36th Incident: Last 終わり 

Isinuko ko ang sarili ko nang malaman kong ako pala ang survivor ng last set of people who committed suicide four years ago. Naalala ko na ang lahat.

At tama lang dahil ako ang survivor, I was meant to die anyway.

Sumama ako sa mga multong kumuha sa akin. Ramdam ko na ang pagtusok ng mga matutulis nilang daliri sa laman ko.

Ito na nga pala ang ibig sabihin ng "You are essential." Na sinabi sa akin noon ni Yuichi? Dahil kailangan ko talagang mamatay para mag end ang curse nang pansamantala. Kailangan ko rin mamatay para sa magiging anak ko. Akalain mo, magagawa ko palang mag sacrifice para sa magiging anak ko at para kay Ayako

Sa totoo lang, pinlano ko na itong pagkamatay ko noong nag propose ako kay Ayako. Inilagay ko sa kwintas na ibinigay ko sa kanya ang susi. Nandoon ang susi ng isang box na naglalaman ng life insurance money ko. Pati ang ipon ko. Notes ko, letters, at pati na rin ang mga pinaghandaan ko para sa magiging baby namin ni Ayako. Lahat ito ay naalala ko habang nalalapit na ang kamatayan ko.

Gabi bago ma-kidnap si Ayako ay nag withdraw ako sa ATM. Actually, inilabas ko na ang lahat ng pera ko. Inilagay ko iyon sa isang box. Malaki laki na rin ang naiipon ko. Sapat na ito. Siguro. Actually hindi ko alam kung sapat na ba ito para ma assure ang future ng mag-ina ko. Wala na ako sa piling nila ng mga panahong iyon.

Maingat kong plinano ang lahat. Kung sakali mang dumating ang pnahon na umatake ulit ang mga multo, alam ko na sa sarili ko na dapat akong mamatay. Ako ang only survivor at matagal ko nang alam na ang only solution for this if my death...

I conditioned myself na kung ano man ang mangyari, alam ko sa sarili ko na dapat kong gawin ito para hindi ulit maulit ang scenario nina papa at mama. At ang lahat ng namatay dahil sa 23:57 incident.

Nang tuluyan na akong mamatay, hindi ko na alam kung ano pa ang nangyari kina Ayako, Risa at Rio. Pero alam ko sa sarili ko na ligtas na sila. Ako lang naman talaga ang pakay ng mga multo. Kailangan kong mamatay para makumpleto na kami at matigil na sila sa panggugulo.

Nasa madilim na akong lugar at wala na akong makita kundi ang twelve ghosts na kasama ko. Actually, isa sa kanila ay demonyo...

Ilang araw ang lumipas.

Sa loob ng tren na sinasakyan kong papunta sa Shibuya Station, nakasandal lang ako sa isang pader na malapit sa pintuan.. Bilang lang ang tao sa loob ng train. Walang ingay bukod sa tunog na ginagawa nito sa pag andar nito. At nang makarating ang train sa Shibuya station, may dalawang estudyante ang nakatayo sa harap ng bumukas na pinto. Nakikilala ko ang uniform na iyon dahil doon rin ako nag aral dati. AngRevelAcademy. Isang babae at isang lalake.

"Sigurado ka ba rito? Are we really going to find out about the 23:57 urban legend?!" tanong ng batang babae sa kasama niyang lalake. Takot na takot ito at mukhang napipilitan lang.

"Sigurado ako!" sagot ng batang lalake.

"K-kailangan ba t-talaga nating tumuloy?" tanong ng batang babae.

"Nandito na tayo. Tara na!" hatak ng batang lalake sa kasama niya.

Patuloy pa rin silang sumakay pero tumuloy pa rin sila sa pagpasok sa loob ng train.

At nang sumara ang pinto, tinanggal ko ang surgical mask na suot ko. At lumapit ako sa kanila.

TAK. CLACK. SHIK!

Parami nang parami ang naglalakad. Nandyian na ang mga kasama ko. Nagsimula na akong ngumiti. Hindi ko na ito mapigilan pa. Patuloy kaming naglalakad. At patuloy ang pagpatak ng mga dugo sa sahig. Dahan-dahan na nagmumula sa aking bibig...

Time check, 23:57... 

Time check, 23:57

RAYKOSEN Creator

36th Incident: Last 終わり