3rd Incident: Surgical Mask マスク
“Mag taxi na lang tayo! Let’s get out of here!” Hatak-hatak ko si Ayako papalapit sa hagdanan na binabaan naming kanina.
“What? Nandito na yung train o!” sagot ni Ayako.
Involuntarily, napatingin ako sa train pero tuloy tuloy pa rin ang paglalakad namin. Katulad ng nasa sa urban legend story, walang katao-tao sa loob ng train. Which leads me to the question…
Is it really okay to get in the train?
Paano kung mangyari nga yung urban legend at nasa loob kami ng train?
Dead end.
Paano kung wala lang talagang tao sa loob ng train at hindi totoo ang urban legend thingy na ‘yun?
Eh di parang tanga lang kaming pumunta dito at aalis din?
Am I being paranoid?
Nalilito na ako. Hindi ko alam kung kailangan ba naming sumakay kami o hindi?
But then, I got what I wanted. I took the photos of the digital clock already.
Kaya sasakay kami ng taxi para sure safe. Tama, yun ang gagawin naming dalawa. It’s funny na ako pa ang gustong umalis samantalang ako itong hindi naniniwala sa urban legends.
Sumara na ang pinto ng train at tumunog na ang beep. Usually, may train staff na magsasalita gamit ang megaphone announcing that the door is closing and the train is about to leave. Pero walang train staff. Actually, walang katao-tao sa Hanzomon platform. Napahinto ako.
Why haven’t we realized that before?
Siguro dahil pareho na kaming pagod ni Ayako. But it doesn’t matter anymore.
Nasa tapat na kami ng first step ng hagdan paakyat ng marinig naming ang series of foot steps sa likuran namin. The foot steps echoes.
Tak. Clack. Shik.
Iba-iba ang tunog ng footsteps. May tunog high heels, flats, at pati ang pagasgas na lakad ay naririnig ko. That’s insane dahil walang tao sa Hanzomon Line platform! Paanong dumami bigla ang tao sa likuran namin? Napatigil ako at tumulo ang pawis mula sa sintido ko hanggang sa panga papuntang leeg. Hindi ako makagalaw kahit gusto kong tumakbo. Tumingin ako sa gilid na hindi ginagalaw ang ulo ko at nakikiramdam.
“May tao pala,” sabi ni Ayako. Lilingon na sana si Ayako ng pinigilan ko siya at hinawakan ko ang ulo niya at nilapit ko sa kaliwang dibdib ko. Saka ako bumulong sa ulunan niya.
Kailangan na nating makaalis dito.
Agad kaming umakyat na kami ng hagdan. Nakita kong malapit na kami sa post at wall habang na pinasukan namin. Bahagya akong napatingin sa baba ng hagdan. Nakita ko partially ang naglalakad na mula lower body hanggang sapatos. May tao nga. Naglakad papalapit ang mga tao sa hagdanan at laking gulat ko ng makita ko ang mga ito.
Sila yung mga naka surgical masks na may red ink smile drawing! Yung mga taong nakasalubong namin sa Shibuya crossing! Naramdaman kong napapisil si Ayako sa braso ko. Nagulat din siya sa nakita namin.
They looked at us with smiling eyes. Empty black pupils na parang hinihigop ka. Nakakatakot. Nakatakip ang mga bibig nila ng surgical masks na may red ink drawing na smiling mouth. Nakatakip man ang mga bibig nila ay— alam kong nakangiti sila.
The smiling mouth drawing ink became a blot. Akala ko noong una ay nag-smudge lang yung ink. Pero mali ako…
Dumami ang blots. Paisa-isa. The blots immediately occupied large portion of the mask. Yung white surgical mask ay nag agad agad na nag-absorb ng red liquid at hanggang sa pumatak sa sahig ang red liguid.
Dumudugo ang mukha nila. And they began to take a step towards us.
Tak. Clack. Shik.
Tunog ng mga sabay-sabay na footsteps.
Shit!
Nanlamig na parang hinipan ng malamig na hangin ang batok ko. Agad kong tinulak papaakyat si Ayako. Dumiretso kami. Dahil sa takot, hindi na kami nakadaan sa pinasukan naming daanan between the wall at post kanina.
That moment, parang pakiramdam ko na dapat talaga lumabas kami sa daanan ng post at wall.
But I have no time for that! Di pa kami nakakalayo sa pagtakbo ay nag iba na ang ambient ng lugar. Lumiwanag at nakarinig na kami ng crowd noise. Paulit ulit na beeps of the passmo cards ang naririnig namin simula nun. Nagsilabasan na ang mga tao na bumaba at nag exit sa train. At naguluhan na naman ako. Walang tao sa train pero bakit bigla na lang may mga nag exit?
