35th Incident: Thirteen 十三
Mahapdi pa rin ang mga mata ko kahit nahimasmasan na ako sa kakaiyak. Tulala lang akong nakaupohabang hawak ko ang stone na gawa sa ashes ni mama.
Kumikirot ang ulo pero wala na akong gana para intindihin pa ang sakit. Kaya pala kumikirot ang ulo ko palagi ay tumama ito noon sa edge noong 23:57 Suicide incident. Ngayon ay naiintindihan ko na. Pero sa totoo lang, kahit bumalik na ang lahat ng mga missing memories ko, na realize ko na mas okay pala kung hindi ko na lang naalala. Somehow, I have regrets knowing that I have a dark past that is now destroying my present and is going to affect my future. Ano na nga ba ang gagawin ko ngayon? Paano pa ako magpapatuloy? Ako ang susi ng lahat ng ito. Ako ang survivor. Isa lang ang ibig sabihin nito.
I am the only person who can put an end to this curse.
Nakikita ko si Ayako na nagbabalat ng prutas. Sa gitna ng lahat ng mga nangyayaring kababalaghan sa amin. Isa lang ang sigurado ako ngayon. Gusto kong maprotektahan ang babaing nasa harap ko.
"Ayako, may naisip ka na bang pangalan ng baby?" tanong ko lang para mabasag ang katahimikan.
"Wala pa." sa tono ng boses niya parang naging uncomfortable siya. Nahihiya ba siyang pag usapan ito?
"Kapag lalake, gusto ko sana Yue. Kapag babae, Yuuki."
"Bakit naman? Puros Y ah. Walang A. " tanong niya.
"Yuuki means courage in Japanese. Yue means moon in Chinese." Simple kong sagot sa kanya habang sinulat ko sa ere ang Japanese at Chinese characters ng pangalan.
"Gusto ko yan." Habang natatawa siyang nagpatuloy sa pagbabalat.
Ngumiti lang ako at binalikan rin ako ng ngiti ni Ayako. Inabutan niya ako ng peeled apples. Madalas rin itong ginagawa ni mama sa akin noon. Naalala ko na naman si mama. Kung kaya ko lang umiyak pa, iiyak pa ako. Pero ubos na lahat ng maaari kong iiyak.
"Tatlong araw na pala akong nandito. Anong nangyari habang unconscious ako?" tanong ko kay Ayako.
"Inaral namin ang laman ng filecases. May mga nalaman kami tungkol sa connections ng mga nag suicide noon." Sagot ni Ayako sa akin.
Sasagot na sana ako at magpapaliwanag sa bumalik na ang memories ko pero may kumatok bigla sa pinto. Si Rio, Risa at Mamiya-san ay pumasok.
May dala dala silang mga prutas para sa akin. At napansin ko rin ang mga dala nilang mga magazines, and newspapers. Inilapag nila ang newspapers at magazines sa mesa. Hindi na ako nagsalita.
"How are you?" tanong ni Mamiya-san sa akin.
"I am good." Sagot ko. "And now that all of the remaining cursed ones are in here, I have to tell you something."
"What is it?" napatanong si Risa na napakunot ang noo.
"During the time that I was unconscious, I have recollected all my missing memories."
"Tell us about it." At agad na lumapit sa akin si Rio na interesadong interesado siya base sa reaction ng mga mata niya.
"The thirteen people who committed suicide four years ago are linked to each other. Not necessarily relatives, but linked by situations. In Lieu to that, I now figured out a lot of things about the connections." Umpisa ko.
Sa pagsisimula ng kwento ko sa kanila, napaupo ang lahat.
"Ayako, nakilala ko na si Ayame bago pa kita nakilala. Obsession ka niya noon pa lang. Mendez ba talaga ang apelyido niya?"
