5th Incident: Opening 冒頭
“What the hell is this?! This is not a funny prank!”galit na galit kong sabi at nahampas ko ang mesa ng meeting room.
Pero a totoo lang, may parte sa akin na gusto kong sumagot sila ng “Oo, prank lang ito.”
Dahil hanggang ngayon, iniisip ko na sana hindi na lang totoo ang 23:57. Gusto kong bumalik sa panahong hindi ako naniniwala sa urban legends. Pero wala na akong time para sa regrets ngayon. Biglang sumakit ang ulo ko. Parang tinutusok ng karayom. Naghalo-halo na ang pagod ko at stress. Pero, dahil ayokong magmukhang mahina sa harap nila Shibata-san at Tetsu-san, hindi ko ito pinahalata sa kanila.
“Lower your voice. Do you think we can pull off a prank like this?” sagot ni Tetsu-san sa akin. Galit na rin siya pero nagpipigil siya dahil sa labas ng meeting room ay busy ang mga editors at staff ng Peculiar office.
Wala nga talaga silang kinalaman sa photo na may mukha ni Ayako sa 23:57 digital clock ng train station. Naniniwala akong professional photo manipulator lang ang makakagawa ng ganito. Pero dahil direct na nanggaling sa email ko ang photo na pinakita nila sa akin, sigurado akong isa na itong senyales na ang 23:57 urban legend ay naguumpisa na sa amin pero ibang-iba sa nakasulat na blog na kumakalat sa internet.
“We are confused too. We thought you’ve sent an edited photo to us.” Panimula ni Shibata-san.
“Until we saw your reaction. This means this 23:45 urban legend is real.” Dagdag ni Tetsu-san.
“Of course, I can’t do something like this. How can I send something like this to my submissions? Besides, I can’t just photo manipulate something like this with my girlfriend in the picture!” depensa ko sa kanila. At napaisip ulit ako, “Right! I must call Ayako! She might be in danger!”
“Wait! We are not sure if that’s Ayako in the photo.” Mahinang sagot ni Shibata-san na pinigilan ang kamay ko sa pag dial sa phone. At tumingin siya kay Tetsu-san. “We actually had a video conversation with Ayako a minute before you went here and she’s busy in her part time-job in the salon. So, we first thought that you did a prank. She actually had no idea of this photo.”
“With this scenario, that woman in the photo could be someone or something else.” Paliwanag ni Tetsu-san sa akin. “You don’t want Ayako-san to freak out in her work, don’t you?”
Napatigil ako at inilapag ko ang cellphone ko sa mesa.
“Then, what should we do?” hamon ko sa kanila pero maski ako wala akong idea kung paano ko ia-absorb ang lahat ng mga nangyayaring ito.
“We still don’t know. Though, we did a basic research.” Dagdag ni Tetsu-san na tumingin rin ay Shibata-san. Na agad na tumango rin si Shibata-san.
“What research?”
“We traced the main source of the 23:57 urban legend in the internet.” sabay nilang sagot.
“What did you guys found out?”
“Not much…But according to the sources from the internet, a Filipina who worked from the National Library wrote the urban legend and posted it to her blog which is pretty similar to the point of view of the storyteller of the urban legend. Her name’s Daisy Figueroa. She worked in Private I Café as a waitress 2 years ago. She is basically one of the few traces of the 23:57 urban legend. So it would be nice if you go to Private I Café and you might find something there.“
“Why not contact her via email then!” dahil alam ko na iyon ang pinakamadaling paraan. Lalo na sa technology ngayon.
“We actually did. But our mails were bouncing back to us. So we assume that she’s no longer using the email account.” Sagot ni Shibata-san sa akin.
“Then why do I have to do it?!”
At sabay nilang itinuro ang photo kung saan ay nakangiti ang mukha ni Ayako.
“Don’t worry. We can give you a the info we get as we are still digging more about this.” Sagot ni Tetsu-san sa akin, “For the mean time, we will publish the article with the normal photos.”
Napabuntong hininga ako.
“Since nandito na rin naman na ako, may gusto akong sabihin sa inyo…”
At doon ay ikinwento ko sa kanilang dalawa ang lahat ng kababalaghang nangyari sa amin ni Ayako at sa akin na rin.
“If what you say is true, then… the urban legend might be real.”seryosong reply sa akin ni Tetsu-san na agad na tumayo sa kinauupuan. Masayahin siya pero ngayon ko lang siya nakitang naging seryoso simula nang ipasa namin ang 23:57 urban legend article. “But I am not sure if I can believe that. I have to see it for myself..”
“Isn’t that photo not enough, Tetsu-san?” turo ko sa photo na may mukha ni Ayako. “Trust me, you don’t want to experience everything that happened in Shibuya Station.”
“Try me.”sagot ni Tetsu-san at tinignan niya ako ng diretso.
Pagkasabi ni Tetsu-san ng “try me” ay bigla na lang napalibutan na kami ng mga naka surgical masks. May limang naka surgical masks na nasa likuran ni Tetsu-san at nakatingin sila sa kanya habang nakangiti.
