Ten decibels, going for forty. Malapet na matapos at siguradong maghihiyawan na naman mga sira-ulong nanunuud sa loob ng shop. Not to mention I am getting irritated at parang Qatar sa loob ng shop. Ambanas, ni wala man lang aircon. Kung di lang dahil kay Mike di na ako lumaro pa. Fifty decibels of sound, desirable noise is ten percent. Ok, good game mga ser.

Hiyawan na mga tao sa loob. mga naka-uniporme pa man din sila, di na nahiya sa ibang tao sa shop. Di ko naman sila masisi. Kahit papano sa saloobin ko ay masaya na din. Isang napatay, tatlong beses namatay at fifty-two assists. Shet! di ko pa din nabreak record ko.

"Wooo!!! Astig nung carry. No deaths."

"Nakita mo yung play? Astig. 5mins pa lang, gang-bang na kaagad."

"Mas malupit yung triple kill sabay TP out sa clash, nadeds lang ay support."

Yeah right! As if naiintindihan nyu naman pinaggagawa namen. Yosibreak, makalabas na at makuha na sahod. Five hundred bet, gained one thousand. Hindi na masama. May pambili na ako ng ink at buff paper. Wala na nga pala akong lead ng mechanical pencil, makabili na din. Saktong dalawang oras at apa't napung minuto, kapag natrapik eh di late.

"Yo Raki, eto na yung pusta mo", tugon ni Mike sa aking likudan.

"Salamat bro, sa uulitin".

"Geh geh, batsi na muna ako at may bibilhin pa. Salamat." One hundred eighty degrees about turn, sabay lakad palabas ng compound. Easy money.


        I enjoy playing a support role in games, kahit nga siguro in life. Mas okey sakin at hindi takaw pansin. May apat na daang metro pa bago sa sakayan ng dyip patungong bayan, para lang ding tuwing umaga kapag ako'y naglalakad palabas ng eskinita samin. Pagdating sa sakayan papuntang school, bente pesos muna para sa bitamina courtesy of Aling Malunggay.

"Keh, aga-aga yosi at cobra kaagad? Gusto mo na ba pakamatay nyan?", nasaulo ko na ata dialog ni Aling Malunggay kapag nabili ako tuwing umaga. She plays a support role for me too. Kung wala akong cobra sa umaga at yosi na tangan, baka mag-collapse ako sa hindi ko pagtulog.

"Yo Raki, bakit aga mo ata ngayon? Ala una pa klase nyo ah, ala sais ka na kaagad papasok?", sabi ni Mike sa akin kaninang umaga.

"Eh ang Mame, nagsesermon. Sa school na lang ako matutulog."

Si Mike, I would say that he also plays support for me. Kung wala siguro mga kaibigan ko, baka forever alone na ang bilang ng buhay ko sa labas ng bahay.

        Otso pamasahe papuntang mall tapos sixty pesos budget for lunch. Sa baon kong isang daan kada araw, buti na lang at nauso ang DOTA kundi namulubi na ako. Sa panahon ngayon, pasalamat na lang kamo ako at nabuhay kung saan mas kumportable ang mga tao Online. I feel them, too. I myself spends ten hours a day playing. Halos lahat ng laro ay nalaro ko na. Boring na masyado except for one game. Hayun, luwag na dyip, makasakay na at pihadong trapik areh.

May character ako sa larong NEOSTEAM. It is realy an old game pero nabighani ako sa theme kaya ko siya pinagpupuyatan. Two nations battling out in an epic war and they have the steampunk theme. Siguro dahil sa nabuhay ako na puro bakal at scrap nasa isip kaya kumportable din ako habang nilalaro NEOSTEAM. Sayang, di ko masasamahan si Hildegarde mamaya sa war. Mabuti pa siya, hindi pa pumapasok. Next semester pa daw siya papasok, mag-tatransfer daw. I never really knew kung sinu nagpa-pilot sa kanya. Peke naman binigay niyang FB account. Mabuti na lang at ang style ng gameplay namin ay pareho. Wala na ako pakialam kung babae o lalake o bot siguro siya. Haha.

"Ikaw si Raki right?"

Parang may gusto atang kumausap sa akin. Lingon-lingon na para bang walang narinig. Wow, sakto, trapik pa. I can hear her perfectly. Diyahe. Ok, game.

"Ah, Oo", sagot ko habang kinakapa ko panyo ko. Pakiramdam ko kasi ay oily face na ako. Shet, amoy yosi pa. Sa loob pa naman din ng dyip. Sinu ga ito?

"Ahh, ako nga pala si Jeny. Friend ako ni Cecille. Kumusta daw sabi niya." 

Ahh friend lang pala. Kala ko naman ay, never mind. Tango na lang ng ulo at baka humaba pa ang usapan.

"Gwapo ka pala sa personal."

Wow bulag ka ba ate? Ako? Guwapings? Eh mukha nga akong goons sa pelikula. Ngitian ko na lang. Buti naman at umuusad na ang sasakyan.

