"Shit! Get off me!" napasigaw ako at napatayo. Malamig na pawis ang tumulo sa kaliwang parte ng noo ko. Part of me wanted her to get off me and part of me wanted to believe that this is a joke. Unfortunately, it's not.


            Nakita ko ang mga tao na nasa paligid ng Hachiko na parang nawi-wirdohan na sa akin. Ang iba ay tumayo at lumayo sa akin.


  At may biglang may humawak sa braso ko. Isang malamig na kamay.


            Nang mapalingon ako, si Ayako ulit ang nakita ko.

            But this time, Ayako. My girlfriend.

            No bleeding face.

            No creepy smile.

            Nothing supernatural.

            Just Ayako with her worried expression.


            "What's going on with you, Yuya?"


  At nang ibalik ko ang tingin ko sa harapan ko ay wala na ang nakangiti at nagdudugong Ayako.


  What is seriously going on here?


            Sa likod ng nagaalalang si Ayako ay may mga nakasilip na naka surgical masks. Dahan dahan silan tumingin sa akin habang patuloy sa pagdurugo ang mga masks nila. Agad kong inalis ang tingin ko sa kanila.


            This is insane!  


            "I have been really stressed nd frustrated recently. Siguro, kailangan ko lang magpahinga." Sagot ko kay Ayako. Gusto kong sabihin na ginugulo na naman ako ng mga naka surgical masks na ito pero... iniisip ko rin na pagod na rin siya at ayokong ma- freak out siya sa mga nangyayari.


            I wanted to ignore everything. Otherwise, baka mabaliw na ako sa mga nangyayari. Am I having paranoia already?


            And then, another cold hand grabbed my left shoulder.


            "Yuya! Ayako! What happened?!" tanong ni Tetsu-san na hingal na hingal. Mukhang kagagaling lang niya sa pagtakbo. Kasama niya si Shibata-san na nakahawak sa tuhod niya at naghahabol rin ng hininga niya.


            "What are you guys doing here?!" patanong ko sa kanila. Well, it's not really that surprising. Peculiar Magazine's office is near Shibuya station and there is a possibility na magkikita kami. Pero nagtataka ako kasi hindi ko alam kung bakit sila nandito at paano nila kami nakita mismo sa Hachiko. Para lang rin sa kaalaman ng mga nakararami, ang Hachiko ang meeting spot ng mga tao sa Japan. So it is practically a very busy place. Kaya medyo nagtaka ako nang makita nila kami na nakaupo dito.


            "The police contacted us about the incident. We immediately went here. Then we saw you while running towards the police station." Paliwanag ni Shibata-san sa amin na naghahabol pa rin ng hininga niya. 


            "We heard that an incident happened earlier. Everything seems getting clear now about the 23:57 urban legend, isn't it? What did you guys found out?" tanong ni Tetsu-san.


            Kung alam lang niya na sa bawat sagot na nakuha namin, mas marami kaming naging mga tanong...


            16:30 Nasa Peculiar Magazine meeting room kami. We decided to talk about everything about 23:57 in there. Dahil ayaw naming pag usapan ang lahat sa public place tulad ng Hachiko kanina. Walang tunog na naririnig sa meeting room kahit apat na kaming nasa loob. Si Tetsu-san, si Shibata-san, si Ayako at ako.


            Shibata-san breaks the silence.


            "Okay guys!" nakangiting umpisa ni Shibata-san sa amin at pumalakpak siya para makuha ang attention naming lahat. "Gusto niyo ba ng coffee? We can have our coffee delivered from Private I Café."


            Napatingin kaming tatlo nina Ayako at Tetsu-san ng masama kay Shibata-san. Seriously? Private I Café has been the center of all the incidents related to the 23:57 urban legend that has been happening recently. Natawa na lang ng pilit si Shibata-san ng ma-realize niya na nagkamali siya ng suggestion about Private I Café.


            "P-perhaps, I'll ask someone to buy coffees in the vending machine. Hehe!" Shibata-san suggested while scratching his head and recovering from shame.