Tinignan ko si Ayako. I am very protective of her and I want to feel reliable for her, pero ngayon, hindi ko ma-assure ang comfort niya at halata na iyon sa mukha ko. Wala talaga akong idea kung anong nangyayari.
Pareho kaming hinihingal pero mabilis naming sinabayan ang agos ng mga taong papalabas. Nasa may entrance gate na kami kung saan nagta-tap ng pasmo cards. Wala nang sumusunod sa amin.
I hope.
Pagka-tap ko ng Passmo card ko ay tumunog ito ng error sound.
Shit! Palabasin mo kami! Damn you!
Nahampas ko sa asar ang gate na agad kong pinagsisihan dahil tinignan ako ng masama ng mga tao sa likuran ko na nagmamadali rin lumabas. Nag bow ako as a sign of apology. Nakahahiya. Bawal kasing lumabas yung nakapasok na. Kaya pumunta agad kami sa train staff na nasa gilid ng gate para sabihin na gusto na naming lumabas ulit. Nagtaka yung train staff kung bakit lalabas ulit kami. Nagdahilan na lang kami. Hindi ko na maalala kung anong palusot ang pinagsasasabi ko basta minamadali na namin siya. Kaya naman binilisan din ng train staff ang pag tap ng cards namin sa computer niya para pwede na ulit kaming makalabas.
When I accidentally looked back, nakita ko ulit ang wall at post. At sa gitna nito, ay nakatayo ang naka black coat na lalake.
Naalala ko ang mid thirties na naka brush up at naka surgical mask na nakasalubong namin sa Shibuya crossing. Pulang-pula na ang surgical mask niya at may tumutulong red liquid mula rito. Last time, nakangiti siya, but this time, matalim ang tingin niya sa amin. At ngumiti na naman ang mga mata niya. Tinanggal niya ang surgical mask niya. Pero napansin kong dumudugo na rin ang kamay na ginagamit niyang pantanggal ng mask niya.
Inalis ko ang tingin ko. Ayokong makita. Pakiramdam ko, kapag nakita ko iyon—Hindi ko maipaliwanag pero pakiramdam ko na kapag nakita ko iyon, may hindi magandang mangyayari.
What the hell am I talking about? Lahat ng nangyayari ngayon ay hindi maganda!
Kinausap ako ng train staff at sinabing pwede na kaming makalabas. Naibaling ko ang attention ko sa train staff at nagpasalamat kami ni Ayako. Naluluha na si Ayako. I felt a bit sorry dahil wala rin akong magawa para mawala ang takot niya. Naasar ako, nalilito, natatakot…
Nakalabas na lahat ng tao ang kaming dalawa na lang ang natitira. Napatingin ulit ako sa post at wall. Wala na ang naka surgical mask…
BEEP!
Finally, nakalabas na kami. Pero hindi doon nagtatapos ang kalbaryo namin. Dahil sa labas ng Hanzomon gate ay may hagdanan pa ulit para makalabas ka sa pinaka exit ng station. Damn it! Seriously?! Tumakbo na naman ulit kami at umakyat ng stairs. Malapit na kami sa main exit.
Wala pang few steps ay napahinto si Ayako. Nabitawan niya ang bag niya at paperbag na pinamili naming. Nakayuko siya at hinahabol niya ang paghinga. Gusto ko siyang hatakin pero…
“Totoo ang urban legend, Yuya! Mamamatay na tayo dito!” pasigaw ni Ayako sa akin at nag break down na siya. Hawak-hawak ng dalawang kamay niya ang magkabilang gilid ng tenga niya at humagulgol na siya. And then, napaupo na siya.
Naiiintindihan ko siya. Pagod na kaming pareho at kung anu-ano pa ang mga nangyayari. Kahit sino ay ganito ang magiging reaction. Nakatayo lang ako. Hindi ko rin alam kung paano siya iko-comfort. Pero nag decide ako na hangga’t kaya pa, kailangang makaalis kami. Kinuha ko ang mga nalaglag na bags at hinawakan ko ang dalawang balikat ni Ayako at sinuportahan ko siyang makatayo. Naglakad kami papalabas ng dahan dahan.
Sumakay na kami ng taxi. Alam kong mahal ang pamasahe pero hindi ko na iyon naisip. Ang importante, makalayo kami sa lugar na iyon. Sa loob ng taxi nakita ko ang oras, 0:23 (12:23AM). Tahimik lang sa loob ng taxi nang oras na iyon. Nakapangalumbaba ako at nakatingin sa labas. Pinagmamasdan ko ang paulit ulit na pagdaan at pag-alis ng mga puno at poste.
Totoo ang 23:57 urban legend and we survived it. At iyon ang realization ko ngayong araw.
