Epilogue
Four months na matapos ang pagkamatay ni Yuya ay headline pa rin ito ng mga balita. Inungkat ang buo niyang pagkatao at ibinalita ito sa publiko. Negatibo ang naging imahe ni Yuya sa mga nakakarami dahil ibinalitang nagtangka siyang pumasok sa dark railway area ng train station.
"Ayako!" tawag sa akin ni Risa. "You need to eat okay?"
Magaling na si Risa mula sa sakal ng multong gumawa nito sa kanya. Pero nandoon ang bakas ng kamay sa leeg niya. Nag-iwan ito ng marka. Kaya naman ay palagi na siyang nagsusuot ng pulang scarf para matakpan ito.
Risa began writing again. In fact, nagsusulat siya tungkol sa 23:57 at nagsusulat sa isang weekly magazine na Questions Magazine. Ang kalaban ng Peculiar Magazine.
Tulala lang ako habang nasa bahay. Ilang araw akong hindi nakakain. Yakap yakap ko lang ang unan ni Yuya. Palaging bumibisita si Risa sa akin para alamin ang lagay ko. Hindi naman ako magiging ganito habangbuhay. Alam ko one day I need to get back on my feet and live. Pero sa ngayon, ayoko lang gumalaw. Ayoko lang magisip.
Sinubukan kong mag commit ng suicide pero tuwing nakikita ko ang tiyan ko, naiisip ko na hindi dapat. Hindi ko lang pagmamamay-ari ang buhay ko. May buhay pa akong dala dala.
Hawak hawak ko ang singsing na pendant ng kwintas ko at inalala ang sinabi sa akin ni Yuya noon. At nahawakan ko ang isa pang pendant. Ang susi.
Biglang may pumasok sa utak ko. Kinuha ko ang susi sa kwintas ko. May message ang kwintas na ito sa akin. May box nab ago sa kwarto ko na hindi ko alam kung kanino. Inilagay ba ito ni Yuya dito?
Binuksan ko ang box gamit ang susi at ito nga ang nakapagpa-unlock dito.
Maraming laman na pera ang box. Pati ang passbook ni Yuya ay nandito. Kasama na dito ang life insurance papers niya. Pati ang royalties niya sa mga photographs na kinuha niya. Lahat ng "will" niya ay nandito at ibinibigay niya ito sa akin. Naluha ako.
Sumunod kong nakita ko ang isang letter na may pangalan ko. Sulat kamay ito ni Yuya. May laman itong USB. Agad kong kinuha ang laptop ko at inalam ang laman ng USB. May laman itong isang video file: ToAyako.avi.
Agad ko iyong pinindot para mag play.
Nakita ko si Yuya na suot ang trademark niyang blue bubble jacket. Nakangiti siya sa harap ng camera at medyo awkward ang expression ng mukha niya. Umupo siya ang nasamid pa bago magsalita.
"Ayako. Sweetheart. Siguro kung napapanood niyo ito ngayon, wala na ako. Pero huwag kang mag-alala, nagawan ko na ng paraan ang lahat ng kakaailanganin mo. Nandyan sa box ang lahat ng perang naipon ko. Gamitin mo ang lahat ng iyan pasa sa future mo at ng magiging baby natin. Ayako, I have to do what I had to do in order for me to give the best option for you to live. Kaya pasensya na at wala ako ngayon. Wala ako para makita ang magiging baby natin. Hindi ko man kayo masusubaybayan, gusto kong malaman mo na mahal na mahal ko kayo."
At nag stop na ang video. Di ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko.
Hanggang sa huli. Kami pa rin ang iniisip mo, Yuya.
Nakulong naman si Rio nang panandalian dahil accomplice siya ni Yuya. Pero dahil minor pa lang siya ay inilagay siya sa rehabilitation center. Binisita ko si Rio sa lugar kung saan siya naka detain.
Naka white na long sleeves si Rio at white pants. Ang lalo kong ikinagulat ang puti niyang buhok. Napansin niyang nagulat ako nang makita ko siya. Pero ngumiti lang siya.
"Puti talaga ang buhok ko. Albino ako. Tinanggal ng mga staff dito ang pink na dye kaya balik ako sa dati. Nagulat ka ba?"
Umiling lang ako.
"Kumusta ka na?" tanong ko sa kanya.
Wala akong narinig na sagot. Yumuko lang si Rio. Hanggang sa napansin kong may pumatak na luha sa mesa namin. Umiiyak si Rio.
"Patawarin mo ako Ayako. Hindi ko nailigtas si Yuya." Doon ko lang nakitang humagulgol si Rio sa harapan ko. First time ko siyang nakitang ganun at naawa ako sa kanya.
Hinawakan ko ang kamay niya at tinignan siya sa mga mata.
"Wala kang kasalanan." Sabi ko. "Kapag nakalabas ka dito, dapat kang maging maayos. Ibalik mo ang dating Rio. Ok?"
Pilit man ay ngumiti ako. Gusto ko lang rin maging malakas dahil lahat na ng nasa paligid naming ay napanghinaan na ng loob matapos ang insidente.
Ngumiti rin si Rio sa akin at ipinangako na makakalabas siya agad. Iniwan ko na si Rio na may pag-asa.
Wala na ang sumpa. Namumuhay na kami ng normal. Hindi siguro normal na "normal" pero wala na ang mga multo ng 23:57 ang gumagambala sa amin.
Sa loob ng Private I Café, tumambay ako para magbasa. I want to get distracted from all of these and I want to be distracted by being productive. Tama na ang pagmumukmuok sa loob ng bahay. Sinusubukan kong magpakatatag para sa baby ko. Nagbasa ako ng libro tungkol sa pregnancy at dumiretso ako sa doctor. Paunti unti ay naibabangon ko ang sarili ko.
Nang makauwi ay nagsimula na akong maglinis. Nasa harapan ako ng salamin at hawak hawak ko ang aking tiyan. Namamaga pa rin ang mga mata ko dahil sa pag-iyak. Hindi naman maiiwasan iyon dahil ilang araw pa lang pagkawala ng fiancé ko.
Naalalala ko noon, sabi ni Yuya, kapag babae "Yuki" ang ipapangalan at kapag lalake ay "Yue" naman ang ibibigay sa bata.. Kung ano man ang magiging anak ko, tatanggapin ko ito ng buong buo.
Pero sa harap ng salamin, kita ko ang batang babae na nakayakap pa rin sa akin. Si Hinako ay nakatingin sa akin at nakangiti.
Hihihihi.
Matinding kaba at gulat ang nadama ko ng mga oras na iyon.
At nagising ako. Takot na takot at pawis na pawis. Tinignan ko ulit ang salamin. Hinawakan ko ang tiyan ko. At nagulat ako dahil may sumipa sa loob.
Lumalaban din ang mga anak ko. Mana nga kayo sa amin ng ama niyo. Napangiti ako kahit masasakit na masasayang memories ang naalala ko.
Binuksan ko ang drawer ko. Hinanap ko ang passport kong nasa mint green na lalagyanan. Binuksan ko ito at tinignan ang plane ticket.
Itong ticket na ito ang magiging daan ko sa bagong buhay na tatahakin ko kasama ang magiging anak namin ni Yuya.
"Uuwi na tayo..."
THE END.
Is it really the end?
Dahil sa gitna ng post at wall ng Shibuya station,
maririnig pa rin ang tawa ng isang bata...
Hihihihi...
Epilogue