            I never wanted to go to Peculiar Magazine's office. Honestly, I wanted to rest. Pero pakiramdam ko rin na kung uuwi ako, malamang ay guguluhin na naman ako ng mga naka surgical masks. Hindi rin ako makakapagpahinga. Sabi ko nga sa sarili ko, kung ikamamatay ko man ang fatigue, edi dapat mas usisain ko na ang 23:57. Taliwas ito sa una kong gustong mangyari na ingatan ang sarili kong health. Marami pa talaga akong dapat malaman. Marami pa akong tanong. Siguro, mahaba-haba pa ang tatahakin ko para malaman ang totoo.


  Ang tanong, malalaman pa kaya naming ang totoo?


            Nakapatong na ang canned coffee sa mesa. Lumamig na rin sa loob ng meeting room. At dito na magsisimula ang paguusap namin.


            "Daisy Figueroa, the one who wrote the 23:57 urban legend just got into an accident. I think, you guys know this already since the police contacted you." Panimula ko sa usapan. Alam ko rin naman na kailangan naming mapag usapan ang 23:57 urban legend.


            "Ayako and I are in the curse of the 23:57. Daisy and her brother, Oliver, who also works in Private I Café are in the curse too." Dagdag ko.


            "Oliver is now at the hospital on where Daisy was. We have no idea if Daisy is still alive or not." Ayako added her part of the story.


            "Then, what did you guys found out about the 23:57 urban legend?" Tetsu-san asked.


            None of us can answer the question. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano sasagutin ang napaka-general niyang tanong. Sa aming apat, ako na yata ang may pinaka maraming nalaman.


            Nalaman ko na sinulat ni Daisy ang urban legend sa journal niya. Binasa ko rin ang journal kung paano siya nakaligtas sa smiling creepy people. Nalaman ko na hanggang ngayon ay nasa curse pa rin silang dalawa ni Oliver. Nalaman ko na may namatay na Private I Café waitress nang inilagay niya sa isang blog ang content ng journal ni Daisy. At matapos ay nagpakamatay siya. At ngayon, naaksidente si Daisy. Marami-rami rin pala akong nalaman. Naikwento ko ang lahat ng ito kanila Ayako, Tetsu-san at kay Shibata-san.


  Pero hanggang ngayon, wala pa rin akong idea sa pinaka-ugat ng mga incidents na nangyayari tungkol sa 23:57 urban legend.  


            At napatingin ako kay Ayako...


            Hanggang ngayon, wala pa rin akong idea kung ano ba talaga si Ayako. I want to trust her, I really do. Hindi kaya all of these are the results of my paranoia at nadadamay lang ang relationship ko sa girlfriend ko?


  If that's the case, then I must be a terrible boyfriend to her.


"I might be rude but I want to ask if Ayako already knew about the photo." Shibata-san asked me with a serious look on his face.


Ayako is clueless and I was a bit hesitant to show her the photo. But to my surprise, Tetsu-san immediately showed the photo to Ayako.


            Nagulat si Ayako sa nakita niya.


            Ang photo ng digital clock with the numbers, 23:57. At nandun ang mukha ni Ayako. Ang mukha ni Ayako na nakangiti at nababalutan ng dugo.


            Napasigaw siya at tumayo sa kinauupuan niya.


            Hinawakan ko siya at inakap para ma bigyan siya ng comfort at security. Mahigpit ang kapit ni Ayako sa braso ko. Doon ko lang na-realize ang isang bagay. Hindi si Ayako ang nasa photo.


            Pero sino iyon? Or to be specific. Ano nga ba ang kamukha ni Ayako?


            "I-I know how you feel right now but I would like to add this photo in the article." Suggestion ni Tetsu-san. "This could improve the monthly rating of Peculiar magazine. This photo can also gain us lots of readers!"


            "Also! Daisy's accident! That could be our next scoop and additional article on the next page of 23:57 urban legend article! Bukas na ang release. This could help us a lot! Only Peculiar Magazine has this information right now! These are our aces! And this means—"


            "Tetsu-san!" I interrupted him at titnitigan ko siya ng masama. Napahinto siya sa pagvi-visualize ng mga ideas niya about the release of the new issue of Peculiar magazine.


