6th Incident: Unexpected 俄
Isa na siguro sa hindi ko inaasahang mangyari ay ang makaharap ko agad si Daisy. Nagbuntong hininga ako hindi dahil namomoroblema ako kundi dahil parang may mabigat na pasan-pasan ko ang biglang nawala sa akin.
At ngayon, marami akong dapat malaman…
“Ako si Yuya Kobayashi. Freelance photographer ng Peculiar Magazine. Didiretsahin na kita. Dalawa kami ng girlfriend ko ang nasa 23:57 curse ngayon.”
“A-anong kailangan mo sa akin?” tanong ni Daisy sa akin ng may halong takot.
“ Sabihin mo, paano kami makakawala sa sumpa ng 23:57?” diretsahang tanong ko dahil iyon lang naman talaga ang dahilan kung bakit ko siya kailangan makita. Wala akong ibang interes kundi malaman kung paano ko maibabalik sa dati ang buhay namin bilang normal na citizen ng Tokyo.
“Hindi ko masasagot ‘yan dahil hanggang ngayon ay nasa sumpa pa rin ako ng 23:57.” Paliwanag ni Daisy sa akin.
“Ha?! Ibig sabihin hanggang ngayon ay ginugulo ka pa rin ng mga—“ Hindi pa ako tapos makapagsalita nang biglang tinakpan ni Daisy ang bibig ko ng kamay niya. Takot na takot siyang tapusin ko ang sinabi ko.
“Oo.” Pabulong niyang sabi sa akin.
“Pero paanong?...”
“Paanong nakawala ako sa kanila? Bakit buhay pa rin ako ngayon? Yan ang mga tanong mo ‘di ba?”
Natahimik ako dahil tama siya. Gusto ko ring malaman ang mga iyon mula sa kanya. At nakita ko si Oliver na tumayo mula sa kinauupuan niya na dala-dala ang cup na ininuman niya. Gusto niya na yatang umalis pero pinigilan siya ni Daisy na hinawakan ang braso nito ng mahigpit. Nagkatinginan silang dalawa. Hesitant si Oliver pero seryosong expression naman ang itinugon ni Daisy. Wala akong idea sa ginagawa nila pero alam ko sa sarili ko na kailangan kong manatili pa doon para malaman ang mga misteryo ng 23:57.
“Basahin mo ito…”
Inabot ni Daisy sa akin ang isang journal notebook na kinuha niya sa drawer ng office. Nanginginig siyang ibigay sa akin ito. Sa totoo lang maraming umiikot sa utak ko pero sa ngayon, pakiramdam ko na kailangan ko munang malaman ang nakasulat sa journal notebook na ibinigay ni Daisy sa akin para basahin.
May kakaiba sa sulat nang mabasa ko iyon. May nginig, takot at para bang ito na ang huli niyang pagkakataon na ma maisusulat ang mga iyon. Napatingin ako kay Daisy at tumango siya. Huminga ako ng malalalim at sinimulang basahin ang nakasulat.
“23:57 pa rin ang oras. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang nangyayari? Naisip ko na hindi kaya nasa isang dimension kami kung saan nakahinto ang oras? Kung nasa isang station na ako ngayon, dapat ay 23:58 na. Pero hindi. 23:57 pa rin. Isa ito sa mga misteryo na iniisip ko pa rin kung bakit. Matapos kong ma-trap sa isang station ng mga nakangiting mga tao sa akin, may hindi ako inaasahang may humablot sa kamay ko at hinatak ako sa isang madilim na lugar. Namukhaan ko si Oliver, ang kapatid ko na natatrabaho rin sa Private I Café. Hindi ko pa alam kung bakit nandoon din si Oliver pero isa lang ang sigurado, pareho kaming nakaranas ng kakaiba at weird na pangyayari sa mga nakangiting tao.
Nasa Omotesando Station na kami at tumatakbo pababa ng stairs papuntang exit. Sinusundan kami ng mga nakangiti. Noong una ay nakangiti lang sila pero nagsimulang magdugo ang kalahati ng mukha nila. Tumulo ang dugo papuntang ngipin nila. Patuloy pa rin sila sa pag-ngiti. At hindi ko maipaliwanag nang makita ko ang mga nakangiting iyon. Natakot ako ng sobra dahil hindi na ito normal. Actually, hindi na ito normal sa umpisa pa lang.
Nakalabas kami ng Omotesando station ni Oliver at nakatakas. Sumakay kami ng taxi pero hindi doon nagtatapos ang mga nakakakilabot na pangyayari.
Hindi kami tinigilan ng mga nakangiti kinabukasan. Pero this time, naka surgical masks na sila. Wala akong idea kung bakit. Ano ang kinalaman ng mga surgical masks nila ngayon?
Kung may makakabasa man nito ay maaaring patay na ako. Kung hindi man ay maaaring nawala na ako sa katinuan. Dahil habang sinusulat ko ito ay nakangiti silang lahat sa harapan ko…”
Nabitawan ko ang journal notebook at nalaglag ito sa mesa. Nangilabot ako dahil kahit nabasa ko ang mga naranasan ni Daisy ay mas lalo lang akong naguluhan. Paano ba kami makakawala sa sumpang ito ng 23:57? Are we going to die anytime soon? What’s going to happen to us? Is everything going to be hopeless?