"Oo. Pareho kami ng surname. Isang factor din siguro iyon kung bakit naging sobra ang pagiging clingy at panggagaya niya sa akin noon. But she was so scary then. Everytime I remember her, it gives me chills. Kaya ayoko siyang pag usapan noon. Maski ngayon actually. "
Yinakap ko si Ayako ng mahigpit dahil naintindihan ko rin naman ang side niya. Kasi alam ko na ngayon ang perspective nilang dalawa. At sa palagay ko na kahit nakakaawa ang side ni Ayame, may right pa rin si Ayako na manahimik dahil sa trauma na naranasan niya kay Ayame.
"Rio, alam naman natin na schoolmates tayo pero hindi kita naalala kasi elementary ka pa lang noon. Pero nakilala ko na si Gen noon pa. Introvert siya noon pa at ikw lang ang kaibigan niya. At bukod pa kay Gen, si Shuunei rin ang link mo. Link rin ni Shuunei si Oya-san."
Nakangiti lang si Rio. Para bang alam niya na ang ssabihin ko sa kanya. Nakaupo lang siya at naka cross legs. Habang nagsimula na siyang uminom ng tea mula sa exquisite na tasang hawak hawak niya.
"Mamiya-san, Laiya sect ang naging sanctuary ni Dr. Carl at ni Nurse Riiko. I have to be honest with you. They really loved each other and I think you should let go of any lingering feelings that you have for your ex fiancé. You must be free."
Paran na out balance si Mamiya-san sa pagkabigla. Alam niya na dapat ito noon pa. Pero dapat lang na may magsabi nito sa kanya. I mean, yung ipapa realize sa kanya na huwag na siyang magbulag bulagan. Na kahit galit siya kay Doctor Carl Higashi ay kapit na kapit pa rin siya dito. Someone must let her know that she should let go and live her life. Para naman tuluyan na rin siyang makalaya sa sumpa.
"Risa... Ayaw ko man ilabas ito sa lahat pero naging BF mo si Police Inspector Sawada, 'di ba? Bukod kay Rika, si Sawada ang naging link mo sa curse na ito." Diretsahan kong sinabi kay Risa.
Na shock si Risa sa sinabi ko. Siguro balak niyang itago ito pero ngayong alam ko na ang lahat, dapat malaman na rin ng mga kasama ko. After all, lima na lang kaming natitira sa sumpang ito.
"Yeah, nagkaroon kami ng affair ni Police Inspector Sawada. Pero tinapos ko iyon agad dahil nalaman ko na may asawa siya. Pero ayaw niyang tapusin ang relasyon naming at nagpumilit. Hanggang sa lumayo ako. Nalaman ko na lang na nagpakamatay siya." At bigla nang naluha si Risa. Nandoon naman si Mamiya-san para bigyan siya ng comfort.
"Si Shibata naman ay si Kitade ang link. Dahil magkapatid talaga silang dalawa ni Kitade." Patuloy akong nagpaliwanag.
"So pinatay niya ang kapatid niya?" tanong ni Mamiya-san.
"Yeah."
"He is pure evil." Ayako told everyone.
"Habang ang connections naman ni Yamamura ay sina Minami, Hinako at Yoko." Nagpatuloy akong magpaliwanag habang sinusulat ko ang diagram ng lahat ng naisumpa at lahat ng nag commit ng suicide four years ago. "At si Yoko ay ex naman ni Oliver Figueroa."
"Si Daisy. Sino ang link niya." Tanong ni Ayako.
"Si Nurse Riiko. Kapatid ni Riiko si Yuuri. Bale ang link is, workmate ni Yuuri si Daisy." Sagot ko.
"So pwede pala ma link ka kahit ganun ka layo?" sagot ni Risa.
"Kahit sino pwedeng madamay sa sumpa hanggang mabuo ang 13." Paliwanag naman ni Rio. "Kasi 13 lang naman ang kailangang kumpletuhin di ba? I got this clue from lolo while he was explaining his information at the common room."
"So, sino ang link ni Tetsu?" tanong ulit ni Ayako. Siya talaga ang may tanong dito na marami kasi siya ang kasama ko sa lahat ng ito.
"Si Minami. Nagkaroon sila ng short affair." Sagot ko.
"He had an affair with the wife of his buddy?"