  Naririnig niya ba ang sarili niya?


            We are in danger pero Peculiar Magazine pa rin ang iniisip niya. Hindi niya na nirespeto ang nangyari kay Daisy. This person, I can't believe him.


            "C-can we cancel the printing of the article?" Ayako requested. Hesitant siya sa pagtatanong pero sa palagay ko nagkaroon siya ng lakas ng loob nang pigilan ko si Tetsu-san sa pagsasalita.  


            Agad na nag iba ang itsura ni Tetsu-san. Nagalit siya. Hindi ko rin siya masisisi. Kung titignan ko ang point niya, editor siya at kailangang on time ang pasahan ng articles. At marami pa silang iniisip apart from deadlines.


            Pero, can he be human right now?  


            "Ayako, tomorrow is the release of the magazine! We cannot halt the publication of the 23:57 urban legend article. It is currently being printed and we cannot stop it." Sagot ni Tetsu-san. Seryoso ang mukha nito na stressed na rin.


            "I am disappointed with you, editor." At lumabas kami ni Ayako ng meeting room. Masama ang loob ko sa paglabas namin. I thought paguusapan naming ang tungkol sa 23:57 urban legend dahil kailangang may malaman kami. Ayun pala, para lang rin sa scoop at sa readership ang habol niya.


  I hate people like him...


            Sumunod si Shibata-san sa amin nang lumabas kami. Walang imik si Shibata-san sa mga nangyayari. Hinatid niya kami sa elevator.


            "My apologies for tonight. Tetsu-san is really dedicated to his job. He can forget a lot of things in order to give Peculiar Magazine's development a step ahead." Paliwanag ni Shibata-san sa aming dalawa.


            "Naintindihan ko ang dedication niya pero yung isantabi mo ang situation ng ibang tao para sa goal mo, that is the lowest form of achieving your goal." Sagot ko kay Shibata-san.


            Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para sabihin iyon. Pero nasabi ko na. Alam ko naman na kahit superior ko sila, karapatan ko rin namang mag react kapag nararamdaman ko na na hindi na tama ang mga nangyayari.


            Shibata-san bowed to us. Habang pasara ang pinto ng elevator, may batang babae na edad 10 years old na nakangiti ang nakahawak sa binti niya. Ang batang ito ay punong-puno ng dugo. Katulad din siya ng mga nakikita ko noon. Pero ang ipinagkaiba niya ay...

            Wala siyang surgical masks.


            18:32. Nasa loob na kami ng Shibuya Station at nakasakay na rin kami sa loob ng train. Pagod na kaming pareho. Nakatulog na sa balikat ko si Ayako. Hindi ako makatulog dahil naglalaro pa rin sa isip ko ang lahat ng mga nangyayari sa amin.


            Nang kunin ko ang phone ko sa jacket ko, napansin ko ang papel na isinuksok ng Investigator Yamamura sa loob ng bulsa jacket ko. Nabasa ko ulit ang nakasulat sa maliit na papel,


23:57. Contact me if this event is related to this.


At agad kong tinawagan si Investigator Yamamura.


"Yamamura-san. This is Yuya Kobayashi. I need to talk to you about the 23:57..."


"W-wait!"


Narinig kong parang binuksan niya ang drawer niya at may kinuhang mga gamit mula sa phone ko.


"What do you know?" tanong ni Yamamura-san.


Ipinaliwanag ko ang lahat ng nalalaman ko. Kahit na wala ng gaanong tao sa area namin ay hininaan ko pa rin ang boses ko.


Bukod sa tulog si Ayako sa balikat ko ay hindi kasi magandang manner ang may kinakausap kang tao sa phone. Pero wala akong balak na itigil ang usapang ito.


I need to tell him what I know and I might get something from him...


Nang matapos ako sa pagkukwento ay ako naman ang nagtanong.


"What do you know about 23:57?"


            "I want to tell you everything I know personally. I am also in the 23:57 curse..." isa itong revelation na ikinagulat ko.


            So that's why he knows something about the urban legend. Pero paanong nangyari iyon.


            "Do you know the reason why they are haunting us?"


            "Yes." Sagot ni Yamamura-san sa akin.


