4th Incident: Photo 写真


Ting!

 “Ikkai de gozaimasu. Kochira gawa no doa ga hirakimasu.”

(First floor. This side of door is going to open), nagulat ako sa voice over sa elevator.

Nawala ang attention ko sa sahig at napatingin ako sa front door. Nandun pa rin sa reflection ng mga taong naka surgical masks na dumudugo. Kumakabog ang dibdib ko ng sobrang lakas. Ang pakiramdam ko ay trapped na ako. Wala na akong magagawa sa sitwasyon na ito. Bumukas ang pinto ng elevator at nagulat ako sa nakita kong may naka surgical mask din. At tumingin siya sa akin at nginitian ako.  

Si Oya-san lang pala. Siya ang may ari ng buong apartment building kung saan kami nakatira. Napatingin ulit ako sa sahig at walang droplets ng dugo.

I was relieved. I thought… Well, I don’t want to think further about it…

“Oya-san! Bikkurishimashitayo! Ohayougozaimasu!”

(Oya-san! Nagulat ako sayo! Good morning!) bati ko habang napahawak ako sa dibdib ko. Ang term na Oya-san ay polite form of the word, landlord. Siya ang may ari ng buong apartment.

Binati rin ako ni Oya-san at natawa siya dahil para daw akong nakakita ng multo.

Kung alam niya lang…


Agad akong nagpaalam at nag bow habang sumakay siya sa elevator. Pagkatapos kong mag bow ay nagulat ako ng may mga kasama na si Oya-san sa loog ng elevator.

Nakangiti rin si Oya-san ng walang kamalay-malay.

Agad akong umalis.


Nang makarating ako sa school, naramdaman ko na antok na antok pa ako. I never had a decent sleep simula kagabi. Mga 2-3 hours lang yata akong nakatulog at ngayon ay nararamdaman ko na ang epekto nito. Mabigat ang mga mata ko. Hindi ko alam kung tama bang pumasok ako.

9:00. Tumunog na ang bell. Pumasok na si Nakajima-sensei (sensei means teacher) na dala dala ang pile of Japanese language books. Si Nakajima-sensei ay maliit na medyo chubby at nakasalamin. He has a very jolly face na kapaligtaran ng sobrang babang boses niya.

“Jugyou hajimeyo!”

(Let’s begin the lesson!), panimula niya na lagi naming naririnig. Ito na ang senyales na siya ay magche-check na ng attendance.

Nang mag recess, nag stay muna ako sa classroom. Napaisip ako sa mga bagay bagay tungkol sa 23:57 urban legend.

Sino sila?

Ano sila?

At anong kinalaman nila sa 23:57?

Tak. Clack. Shik.

At narinig ko ang mga pamilyar na tunog na iyon sa labas ng classroom. Nanlamig na naman ulit ako at ang mga kamay ko ay nanginig. Kailangan kong makaalis ng classroom. Pero paano? Nakaupo ako malapit sa bintana sa pinakahuling row. Dalawa ang pintuan papalabas at papasok. Kaya kong lumabas sa pinakamalapit na pinto pero hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga tunog na iyon.

Tak. Clack. Shik.

Binuksan ko ang bintana. Malakas ang hangin at malamig dahil sa winter. Na dismaya ako dahil naalala ko na nasa 4th floor pala ang classroom ko. Ang ilalim nito at isang solid na semento. Walang halaman. Walang kung anong bagay ang sasalo sa akin kung tatalon ako dito.

Anong kailangan nila?

Bakit nila ginagawa ito?

Tak. Clack. Shik.

Pagbalik ko ng tingin ko sa classroom ay may mga talsik na ito ng dugo. Tinawag ko ang mga pangalan ng mga kaklase ko habang papalakad sa pintuan ng classroom. Walang sumagot. Tinawag ko si Nakajima-sensei. Wala rin.

Naramdaman kong may tumulo na malamig sa noo ko at tumulo ito sa pababa sa pisngi ko. Nang hawakan ko ito ay pulang pula na ang kamay ko.