“So ibig sabihin na hopeless na ang lahat?” tanong ko sa kanilang dalawa.
Hindi nila sinagot ang tanong ko. At bakit ba nagtanong pa ako? Alam ko rin naman ang sagot. Damn! But if there’s even a tiny chance that we can get out of this horrible situation, I will definitely grab that chance and will do anything to save ourselves!
“Ah! Naisip ko lang! Hindi kaya kailangan nating bumalik sa pagitan ng post at wall?” agad na pumasok sa utak ko ang scenario na iyo. Matagal ko na naisip iyon pero naisip ko rin na masyadong fictional iyon at masyadong outrageous na. Pero sa sitwasyon namin ngayon, lahat ng maisip kong possibilities ay dapat naming subukan. Baka sakaling…
“Ginawa na namin ang bumalik ulit ng post at wall. Pero wala ring nangyari…” tugon ni Oliver. “Patuloy pa rin silang nanggugulo. At hindi lang iyon, lahat ng mga taong nasasangkot sa 23:57 urban legend ay nadadamay sa trahedya.”
“Isang araw, may isang waitress ng Private I Café ang nakabasa ng journal ni Daisy tungkol sa 23:57. Ginamit niya ang pangalan ni Daisy at inilagay ito sa isang blog site. Matapos ang tatlong araw na ma-upload ang 23:57 urban legend online ay naging balisa ang waitress na iyon at ikinwento niya ang mga nangyayaring kababalaghan sa kanya sa mga staff ng Private I Cafe simula noon. Naging violent din siya at pinagtangkaang saktan si Daisy. Di naglaon, nag-commit ng suicide ang waitress na iyon. Tumalon siya sa top floor ng building kung saan siya nakatira. Nalaman ito ng mga staff ng Private I Café kaya natakot sila kay Daisy at hindi na nila kinausap si Daisy simula noon. Nilayuan nila dahil alam nila na kapag nakipag ugnayan sila kay Daisy ay baka may mangyari ring masama sa kanila. Pero hindi nila magawang ma-bully si Daisy dahil alam nilang kapatid ko siya at manager ako ng café na ito.” kwento ni Oliver.
“Ngayon, kayo ng girlfriend mo ang nasa sitwasyon namin ngayon. Hindi ko alam kung paano namin kayo matutulungan dahil hanggang ngayon ay ginugulo pa rin nila kami. Nilalakasan ko na lang ang loob ko. Kung may makikita kaming paraan ay gagawin namin ang magagawa namin para makawala tayong lahat sa sitwasyong ito.” Dagdag ni Daisy sa amin.
Ipapakita ko sana kay Daisy ang photo ng 23:57 digital clock na may mukha ni Ayako. Pero biglang…
Ring.
Tumunog ang cellphone ko. Tinatawagan ako ni Ayako. Nag excuse ako kina Oliver at Daisy at sinagot ang phone.
“Ayako! May sasabihin ako sayo—”
“Yuya! Nasaan ka?! Kailangan kitang makita! Hindi ko na kaya ang mga nangyayari sa akin dito! Nandito na naman ang mga naka-surgical masks! Kailangan nating magkitang dalawa.” Damang-dama ko ang nginig at takot sa boses ni Ayako sa phone. Kaya agad kong tinanong kung nasaan siya. Sabi niya ay nasa Shibuya crossing na siya. Sinabi kong nasa Private I Café lang ako dahil may kailangan akong malaman sa 23:57 urban legend. At dahil malapit lang naman ang Private I Café sa Shibuya crossing ay sinabi kong susunduin ko na lang siya. Agad na naputol ang linya.
Agad akong nagpaalam para umalis agad. Pero sinabi ni Daisy na ihahatid na lang niya ako sa Shibuya crossing. Pumayag naman si Oliver. Hindi ko alam pero nararamdaman ko na may pwedeng hindi magandang mangyari. Pero ayokong mag-isip. Ayokong isipin ang mga negatibong bagay dahil alam ko sa sarili ko baka mangyari iyon. Madalas sabiin ng nanay ko sa akin na kapag may sumaging negatibong bagay sa utak mo, huwag na huwag mong patagalin ito. Find positive ways to counter it because sometimes, negativity in our mind happens because we fear it.
Habang naglalakad kami ni Daisy sa busy street papuntang Shibuya crossing ay napahinto ako. Hinawakan ni Daisy ng mahipgpit ang braso ko.
“Yuya. May sasabihin ako tungkol kay Oliver...” nakayuko lang si Daisy habang mahigpit na nakahawak sa braso ko. “May nag iba sa kanya simula ng maranasan naming ang 23:57 incident. Parang hindi na siya katulad ng dati…”
Hindi ko alam ang pinagsasabi ni Daisy dahil kakakilala ko pa lang sa kanilang dalawa. At sa totoo lang. hindi iyon ang priority ko. Nagaalala ako kay Ayako at iyon ang priority ko.