            Napalunok ako at bumilis ang tibok ng puso ko. Gusto kong malaman kung bakit. Baka iyon ang maging solution sa lahat ng mga ito. Nanlamig ako. Part of me is excited and part of me is relieved. I want to know what's behind all this already.


            "Can we meet tomorrow? I want to explain everything to you in person."


  I don't f*cking have time! I don't want to meet tomorrow! I want to know everything NOW! Just f*cking tell me every single thing you know!


  Ito ang mga pumapasok sa isip ko dahil matindi na ang kagustuhan kong malaman ang totoo. Pero nagpipigil pa rin ako.


            "I don't have time. I want to know everything now. Can you tell me everything you know now? Please?" pakiusap ko habang koni-compose ko pa rin ang sarili ko.


            "Okay. It all started in a train incident in Shibuya station. 13 people were involved in the incident. And it—ppzzztttt pssshh zzzttt—" biglang naputol ang linya ng phone.


            What?! What was that?! I can't believe this! This is insane!


  Sa asar ko ay halos masuntok ko na ang sarili kong phone.


            Naamoy ko na naman ang mint na shampoo...


            At nang makita ko ang reflection niya sa tapat namin...

            Isang nakangiting Ayako ang nakita ko sa reflection at nakahiga sa balikat ko.

            Humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko at ang mga payat niyang kamay ay bumabaon sa balat ko.


            Hihihi...


            Nagulat ako at nanlamig.

            Inalis ko agad ang balikat ko. At nang makita ko ang mukha niya ay si Ayako ulit ang nakita ko. Ang Ayako na girlfriend ko...


            Nagising siya at nagulat sa akin. Hindi ko pa rin alam kung paano ako magre-react sa sitwasyong ito. Siguro kailangan ko na talagang makausap si Investigator Yamamura tungkol dito. Pero hindi ko rin pwedeng iwan si Ayako ngayon. Lalo na at pauwi na kami sa Apartment.


            Nasa station na kami ng bababaan namin. Nag announce ang staff ng train na pahinto na ang train.


            Hanggang sa paglalakad ay hindi ko muna kinausap si Ayako.


            Nakakatakot isipin na ang girlfriend mo na kakampi mo sa lahat ng ito ay may kababalaghan din.


            Nagpasya kaming maghiwalay muna at matulog sa sari-sarili naming apartment room. Naramdaman ko na ang pagod.


            22:24. Nagising ako sa tunog ng ringtone ko. Nasa bathtub ako at naalala ko na nagbabad pala ako dito at nakatulog. Sa pagod ko ito kaya ako nakatulog. Hinanap ko kaagad ang phone ko dahil naingayan na rin ako.


            Tinatawagan ako ni Tetsu-san. Sinagot ko agad ang phone dahil alam ko na tungkol iyon sa 23:57.


            "H-hello? Yuya? C-can you come at the P-Peculiar Office?" takot na takot ang boses ni Tetsu-san sa phone. "I-I apologize for al the things I've s-said earlier. I found out something about the 23:57 urban legend. It started with a train incident 4 years ago when—"


            "What is it, Tetsu-san?"


            At biglang naputol ang linya.


            Hindi ko na papansinin sana at matutulog na lang ako pero may naglalaro sa utak ko.


  Sabi Investigator Yamamura na 13 people ang involved.

            Nangyari ang lahat sa Shibuya Station.

            Sabi naman ni Tetsu-san na nagsimula ang lahat 4 years ago.

            Kung may malalaman pa ako, mapagdidikit-dikit ko ang lahat.

            At malalaman ko na kung ano ba ang kwento sa likod ng lahat ng ito.


            Agad akong nagbihis at umalis ng bahay. Hindi ko na pinaalam kay Ayako na aalis ako.


            22:55. Nakasakay na ako ng train. Nakarating ako ng 23:15 sa Shibuya Station. Tumakbo mula sa Hachiko exit papuntang Peculiar office.


            Hindi ko alam kung bakit ba kailangan ko pa siyang puntahan sa opisina at nagpapakapagod ng ganito. Pwede ko naman na hintayin ng kinabukasan.


