9th Incident: Hospital 病院
Sa loob ng train, nakatayo si Ayako na nakangiti sa akin na balot na balot sa dugo.
Papalapit na si Ayako sa akin. Kitang kita ko ang sugat sugat, payat at nagdurugo niyang paa. Napatingin ako sa itaas at saglit kong nakita ang mukha niya na patuloy na nakangiti sa akin. Agad kong ibinaba ang tingin ko.
Ayokong makita ang mukha niya.
Sinubukan kong tumayo agad ngunit naramdaman ko ang tindi ng sakit ng binti ko. Marahil sa tindi ng pagkakadapa ko. Nang balikan ko nang tingin ang mga paa ko, wala na ang mga nakahawak dito.
Pinilit kong gumapang at sinubukan kong lumayo.
Pero patuloy pa rin ang paglalakad ng mga pang iyon papalapit sa akin. Kasabay nito ang maingay na emergency sound na maririnig sa buong estasyon dahil nga may train accident.
Ano bang pinagsasabi ko? Hindi ito accident. May pumatay kay Tetsu-san.
Ako na kaya ang susunod?
Hindi ito si Ayako. Hindi ito si Ayako. Hindi ito si Ayako.
Kahit nagagasgas na ang siko ko sa sahig ay patuloy pa rin ako s paggapang.
Hanggang sa maabutan niya ako. Alam ko. Naramdaman ko ang paghawak ng malamig niyang kamay sa paanan ko. Kahit makapal sa pants ang suot suot ko ay naramdaman ko ang lamig nito. Bukod pa sa fact na winter ngayon ay sobrang lamig ng kamay na humawak sa akin.
Sinubukan ko pa ring tumayo pero bumagsak ulit ako.
Hanggang sa may kamay na humawak sa mukha ko papuntang baba ko at itinaas ito. Ipinikit ko ang mga mata ko. Kung mamamatay man ako dito, ayokong ang
mukhan na ito ni Ayako ang huling makikita ko.
Pero hindi ko maipaliwanag at kusang bumukas ang mga mata ko. Nakita ko ang nakangiting si Ayako. May hiwa ang bibig. Nakangiti ang bibig at ang mga mata nito sa akin.
Hihihi.
Hinawakan ng dalawang kamay niya ang magkabilang tenga ko.
May scenario ng maraming tao magkakasama na biglang nakita ko sa isip ko. Hindi ko makita ang mga mukha nila. Naglalakad sila papasok ng Shibuya station. Lahat sila ay nakangiti. Hindi pa sila duguan ng mga panahon iyon. Mukha naman silang normal. Hanggang sa napansin kong nakapalibot na sila sa akin. Hindi ko pa rin sila namumukhaan. Sabay-sabay na ngumiti.
Hanggang sa hindi ko na rin ma-control ang sarili ko...
At napangiti na rin ako...
"Wake up! Wake up!" gising ng isang train staff sa akin. "A-are you okay?"
Nagising ako at na-realize ko na nasa train station pa pala ako. Kung masasagot ko ang tanong ng gumigising sa akin, hindi ako okay. Hindi ako okay sa lahat ng nangyayari.
Gusto kong bumangon. Gusto kong magtaka. Gusto kong maintindihan ang lahat.
Masyadong maraming nangyari ngayong araw. Masyadong marami at punong-puno na ang utak ko. Hindi na rin kaya ng katawan ko.
Patuloy ang pagiging abala ng mga train staff, police at mga medical team sa paligid. Unti-unting lumabo ang paningin ko at lahat ay nagdilim.
—-
Nagising akong parang nauubusan ng hininga. Nasilaw ako sa loob ng isang puting kwarto. Nasa loob na ako ng ospital.
Ang sakit ng ulo ko. Hindi kaya sa gamot na ibinigay sa akin? Sinubukan kong bumangon pero naramdaman kong nabigla ang katawan ko. Sinubukan ko pa ring bumangon ng dahan-dahan. Gusto kong umupo.
Napansin ng nurse na nagising na ako at agad siyang tumawag ng doctor na in-charge sa akin.
"Kobayashi-san. You're awake." Sabi ng doctor na in charge sa akin.
Basing on his nameplate, he is Dr. Carl Higashi. Mukha siyang Japanese-Caucasian. I don't really mind but this is the first time to meet a foreigner doctor. Matangkad siya. Matangos ang ilong at lightbrown ang buhok. Bukod sa first time kong makakita ng doctor na Japanese-Caucasian, nakakatuwa lang dahil pareho kami ng case. Kasi Japanese-Filipino naman ang dugong dumadaloy sa akin.
