UNANG KABANATA: Sunlight
Pumasok ang isang babae siguro ay nasa kwarenta y sinco o higit pa. Mahaba ang buhok na kulot kulot at may kulay na copper blonde kahit siya ay may edad na, makikita parin ang kagandahan niya lalo na kapag nakangiti pati ang mata nito ay tila ngumingiti din sa akin.
Makapal ang kaniyang kilay pero nasa hustong ayos ang mga ito. Malalim ang eyelid nito at bumagay ang kulay ng mga mata nito na kulay abo.
Napaisip ako ng ilang beses dahil sa mga mata niya parang may naalala ako kapag tinitignan ang bawat sulok ng mga mata niya may imahe akong naaalala ngunit malabo at tanging kulay abong mga mata lang ang tanging malinaw sa aking alaala.
May dalang tray ng pagkain ang ginang at nakangiti siya sa akin. Simula magising ako dito ay naging magiliw ang pakikitungo niya sa akin at laging may ngiti sa mga labi niya. Hindi ko siya kilala, ganoon din siguro siya sa akin.
Kahit ganoon ay wala akong makapang emosyon na maipakita sa ginang at laging tulala sa kawalan. Minamasdan ang orasan. Bawat pag pitik sa kanan at kaliwa. Tatlong taon na yata ang lumipas pero wala akong maramdaman kundi pamamanhid ng damdamin at hinihintay lang ang bawat paglipas ng oras.
Hindi ko magawang magsalita sa ngayon, parang may nakabara sa dibdib ko at pinipigilan ang bawat lalabas dito. Ilang beses kong sinubukan ngunit bigo. Kaya madalas naaawa ako sa aking sarili na nawalan na silbi at pag asa.
May iilang beses na tinanong niya ako upang magpacheck up sa psychologist. Ngunit tumanggi ako, hindi ko maiwasang matakot at mabalisa sa hindi ko maintindihang dahilan. Hindi naman siya nagpumilit.
"Hija, kumain ka muna ng almusal" sabi ng ginang na may ngiti sa kaniyang labi.
Kahit wala akong gana ay pinipilit ko, dahil sa ginang. Mabait siya sa akin at mapag pasensiya. Kahit sino yata ay hindi makakatanggi sa kaniya.
Kapag nakikita ko siya, para siya laging nagliliwanag sa paningin ko. Dahil sa aura ng kaniyang mukha, lalo na ang kaniyang ngiti. Kahit na parang namanhid na ang damdamin ko, dahil sa ngiti niya parang muli itong binubuhay ng mainit nadala ng kaniyang ngiti.
Tumango ako sa kaniya at ako na ang nagsubo sa sarili ko. Habang siya ay naka upo sa tabi ng silya at minamasdan ako. Unti-unti kong sinubo ang pagkain sa aking bibig at nginuya ng mabagal. Kahit nahihirapan akong kumain ay pinilit ko pa rin. Dahil ayaw kong masayang ang hinanda ng ginang.
Habang nakatingin siya ay lagi niya akong kinekwentuhan ng mga bagay bagay. Sa mga nag daang panahon siya ang nagbabalita sa akin ng mga nangyayari sa paligid.
Tanging nagiging response ko sa kaniya ay pagtango, at pag iling, kada may itatanong siya sa akin. Hindi siya nagsasawa na alagaan ako. Napakabuti niyang tao.
Marami akong gustong itanong sa kaniya. Ngunit hindi ko naman maisatinig.
Gusto kong itanong kung siya ba ang nagdala sa akin dito? Siya ba ang nag ligtas sa akin? Ano ang nangyari sa masyon namin? Nailibing ba ng maayos ang magulang ko? Tsaka paano na ang business namin sino na ang nag asikaso? Nalugi ba ito o baka kinuha nalang ng mga kamag anak ni Daddy o Mommy? Sayang naman kasi kung mababalewala ang pinaghirapan nila.
Kaya hindi ko napansin na tumulo nanaman ang luha ko habang kumakain.
"Ayos ka lang ba hija? Hindi mo ba nagutuhan ang luto ko? Naku pasensya kana!" Halata ang pag aalala sa kaniyang boses ng makita ako sa kalagayang iyon.
Kaya umiling ako ng umiling at pinahid ko ang luha ko. Nag sign ako ng ok, at itinuro ko ang pagkain at bahagyang ngumiti para ipahayag ko na nagustuhan ko ang pagkain.
Inubos ko ang pagkain ko para hindi siya mag alala na hindi ko nagustuhan. Sa totoo lang masarap ang inihain niya sa akin. Mahilig siyang magluto ng gulay. Hindi naman ako mapili sa pagkain.
