Tapos na ang klase namin, hindi naman masama at parang normal na skwelahan lang.
Pumunta kami ni Star sa Dorm kung saan kami pwede mag pahinga. Napagtataka kahit patay kami pwede kami matulog.
Pero iniisip ko parin ko ano talaga ang pangalan ko ay bakit Marco Diaz ang aking natatandaan na pangalan. Pero hindi yun ehh.
"So nandito na tayo. Actually magkatabi lang tayo ng Room." Saad ni Star at binigay sa akin ang susi.
"Teka ba't nasa iyo ito." Tanong ko habang tinitignan ko ang susi.
"Ahm actually nasa akin yan dati pa, nagtataka ako noong unang araw ko dito dalawa ang susi na binigay sa akin. Baka para sa iyo iyan talaga" Sagot niya.
"Sige magpahinga muna tayo." Sabu niya at pumasok na siya sa kaniyang kuwarto.
Pinasok ko ang susi sa doorknob nag click ito nang pinihit ko ito. Binuksan ko ang pintuan.
Kompleto ang mga gamit dito. May higaan, learning desk upuan at iba pa, wala nga lang tv.
Nilagay ko ang bag sa learning desk at kinalkal.
Kompleto din ang mga gamit ko pampasok. Math notebook, English Notebook at iba pa, subalit wala pang laman. Meyroon ding book module.
Tinangal ko ang suot kong uniporme. Tinignan ko ang nasa drawer. Nagulat ako dahil nandito ang mga pang araw araw kong damit.
Nag bihis na ako ng pang araw araw.
Humiga ako sa bed. At pumikit para makapag pahinga.
***
May isang lalake at babae na nakaupo sa ilalim ng malaking puno.
Makikita mong sweet nila sa isa't isa. Kaso halos hindi ko makita ang mukha nila.
Nagsimulang mag salita ang babae subalit hindi ko marinig ang sinasabi niya.
Makikita mong tumutulo ang luha ng babae.
***
Bigla ako nagising. Ano yung napaginipan ko?
"Ohh gising ka pala." Napaupo ako sa gulat at nakita ko si Star na naka tayo sa harapan ko.
"Ba't ka nandito?" Tanong ko.
"Nakabukas yung pintuan... oo pala hindi ka pa kumain kaya pinadala ko sa iyu ang niluto ko." Kaniyang Sabi at inabot niya sa akin ang isang bento
"Salamat." Ang tipid ko na nagpasalamat at tinangap ang bento.
"Sige alis na ako, oo pala gumising ka ng umaga hah? Ayaw ko kasi mag isang pumasok sa room, gusto ko may kasabay ako." Sabi niya.
"Sige sige." tipid ko nanamang sagot.
Umalis na siya at sinarado ang pintuan. Binuksan ko ang bento at adobong manok ang naka karga sige makakain na at matulog pakatapos
...
Kinaumagahan, pakatapos ko nang maligo nag bihis agad aki ng uniporme kong itim. Dumeretso ako sa harap ng pintuan ng room niya.
Sinubukan ko kumatok sa pintuan.
"Pasok ka muna..." Sabi niya sa kabila.
Pumasok naman ako at bigla ako napatalikod dahil... dahil naka bra lang siya at nag susuot pa siyang mahabang palda.
"Bakit ka napatalikod Marco?" Tanong niya.
"Ano ka ba. Nag bibihis ka pa nag papasok mo pa ako." Nahihiya kong sagot.
"Huh? Naiilang ka?" Sabi niya, grabe naman babae ba siya?
"Sige pwede kana tumingin." Dahn dahn ako tumingin sa kaniya at nag bobotones pa siya ng pang taas.
"Talagang hinihintay mo ako." Sabi niya habang nag susuklay siya ng kaniyang mahabang buhok.
"Ehh sinabi mo kahapon na samahan kita pagpasok, at saka hindi ba kasama kita? I mean kasama sa School?" Sagot ko.
"Ahh oo pala." Tipid niyang saad. Kinuha niya ang kaniyang bag.
"Tara na." Sabi niya at pumunta na kami sa campus.
Naka rating na kami sa hall way pagkalipas ng ilang minuto.
Sa aming pag kuwentohan ay bigla na siyang tumahimik.
"Tignan mo ba yang Star na iyan meyroon uli siyang biktimain?"
"Hahaha... Loser na Star? We? Kailan pa nagkaroon ng kaibigan yan?"
"Hahaha Wierd kaya hindi siya makakapasa, mag lalandi pa sa guwapo."
Yan sinasabi ng mga babae sa aming paligid.
"Huwag mo silang pansinin Marco." Tahimik sabi ni Star.
"Kaya pala ayaw mo mag isa pumasok." saad ko at tumango nalang siya.
Hinawakan ko ang kaniyang kamay. "Huwag kang mag alala may kasama ka na." Ngumiti siya sa sinabi ko.