Napaurong ako sa kinauupuan ko at bahagyang napatayo. Nagulat ang dalawa kong kasama. May problema daw ba? Hindi ako sumagot at sinabing kailangan ko ng umalis. Kung alam lang ni Tetsu-san. Hindi ko alam kung hanggang saan siya dadalhin ng “try me” niya.
Hinatid ako ni Shibata-san sa elevator at nag bow siya sa akin hanggang magsara ang pinto. Ito ang culture ng mga Japanese sa companies. Ihahatid ang guest sa elevator at mag-bow at hindi tatayo hangga’t hindi sarado ang pinto ng elevator.
14:20. Nasa Private I Café Shibuya branch na ako. Dito sa lugar na ito nagtrabaho ang nagsulat ng 23:57 urban legend sa blog niya. Tinanong ko ang staff kung kilala nila ang babaeng hinahanap ko. Hindi ko maintindihan pero parang natakot sila ng banggitin ko ang pangalang Daisy Figueroa.
Iniwasan ako ng mga staff ng café. It was frustrating that no one is directly giving me the answers that I need. At nakakahiya man ay nawalan na ako ng manners at napasigaw ako.
“What is wrong with you guys?! Daisy Figueroa worked here and you all act like you are afraid of her! You guys are suspicious! Are you guys hiding something?!” pasigaw kong sabi in Japanese para makakuha ako ng attention. Nakatingin na lahat ng customers sa akin. Kailangan ko itong gawin kasi para may sabihin sila sa akin at makakuha ako ng kahit kaunting info. Pero wala pa rin at hinawakan nila ang mga braso at hinatak papalabas ng café.
Hanggang sa lumabas ang manager ng café.
Hindi ko siya kilala pero nabasa ko ang nameplate niya, Oliver Figueroa – Branch Manager.
Figueroa. Nang makita ko iyon, alam kong kailangan ko siyang makausap. At alam ko na Filipino rin siya. Nakiusap ako sa Tagalog na gusto kong malaman ang tungkol sa 23:57 urban legend na sinulat ni Daisy Figueroa.
Nag hand gesture siya na itigil ang pagpapalabas sa akin. Nag bow siya ng 90 degrees sa lahat ng mga customers at humingi ng dispensa sa nangyari.
14:35. Nasa loob kami ng branch manager office. Kasama ko si Mr. Figueroa na nag serve ng espresso sa mesa. Alam ko sa sarili ko na male-late ako sa English school na pinagta-trabahuan ko pero kailangan kong makausap ang taong maaaring magbigay sa akin ng info tungkol sa 23:57 urban legend.
“Paano mo nakilala si Daisy?” umpisa niya sa akin at umupo siya sa harapan ko at ininom ang Sage tea niya.
Sabi ko na nga ba. May pakiramdam ako na may kinalaman sila sa isa’t-isa.
“Hindi ko kilala personally si Daisy Figueroa pero nalaman ko na siya ang nagsulat ng 23:57 urban legend na kumakalat ngayon sa web.”
Tahimik lang si Mr. Oliver at hindi siya nagsasalita. Napansin ko lang na nakakunot na ang kilay niya habang nakapikit at patuloy sa paginom.
“Gusto kong makausap si Daisy. Alam ko na isa siya sa nakaranas ng 23:57 urban legend. Totoo ang urban legend. At dalawa kami ng girlfriend ko ay nakaranas ng mga kung anu-anong kababalaghan ngayon. Sabihin mo, bakit nangyayari ito sa amin!”
Ayaw pa rin niyang magsalita kaya napilitan akong i-open ang phone ko at ipakita sa kanya ang picture ng 23:57 digital clock na may mukha ni Ayako.
Nagulat siya at agad niyang nilapag ang cup niya sa mesa.
“Ito ang digital clock…” mahinang sabi ni Mr. Oliver na nanlaki ang mata.
“Kinunan ko ito dahil nagkaroon kami ng article about the urban legend. Ito ang proof na may kababalaghang nangyayari sa amin ng girlfriend ko. Ang nasa picture ay kamukha ng girlfriend ko pero naniniwala akong hindi siya yan. Kailangan kong makausap si Daisy! Parang awa mo na!” desperado na ako. Kailangan kong malaman kung paano matitigil ang pangguguglo ng mga naka surgical masks sa amin.
Dahan-dahang bumukas ang pinto ng manager’s office at pumasok ang babaeng naka Private I Café staff uniform.
Ang babaeng kaharap ko ay may maikling buhok, morena, medyo maliit at may maamong mukha. Bakas sa mukha niya ang takot pero nararamdaman kong nilalakasan niya lang ang loob niya.
“Ako si Daisy.”
Napatayo ako at hindi ko alam kung paano pa magre-react.
Kaharap ko ngayon ang susi sa 23:57 urban legend.
Chapter 4 End.
To be continued…
5th Incident: Opening 冒頭