Halo halong gulay lang iyon na ginisa at may kapares na daing. Masasabi kong masarap ang gulay at mukhang bagong pitas. Nakita ko kasi sa bakuran nila na may mga tanim siyang gulay at ito ang pinagkakaabalahan niya araw araw.
Natuwa sa akin ang ginang dahil nakita naman niya na naubos ko ang binigay niya sa akin. Hinaplos niya ang buhok ko at nginitian ako.
"Alam mo napaka ganda mong bata, alam ko na mahirap ang pinagdaanan mo. Pero palagi kong pinag darasal sa may kapal na mahanap mo na ang kapayapaan ng iyong kalooban at mahanap ang hustisya na kailangan mo. May awa ang Diyos, huwag kang mawawalan ng pag asa Erza. Tumutulong na din si Jairus para mahanap ang may sala." Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay lumabas na siya ng silid dala ang pinagkainan ko.
Habang ako ay may katanungan nanaman sa isipan.
Bakit kilala ako ng ginang? At sino naman si Jairus? Hay ang hirap ng ganito puro katangunan ang isipan ko kapag nag iisa nalang. Ang matindi pa hindi ko alam kung paano masasagot.
Nagulat ako ng muling bumukas ang pinto at pumasok ang isang matangkad na lalaki at nakaitim na jacket, nakaitim na maong, naka t-shirt siyang puti at nakasapatos siyang itim. Dahil sa suot niya naalala ko nanaman ang lalaking gumawa ng masama sa akin. Agad akong napaatras at nanginig sa takot.
Nakita niya ang pag atras ko at pati narin ang panginginig ko. Kaya tumigil siya sa pag hakbang at tinignan ako at bumuntong hininga siya.
"Ahm... Pasensya kana. Nabigla ba kita? Ako nga pala si Jairus anak ako ni mama Elezea iyong nagbabantay sa'yo" seryoso lang ang mukha niya habang sinasabi iyon. Ngunit iba ang sinasabi ng kaniyang mata. Masuyo ito at may iba pang nakapaloob dun na hindi ko alam kong ano iyon.
Nakahinga naman ako ng maluwag. At nasagot ang katanungan kong sino si Jairus, ito siya at nasa harapan ko na. At ngayon ko lang naalala ang pangalan ng ginang. Kasi noong una niya itong sinabi sa akin ay wala pa ako sa tamang wisyo noon.
Ang pagkakaalam ko din ay ilang buwan akong nacomatose dahil sa paghampas ng ulo ko sa barandilya ng veranda.
Elezea pala ang pangalan niya. Parang pamilyar sa akin ngunit hindi ko maalala.
Napa buntong hininga ako, at napatingin sa kaniya. Mataman niya lang akong tinignan at kalaunan ay tumikhim siya upang ipag patuloy ang sinasabi.
"Lagi kitang kinukumusta kay mama, mabuti at maayos kana. Kumain kana ba ng agahan?" Marahan niya ako tinanong at tumango naman ako sa kaniya.
Nakangiti na siya ngayon. "Mabuti naman kung ganoon, gusto mo bang mamasyal sa labas? Uh.. Kung ayaw mo naman ayos lang." Marahan niyang tanong ulit sa akin.
Tinitigan ko muna siya ng maigi at tumango. Nakita ko naman na mukha naman siyang mabait at hindi gagawa ng masama. Tulad sa kaniyang ina ay magaan din ang loob ko sa kaniya. Nawala na ang takot sa dibdib ko at ang panginginig.
Tumayo ako ng marahan at pumunta ako sa cabinet at kumuha ng bestidang maisusuot. Nakakita ako ng simpleng kulay asul na bestida at ito ang pinili ko, kumuha na rin ako ng undies. Tumingin ako sa kaniya at tinuro ko ang banyo. Nakuha niya naman ang gusto kong ipahiwatid at tumango siya.
"Hintayin nalang kita sa baba, kausapin ko lang si mama" pagkasabi niya noon, narinig ko nalang na sumarado ang pinto.
Dumeretso na ako sa banyo. Nagmadali ako sa pagligo at pagbibihis dahil nakakahiya naman na paghintayin ko siya.
Ito ang unang beses kong bababa at lalabas ng bahay. Medyo na excite ako sa kaisipan na iyon. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito.
Bahagya pang nanginig ang kamay ko ng buksan ko ang pintuan. Dahan dahan din akong bumaba ng hagdan.