====================
"Grabe parang gusto ko na dito at marami pa ako matutunan keysa sa School namin." Sabi ko sa aking sarili.
Recess namin ngayun.
Nag lalakad kami ni Star papuntang kanteen upang makabili ng pagkain.
"Pero kailangan ko bumalik." Tahimik pagkasabi ni Star.
"Oo alam ko. Oo pala sino yung babalikan mo?" Tanong ko sa kaniya.
"Hindi ko na matandaan. Pero tutuparin ko parin ang aking pangako." Ang lakas loob sabi ni Star.
"That's a spirit. Don't worry tutulungan kita makapasa dito." Sabi ko.
"Salamat talaga." Dahan dahan siya yumakap sa braso ko.
"Uii baka may makakita sa atin at baka ma issue." Pag alala kong sabi at tinangal na siya sa pagkayakap ng aking braso.
"Ok." Tipid niyang sagot.
"Oo pala, dalawang araw pa lang natin mag kakilala, bakit ang lapit mo na sa akin?" Tanong ko sa kaniya.
"Umpisa palang mabait ka na sa akin. Sana matagal kang mabait sa akin." Sagot niya.
"Oo magiging masmabait pa ako sa iyo hehe." Ngumiti uli siya.
Nakabili na kami ng meryenda namin at bumalik sa aming room
Nakarating na kami sa room at umupo sa sarili naming seat plan.
"Bakit yung mga iba mong kasama ehh iniwan ka na?" Tanong ko kay Star habang sumusubo ng burito.
"Oo, tumatagal binawala na nila ako hanggang sa pagkabuhay nila. Kala ko tutulungan nila ako." Lungkot sagot ni Star.
"Grabe naman sila, hindi na sila makahiya." Saad ko naman.
"Oo pala Marco, pwede ka bang pumunta sa Room ko mamayang uwian?" Tanong niya sa akin.
"Bakit ano meyroon?" Tanong ko sa kaniya.
"Uhmm wala, gusto ko lang may kasama sa room ko." Mahihiya niyang sagot.
"Sige-sige makakabisita ako." Sabi ko naman.
Nag ring na ang bell para sa susunod naming subject.
Hapon na at tapos ang klase namin. Meyroon kaming assignment kaya sakto bibisita ako sa room ni Star para gawin ang Assignment namin.
Dumeretso na ako sa room ko at nag palit nang suot. Kinuha ko ang notebook at ang libro ng assignment namin.
Kumatok ako sa pintuan ni Star at biglang bumukas.
"Pasok na Marco." Sabi ni Star na naka Sando at maikling short.
"Uhh si-sige." Nauutal ako dahil ang ganda niya kapag pambahay lang siya at hindi siya weird tignan.
Pumasok na ako at nilapag ko ang libro at notebook sa learning desk ni Star na nandoon din ang gamit niya.
"Bakit kaya Marco ang pangalan ko dito sa mundo na ito?" Tanong ko sa aking sarili.
"Ako rin bakit Star ang pangalan ko dito." Sabi naman ni Star at naka upo na siya. Umupo narin ako.
Sinumulan na namin sagutan ang mga tanong sa assignment at tinulungan ko siya mag solve mg math at saka nilecture ko sa kaniya ang hindi niya maintindihan ang lecture kanina.
"Aaagghhh kapagod." Sabi ko pinikit ang mata ko at nag inunat ang aking braso.
"Marco?" Mahimbing na tawag sa akin ni Star.
"Bakit?" Minulat ang mata ko at nagulat ako dahil malapit ang kaniyang mukha sa aking mukha.
Hinawakan niya ang magkabilaang braso ko at dahan dahab niyang nilapit ang labi niya sa labi ko. Nararamdaman ko ang kaniyang dahang dahan na hininga.
"STAR!!" Biglang nakabalik sa upuan si Star nang may sumigaw sa pangalan niya.
"Ba-ba-bakit Janna ano kailangan mo?" Nauutal tanong ni Star.
Oo pala siya ang aming Kaklase, nag pakilala siyang pangalang Janna Ordonia. Weird din siya at matalino close niya rin ni Star.
"Kunin ko lang yung librong hiniram mo." Wika ni Janna.
"Ahh oo pala teka lang. Kinuha ni Star ang libro mula sa kaniyang bag at ibinigay niya kay Janna.
"Sige una na ako." Paalam ni Janna at binulong siya kay Star at namula ang mukha ni Star.
At umalis na si Janna. Sinarado ni Star ang pintuan.
"Uhmm bakit mo pala ginawa yun?" Tanong ko sa kaniya.
"Yung alin?" Kunwaring di niya alam ang tanong ko.
"Yung hahalikan mo sana ako?" Patuloy ko.
"Ahh... wala iyun, subukan ko lang balikin ang aking nararamdaman noong nabubuhay pa ako kaso wala." Kaniyang sagot at ngumiti nalang ako.
"Sige tuloy na natin ang assignment." Pasingit ko at tumango nalang siya.
(To Be Continued)