  Siguro kasi naku-curious ako.


            Pakiramdam ko lang na dapat ko siyang puntahan dito. My guts told me that Tetsu-san discovered something that can help me uncover the secret of the 23:57 origin.


            23: 35. Nakasalubong ko si Tetsu-san sa Shibuya crossing. May dala-dala siyang maliit na notebook at mga envelopes. Makikita sa mukha niya na takot na takot siya. I have no idea why. Basta sinalubong ko siya at pinapabalik niya ako sa Hachiko. At bumalik kami. Nalilito na rin ako at nakakadama ng takot.


            Pero mas natakot ako ng may mga sumusunod sa aming mga mga naka surgical masks habang tumatawid kami pabalik ng Hachiko.


            Tak. Clack Shik.


            Nakikikita na rin sila ni Tetsu-san.

            Maraming naka surgical masks ang sumusunod sa amin. At nakita ko na naman ang mid thirties na lalaking naka brush up at naka surgical mask na nakasunod sa amin.


            Parang lumagkit ang tinatapakan ko.


            At nang makita ko ang sahig ay napupuno na ng dugo ang sapatos namin. Tumakbo pa rin kami papuntang Hachiko. Kabado na ako.


  Bakit ba kasi pumunta pa ako dito? Ito na naman sila.


            Hinihingal na kaming pareho. Pumunta kami sa maliwanag na parte ng Shibuya Station.


            Pumasok kami sa entrance gate and then we tapped our passmo cards. Agad kaming pumasok sa Hanzomon entrance. Wala ng gaanong tao at madilim na rin.


            Tuloy-tuloy pa rin sila sa paghabol sa amin. Hindi kami pumasok sa pagitan ng wall at post dahil masama ang pakiramdam ko tuwing pumapasok kami doon.


            At biglaang bumalik sa normal ang lahat. Wala na ang dugo sa paanan namin. Wala na ang mga sumusunod sa amin. Nawala sila nang makarating kami mismo sa Hanzomon platform.


            Are we safe?


            Pumunta kaming dalawa ni Tetsu-san sa area. Wala pa ring katao-tao. Nagtaka na ako. Napatingin ako sa relo ko.


            23:55 na.


            I don't know but I began to feel weird. Somehow I felt danger is approaching.


            "This. Take this... Everything is in there. I believe you must take it." Binigay ni Tetsu-san sa akin ang isang envelope na nakabalot ng plastic file case.


            Tinanggap ko iyon pero litong-lito pa rin ako. Lahat daw ay nandito. Ibig sabihin...


            Nagulat na lang ako nang biglang nahulog si Tetsu-san sa rails ng train. Ang ikinagulat ko ay hindi siya accidenteng nahulog dahil kitang-kita ko na tinulak siya ng isang babaeng naka surgical mask.


            Unang pumasok sa isip ko na hanapin ang emergency button. Pero may nakahawak na sa mga paa ko. Mga tatlong naka-surgical masks. Nataranta ako at nadapa ako.  


            23:57. Kitang kita ko ang takot sa mukha ni Tetsu-san. Tinitignan niya ako. Sa parte ng binti niya ay may mga nakahawak ring mga naka surgical masks.


            He tried to reach me with his hand.


            Umiiyak si Tetsu-san na takot na takot. Gusto ko siyang tulungan pero...


KRRRRSSHHHHKKKKKK!!


Nasagasaan si Tetsu-san ng parating na rumaragasang train.


SHHHHHKKK!!


Tumalsik ang dugo buong parte ng mukha ko. Natalsikan rin ang iniwan na envelope sa plastic file case ni Tetsu-san.


Shock ako sa buong pangyayaring ito...


            Bakit?

            Hindi naman kami pumasok sa pagitan ng post at wall.


            Bakit?

            Ibig sabihin, may mas malalim pang misteryong ito...



Nang huminto ang train bumukas ang pinto. Tumunog ang emergency sound na signal na may nasagasaan sa station.


Sa loob ng train, nakatayo si Ayako na nakangiti sa akin na balot na balot sa dugo.



 

RAYKOSEN Creator

8th Incident: Editor 編者