Maganda pala ang buong kabahayan ngayon ko lang napagmasdan ang buong kabahayan. Hindi ito marangya ngunit dahil sa linis at kintab ng bawat kahoy na ginamit dito at masasabi kong alaga sa linis. Gawa sa nara ang kabahayan at mga magagandang klase ng kahoy ang ginamit na materyales dito. Habang bumababa ako nakita ko ang malaking portrait na naka sabit sa dingding.
Isang batang lalaki na kulay abo ang mga mata. Sa tingin ko ay lima o anim na taon na ang bata. Malawak ang pagkakangiti nito. Nakasuot ito ng itim na long sleeve, pantalon na hapit at nakasuot ng rubbershoes na itim.
Sa likod niya ay isang makisig at masasabi kong gwapo na lalaki na nakasuot din ng long sleeve na kulay itim, at nakasuot ng slacks na itim. Hindi katulad sa bata na naka rubber shoes, ito naman ay naka black shoes. Mas pormal na version. Katulad ng bata ay nakangiti din ito.
Gayon din ang babaeng kalapit nito. Kulot kulot at copper blonde ang buhod nito at kulay abo ang mga mata. Nakasuot naman ito ng simpleng dress na bulaklakin. Meron din itong ngiti sa mga labi at pati mga mata niya ay nag niningning sa litrato. Halatang masayang masaya ang babae. Maganda siya, kamukha niya ang ginang na narito, si ginang Elezea. Simple ngunit masabi kong maganda siya. Kahit ngayon na medyo may edad na siya ay masasabi kong maganda parin naman siya.
Jordan Kell, Jairus Evren, Elezea Martha Spencer Family 1994
Nakasulat sa ilalim ng litrato.
"Nako hija, nandiyan ka pala halika nandito si Jairus sa may sala, hinihintay ka. Buti naman at pumayag kang lumabas. Maganda ang tanawin sa labas. Giginhawa ang pakiramdam mo."
Sumunod ako sa kaniya papunta sa sala at nakita ko nga si Jairus na nakaupo sa mahabang upuan na gawa sa kahoy. Ngumiti siya sa akin ng makita ako. Tumango lang ako sa kaniya.
Kalaunan ay nagpaalam na siya kay ginang Elezea at lumabas na nga kami. Pag labas namin agad kong nakita ang mga tanim ni Ginang Elezea. Iba't ibang klase ng gulay at may mga bulaklak din na nag gagandahan nakapalibot sa bawat gilid ng bakuran.
Maganda sa paningin, nakakahalina ang tanawin. Ngunit wala akong maramdaman na kasiyahan? Bakit parang nagsarado na yata ang damdamin ko?
Napabuntong hininga ako at nagpatuloy sa paglalakad.
"Maganda ang tanawin dito, alam mo ba si mama lahat ang nagtanim niyan, noon pa man ay mahilig na siyang magtanim. Ganiyan kasi ang hilig ng mga tao dito sa probinsiya mahilig silang magtanim." Nagpatuloy lang siya sa paglalakad habang ako ay nakasunod sa kaniya.
Madaldal din siya at masayahin. Nagkukwento pa siya tungkol sa buhay niya noong maliit pa siya.
"Alam mo ba noong bata pa ako, lagi ako napapalo ni mama kasi ang hilig kong maglaro sa luwang. Nakikipaglaro ako kasama ang mga kalaro ko doon sa may mga kalabaw. Galit na galit si mama pag uwi ko kasi...pfft.. Nag swimming kami sa pinapaliguan ng kalabaw!" Tinuro niya sa akin kung saan ang luwang na iyon.
Napakalawak nga ng luwang kung saan nagsasaka ang mga nagtatanim ng palay. Habang nagkukwento siya nakatingin siya sa palayan. Habang ako nakatingin sa reaksyon niya. Nagniningning ang kaniyang mata habang inaalala ang mga sandaling iyon sa buhay niya.
"Ilang beses akong pinalo ni mama at pinagalitan na huwag ng pupunta sa luwang. Pero syempre bata, kahit ilang beses akong pinalo noon, balik ulit sa luwang. Masarap maging bata ano? Tipong iniisip mo lang noon maglaro at manood ng cartoons sa TV." Tumango lang ako. Napagpasyahan niya munang umupo sa lilim ng puno kaya sumunod din ako sa pag upo.
Sabay kaming tumingin sa napakalawak na luwang. May nakita akong iilang baka at kalabaw sa 'di kalayuan. Maganda ang tubo ng mga damo dito sa probinsiya, berdeng berde. Pati na rin ang mga puno ay mayayabong ang sanga at namumutok sa bunga ang puno ng mangga.
Mapayapa ang kapaligiran pero ganoon parin ang pakiramdam ko parang wala lang. Oo maraming magagandang tanawin pero hanggang doon lang iyon.
