako. Pumasok ako seven eleven, bumili ng shake, isang kaha ng GD (mura eh), tumambay sa labas para magyosi't magpalamig.
If I will analyze the details carefully, my chances of having a bad day are slim. Thirty degree Celsius, humidity level fair, it rained yesterday, it is a monday and just from these datas, masasabi kong may eighty percent chance na good mood mga tao kasi lunes. Iiwasan nila malunesan. Malamig ang panahon, hindi gasinong mabanas and that promotes good vibes and nice attitude. Well, lahat naman except for my instructor eh good vibes. Chances of encountering a person that would make my day bad are at ten percent low. So baket? I guess its just on my approach. All in all, it really is a good day.
Seven fifty two pm at may tumigil na itim na CR-V sa kabilang kalsada. Tinapon ko baso ng shake sa basurahan, angle seventy, speed thirty kph, swak. Lingon sa kaliwa at sa kanan, tawid ng kalsada. Bumungad saken ang ten percent. Sa tingin pa lang, sira na kaagad araw ko.
"Langya Andak, sa pagmumukha mo pa lang, sira na araw ko eh."
"Ulul. Di ka na naman nakadiskarte sa chicks mo ano?", tinginan na lang kame, alam na.
Sumakay ako sa likod ng CR-V. May nakaupo na sa likudan nito bukod sa amin ni Andak. Nagmano ako sa Ninong ko na nakaupo sa harapan ng sasakyan. Bumati at nagpasalamat. Nakibalita ng kaunti, nagkumustahan. Dalawang minuto at apatnapu't tatlong segundo pa lang nakakalipas, may iniabot si ninong sa akin na folder.
"Andak, nagawa mo ga pinapagawa ko kanina?", tanong ni Ninong kay Andak.
"Oo kuya. Medyo mahal nga lang pa-print."
"Asus, kinupitan mo lang ako", sagot ni Ninong.
Bagamat hindi magkapatid sina Andak at si Ninong ay kuya ang tawag ni Andak sa kanya. May iniabot si Andak sakin na mga papel na naglalaman ng iba't ibang larawan ng mga tao, mga address, profiles, mga karelasyon at mga kamag-anak. Ang hawak ko naman na folder ay naglalaman ng mga larawan ng bakal, mga tanso, tubo at iba't ibang makinaraya. Nakapaloob din sa folder ang detalye ng kumpanya, mga presyo ng materyales at mga impormasyon ukol sa legalidad ng mga transakyon.
"Bale galing kami kanina sa Bataan. Gusto makuha ng grupo naten ang project, syempre, para kumita tayo. Yung binigay ni Andak sayo eh ikaw na ang bahalang humusga kung sinu-sinu dapat hatulan. Sampid ang mga iyan sa project. May pang-ulam na ba kayo ng Mame mo? Daan muna tayo sa caltex mamaya", usad ni Ninong sa akin habang inaanalisa ko bawat mahahalagang impormasyon.
This became my job when I was fourteen. Kung hindi dahil kay Ninong eh baka kung saan na kami pulutin ng Mame. Sa murang edad, nasanay na ako sa takbo ng negosyo. Sampung taon pa nga lang ako eh nabaril na sa noo, nabuhay. Wala na akong ama, ano pa gang pakialam ko kung delikado? Kaya naman ni Mame mabuhay mag-isa. Kung sinu man madadamay ay wala na din akong pakialam. Kanya-kanyang tadhana lang yan. Kanya-kanyang guhit ng bayag. Walang nakakaalam sa mga katransakyon ni Ninong na lahat ng mga plano sa pag-usad ng kanilang negosyo ay dahil sa isang diseotsong binatilyo.
Kinuha ko mechanical pencil ko, isang yellow pad at sinulat mga hakbang na dapat simulan at pagtuunan ng pansin. Para bang kusa na lamang gumagalaw ang mga daliri ko at ang utak ko na para bang nakikita ko mga problema na haharapin, mga solusyon sa problema at kung anu-anu pang mga detalye. After the incident where I was hospitalized for five months and three days, accidental savant was the term reffered to what I am now. Ang isang bagay lang na nilihim ko, is my gift of clairvoyance? Kasi naman, di naman talaga gumagana. Paminsan-minsan lang. Lintek na gift ito. Gifted nga, palpak naman pagadating sa babae. Kaasar. So basically, kaya siguro mga numero palagi nakikita ko. Tinesting ko nga, isang buwan akong tumataya sa lotto, di naman nananalo. Gifted? O baka nasisiraan lamang ng ulo.