Hindi na ako nakakapagsalita. Siguro epekto ito ng gamot. 9 hours na raw akong tulog. At gusto pa nila na makapagpahinga ako dahil nag collapse ako dahil sa fatigue.
Chineck up ulit ako ni Dr.Carl. Hindi na ako nakapagsalita at hinayaan ko na lang sila. Nanlabo ulit ang mga mata ko pero hinayaan ko lang ito hanggang sa makaalis na silang dalawa.
Fatigue nga talaga ang cause ng pag-collapse ko. Totoo naman. Hindi na ako nakapagpahinga ng maayos simula ng maranasan namin ang 23:57 urban legend.
At naalala ko na naman si Ayako. Mas lalo akong naguluhan. Sumakit ulit ang ulo ko.
Hindi si Ayako ang babaeng iyon.
Kinukumbinsi ko ang sarili ko. Hanggang sa pumasok ulit sa utak ko ang envelope. Ang envelope na ibinigay ni Tetsu-san sa akin bago siya maaksidente at tuluyan ng namatay.
Nasaan ang mga envelopes na na nasa plastic file case?
Wala ito sa mga kamay ko. Wala rin ito sa paligid. Malinis ang ospital at kitang kita ko lahat ng gamit sa paligid.
Nasaan na? Nasaan na?
Nagsimula na akong mataranta. Nawawala ang envelope!
Kailangan ko 'yon!
Sinubukan kong tumayo pero nanghihina pa rin ako. Nabigla ang katawan ko. Naramdaman kong nahilo ako at napahiga ulit ako. Hinihingal akong pinupuna ang paligid.
Sa kaliwang parte ay ang malaking glass na bintana ng kwarto. Maliwanag na. Nakikita ko ang isang puno na walang dahon dahil taglamig pa rin. Malinis ang ospital na ito. May isang halaman sa sulok. Bukod doon ay puro na ito tables at drawers. Sa kanang parte ng higaan ko ay may side table. Walang anumang nakapatong doon. Napansin ko ang curtain divider na malapit sa side table ng higaan ko. Napatitig ako rito.
Na-curious ako. Sinubukan kong abutin ito.
Medyo naging hesitant ako nang mapansin ko na sa ilalim ng curtain divider ay may isang puting maliit na bagay. Nang luminaw ang paningin ko ay na realize ko na isa itong surgical mask na nasa sahig.
At biglang may patak ng dugo sa tumulo sa tabi nito.
Nagulat ako. Napaurong at nanlamig.
Nang biglang may tumawag sa akin.
"Kobayashi-san! What are you doing?!" saway ng babaeng nurse sa akin. Nakasuot siya ng surgical mask. Kahit na nakatakip ang mukha niya ay alam kong galit siya.
Siguro dahil nagkaroon na ako ng trauma sa mga naka surgical masks ay mas lalo akong natakot sa kanya dahil sa suot suot niya ito.
"Take it off! Your mask! Remove it!" paulit-ulit kong sinisigaw.
Agad naman niyang inalis ito. Nang alisin niya ito ay isang maamong mukha ang nakita ko. Sumenyas siyang tumahimik ako kasi hindi lang ako ang nasa kwarto. Doon na ako nahimas-masan. Nakakahiya kung makakabala pa ako. Kumalma na rin ako eventually.
Ang nurse na ito ay si Riiko Katou. Nabasa ko sa nameplate niya. Maganda siya. Maamo ang mukha na parang mapapakalma ka kapag nakikita mo ang mukha niya. Maasikaso. Pakiramdam ko ay bagong nurse lang siya sa ospital na ito. Wala akong masyadong alam sa kanya. Hindi ko alam kung ilang taon na siya pero mukha naman siyang 23-24 years of age.
"Nasaan ako?"
"NasaShibuyaHospital ka. According to the report here, you fainted at the train station. Do you remember what happened to you?"
Sinubukan kong alalahanin ang lahat at biglang bumalik lahat ng alaala ko a nangyari kagabi. At tinanong ko siya sa isang bagay na kailangan ko.
"Have you seen my plastic file case? I need it."
"File case? Hmm. I don't think you have a plastic file case with you." Sagot ni Nurse Riiko sa akin habang inaayos niya ang higaan ko at ang blanket na nakapatong sa akin. "I am sure of it. I was the one with Dr. Higashi. He was the one who checked you when you were confined here."
Damn it! Nasaan ang plastic file case?
Hindi na ako makakalma.
"Look! There was an accident in the train station. My editor gave that file case to me before he died! I need to find it!" agad akong bumangon at aalisin ko na sana ang mga nakadikit at nakatusok sa kamay ko, pero pinigilan ako ni Nurse Riiko.
