UMPISA: Blood



Tumayo si Erza Mariz o kilala ng marami bilang Erza sa pagkakaupo sa kama at pumunta sa may bintana at hinawi ang kurtina. Pagkahawi niya ng kurtina ay parang naging dahilan ito ng pagbalik muli ng alaala nangyari ilang taon na ang nagdaan sa kanya na parang isang pelikula na muling nagbalik sa kaniyang isipan kahit masakit, hindi niya napigilang alalaahanin. Dahil parang kailan lang na lumipas ang panahon ngunit hindi ang iniwang sakit sa kaniyang katauhan.



Ilan taon na ang lumipas ngunit bakit parang kahapon lang? Tanong niya sa sarili.

Isang gabi iyon na may nagaganap na isang pagtitipon na sa hardin ng mga Salcedo.



Nag gagandahan ang mga kasuotan ng mga dumalo, pero umaangat sa lahat ang ganda ni Erza Mariz. Lahat ay humahanga sa kaniyang kagandan. Lalo na ang mga kalalakihan, mababanaag mo sa kanilang mata ang paghanga at may iilan na may lihim na pag nanasa.



Kumikinang ang bawat paligid dahil sa mga ilaw. Kakaiba ang gabing iyon dahil ika twenty five na kaarawan ni Erza Mariz. Napag kasunduan kasi nilang pamilya na oras na tumungtong siya ng twenty five ay maari na siyang pumili sa mga gusto niyang pamahalaan sa kompaniya nila.



Nalulugod na naman si Erza tulungan ang pamilya niya. Kaya nga Business Management ang kinuha niyang course. Dahil bukod sa gusto niyang tumulong, wala naman na ibang pagpapasahan ang kaniyang ama dahil siya lang ang anak nito.



Willing siya sa lahat ng bagay na iutos sa kaniya ng kaniyang magulang. Basta kaya niya ay sinusunod niya ang mga ito.



Ni miminsan ay hindi pa siya lumabag sa mga pinag uutos nila. Hindi dahil isa siyang sunod sunuran ngunit mahal niya lang talaga ang mga magulang at masyado niya ding hinangaan dahil sa kabutihan sa kapwa.



Ang mga ito ay matulungin sa kapwa at dahil dito kilala rin na magaling na business man ang ama nito. At ang kaniyang ina naman ay kilalang designer ng mga damit at gown. Kaya ito ang kanilang business, ang kaniyang ama ang namamahala at ang kaniyang ina ang bahala sa mga desenyo at mga ibebentang mga damit, sapatos at mga alahas na ibebenta nila sa kanilang pag aaring negosyo.



Maraming natutulungan ang pamilya nila at may bahay ampunan silang pinatayo para sa mga batang walang pamilya at ang iba ay hindi sila kayang buhayin.



May mabuting kalooban ang kaniyang mga magulang kaya ito'y kaniyang nakagisnan at ito rin ang tumatak sa kaniyang isipan at ngayo'y kaniya na ding isinasabuhay.



Kaya napaka halaga ng araw na ito para sa kanila. Ang maipasa sa kaniya ang pamamahalaan niya. Masaya ang bawat isang pumapalakpak ang lahat sa gabing iyon at may mga nakaukit na ngiti sa kanilang labi. Lalo na ang mga kasosyo ng kaniyang ama sa negosyo.



Magiliw niyang binati ang mga taong dumalo sa pagtitipon at ganoon din naman ang mga ito sa kaniya.



Nakipagkamayan siya sa mga ito at ang iba ay naghandog ng mga regalo para sa kaniya. May mga mahihirap din na nandoon na nakibahagi din sa kaniyang kaarawan. Nahihiya man ay nag abot din ng kanilang mumunting regalo na malugod naman niyang tinanggap.



Halos hindi siya magkamayaw sa dami ng bumabati sa kaniya kaya nakaramdam siya ng pagod at nagpalit muna ng masusuot.



Dahil ang suot niya ngayon ay malaking klase ng gown. Kaya naisipan niyang magpalit ng manipis na gown sa kaniyang closet at balak na agad na bumalik sa hardin. Habang naglalakad siya nakakarinig siya ng mga kaluskos. Noong una ay pinag sawalang bahalA niya lang ito. Pero patuloy parin ang kaluskos kaya tumingin siya sa likod. Ngunit wala siyang nakita, nagkibit balikat lang siya. Pero sa loob loob niya nakakaramdam siya ng kaba. Hindi niya alam kung para saan.



Nang makabalik siya sa hardin ay medyo kumalma ang kaniyang pakiramdam. Agad siyang umupo sa lamesa nilang mag anak. Nakipag kwentuhan ng muli sa mga magulang.



