Nandito nanaman ako sa scene na ito. Yung may dalawang tao sa ilalim ng malaking puno. Teka parang ako ang lalake ngayun.

Nasa harap ko ang babaeng umiiyak at hindi ko marinig ang sinasabi niya.

Bigla niya ako niyakap... parang pamilyar ang scene na ito.

***

Bigla ako nagising dahil sa maingay ng alarm clock ko.

Pinatay ko ang alarm clock at bumangon.

Naligo, nagbihis ng uniform at kumakain ng agahan yung niluto ni Star kahapo at nilahay ko pa sa ref. Iniisip ko parin ang yung pinaginipan ko, pamilyar talaga.

Pagkatapos ko kumain agad ko kinuha ang bag at umalis.

Oo pala nakalimutan ko kasabay ko si Star pumasok. Bumalik uli ako at kumatok sa room ni Star.

"Star nakabihis ka na ba?" Tanong ko sa pintuan haha

Subalit walang sumagot.

"Star nandiyan ka pa ba?" Tanong ko uli subalit walang sumagot.

"Papasok na ako." Pinihit ko ang doorknob at nakapagtataka, hindi ito naka lock.

Dahan dahan ko binuksan ang pintuan. Tahimik ang loob.

Pumunta ako sa kuwarto niya at nakahiga lang siya nakabalit siya ng kumot.

"Star? Nakahiga ka pa?" Tanong ko sa kaniya.

"Alangan naman, sakit ng ulo ko." Kaniyang mahinang sabi.

"Huh?" Pagtataka ko. Nagkakasakit rin pala ang mga patay I mean kaluluwa.

Hinawakan ko ang kaniyang noo at ramdam ko na mainit nga siya.

"Hala may lagnat ka nga." Taranta ko.

"Marcoo~ Pasok ka na." Mahina niyang sabi.

"Hindi, hindi ako papasok kailangan may mag alaga sa iyu." Saad ko.

"Salamat pero."
"Basta aalagaan kita ano mabgayari kapag namatay ka dito sa mundo nito?" Tanong ko ss kaniya at ngumiti siya.

Binaba ko ang aking bag sa learning desk at nagluto, alam kong hindi pa siya kumain dahil halos hindi nagamit ang plato niya.

Ilang minuto rin at tapos na ako nag luto.

"Eto kain ka muna at maghahanap ako ng gamot." May gamot ba para sa patay.

Nakahanap na ako ng gamit para sa lagnat. Kumuha ako ng baso na may lamang tubig at bumalik uli ako sa kuwarto ni Star.

Naubos na niya ang pagkain niya. Pinainom ko siya ng gamot.

"Marco... salamat, ambait mo talaga." Mahina niyang sabi.

"Wala yon Star, ganito talaga ako nung nabubuhay pa ako." Saad ko.

"Parang ginagawa mo sa minamahal mo dati?" Tanong niya sa akin.

"Oo... teka paano mo alam?" Pagtataka ko. Umupo ako sa maliit na upuan tabi ng higaan ni Star.

"May naalala lang ako." Sagot niya. Napatingin ako sa kaniya.

"Teka ibig sabihin ikaw yun" Tanong ko.

Natahimik ang buong kuwarto. Nag titigan lang kami ni Star.

"Hindi baka ibang babae iyun." Sabi ni Star.

"Oo pala, ibigay ko yung assignment natin kay Janna, late naman iyun papasok." Wika ko. Kinuha ko ang notebook ko at ang notebook ni Star at lumabas. Binigay ko kay Janna para siya na mag pacheck sa teacher namin at pumayag naman siya.

Pagkabalik ko sa room ni Star. Nanatili parin siyang naka upo sa higaan niya.

"Hindi ka pa mag papahinga?" Tanong ko sa kaniya.

"Marco, halikan mo nga ako." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Ba-bakit?" Nauutal kong tanong.

"Gusto ko uli maramdaman ang pagmamahal. Gusto ko uli ramdaman uli bago ako namatay." Sagot niya.

"Mararamdaman mo uli yun kapag nabuhay ka na." Aking wika.

"Hindi, gusto ko ngayun." Napatigil ako sa pagsasalita nung sinabi niya iyon.

"Hayyss sige na nga." Hinawakan ko ang kaniyang ulo at hinalikan ang kaniyang noo.

"Ahh ayan ok na-"
"Hindi pa..."

"Bakit?" Tanong ko.

"Lumapit ka." Lumapit naman ako sa kaniya.

Bigla niya ako hinila, hinalikan sa labi at yumakap na mahigpit. Naramdaman ko ang init niyang katawan sa pagkayakap sa akin.

"Salamat at Nagkita uli tayo." At bigla siyang humiga at nag kumot.

Nabigla ako sa ginawa niya at sa sinabi niya. Hindi parin ako nakapagsalita at makagalaw.

***

"Mahal, pupunta kami sa ibang bayan at doon na ako mag cocollage.

Rogin... Mahal pangako pag ka graduete ko babalik ako, at makakasama uli tayo." Luhang luba sabi ng babae at niyakap ko siya ng mahigpit.

***



========================



Kinabukasan, gumaling na si Star. Mukhang alam ko na kung sinong babae ang nasa panaginip ko. Hindi pala panaginip, isang nakaraan ko. Kaso hindi ko matandaan ang pangalan ng babae na iyun.