"Yeah."
Nagulat na talaga si Ayako sa mga pinapaliwanag ko. Alam ko ang lahat ng ito dahil nakilala ko lahat sila bago sila mamatay.
"Si Police Inspector Ueda naman ay naka link kay Police Inspector Sawada rin. So lahat magkakaugnay." Patuloy ko.
"Para pala tayong nasa spider web ngayon." Sagot naman ni Mamiya-san. Para siyang nawalan ng pag-asa bigla.
"At ako ay linked kay Yuichi Kobayashi. Ang uncle ko. At alam na rin ninyong lahat na uncle ko ang leader. The Laiya Sect was founded by my uncle and I am the successor of the curse. Ang yes, I am really the survivor of the last curse." Ipinaliwanag ko na ang pinaka laman ng mga nalaman kong information. " I can't blame the people who committed suicide. We were victims of our own situations then. Getting my memories back made me understand the people four years ago."
"So what are we going to do now? With them being the ghosts. And with them attacking us. This curse is more than these ghosts. There is something darker." Sabi ni Risa.
"So I guess we should protect ourselves while we can." Dagdag ni Rio.
"Are we safe here?" tanong ko.
"This is the Red Cage. No spirits, vengeful ghosts nor demons can enter this place without my permission." Paliwanag naman ni Rio.
"Just in case, I am here to make them vanish." Risa added.
Rio offered the newspaper.
"Oh. Kunin mo. Hanapin mo si Shibata diyan. Kapag nahanap mo, lilibre kita ng Takoyaki. Kapag wala, ililibre mo ako ng 1 whole Strawberry shortcake."
Hindi ko alam kung iniinis ako ng taong 'to o pinapatawa e.
Agad ko na lang kinuha ang newspapers at magazine. Una kong kinuha ang Peculiar Magazine at hinanap ang section ni Ayako at Risa. Totoo nga. Naka publish ang collaboration nilang dalawa. At wala na rin si Shibata at Kitade sa mga staff na nakalagay sa issue. Hindi ko alam pero this magazine managed to continue its circulation even without the two front runners.
Wala nga si Shibata sa newspaper. Nandito ang case ni Kitade but it was reported as a suicide case. Alam naman naming lahat na hindi pero ito ang ibinalita.. Nabalita rin ang pagkamatay ni Police Inspector Ueda at ang itinurong salarin ay si Kitade. Pati na rin ang pagkamatay ni mama na sinabing suicide rin. Maraming manipulation sa pangyyaring ito.
Ibig sabihin ay bukod sa mga multo, ay may mga taong ma impluwensiya ang gumagawa nito. Matindi na talaga ang mundo ngayon. Hindi lang multo ang dapat mong katakutan. Maski ang mga tao mismo. Walang traces ng kay Shibata at hindi rin nagsalita ang mga nasa Peculiar Magazine tungkol sa pagkawala ni ng bagong chief editor. That idea alone is already scary.
Paano nga naman ibabalitang nawawala si Shibata. Pero nakakainis ang nangyaring ito dahil hindi ko lang man ako nakaganti personally sa ginawa niya sa akin.
"Now that you're awake. Let's do something to end this curse." Sabi ni Rio sa akin.
"I know." Sagot ko.
"Paano nga ba matatapos ang curse na ito?" tanong ni Mamiya-san.
"Ako na ang bahalang gumawa ng paraan. Sa ngayon, uuwi muna ako sa bahay. I need to see my dad." Sagot ko habang inihanda ko na ang damit ko at gamit.
"Sasamahan na kita." Sabi ni Ayako.
"Ako na lang."Sabi ni Rio. "Maiwan ka na rito Ayako."
"Bakit?" tanong ko na nakakunot ang noo ko.
"Seriously tinatanong mo ako? Alam mo, makakasama kay Ayako ang mastress at mapagod sa stage ng pagbubuntis. Mas okay kung kasama niya ang isang babae sa medcal field. At isang babae na kayang magtaboy ng mga multo. Sina si Tama 'di ba?" habang nakatingin si Rio kina Risa at Mamiya.
