Isang malamig na dapi't hapon na dumadapo sa balat ko, nag lalakad ako pauwi galing paaralan.

2nd year highschool na ako, hindi ako gaano katalinuhan, may unting saltik lang.

Bago pa ako umuwi, pumasok muna ako sa nadaanan kong store para bumili ng pagkain like Cupnoodles. Ako lang kasi sa apartment na nirerentahan ko at saka nakakatamad mag luto.

Naka bili para sa haponan at nakalabas na sa store. May nakita akong isang itim na pusa sa kabilang sidewalk at may dala dala siyang maliit na sako.

Parang tatawid siya, maraming sasakyan ang dumadaan.

Nang wala nang sasakyan, mabilisan sa tumawid na ang pusa papunta dito. Sa kaligitnaan siya ng kalsada, nahulog ang kaniyang dala.

Napalingon ako sa gilid at may isang truck na mabilis.

Nabitawan ko ang dala ko at mabilis ko tinakbo papalapit ang itim na pusa.

Maririnig ko lang ang isang malakas na busena ng truck at.

Biglang nagdilim ang aking paningin.

...


Bakit ang lamig ng paligid?

Unti unti ako dumilat at nagtaka ako na nakaupo ako sa upuan at ang harap ay student table. At pagtataka pa nun nakasuot ako ng unipormeng itim.

Tumingin ako sa aking paligid, parang isang room. Maraming mga upuan at student table at saka maraming studyante na naka itim ang uniporme katulad sa suot ko.

"Gising ka na pala." Bigla ako tumingin na nagsalita, katabi ko lang.

"Nasaan ako?" Tanong ko sa babae na blonde ang buhok at parang nasa 14 years old na siya.

"Nandito ka sa Dark Academy." Sagot niya.

"Dark Academy?" Pagtataka ko.

"Kung saan ka ilalagay pagkatapos ka mamatay. At dito ka itetest kung mananatili dito o babalik ka sa mundo." Nagulat lamang ako sa kaniyang sinabi.

"Ibig sabihin patay na ang mga nandito, pati narin ako." Tumango nalang ang babae. Tama sinusubukan kong iligtas ang pusa sa truck, kamusta na pala ang pusa?

"Baguhan ka lang dito, so kailangan mo nang makakasama at ako iyon. Ako si Star Butterfly." Pagkilala sa akin.

"Star Butterfly, parang pamilyar sa akin yun parang isang character sa palabas." Saad ko.

"Huwag mo nang isipin yan. Ikaw ano pangalan mo?" Tanong niya sa akin.

"Ako si Marco Diaz" Huh? Pero parang hindi ko pangalan ang sinabi ko.

"Marco Diaz nice to meet you." Inabot niya ang kaniyang kamay at nagkinamayan na kami.

"Oo pala ano ang pagkamatay mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi na iyon importante." Makikita mo ang kaniyang malungkot na mukha.

"Oo pala paano ako makakabalik sa mundo?" Tanong ko.

"Kapag nakapasa ka sa Final Exam. Pero kapag bagsak ka mananatili ka parin dito sa Acadmey." Kaniyang sagot.

"Nakapa simple naman."

"Pero hindi madali." Bigla ako tumingin sa kaniya at naka tingin siya sa kaniyang lamesa.

"Dalawang beses akong bumaksak at nandito parin ako. Gusto ko nang bumalik sa mundo at tuparin ang pangako ko sa kaniya na mag sama uli kami." Sa pagkasabi niya iyon ay may tumutulo luha mula sa kaniyang mata.

Natahimik nalang ako bigla ako sa kaniyang sinabi

"Ganito, magtulungan nalang tayong makapasa."

"Hah? Talaga?" Hindi niya paniwala sa sinabi ko.

"Oo, kailangan ko rin bumalik sa mundo. May nagawa lang akong pangako sa minamahal kong babae." Saad ko at pinunas ko ang kaniyang luha gamit ang panyo.

"Sige, magtulungan tayo." Ngiti niyang sabi.

Ilang saglit nagsi upuan ang mga studyante

Inayos ko naman ang upo namin ni Star.
"Mag sisimula na ang klase." Kaniyang sinabi at tumunog ang bell, yun ata ang simula ng aming pagsubok


(To Be Continued)
White Ink Creator