Gusto kong tanungin si Jairus kung may alam siya sa nangyari, ngunit paano? At kung kilala niya ba ako. Maghahanap nalang ako mamaya ng ballpen at papel sa bahay.
"Alam mo noong huli tayong magkita, maliit ka pa noon" sabi niya kaya agad akong napabaling sa kaniya. Parang nabasa niya ang iniisip ko. "Isang munting prinsesa na mahilig maglaro ng tagu-taguan kasama ang aso niya" natawa siya sa huling sinabi.
Kumunot ang noo ko kasi hindi ko maalala ang sinasabi niya. Tumingin na din siya sa akin at parang pinipilit na hindi matawa.
"Alam mo natawa ako sa'yo dati paano ba naman kalaro mo ay isang aso! Kaya hindi talaga makalimutan iyon. Ngunit limang taon ka panlang noon, kaya siguro ganoon. Ang nakakatuwa lang ay parang may isip ang aso mo at madalas ka niyang makita. Tapos naka pout ang labi mo kapag nakikita ka niya at huhusgahan mo na dinaraya ka. Kahit sino yata ay maaaliw sa'yo. Kahit mga kasambay niyo ay iyon din ang sinasabi. Pero napakabait mo daw alagaan sabi nila. Sumusunod sa bawat sinasabi sa'yo." Hindi ko nakayanan ang tingin niya sa akin kaya tumingin ako sa harapan.
Napaka ganda ng sinag ng araw. Nagbibigay ng liwanag sa kapaligiran at sa mga taong dumadaan.
Kaya nakakatuwa ang mga sinsabi niya, hindi ko magawang makibahagi sa kasayahan niya. Napabuntong hininga nalang ako. Tumingin na rin siya sa harapan at patuloy pa rin sa pagkukwento tungkol sa kung paano sila napunta sa amin. Hindi ko naman maalala ang pangyayaring iyon. Siguro nga ay bata pa ako noon kaya wala akong maalala sa sinasabi niya.
"Hindi mo na ba maalala? Si mama pa nga ang tutor mo noon. Tinuturuan ka niyang mag basa at magsulat noon. Madalas kasi ay busy ang mga magulang mo noon, hanggang grade 3 ka tinuruan ni mama"
Unti unting nasasagot ang mga katangungan sa aking isipan dahil sa mga kwento niya.
I wish that one day, my life was like the sunlight. Nagbibigay liwanag sa bawat isa. Hindi tulad ngayon na parang madilim lang ang tanging alam ko na na kulay. Mahanap ko sanang muli ang purpose kung bakit pa ako nabubuhay. Dahil sa sandaling ito, nais ko nalang mahimlay at mawala nalang na parang bula. Oh di kaya'y magtungo na din sa kinaroroonan nila Mommy. Nasasabik na akong makita silang muli. At ang mga panahong kasing liwanag ng araw ang pag gising ko sa umaga. Maningning at ang gusto ko ay makita ang maliligayang mukha ng aming mga kasambahay tuwing binabati ko sila. Ang mga nakahandang saludo ng aming mga gwardiya tuwing ako ay dadaan at ibabalik ko din ang saludo sa kanila. Mababait sila sa akin.
Kumusta na kaya sila? Hindi ko alam kong ayos sila o nadamay sa nangyari sa amin. Hindi ko namalayan na naaawa nanaman ako at dahil dito hindi ko napansin na kumawala ang mga luha sa mata ko. Hanggang sa napahikbi ako. Yumuko ako, niyakap ko ang tuhod ko at sinubsob ko ang mukha ko dito. Masasabi kong ito na ang pinaka mahina kong sandali. Sandaling hindi ko inaaasahan.
Dinadalangin ko sa Diyos na alisin ang sakit at lungkot na nararamdaman ko ngayon at mga pangungulila.
Kasi kung magtatagal pa ito, parang hindi ko na makakayanan.
Nagulat ako ng may mga bisig na lumapat sa aking katawan. Pero dahil sa init na dulot nito ay nag bigay ginhawa sa akin. Nanunuot hanggang sa kaibuturan ng puso ko. Hinayaan lang ako ni Jairus na umiyak, dahan dahan niyang hinahaplos ang buhok ko. Na parang inaalo ako sa sakit na dulot ng mundo sa akin. Sana pawiin din nito ang mga pangungulila ko.
Ang yakap niya ay maihahalintulad ko sa sikat ng araw. Nagbibigay init at nagbibigay ng kaliwanagan sa kaisipan kong madilim.
⚠️⛔️⚠️⛔️⚠️
🎶MegumiJ29❣️🔥💙