"At tayong dalawa naman, dapat magkasama tayo palagi." Biglang sabi ni Rio at hinawakan ang braso ko.
"Bitawan mo nga ako." Inialis ko ang kamay niya sa braso ko. Iba na 'to a. Aba!
Pero ayun nga, iniwan muna namin ang mga babae sa Red Cage at kasama kong umuwi si Rio. I need him to be with me kasi mas kailangan kong mag ingat tungkol sa pwedeng gawin sa akin ng mga ghosts. Lalo na at naaalala ko na ang lahat.
Pagkauwi ko ng bahay ay nagulat na lang ako sa masangsang na amoy. Hinanap ko ang pinanggagalingan ng amoy na iyon. Wala sa kusina. Wala sa living room. Wala sa veranda at wala rin sa CR. Tinawag na lang ako ni Rio sa kwarto at nagulat siya sa nakita niya.
Dahan dahan akong lumapit kay Rio at pumasok sa kwarto nila mama at papa. Nakita ko si papa na nakabigti sa kwarto. Hindi na humihinga at nilalangaw na. Nagsuka ako sa nakita ko. At halos mabaliw baliw ako dahil hindi ko inasahan ang pangyayari. Wala na si papa.
Wala na akong idea kung paan ko isasalba ko ang sarili ko sa sitwasyong ito. Nawala na ang lahat ng energy ko sa katawan. Pati na rin ang will ko sa buhay ay nawala na rin. Lahat ng pamilya ko ay patay na. ako na lang ang mag-isa. Ano na ang gagawin ko ngayon? Gumuho ang mundo ko ng mga panahong iyon.
Tumawag si Rio sa mobile phone at kausap niya si Risa. Ikinwento niya ang nangyari sa mga babae. Sinabi niyang mag taxi na lang at siya na raw ang magbabayad. Agad rin niya itong ibinaba matapos makipag-usap. Inireport ni Rio ang incident sa police. Matapos ang investigation at interrogation sa akin ay nag decide ako na umuwi na lang ng bahay. Sinamahan naman ako ni Rio dahila kailangan rin niyang umuwi sa apartment na siya na ang bagong may-ari. Hindi man sinasabi ni Rio, ramdam ko na concerned siya at hindi niya ako pwedeng iwanan.
Nang nasa bahay na ako ay hindi pa rin umaalis si Rio sa tabi ko. Matapos ang ilang higit kumulang isang oras ay dumating na ang mga babae. Una kong nakita si Ayako na pumasok. Umiiyak na siya agad.
Bigla bigla na lang akong yinakap ni Ayako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.. Hindi ako pumalag. Kahit ang yakap ng girlfriend ko ay hindi nakatulong. I am no longer confused nor sad.
I am just... empty.
Dalawang araw rin akong nagkulong sa kwarto. Sa Japan, kailangan mong maka recover agad. Kaya kailangan sa Monday ay okay na ako. Pero sa totoo lang hindi ko alam kung makakarecover ako. Ang tindi ng mga nangyayari ngayon dahil sa curse na ito.
Patay na pareho ang mga magulang ko at "only child" lang ako ay hindi ko alam kung ano pa ang silbi ko. Kung anu-ano ang pumapasok sa utak ko pero nang makita ko ulit si Ayako, napaisip ako na dapat magpakatatag ako. Magiging daddy na ako at kailangan kong maging malakas kasi I have two lives under my care. Sila na lang ang meron ako at dapat hindi ko na hahayaan pang may mangyaring masama sa kanila.
Nakapag desisyon na ako.
Kinabukasan ay doble doble na ang ingat namin. Kailangan pa rin naming isipin ang real world habang umiiwas kami sa dangers ng curse. Kaya naman ay suot suot na naming ang charms na ibinigay ni Risa at ni Rio. May mga asin na rin kaming naka stock sa amin.