"Anak anong balak mo, kelan mo uumpisahan ang pamamahala sa kompaniya? Gusto mo ba umpisahan agad o magbakasyon tutal ay kaarawan mo naman ngayon?" Tanong sa kaniya ng ina.



Nag isip muna siya bago sumagot. "Siguro Mom, magbakasyon po muna tayo ng kahit one week po. Gusto ko pong mamasyal mo na tayo bago ako pumasok. Alam mo na... Magiging busy na po ako once na ako na po ang maghandle ng ilang kompaniya natin. Pati po kayo ni Dad magiging busy na din lalo na at may bago tayong bubuksan na branch sa Palawan, sa Cebu at pati na rin sa Manila. Dito pa lang po sa Rizal at Quezon ay medyo naging busy na po kayo. Kahit na noong tumutulong tulong pa lang po ako sa ilang business natin ay naging busy na tayo. Eh paano pa po kapag nadagdag na?" Mataman na nakikinig ang kaniyang ina sa bawat sinasabi niya. "Kaya gusto ko po muna na magkaroon tayo ng bakasyon Mommy. Kahit na nakapag babakasyon naman tayo once a month pero hindi ko alam parang miss ko pa rin kayo ni Dad."

Dahil sa sinabi niya. Napaluha ang kaniyang ina at napayakap sa kaniya.



"Aww, my baby. Pasensiya kana anak, ganoon din naman kami ng Dad mo kaya nga kahit once a month ay may bonding moment tayo" sabi nito habang nakayakap sa kaniya.



"Ano ba ang pinag uusapan niyo diyan sali ni naman ako" pag singit naman ng kaniyang Ama ng makita sila sa ganoong posisyon.



Kumalas naman ang kaniyang ina. Pinahiran ang luha na pumapatak sa mata niya.



"Si Dad talaga, nag eemote lang kami ni mommy dito. Tinatanong niya kasi ako kung gusto ko na pumasok. Sabi ko magbasyon naman tayo kahit one week lang magiging mas busy na kasi tayo sa mga susunod na mga araw." Nakatingin na siya sa ama niya at hinihintay ang sasabihin nito.



Nag iisip pa ito kung ano ang isasagot sa kaniya. At ng nakapagpasya na ay agad naman ikinatuwa ng puso niya.



"Siyempre, gusto ko rin naman makasama ang unica hija ko. Saan mo ba gustong mamasyal at para makapag pa book na tayo?" Nakangiting tugon ng ama niya sa kaniya.



"Gusto ko po sa Siargao. Pangarap ko pong makapunta dun at masubok ang magsurf! Alam mo Dad napaka ganda ng tanawin doon!" Mababakas ang kasiyahan at pagkasabik sa boses niya ng mga sandaling iyon.



Dahil hindi pa nila napupuntahan ang lugar na iyon. Madalas kasi ay sa malapit lang sila dahil busy nga ang kaniyang mga magulang. Kaya lubos siyang nalulugod sa kaisipan na iyon.



"Masaya kami anak, kahit ako ay nasasabik na din" sabi ng kaniyang ina na my ngiti sa mga labi at nakatingin ng buong pagsuyo sa kaniya.



Pati ang kaniyang ama ay nakangiti din at may puno ng pagmamahal na nakatingin sa kaniya.



Iyon nga ang napagkasunduan nila ng gabing iyon bago siya pumasok sa trabaho at mamahala.



Madalas na ang gusto natin ay hindi umaayon sa plano natin.



⚠️⚠️⚠️

Kalaunan matapos ang pagdiriwang ay unti-unti na ring umaalis ang mga panauhin. Nagkamayan at nagpaalaman ang mga taong naroroon.



Nilinis na ng caterer nila ang mga pinagkainan at ang iba nilang tauhan ay naglinis ng ginamit ng gabing iyon at umalis na rin ang mga ito nang matapos sa ginagawa.



Hanggang sumapit ang ala dos ng madaling araw. Isang pangyayari pala ang magaganap na hindi inaasahan ng isa man sa kanila. Magpapakilabot sa sistema ng bawat isa.



May nakapasok na hindi kilalang mga tao sa kanilang kabahayan, oh masasabing kanina pa sila nakatago sa bawat paligid. Kalkulado ang bawat galaw upang walang makapansin. Ang mga ito ay maituturing na bihasa sa pagtatago sa mga tao. Plinano na nila ito bago maganap ang pagtitipon.



Nakatakip ng itim na tela ang kanilang mukha at tanging mata lang ang makikita. Nakasuot ng itim na damit at pantalon. At siniguradong hindi mag iiwan ang kanilang mga daliri ng finger prints ay naka gloves din sila.