"Pasan ka?"

Aba'y humihirit pa si ate. Kita mo namang nakaupo tatanong mo pa kung pasan. Sasagutin ko pa ba ito. May sampung minuto na niya akong inaabala sa pag-iisip ah.

"Dyan lang sa Bay, bili lang ng lead. Naubusan eh", sabi ko naman.

"Wala bang tinda malapit sa school nyo?"

EH sa gusto kong bumili sa Bay Mall pakialam mo ga? Hindi naman ako suplado so bahala na.

"Ah eh ubos na daw", ngiti na lang sabay pahid ng pawis sa noo.

"Ahh, okey. Hoping na ayos ka na daw. Katext ko ngayon si Cecille", okey lang sana reply ko kaso...

"Ayos lang naman po ako, bakit naman ang hindi? Pakisabi na lang salamat sa lahat. Kapag nagkita kamo kame ay pakisabi na din na i-dadate ko pa siya. Nag-iba na nga pala kami ng address kaya pakisabi na din. Baka kasi magpunta pa sa bahay, ako na lang kamo pupunta sa kanila, baka maabala pa siya di ga? Pakisabi na din na sobraaang Oookeey na ako. SALAMAT!"

Isa, dalawa, apat na pares ng mga mata, tatlong babae sa harapan na nagbubulungan at isang Jeny na biglang tumitig sa cellphone niya. Did I just do something wrong? Wala naman siguro akong ginawang masama. Approximately, thirty words lang naman nasabi ko. Wait, I lost count. What?

"Ahh, sige, baba na ako. Sabihin ko na lang kay Cecille kapag nagkita kame."

"Okey, salamat hah!", reply ko with a smiling face habang pababa siya ng dyip.


        Blood pressure went up twenty millimeter mercury above my average. Dahil siguro kay Jenny. Bakit ba naman sa dinami-dami pa ng makakasabay sa dyip ay yun pang kaibigan ng ex ko. Nakakapagtaka lang eh kilala niya ako? Kung sa bagay, uso ang facebook. Kadali nga naman tingnan ng hitsura ng isang tao ngayon. Kelangan ko na ba i-delete facebook ko? Hah, nang dahil lang sa ex? I am not that fragile of a person.

I played support for her but unlike games, real life is nothing much the same. Siyam na beses ko siyang binigyan ng bulaklak, ilang buwan din naman kaming nagtagal at wala na akong maalala pa. To think that all I see are numbers but when it comes down to reality, they just fade away. Mahirap malaman ang hinaharap pero ayaw kong maniwala na imposible. Buo na isip ko ngayon. Apat na buwan na nakalipas, I need to move on. Kailangan ko. I just need to think of something. Tama. Si classmate na lang nga. Pero, shy me. Haay, ewan, pinanganak akong torpe sa babae hindi gaya ni Itay. Bakit naman kasi umuna pa siya, wala tuloy akong kagilgilan pagdating sa babae. Solo pa naman akong anak. Nangyare na, huwag na pag-isipan pa, wala din naman akong mapapala pero sana lang, di ako ma-late sa klase mamaya.

"May bababa sa Mall?", tanong ni Manong driver.

"Sa Bay po meron."

        Isang oras na lang nalalabi pabalik ng school, sana lang walang trapik pabalik. Asa pa ako. Walong baitang papasok ng mall. Dalawang guard, apat na nakapila papasok. Saan nga ulit dito bilihan ng kelangan ko? Ahh tama, forty five degrees left turn matapos limang hakbang from the entrance. Dalawang tao lang sa dulo ng aisle of my destination, estudyante pa. Parehong babae. May sakbit na T-square at asul na tubong tatak ay Staedtler. Long hair, skinny figure, firm and proper school uniforms and they both look nice kapag nakatalikod. Nagtitingin din ata sila ng buff paper. Hindi ko makita mga numero sa isa sa kanila, but the other one has a nice vital stats. Ano kayang hitsura nila, teka lang, limang hakbang pa nga.

May mga bagay sa mundo na hindi gaya ng metro, masusukat mo. That is why probability exist. Some say that everything in life has a pattern, but most often disagree. May mga bagay talagang hindi mo kayang sukatin. Chances of meeting, probabilites of events happening, these are all not exact and never will be the same. There are no patterns in life, just merely coincidences.

Thirty percent, ito ang limit ko sa mga pagkakataong tulad nito. Ninety nine percent na nga na makikita ko siya sa school mamaya, but what are the odds? Ang thirty percent nga pala ay malaki na kung iisipin pero, one out of one hundred ang probability na makakadiskarte ako base sa mga datos na meron ako. Weak, tanggap ko naman eh, I am weak. Level gap. Bobo build. Noob items. Kung pagsasama-samahin ay katangahan. Bahala na si Batman.

"Hi classmate." kumakaway siya sa akin.

... Shet na malupet ... nadale na.

-chapter 2 addtional property end- 

Daddy Mocchi Creator

Live Stream Edit on Discord :D