Magkakasama pa rin kaming lahat. Si Mamiya-san ay isinara muna ang clinic niya. Si Rio ay sumama sa amin. He actually hired someone to manage the apartment for him. Si Risa naman ay nakapagpasa na pala ng mga articles ahead of time. At kaming dalawa ni Ayako ay papasok na sa English school na pinagtatrabahuan namin sa Shibuya.
Good thing naman ay wala kaming mga na encounter na mga multo. Pero may nakikita lang akong mga black smoke aura na humahabol sa amin. Pero ang ginagawa ko ay inilalayo ko si Ayako doon ay nagsasaboy ako ng asin. Pero may co-teacher ko ang nakapuna sa ginawa ko kaya medyo naging discreet naman ako at maingat sa paglalagay ng asin.
22:45. Oras na natapos ang shift namin. Sabay na kaming umuwi ni Ayako.
"Kain tayo?" aya ko sa girlfriend ko.
"Uwi na lang tayo. Magluluto ako." Sagot naman ni Ayako sa akin ng nakangiti.
"Nice!" tuwang tuwa ako. Biglang may nag text sa akin. Si Rio.
"Sino yan?"
"Sabi ni Rio nasa Private I Café daw sila ni Risa at Mamiya."
"E di mas okay, magluluto na lang ako para sa ating lahat. I mean we need to stick together para mas makapagplano ng mga next moves natin about the curse"
"Parang mas maganda kung dalawa na lang tayo." Sagot ko na may naughty tone.
"Umayos ka nga." Pinandilatan ako ni Ayako.
"Ok fine." Actually na miss ko lang yung privacy naming dalawa.
23:22. Nasa Private I Café na kami at nakipagmeet na kami sa tatlo. Hinahanap naming sila. Actually, hinahanap ko lang yung lalaking pink ang buhok.
"Loverbirds! Dito!" sigaw ni Rio sa amin ni Ayako habang kumakaway at kinukuha ang attention namin. Actually nakukuha na nila ang attention ng lahat ng nasa Private I Café. Nakakahiya talaga!
"Anong orders ninyo?" tanong ni Mamiya-san sa amin na handa na manlibre. Pero pinigilan siya ni Ayako.
"Let's have dinner at Yuya's place. I will cook for you guys." Aya ni Ayako. This is totally not my idea. I did not sign up for this.
"Yay! Ako na mag grocery pagdating natin sa area mo!" alok ni Rio at natuwa naman si Ayako.
"Ano ba ang lulutuin mo?" tanong ni Risa.
"Pinoy food siguro. Kare Kare?"
"Tara! Uwi na tayo. Bilisan natin!" hatak ni Rio sa kamay ni Ayako.
"Aba! Bitawan mo nga siya." Banta ko kay Rio habang masama ang tingin ko sa kanya. Dapat hindi niya ginaganyan ang fiancée ko. "Teka lang muna. Kasama ka ba?"
"Sabi ni Ayako-chan kasama ako." Sumagot pa tong pink haired dork na 'to.
"Nee, Ayako-chan! Gusto mo ng lighter? Last time I checked, sira ang stove ni Yuya. Kakailanganin mo yan." Sabi ni Rio habang hawak hawak ang kulay pink na lighter.
"Paano mo nalaman?" gulat na gulat kong tanong.
"Remember, ako na ang may ari ng apartment building? Alam ko lahat. Nalaman ko noong wala kang malay for days."
"Hindi mo lang man pinaayos?! Ikaw ang bagong landlord!"
"Kaya nga may lighter ako 'di ba?" sagot ni Rio sa akin. Nakakainis!
"Ugh! Akin na nga yan!" kinuha ko ang pink na lighter sa kanya.
23: 45. Tumuloy na kami sa Shibuya station. At nataon pang nawala ang passmo card ko. Wala na akong oras hanapin iyon. Actually maibabalik pa sa akin iyon pero baka kinabukasan pa. Wala na akong oras kaya naman ay bumili na ako ng panibago.
