PROLOGUE
Shibuya, Tokyo. Ito ang lugar na hindi mo dapat katakutan. Maraming tao at ligtas dito dahil sa tindi ng seguridad. Hindi ka mangangamba sa kaligtasan mo dahil halos 1% lang ang crime rate. Sa tulad kong isang last shift employee na umuuwi na ng late, magbabago ang lahat nang sumakay na ako sa last train ng 23:57.
Alas onse y media na. Sa Japanese time or military time, 23:30. Nagmamadali na naman akong isara ang pinto ng café na pinagtatrabahuan ko. Ito ang lagi kong shift tuwing weekdays. Ayoko talaga ng shift na ito dahil lagi kong hinahabol ang last train pero dahil kailangan kong makaipon, tinanggap ko ang shift na ito dahil mas mataas ang sweldo kumpara sa afternoon shift. Nagtatrabaho ako sa Private I Café. Isa siyang book and multimedia café founded in Philippines pero nagkaroon ng branch sa Tokyo Shibuya. Natanggap ako sa café na ito dahil sa bukod na Filipino ako, ay dati akong nagtrabahong librarian sa National library sa Pilipinas. Masaya ako sa trabaho ko. Pero hindi ang paghabol sa last train ride.
Isinara ko ang pinto at kinandado ang main shutter. Mas na late ako ng pagsara dahil may mga tumambay pang writers at magkakabarkada. Kung hindi pa sila binigyan ng warning memos, balak pa yata nilang tumagal sa café. Oh no! 23:45 na at 10 minutes ang walking distance mula sa café papuntang Shibuya Station. Kung makakarating ako ng 23:55 may two minutes spare time pa ako para sa pag tap ng card ko. Kailangan kong bilisan!
Nakarating naman ako ng mas mabilis nang takbuhin ko ito. I tapped my Passmo card sa Hanzomon Line at dali dali akong pumasok agad. Marami rin ang taong nagmamadali. Sa Hanzomon entrance, may makikita kang isang malaking poste na malapit sa pader. Sa pagitan nito ay may isang taong pwedeng magkasya at sumuot para maka shortcut sa hagdanan. Malaki ang poste kaya kung hindi ako papasok sa makitid na area na iyon, ay maglalakad ako ng ilang steps pa papuntang hagdanan. Hindi ko alam kung bakit ganun ang construction nito. Ang weird talaga. Pero at the same time, swerte na rin kasi sa ilang minutong natitira bago mag 23:57, kailangan ko talaga ng shortcut. At pumasok ako sa pagitan ng poste at ng pader para maka baba ng hagdanan kung saan ay sasakay na ako ng train. Ang hindi ko alam ay pagsisisihan ko ang pagpasok sa pader na iyon…
Nang makapasok ako ay dali dali akong bumaba sa hagdan at tumayo na ako sa waiting area para hintayin ang last train. Tumingin ako sa relo ko, 23:56. Safe! Napa-buntong hininga ako. Salamat at aabot ako sa last train ride. Napansin ko na parang wala na yatang tao.
“Kani-kanina lang, maraming taong nagsisitakbuhan para sa last train. Pero bakit ako lang mag isa ngayon sa platform na ito?” sabi ko sa sarili ko.
Naglakad ako dahan dahan dahil nagtataka na talaga ako. Hinanap ko ang train staff at nakita ko siya. Mga 10 steps ang layo niya sa akin.
“Anou… Sumimasen, koko de wa doushite daremo imasenka?” tanong ko habang naglalakad ako papalapit. Ang ibig sabihin ng sinabi ko ay, “Excuse me… Bakit wala pong katao-tao dito?”
Bago pa man makaharap sa akin ang train staff ay dumating na ang last train. 23:57 na. Nawala ang attention ko sa train staff at tumingin ako sa train. Huminto na ito at bumukas na ang pinto. Narinig ko na ang beep at tone ng pagbukas ng pinto na para bang nabuhayan ako.
“Yes, finally, makakatulog na ako sa train.”
Pagpasok ko ay walang katao-tao. Umupo ako sa paborito kong spot. Sa gilid. Dahil pwede kong isandal yung ulo ko at mas makakatulog ako. Pagod na rin kasi talaga ako sa totoo lang.