Dahil abala ang lahat sa mga kamustahan at pagbibigay ng kanilang pagbati kay Erza. Walang nakaalam na napatulog na ng mga ito ang gwardiya at mga body guards nila, tulog na wala ng gisingan.



Kaya hindi na ito nahirapan pang pasukin ang kabahayan.



Sinigurado muna ng mga ito na madilim ang kabahayan bago sila pumasok. Inisa isa ang bawat pasilyo at kwarto.



Unang pinasok nila ay ang mga kwarto sa unang palapag at sinubukang buksan ngunit sarado. Kaya tahimik nila itong na i-picklock. Pagpasok sa loob ay nakita ang katulong na nakahiga sa kama at tulog na kaya tinabunan niya ng unan ang mukha nito. Hanggang sa namatay.



Pagkatapos ay ang kabilang kwarto. Naghiwa-hiwalay silang magkakasama anim na kalalakihan na may malalaking pangangatawan.



Kaya madali nilang natapos ang unang palapag ng wala pang ilang minuto at hindi man lamang nahirapan. Dahilan din siguro ang pagod dahil sa naganap na pagdiriwang.



Isinunod nila ang ikalawang palapag kung nasaan ang kanilang kwarto. Sa kalapit ay ilang kwarto ng mga body guards nila. Tahimik na nagtrabaho ang mga ito. Naramdaman ng ilang body guards ang mga kaluskos kaya agad din na bumangon. Ngunit huli na dahil nasaksak na ito ng patalim na may lason.



Sa kabilang banda naman ay bumangon ang ina ni Erza ng sandaling iyon. Para makainom ng tubig dahil nauhaw ito. Nagtungo ito sa may pinto at binuksan ay agad na agaw ng pansin niya ang mga anino sa pasilyo. Dahan dahan siyang lumapit sa pinagmulan ng anino.



"Sino ka? Anong ginagawa mo dito" tanong nito ng may nanginginig na boses may halo ng kaba at takot.



Agad din naman siyang napasigaw ng may humila sa kaniya. At agad din naman tinakpan ang kaniyang bibig kasabay ng pagdaloy ng dugo sa kaniyang leeg dahil sa pag hiwa sa kaniya. Basta nalang siyang binagsak sa sahig at naiwan na wala ng buhay.



Ang isa naman ay nagtungo sa kwarto nila ng kaniyang asawa at ito naman ang sinunod na puntirya.



Naalimpungatan din ito ng maramdaman na may tao. Malakas ang pangangatawan ni Mr. Salcedo at may alam na iilang basic na matial arts. Iba ang kutob niya at nasisigurong hindi ito ang body guards nila.



"Walang hiya ka! Sino ka napakalakas naman ng loob mong pasukin ang pamamahay ko?!" Nanggagalaiti ang tinig ng kaniyang boses dahil sa pangahas na pumasok sa kanilang bahay.



Sinipa niya ito at agad naman nasalag, at nasaksak ang kaniyang mga paa. Napahiyaw siya sa sakit. Halatang sanay na makipag laban base sa mga kilos nito. Sinubukan niyang muli na suntukin naman ito ngunit nasaksak siya nito sa tagiliran, sa tiyan at sa dibdib. Bumagsak si Mr. Salcedo kahit na ganoon ay hindi nakontento ay pinagsisipa. Napasigaw ito sa saobrang sakit at hindi na nakayanan ay nawalan na ng malay at tuluyang namatay.



Maraming dugo ang dumanak at nagkalat ng gabi iyon.



Samantalang nasaksihan ni Erza ang pagkamatay ng kaniyang magulang. Dahil nasa katapat lang na kwarto siya at nakasilip. Bumilis ang tibok ng puso niya at hindi alam kung ano ang gagawin. Nagtago siya sa sulok ng veranda at nagtakip sa likod ng kurtina, dahan dahan niyang sinarado ang sliding door kahit nanginginig ang kaniyang kamay at nasaisip na baka mahuli siya ng mga ito. Ngayon niya lang naranasan ang kaba at takot sa buong buhay niya. Habol niya ang kaniyang hininga na parang nakipaghabulan. Para siyang masusuka dahil sa takot, kaba at halo halong emosyon. Pilit niyang sinubukan na huwag kumala ang hikbi sa kaniyang bibig. Ngunit dahil sa kabang nararamdaman niya ay hindi niya mapigilan. Kaya agad na nagulat siya at nanlaki ang mata dahil nahawi ang kurtina at biglang bumukas ang salamin ng sliding door.