Nakarinig ako ng tunog ng nalulukot na papel at plastic. Napatingin ako sa direction ng tunog at nakita ko si Ayako na dahan dahang inaayos ang pinamili naming kanina.
Napatingin sa akin si Ayako. Namamaga na ang mga mata niya. Pero agad din niyang inalis ang tingin niya at nagpatuloy sa pagaayos ng dala dala namin.
Alam kong clueless rin si Ayako sa mga nangyayari. Nalilito na rin siya. Pero walang isa sa amin ang gustong pag usapan ang nangyari kanina. Tahimik sa loob ng taxi hanggang makauwi kami.
Nasa third floor na kami ng apartment building namin pero hindi pa rin ako kinausap ni Ayako.
“Sa apartment ko na ikaw matulog,” aya ko kay Ayako.
Hindi ko na hinintay ang sagot ni Ayako at hinatak ko agad siya sa loob ng apartment ko. Sa mga nangyari kanina, hindi pwedeng maghiwalay kami at hayaang mag isa ang girlfriend ko. Kahit hindi naman niya sabihin sa akin, alam ko na kailangan niya ako. At sa nakita ko kanina kung paano siya mag break down, ayokong iwan siyang mag isa sa apartment niya.
Nakahiga kaming pareho sa mattress na magkaakap. Ngayon, ramdam ko na naging reliable ulit ako. Hinahaplos ko ng paulit ulit ang ulunan ni Ayako na nasa dibdib ko.
“Sorry.” Mahinang sabi ni Ayako. Matapos niyang sabihin iyon ay alam ko patago siyang umiiyak.
Maraming ibig sabihin ang ‘sorry’ niya na ‘yun. Kaya I hushed her. Eventually, nakatulog din kami sa sobrang pagod.
The next morning, nagising akong wala na si Ayako sa tabi ko. Nag iwan siya ng post it note sa fridge:
I re-heated the bento the bento that we bought last night.
Kainin mo na lang. Nauna na ako sa work. See you later!
- Ayako
Napatingin ako sa bento na nasa mesa. Kumuha ako ng grape juice sa loob ng fridge at ininom ko iyon. Ayako has other part time job bukod sa English Teaching. Kung ako ay Japanese language student at English teacher. Si Ayako, sa morning ay staff sa isang salon sa Omotesando at co-English teacher ko rin siya. Medyo busy talaga ang lifestyle dito. Bukod pa yung freelance gig namin sa Peculiar Magazine.
‘Wait! Hindi ko pa nga pala napapasa yung mga photos na nakuha ko sa editing department.’ Agad kong naalala na I need to submit the photos as soon as possible.
Sa totoo lang, ayoko talaga tignan ang photos dahil nag flashback na naman yung nangyari kagabi. Part of me is curious though. Kaya, agad kong kinopya ang mga photos na laman ng memory card ng camera ko at tinignan ang mga photos. There’s no trace of supernatural sa mga photos. Kung ano yung pagkakakuha ko, yun rin ang mga nasa photos. I was thinking na makakakita ako ng weird things. But there’s nothing. Somehow, I felt disappointed. I want to know the reasons ng mga events na nangyari kagabi. I saw the time at male-late na ako sa school. I selected the best photos at sinend ko yung mga files sa email nila Shibata-san at sa editor namin na si Tetsu-san.
Agad akong natapos maligo. Medyo basa pa yung buhok ko kaya hindi ako nakapag hair wax. Sa school ko na lang ako mag aayos ng buhok. I checked the weather sa phone ko. 7°. For sure kailangan kong mag three-layered clothes. Within 40 minutes, ready na akong pumasok sa school. I realized na baka magka-asthma ako kasi umaatake ang sakit kong iyon kapag sobrang lamig.
Unless…
Nakita ko ang isang plastic set ng surgical mask ko na nakapatong sa desk ko.
Hindi maganda ang mga naalala ko nang makita ko ang surgical masks ko na ‘yon. But I have no choice, I must wear it. At dahil nagmamadali an ako, kumuha ako ng isang surgical mask at sinuot ito.
Lumabas na ako ng apartment ko at ni-lock ang pinto. Pumasok na ako sa elevator para bumaba. Pushed the ground floor button. Nag double check ako ng laman ng file case ko. Okay, all are in check!
Pagkasara ng elevator door nakita ko ang reflection ko suot ang surgical mask na may smiling mouth drawing in red ink. Ang mas ikinagulat ko ay kasama ko sa loob ng elevator ang mga naka surgical masks na nakita namin sa Hanzomon line platform. This time, their masks were soaked in red liquid.
I checked around me. Walang tao. Ako lang mag-isa sa elevator.
Pero nakita ko sa sahig, may mga patak ng dugo.
Tak. Clack. Shik.
Chapter 3 End.
To be continued…
3rd Incident: Surgical Mask マスク