Sinandal ko na ang ulo ko at nararamdaman ko na ang pagpungay ng mga mata ko. Nakatingin ako sa pagsara ng pinto. Nakatayo ang matandang lalaking train staff na naka surgical mask. Inalis niya ito at ngumiti siya. Kitang kita ko ang ngiti niyang nangilabot ako. Sa hindi ko maipaliwanag, medyo nawala ang antok ko. Inayos ko ang pagkakaupo ko at laking gulat ko na puno na ang train.
“Kailan pa sila nandito? Walang tao nang sumakay ako a. Paanong-?” nagtatanong ako sa sarili ko dahil litong-lito ako.
Para mawala ang atensyon ko sa mga kakaibang nangyayari, inilabas ko ang phone ko. Walang internet. At ilang segundo pa, nawalan na ito ng battery. Hala! Bakit ngayon pa?
Pagtingin ko sa paligid. Nagulat akong dahan dahan na lumingon ang lahat ng tao sa akin. Yung mabagal na paglingon at sabay sabay. Lahat sila ay nakangiti. Hindi ko mawari kung dapat ba akong numiti rin o huwag ko na lang pansinin.
Nakaramdam na ako ng takot. Gusto ko sanang bumaba sa susunod na station pero naisip ko na last train na. Kung bababa ako, wala na akong masasakyan at kailangan ko na mag taxi. Mahal ang Taxi sa Tokyo at mas lalo lang akong mapapagod. Binalik ko ang attention ko sa phone ko at nagkukunwaring ginagamit ko ito. Patay na ang phone ko at nakikita ko sa reflection ng screen na yung katabi ko ay nakatitig sa akin. Nakangiti pero ang mga mata niya ay hindi inaalis sa akin. Sinubukan kon ibahin ang direction ng phone ko at nakita ko ang nakatayo sa kabilang gilid na nakatayo ay nakatingin rin sa akin. Nakangiti. Nagiba ang direction ng mga mata niya at tinignan niya ang direction ng phone ko. Nagkatinginan kami sa reflection ng phone. Shit! Lumamig ang buong katawan ko at pinagpapawisan na ako.
“Ayaw ko na dito. Ayaw ko na dito.” Paulit ulit kong sinisigaw sa utak ko.
Doon na ako nag decide na kailangan kong makaalis sa train na iyon. Nang huminto na sa sumunod na estasyon ay agad akong tumayo pero nakayuko. Kailangang makalabas ako ng train! Sasakay na lang ako ng taxi. Kahit mahal at matagal ang byahe. Ang importante ay makalabas ako ng train na iyon. Nanginginig na ako pero hindi ko pinapahalata.
Mabilis akong lumabas pagbukas ng pinto. Hindi na ako makahinga ng maayos sa sobrang kabog ng dibdib ko. Nakayuko ako at nang maapakan ko na ang sahig. Doon ko na naramdaman na safe na ako.
Nang tumungo ako para makita ang paligid, una kong nakita ang batang babae nakangiti sa akin. Safe na nga ako. Nakita ko rin ang mama niyang nakangiti rin sa akin. Ang buong tao ay nakangiti sa akin. Pati ang train staff ay nakangiti. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Nakahinto pa rin ang train at bukas ang pinto. Sa loob nito, lahat ng tao na nakasakay sa train ay nakatingin rin sa akin na nakangiti.
Nang mga oras na iyon, hindi ko alam kung anong gagawin ko…
Pagkatingin ko sa nakadisplay na oras sa platform, 23:57 pa rin…
Bakit?
23:57 na noon at last train ride na sa Shibuya. Nakaupo ako sa isang sulok at sa buong helera ng tren na iyon ay ako lang ang nakaupo. Estudyante ako sa umaga at visual artist ako sa gabi at pa minsan minsan ay may raket ako bilang mangaka assistant. Yan ang araw araw na buhay ko sa Tokyo. Kaya naman ay kadalasan ay sa last train na ako nakakasakay. At Doon ko naisip na isulat ang 23:57. Raykosen May 2013