"Wait wait wait! Relax. You are not allowed to get stressed! And also, what accident are you talking about? I never heard that there's an accident last night."
"What? The police, the medics, the police were there!"
"Okay. Please calm down."
What is she talking about?! How am I supposed to calm down?!
Nawawala ang file case. Tapos, hindi niya pa alam event na nangyari kagabi? She should have known it in the news! Or perhaps, I'm overreacting on that part. Nurse siya at there's a possibility that she's not aware of the news kung kagabi pa ang shift niya.
Nagulat na lang ako nang makita kong may nakatusok na sa braso ko. Isang pampakalma. I felt betrayed.
I need my file case.
Pero unti-unti nang pumupungay ang mga mata ko.
Nakita ko na lang na habang lumalabo ang paningin ko, nasa likod ni nurse Riiko ang mga naka surgical masks.Kahit malabo na ang paningin ko ay nakikita ko pa rin ang red ink smiley na nakadrawing sa mga surgical masks nila.
Hindi ako makagalaw at hindi na rin ako makapagreact. Hanggang sa nakatulog na ako...
—-
Pagkagising ko ay inalis ko ang mga gamot na nakatusok sa akin. Tumayo ako, sinuot at slippers at nagbihis. Ang damit ko ay nakapatong lang sa taas ng drawer. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Ayokong makagawa ng ingay sa dalawa ko pang kasama na pasyente din ng kwartong iyon. Ayoko ring mahuli. Tatakas ako para malaman ang totoo.
Paano ko nga ba malalaman ang totoo ngayong wala ang plastic file case?
Nang kapkapin ko ang jacket ko para malaman ko kung anong oras na, nakapa ko ang calling card ni Investigator Yamamura.
Tama! Siya lang ang taong may alam ngayon.
Kailangan ko siyang makita.
Mabilis akong naglakad sa alley. Mabilis pero sinigurado kong walang ingay ang bawat pagtapak ko sa sahig. Pero may nakasalubong akong nurse on shift. Buti na lang at nakatingin siya sa records niya at hindi niya ako nakita.
Agad kong nakita ang isang pintuan na pwede kong pasukan. Kailangang hindi niya ako makita.
Nang makapasok ako ay sinilip ko sa glass ng door ang nurse hanggang sa mawala na siya. Madilim sa kwartong pinasukan ko.
At malamig.
Nang lumingon ako ay nakita ko ang mga naka surgical masks na nakatayo sa loob ng kwarto. Madilim pero nakikita ko ang mga nakangiti nilang mga mata at ang pulang smiley ink na naka drawing sa puti nilang surgical masks.
Papalapit sila nang papalapit.
Agad kong hinawakan ang door knob pero hindi ko mabuksan ang pinto.
What the f*ck! It's locked!
Ang naka brush up na mid thirties na lalake ang unang lumapit sa akin at hinawakan niya ang leeg ko. Sinubukan kong lumaban at magpumiglas pero hawak-hawak na ako ng ibang kasama niyang naka surgical masks din.
Nawawalan na ako ng hininga sa pagkakasakal niya sa akin...
At nagdilim na ang paningin ko...
Nagising ako na pawis na pawis at hinihingal sa kinahihigaan ko. Nasa higaan pa rin ako kung saan ako naka-confine. Ako lang ang mag-isa at nakatakip na ang blinds ng bintana. Gabi na siguro.
Damn! That was a nightmare!
Pero naramdaman ko na masakit ang leeg ko. Napaubo ako. Ang hapdi.
Was that really a nightmare?
Napabangon ako at napansin ko ang isang middle-aged na babae na nakapatong ang ulo niya sa higaan ko. Nagising siya ang bumangon. Nang luminaw ang paningin ko, namukhaan ko siya...
Kilala ko siya. Hindi ako pwedeng magkamali.
Ang babaeng ito ay matanda na pero maganda pa rin. Suot-suot niya ang trademark niyan pearl earrings tuwing umaalis siya. Suot-suot rin niya ang gold ring na symbol ng strong relationship niya. Payat na ang kamay niya pero alam mong malakas ang kamay na ito. Ito ang kamay na maraming pinagdaanan para sa anak niya.
"Mama?"
Totoo ba ito? Nandito ang mom ko? Hindi kaya panaginip na naman ito? Kinurot ko ang sarili ko. Masakit. Totoo nga ito.
Pero hindi ako makapaniwala dahil nakatira ang nanay ko sa Kyoto. Paanong?
"Anong ginagawa niyo dito?"
"I miss you too." Sagot niya sa akin. Ito na naman ang sarcastic na nanay ko. "Naospital ka. Nanay mo ako. Pupuntahan kita. Kailangan pa bang may rason?"