Hinila ang buhok niya. "Napakakinis naman ng balat mo. Masarap tikman at mukhang hindi pa nababahiran ng kahit sino" Nakakapangilabot ang uri ng pagsasalita nung lalaking nasa harapan niya.



Nanginginig na siya sa takot dahil sa sinasabi nito. Kahit na kinakabahan ay sinubukan niyang lumaban, kinagat niya ang kamay nito at tangkang sisipain sa pagitan ng mga hita nito ngunit walang awa lang siyang sinikmuraan nito at walang awa siyang iniuntog sa balustre at sinuntok sa tiyan wala siyang laban at nanghihina na ang kaniyang katawan tanging pag iyak nalang ang nagagawa niya sa sandaling iyon.



Naramdaman niya ang pag dugo ng kaniyang ulo at namilipit sa sakit ng tiyan. Pakiramdam niya ay mauubusan siya ng hangin. Parang walang pakialam ang hayop lalaking kaharap niya dahil patuloy lang ito sa nakakakilabot at pagnanasa sa kaniya.



Lalo lang nangilabot ang sistema niya ng unti unting padaanan ng dila nito ang katawan niya. Parang sabik na sabik, wala siyang magawa kundi ang lumuha, mandiri at mamuhi sa lalaki.



Habang ginagawa ito ay pinapadaanan ng kutsilyo ang bawat parte ng katawan niya na dinilaan nito. Nag iiwan ng marka.



Tanging haplos ng hangin ang karamay sa mga sandaling iyon. At mga bituin sa langit ang saksi sa kababuyan na nagaganap sa veranda. Nais niya na humingi ng tulong ngunit siya lang din ang nakakarinig dahil wala ng kumawalang tinig sa kaniyang bibig. Hanggang sa huling patak ng luha sa kaniyang mata ng sandaling iyon. Tanging kalangitan lamang ang saksi. Sa bawat hinagpis, kalungkutan, pagkaawa, pagkamuhi at pagkaubos ng kaniyang damdamin hanggang sa mamanhid siya. Hindi na niya alam sunod na nangyari dahil nawalan siya ng malay. Huli niya narinig ang impit na tinig ng lalaking nasa kaniyang harapan. Hindi niya alam kung dahil sa sarap ng kamunduhan o dahil may dinaramdam ito. Dahil tuluyan na siyang kinain ng kadiliman.



Naalala niya muli ang pangyayaring ito. Araw na kasamang namatay ang bahagi ng pagkatao niya.



Oo, emotionally pinatay na ng mga ito ang damdamin niya at kung sino siya.



Ngunit para sa kaniya, binago ng mga ito ang buhay niya. Ninakaw ang pagkatao niya at pinatay ng paulit ulit. Iniisip na bakit pa siya humihinga? Ano pa ang silbi ng buhay niya kung wala na ang nagsisilbing liwanag ng kaniyang pagkatao. Ang magulang na simula pagkabata ay kaniyang inidolo at tiningala. Naisip ang mga plano at dapat sana nilang gawin. Umuulit na parang isang pelikula ang masasayang sandali na kanina lang ay kanilang pinagsasaluhan. Ang mga ngiti at tingin ng mga ito sa kaniya na may buong pagmamahal. Mga pangarap na binuo nila na sa isang iglap lang na sinira ng sinuman. Mga walang puso ang alam lang gawin ay ang sarili nilang kagustuhan. Kasakiman ang namamayani at pagkainggit na gustong sirain ang may tao na sagabal sa kanila.



Behind the curtain was a part of me stolen, my happiness tearing, my heart shattering, my self broken and no one can repair.



I don't know where should I start again or should I end my life that I feel so useless, unworthy and dirty.



Huling kataga sa kaniyang isipan at gumuhit ang mapait na ngiti habang patuloy sa pagbagsak ang kaniyang mga luha. At tuluyan na siyang tinangay ng damdamin na paulit ulit na nararamdaman sa nakalipas na panahon.

Sinarado niyang muli ang kurtina tulad ng pagsarado niya sa bahaging iyon ng kaniyang pagkatao.

Dahil nasa iisang sulok nanaman siya ng kaniyang tinutuluyang kwarto. Walang ibang magawa kundi umiyak at kaawaan ang kaniyang sarili. Parang wala ng bukas ang pagdaloy ng kaniyang luha.

Hindi na niya alam ang sumunod na nangyari sa kaniyang magulang kung paano ito nailibing o kung nailibing nga. Pati ang ang mga kasama nila sa bahay.

Dahil ng magising siya ay nasa isang simpleng silid siya na kulay kayumanggi at kahoy na silid.

⚠️⚠️⚠️



—MegumiJ29❣️

MegumiJ29 Creator


Report this episode