Pagkatingin ko sa kisame ay nakita ko ang isang babaeng may surgical masks na dumudugo. Nakadikit siya sa kisame at nakatingin siya sa akin. Kumabog ng malakas ang dibdib ko.

Damn! Kailangang makaalis ako dito.

Pero it’s too late... Lahat ng mga nakita ko sa Hanzomon Line platform ay nasa dalawang pintuan ng classroom.

Last resort ko ang bintana pero pagkatingin ko sa bintana at may aktong umakyat mula rito. Dumudugong mga kamay. At bahagyang sumilip ang ulo niyang naka surgical mask din. Naliligo siya sa sarili niyang dugo.

Pero nakangiti siya. Nakangiti siya sa akin. Alam ko.

Dahil nakikita ko sa mga mata niya.

Parang nakikilala ko ang mukhang iyon. Hindi ko lang maalala dahil sa takot ko.

Napasigaw ako at napatayo sa kinauupuan ko. Nagising ako at nataranta akong nakatayo na si Nakajima-sensei sa harapan ko. Sinigawan niya ako at sinabihan na kailangan kong kausapin siya pagkatapos ng klase. Nakatingin lahat ng mga kaklase ko sa akin at natatawa sila. Ngayon lang ako nasigawan ni sensei. Lagi kasi akong active at engaged sa class niya. Lagi akong nagtatanong ng mga bagong vocabulary na pwedeng gamitin sa pagpasok sa Japanese companies. Lagi rin akong nagre-recite sa class niya pero ngayon, nakatulog ako sa class niya. Nakakahiya!

Mabait naman si Nakajima Taro-sensei. Sa totoo lang, masayahin at random siya. At hindi siya talaga nagagalit. E tinulugan ko siya sa klase. Ayun lang. Yung pakiramdam na na-disappoint yung tao sayo, sobrang nakakahiya talaga. Gusto kong lumubog sa kinauupuan ko.  

Matapos ang klase ay kinausap ako ni Nakajima sensei at binalaan akong wag magpapaka-pagod sa mga part-time jobs ko kung naapektuhan nito ang academics ko. Importanteng matutunan ko ang Japanese language na business level dahil gusto kong makapagtrabaho sa isang Japanese company pagkatapos. Kaya nangako ako kay Nakajima-sensei na hindi na ito mauulit.

13:30. Lumabas ng school pero dahan dahan lang dahil sa bukod na nanghihina na ako sa pagod, mamaya pa ang shift ko sa work ng 15:30. Kung kanina ay language student ako,  mamaya ay magigin English language teacher naman ako. Ito ang advantage ng mga Filipinos sa Japan, pwedeng maging English teacher. Kahit anong degree ang natapos mo basta maayos ka mag English, you can get the job. Maganda rin kung may experience ka na bilang teacher sa Pilipinas. May mga ganitong opportunity sa Japan dahil gusto na rin maging open na ang mga Hapon na mag interact globally.

Tumunog ang ringtone ko na soundtrack ng isang basketball anime na kinahihiligan ko.

“Moshi Moshi. Kobayashi to mo imasu.”

(Hello! This is Kobayashi, speaking.), sagot ko sa phone ko. Sa Japan, kailangan mong i-address ang sarili mong surname bilang respeto sa kausap mo.

“Konnichiwa! Shibata-to mo imasu. Ima yoroshi deshouka?”

(Hello! This is Shibata. Do you have the time now?), siya yung assistant ng editor namin na si Tetsu-san.

Tinanong niya kung pwede ba ako pumunta ng Peculiar magazine office ng saglit. -Tungkol daw sa photos na pinasa ko kagabi. Dahil may oras pa naman ako ay pumayag ako.

13:40. Sumakay ako ng train from Omotesando Station going to Shibuya Station. Isang station lang ang layo nila.