Nginitian niya ako. Sinuklian ko ang ngiting iyon.
Somehow, lahat ng bigat na dala-dala ko at ang lahat ng pagod ko ay nawala nang makita ko ang nanay ko sa tabi ko.
Simula kasi nang maranasan namin ang 23:57 incident. Puro na lang takot ang nakapaligid sa akin. Ngayong nandito ang nanay ko, parang naramdaman kong safe ulit ako.
Inakap ko siya. Mahigpit ang pagkakaakap ko. Nagpapasalamat ako na kung hindi ko man malalampasan ang sumpang ito, kahit papano nayakap ko ng ganito ang nanay ko.
"Anong kadramahan na naman ito, anak? Umayos ka." Sarcastikong bulong ng nanay ko. Bale sinira niya yung moment ko. Natawa akong yakap-yakap siya. Na-miss ko ang nanay kong 'to.
Napansin kong may kasama pala ang nanay ko.
At nakita ko si Ayako.
Muli na naman akong napaurong sa takot.
"Bakit Yuya? Si Ayako lang 'yan."
Yun na nga e! Si Ayako 'yan. Actually hindi ko kilala kung si Ayako ba 'yan.
Agad kong inakap ang nanay ko.
"Get out!" sigaw ko. Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Lalo na't nandito ang nanay ko.
"Ano ka ba Yuya? Si Ayako ang tumawag sa akin tungkol sa condition mo. Tapos gaganyanin mo siya? I don't like your attitude."
"You don't understand, mom." Sagot ko pero mahina kong sabi dahil may kasama akong ibang pasyente sa kwartong ito.
Magsasalita n asana si Ayako nang biglang pinangunahan siya ng nanay ko.
"Yes. I don't understand. But she's here visiting you." At tinignan ako ng seryoso ng nanay ko. Hindi na ako nakaimik.
"O ito." ibinigay ng nanay ko ang isang platito ng paborito kong sliced apples. "Kumain ka. Gutom lang yan. At saka, pumayat ka na. Nagpapa-sexy ka ba?"
Hindi ko alam kung matatawa ako sa nanay ko o matatakot ako kay Ayako. Pero whatever my mom is doing, it's effective.
Lumapit sa akin si Ayako pero umusog ako papalayo.
"Yuya. Bakit parang nagbago ka na?"
Hindi ko siya sinagot. Tumayo si Ayako. At kinuha ang mga dala-dala niya. Mukhang galing siya sa school na pinagta-trabahuan namin.
"Mauna na po ako." Paalam niya sa nanay ko matapos niyang mag buntong hininga. At saka siya nag bow.
Nang makaalis si Ayako. Nagusap kami ng nanay ko ng masinsinan.
"Anak. What is going on?"
"Mama—" gusto kong sabihin sa kanya ang lahat pero natigilan ako. Ang kinakatakot ko kasi, baka madamay pa siya sa lahat ng ito.
I can't risk my mom in this situation.
"N-nothing. What are you talking about, mom?" pagsisinungaling ko sa nanay ko.
I am not a good liar and my mom knows whenever I tell her lies. Pero hindi niya na ako inusisa pa.
"I want you to know that I moved in Tokyo." Balita ng nanay ko sa akin.
That's nice. She's going to be in Tokyo.
W-wait. What?
"WHY?" tanong ko at napalakas ang boses ko. Agad naman akong sinuway ng nanay ko na hinaan ang boses ko.
"Matagal ko na gustong lumipat dito dahil ang dad mo ay nalipat sa Asakusa branch project. Kaya dito muna kami." paliwanag niya.
Hindi na ako nakasagot.
Ang tatay ko ay engineer. We are not in good terms as of the moment. Nasa Asakusa na pala sila. Malayo man sila sa Shibuya, pero natatakot pa rin ako para sa kanila ng nanay ko.
"Alam ko hindi ka masaya dahil mababantayan kita sa kung anung kabulastugan na pwede mong gawin."
Nanlaki ang mata ko sa nanay ko at natawa siya. Nagbibiro lang daw siya.
Habang nagbabalat ang nanay ko ng apples para sa akin, napansin ko na may batang babaeng naka-mask ang katabi ng nanay ko.
No way...
Naka surgical mask ang batang ito at nakahawak siya sa braso ng nanay ko.
Binangga ng batang ito ang kamay ng nanay ko ay nahiwa ng nanay ko ang daliri niya sa ginagamit niyang peeler.
Maraming dugo ang tumutulo sa kamay ng nanay ko.
This is bad. Nangyayari na ang kinakatakot ko. Bakit kailangan madamay ng nanay ko?
Stay away from my mom!
9th Incident: Hospital 病院