"Pare, pagasolina ka muna at pabibilhin ko si Andak ng litsong manok", saad ni Ninong limang daan limampu't walong metro bago sumapit sa kanto ng caltex.
Bumunot si Ninong ng pera sa bulsa, kinuha kargada niya sa glove compartment, isinuksok sa likudan ng baywang niya, tago ng makapal niyang brown leather jacket Lacoste.
"Andak, eto isang libo. Dalawang manok, tadtad na kamo. Tapos eh barbeque. Bahala ka na kung ilan. Tapos sa aten para mamaya ay crispy pata. Patadtad mo na din. Sama mo na din itong bagong bata naten at baka ma-stroke. Kanina pang di gumagalaw. Tara Raki seven eleven. Pare pafull tank mo na at luluwas ulit tayo bukas."
Dating tauhan ng tatay ko driver ni Ninong ngayon. Pareho sila ni Itay na nag-anak sa binyag noon sa anak ng driver ni Ninong ngayon. Tinupi kong maigi ang isang pahina ng yellow paper at iniabot kay Ninong habang naglalakad kami patungo sa may kumikinang na numero syete.
"Bili ka Raki ng sayo at isang bote ng redhorse saken", saad ni Ninong sabay abot ng limandaang buo.
"Sige, yosi muna po kayo dyan", swerte, bukod sa kaninang isang kahang GD, makakabili pa ako isang kahang Marlboro. Hahaha. Gatorade din pala at tatlong sachet ng 3in1 para mamaya kapag nag-online.
May isang nakaunipormeng binatilyong pulis ang nasa unahan ng pila sa kahera. Dalawang baso ng kape at dalawang order ng hotdog sandwich binayaran niya. Nakipagpulong pa sa kahera eh alam na ngang may sunod sa pila. Tinitigan ko siya ng masama sabay naman ngiti pagharap niya sa direksyon ko. Napaumis na lamang si ako, nagbayad sa kahera, lumabas, binigay kay ninong bote niya, binuksan ko bote ng gatorade ko. Sinisindihan ko yosi ko habang tangan sa kaliwang kamay bote ng gatorade at supot ng pinamili ko ng biglang badtrip. Nasagi ako ng pintuan sa likudan ko. Di naman sa nakahara ako, sumisindi lang naman eh, aalis din naman saglit. Natapon tuloy gatorade. Malas.
"Baket kase pahara-hara sa pinto. Yan tuloy napapala", saad ni pulis galing loob. Kasi naman kanina pang naka-order nakikipaglampungan pa sa cashier, naunahan ko pang lumabas. Tanginang ito.
Pupulutin ko pa lang plastic ng pinamili ko at biglang nanahimik ang kapaligiran. Bumagal ang lahat ng bagay sa paligid. May dahan-dahan na pumapatak na basyo ng bala sa paanan ko, paglingon ko sa pinanggagalingan, dalawa pang basyo ang dahang-dahang pumapatak mula sa umuusok na kalibre kwarenta'y singko ni Ninong. Ramdam ko ang prisensya ng katawang unti-unting bumabagsak sa aking likuran. Lumingon sa kanan, unti-unting nasasaksihan ang lupasay na kamay, may hawak na trentay otsong baril, duguan. Bulagta ang kawawang pulis. Oh, ano? Patay ka ngayon. Yabang mo kasi. Isang minuto tatlumpong segundo, bumalik ang lahat. Sumisindi ako ng sigarilyo at bigla kong naalala.
Humakbang ako ng isa paharap, sakto. Di ako nabundol ng papalabas na pulis. Di nagpatak gatorade at plastic, nakasindi ako yosi, at hindi siya napatay.
Gifted? O baka naman nasisiraan lang ako ng ulo. Ang nangyare ay nangyari na. Huwag ng pasakitin pa ang ulo. Hindi kaylanman nababago ang nakaraan, maari lang tayong humarap sa kinabukasan at kasalukuyan.
-chapter 3 variable end-
shoutout po sa mga nag-aabang ng kantunan