“Daisy, kakausapin kita ng mas maayos kapag na-meet ko na si Ayako. Ok lang ba?” Pakiusap ko kay Daisy. Agad namang nag-sorry si Daisy. Hindi naman siya dapat mag sorry, sa totoo lang. Pero kailangan ko na talagang i-meet si Ayako sa Shibuya Crossing.
Sumama si Daisy sa akin papuntang Shibuya Crossing. Tumawid kami nang mag green light na. Nakita ko agad si Ayako na nakatayo malapit sa mga cherubs statue na malapit sa Hachiko. Naka white dress at black coat si Ayako. Suot-suot rin niya ang black stockings at winter boots. Ito ang karaniwang suot niya kapag nagtatrabaho siya sa salon sa Omotesando. Nagaantay siya doon habang kagat-kagat niya ang lower lip siya. Kinakagat lang ni Ayako ang lower lip niya kapag nade-depress siya.
Agad akong kumaway. Kahit alam kong maraming tao at hindi ako mapapansin ni Ayako ay ginawa ko pa rin ito. Siguro dahil natuwa akong makita siya ulit. At safe siya. Parte ng sarili ko ang nabuhayan ng loob. Kasunod ko sa pagtawid si Daisy. Nasa likuran ko siya at nakayuko nang lumingon ako para hanapin siya.
Patuloy pa rin ako sa pagkaway kahit nakarating na kami ni Daisy sa kabilang dulo kung nasaan si Ayako. Napansin din ako ni Ayako at tumakbo siya papunta sa akin na parang naluluha at agad niya akong yinakap ng mahigpit.
“Salamat…” nasabi ko sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit ko nasabi yon. Siguro nagpapasalamat ako at walang nangyaring masama sa kanya. Siguro nagapapasalamat ako sa makasarili kong rason dahil kasama ko na siya ulit.
“Ayako, I would like you to meet Daisy. Siya yung sumulat ng 23:57 urban legend na kumakalat online. Well, hindi siya ang nag upload pero sa kanya galing ang kwentong iyon.” Paliwanag ko.
“Daisy, this is Ayako. My girlfriend.”
Nag bow si Ayako bilang greeting at nginitian niya si Daisy.
Bigla na lang natakot si Daisy nang makita ang mukha ni Ayako. Nanlaki ang mga mata niya. Kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya at namutla siya. Napaatras siya at napatakip sa bibig niya sa gulat.
“Nakita ko ang smile na ‘yan sa train! I-ikaw! Nakita kita sa train! S-sino ka?!” pasigaw ni Daisy kay Ayako. Na siya namang ikinagulat ni Ayako at napaluha rin.
Naguguluhan na ako. Ano ba ang nangyayari?
Tumakbo si Daisy papalayo sa amin. Sinundan namin siya ni Ayako dahil papunta siya sa Shibuya Crossing…
KRRRRRRKK… PITPIT! CRAASSSHHHH
Nasagasaan si Daisy ng advertising truck sa Shibuya crossing. Kitang-kita ko ang buong pangyayari. Nakatingin sa akin si Daisy habang nangyayari ang aksidente hanggang sa pagtalsik niya sa sahig. Kasabay nito ang pagtalsik ng dugo niya sa kaliwang singi ko. Mabilis na kumalat ang dugo niya sa sahig at nakatingin pa rin si Daisy sa amin na takot na takot.
Hanggang sa mawalan na siya ng hininga.
Mabilis ang buong pangyayari at agad na rumesponde ang police at rescue team. Hindi madalas mangyari ang ganitong eksena sa Shibuya dahil safe doon. At sa totoo lang, mabagal ang takbo ng mga sasakyan doon. Bukod pa rito ay ma sensors din ang mga sasakyan. Kaya hindi ko talaga lubos maisip kung bakit nangyari ang mga ito.
Habang nilalagay si Daisy sa ambulance ay nakita ko ang mga naka surgical masks na nasa kabilang side ng Shibuya crossing. Natuon ulit ang attention ko sa isang middle aged man na naka brush up ang buhok. Hindi ko alam kung bakit pero hindi kaya target ako ng lalaking ito? Nang may dumaang bus ay biglang nawala ulit sila.
Anong nangyayari?
15:25. Napansin ko ang oras na ito na nasa screen ng Shibuya crossing. I was left confused. Hinawakan ako ni Ayako sa braso.
Hindi ko maipaliwanag pero inalis ko ang braso ko sa paghawak niya. I know, I am dumb for doing this to my girlfriend but I begin to have my doubts. Nakita na raw ni Daisy ang mukha ni Ayako sa train nang maranasan niya ang 23:57 encounter.
Anong ibig sabihin non?
Hindi kaya nalilito lang si Daisy?
Paano kung tama si Daisy?
Ano ba si Ayako?
Naguguluhan ako.
“Yuya. Please believe me.”
6th Incident: Unexpected 俄