Habang naghihintay, tinext ko si Ayako na papunta akong Peculiar office. Tungkol daw sa photos na kinuha ko. Hindi ko pa alam ang detalye.

“Talaga? Mukhang ikaw talaga ang kailangan nila kasi hindi nila ako na-inform about it. See you mamaya sa school!”

Ang vague ng reply ni Ayako sa akin. Pakiramdam ko nawalan na siya ng interest sa 23:57. Hindi kaya disappointed siya dahil ako lang ang pinapunta? Well, kahit naman kasi papuntahin nila si Ayako, mamaya pa ang end ng shift niya, so hindi rin pwede.

Dumating na ang train. Sumakay ako kaagad at pinili kong sumandal sa pole ng train. Naisip ko na baka pakuhanin nila ulit ako ng photos. Hindi kaya for revision ang mga kuha ko? Saka bakit hindi nila tinawagan si Ayako?

No way in hell!

I usually have no problems with revisions and re-shoots. Pero sa sitwasyon na ito lang ako tatanggi. Kung hindi nila tatnggapin ang photos na sinend ko, hindi talaga ako magpapakatanga na kukuha ulit ng photos na malalagay ulit ang buhay namin danger. At hindi lang basta-bastang danger. Mga hindi naming kilala ang mga ito. Ni hindi nga namin alam kung ano sila!

Pagkaangat ko ng ulo ko matapos ang pagbabasa ng text message ni Ayako at pagiisip ng kung anu-ano ay nakita kong nasa harapan ko na ang mid thirties na lalake na nakita ko sa pagitan ng post at wall.

Kaharap ko siya. Nakita ko siya ng malapitan ang napalunok ako ng hangin sa gulat.

Hindi ko akalaing makikita ko siya ng ganito kalapit.

Umatras ako pero it’s too late dahil ang nasa likod ko ay pole. At that moment, naisip ko na dapat ay hindi ako bumalik ng Shibuya Station.

Hinawakan niya ako ng mahigpit sa balikat. Unti-unti ay nawawalan na ako ng hininga…


Nagulat ako nakahawak sa balikat ko na isang passenger din ng train at tinanong ako kung okay lang ako. Tumango ako na may takot pa rin pero pinilit kong ngumiti sa kausap ko para ipakitang okay ako. Kasabay nito ang pagtunog ng auto ng train announcing na nasa Shibuya Station na kami.

13:55. Nakarating ako ng Shibuya Station. Salamat sa efficient train system ng Tokyo. Nadaanan ko na naman ang post at wall pero hindi ko ito pinansin, baka kung anon a naman ang makita ko.

Sa Peculiar office, nandun si Tetsu-san at si Shibata-san sa front door para salubungin ako. Ang weird lang nila dahil nagtitinginan sila na parang senyales na silang dalawa lang ang nakakaalam.

Pumasok kaming tatlo sa meeting room. Ni-lock ni Shibata ang pinto. Pina upo ako ni Tetsu-san sa area na may nakabukas na laptop.

“Explain everything to us, Yuya.” Seryosong sabi ni Tetsu-san sa akin na parang may ginawa akong mali.

Pinakita nila ang sinend kong photos. Normal naman hanggang sa nakita ko ang last photo…

Ang photo ng 23:57 digital clock sa train station na may mga talsik ng mga dugo.

At makiktia sa picture na may babaeng duguan na nakangiti.

Halos hindi na nakakabit ang surgical mask niya dahil hindi nakakabit ito sa isang tenga niya.

Nagulat ako at napaatras pero nagkaroon ako ng realization. May kamukha ang babaeng ito sa photo… Sana nagkakamali lang ako pero malinaw ang kuha kong ito. Kitang kita ko, walang duda…

… Mukha ito ni Ayako.

At may bigla akong naalalang tawa na narinig ko sa kayakap ko ng kunan ko ang photo na iyon…


Hihihi.

Chapter 4 End.

To be continued…


 

RAYKOSEN Creator

4th Incident: Photo 写真