Maaga kaming pumasok ni Star at kami pa nag lilinis.

Nakalipas ng ilang minuto ay nag simula ang klase.

Sabi ng teacher ay kahit nakapasa ngayun 1st grading exam kahit di na dumaan sa final, ay pwede na siyang makabalik sa mundo, yun na ang bagong proseso

Masaya kami ni Star at hindi na kami mag tatagak sa Dark Academy na ito.

Nakalipas ng ilang oras ay uwian na namin.

Magkasama kaming bumalik sa aming Dorm.

"Star, sure ka bang ikaw ang babaeng pinangakoang babalik ka?" Tanong ko sa kaniya at parang ang higpit niyang pagkayakap sa braso ko.

"Oo... At Rogin ang tunay mong pangalan." Sagot niya.

"Pero, parang hindi ehh." Pag taka ko.

"Hindi ba?" Tanong niya pa sa akin at bumitaw siya sa pagyakap sa braso ko.

"Aargghh hindi ko alam, bakit hindi ko na matandaan?." Tanong ko sa aking sarili.

"Basta ang alam ko ikaw ang pinangakuan kong babalik ako sa iyu kaso na disgrasya ako. Patuloy pa ni Star at tinitigan niya ako sa mata ang cute niya talaga.

"Sandra ang pangalan ko." Sa pagkasabi ni Star ay may bigla akong naalala.

"Sandra, tama natandaan ko na. Ikaw ang nag pangako na babalik ka, kaso namatay ka dalawang taon ang nakalipas." Bigla kong sinabi.

"Dalawang taon na?" Pagtataka ni Star.

"Oo Star." Bigla ko siyang niyakap. Naalala ko na Sandra mahal. Bigla nalang tumulo ang luha ko.

"Mahal bukas na ang exam natin, galingan natin para makabalik tayu at magsama." Sabi niya.

"Sige."



...



Kinaumagahan at araw ng exam.

Tahimik ang room. Isa isa binigay ni teacher ang aming testpaper.

Nagtinginan kami ni Star at ngumiti kami sa isa't isa ibigsabihin ay good luck.

"Now open your testpaper." Pagkasabi ng aming teacher sa harap agad kong binaliktad ang aking tespaper at sinagutan.

Kailangan namin ipasa, para mabuhay pa kami ni Star at magkasama uli. Kung hindi, mananatili pa kami sa Academy na ito.

Ilang oras naka lipas nahihirapan ako sa Math Subject. Pinag aralan namin to ni Star noobg nakaraan at alam kong maalala niya ang tinuro ko.

Dalawang oras naka lipas at napunta na kami sa English Subject. Tinignan ko si Star at naka ngiti siyang habang sumasagot, parang basic niya sa kaniya ang exam.

Tatlong oras ang nakalipas ay tapos na ang exam.

Pinass na namin ang aming testpaper.

"Magaling, malalaman niyu kung makapasa kayu, kapag nagising kayo na nandito pa kayu sa Academy, bagsak. Pero kapag nagising kayu sa mundo ninyo, ibigsabihin pasado kayo." Sabi ng teacher

"Now class dismissed."

Tapos na ang klase at nagsialisan sila.

Dapit hapon na.

"Sana makapasa tayo." Sabi niya.

"Magkita nalang tayo sa tunay na mundo natin." Patuloy pa niya.

"Ganun din sa iyu." Nagyakapan kami ng ilang minuto.

"Sige na bukas mag kikita na tayu." Sabi ni Star at tinangal na niya ang aming pagyakap.

Pumasok na kami sa sarili naming room. Nag bihis agad at himiga sa kama. Hinanap ko ang antok ko kaso hindi ako makatulog.

May biglang may kumatok sa pintuan, pinuntahan ko ito at binuksan ang pintuan para tignan ko kung sino yun.

Pagkabukas ko, biglang yumakap sa akin si Star.

"Bakit Star?" Tanong ko.

Tumangal siya sa pagkayakap "Wala lang Marco, gusto ko lang mag katabi matulog." Saad niya.

"Sige sige." Pinapasok ko na siya at humiga sa higaan ko.

Pagkahiga ko, niyakap niya ako at hinalikan sa labi at sabay sabing. "Pasyensana Rogin."

Naantok na ako, huh Star bakit? Dahan dahan pumikit ang mata ko.



Star bakit ka nag sosorry? Star sagutin mo ako.



***



"SANDRA!!!" Bigla ako napaupo.

"Huh nasaan ako?" Tanong ko sa aking sarili. Parang nasa hospital ako.

"Gising na ang pasyente."

Biglang may pumasok sa kuwarto na ito at ang mama ko

"Ma ano pong nangyari?" Tanong ko sa aking Ina.

"Anak." Niyakap niya ako. "Nadisgrasya ka, at Coma ng isang linggo."

Ano? na coma ako?
"Ma, si Sandra nasaan po siya?" Tanong ko.

"Anak... nakalimutan mo na ba? Matagal nang patay ang girlfriend mo."

Hindi ko maintindihan... ibig sabihing... panaginip lang nangyari na nasa DarkAcademy ako at na panaginip ko lang si Star?



(END)
White Ink Creator