Nang makapasok na sa station ay nagulat na lang ako nang makita ko si Hinako sa gitna ng post at wall. Tinatawag niya kami. Nagkatinginan kaming lahat. Hindi naming inaasahan ito. Pero oo nga, malapit na mag 23:57 at hindi namin ito namalayan.
Nagulat na lang ako nang biglaang pinigtas ni Hinako ang charm ni Ayako. Mabilisang tumakbo si Ayako papunta kay Hinako. Sinundan niya ito. Hindi ko alam kung bakit niya ito sinundan kaya hinabol ko siya. Wala kaming nagawa at pumasok kami sa gitna ng post at wall. Lahat kami.
23:50. Nakita ko si Hinako na katabi niya na si Ayako. Kitang kita ko sa mga mata ni Ayako na wala na siya sa sarili niya. Para siyang lango. Tulala. Para siyang naka drugs. Anong nangyayari? Ang ikinatayo ng balahibo ko ay nang makita kong yakap yakap ni Hinako si Ayako at ang ulo nito ay nakapatong sa tiyan ng fiancée ko.
"Lumayo ka sa mag-ina ko!"
Nang oras na iyon ay nagulat na lang ako ay bigla na lang hinatak ni Hinako si Ayako sa madilim na parte ng lugar ng railway na kung saan galing ang dumadaan na train. Ibinaba siya ni Hinako doon at hindi na nakakilos si Ayako at tulala pa rin. Delikado yung lugar na iyon! Doon dumadaan ang paparating na mga train! Shit! 23:51 na! 6 minutes na lang darating na ang train! Kaya agad akong dumiretso ng sunod. Bumaba ako sa platform.
"Yuya!" tawag nina Risa, Rio at Mamiya sa akin. Balak rin bumaba ni Rio pero pinigilan ko siya.
"Bantayan mo sila Mamiya at Risa. Mas kailangan ka nila ngayon." At saka na ako dumiretso papasok sa madilim na lugar ng train railway.
Naririnig ko na ang pagsita ng mga train staff sa akin pero patuloy pa rin ako sa paglalakad. At nariringig ko rin ang pagpigil ni Rio dito. Parang narinig ko rin na parang napaaway pa si Rio. Makukulong kami sa ginagawa naming ito. Bahala na! Kailangan hindi ako madelay sa paghabol kay Ayako.
Madilim talaga ang rail at wala akong makita na kahit ano. Mas nakakatakot ito dahil hindi mo alam kung ano ang nasa paligid mo. Hindi mo rin alam kung paparating na ang train. Ano mang oras ngayon ay pwedeng dumaan ang train dito. Buti na lang at kinuha ko ang lighter kay Rio kanina. Nagamit ko ito para maging ilaw. May silbi rin si Rio talaga. Naku salamat!
Pagkaliwanag ay nagulantang ako nang makita ko na ang mga mukha ng twelve ghosts na nakapalibot sa akin. Mga mukha nilang walang masks ang unang una kong nakita. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Wala si Hinako dito. Nagdudugo ang mga mukha nila at galit na galit.
Nagulat man ako pero hindi ako natakot. Ang goal ko lang ay mahanap si Ayako.
"Kyaaaaahhh!" Hanggang sa narining kong sumigaw si Ayako mula sa dulo. "Yuyaaaa!"
Agad akong tumakbo papalapit kay Ayako at nakita ko na naman na yakap yakap na siya ni Hinako. At ang sunod kong nakita ay si Ayame nang bahagya dahil kakaunti lang ang naiilawan ng lighter na hawak ko. Hawak hawak ni Ayame ang balikat ni Ayako.
Nawala ang attention ko sa kanila nang may bumulong sa likuran ng tenga ko. Nanlamig ako at tumayo ang balahibo ko.
"Let's have a negotiation." Boses ito ni uncle Yuichi.
"Anong negotiation?"
"In order to save Ayako, you must complete the thirteen." Sagot niya.
Agad ko nang nakuha ko na ang gusto nilang mangyari. Gusto nilang ako ang kapalit ni Ayako.
Hihihi!
Iyon ang tawa na ayoko nang marinig. Patuloy akong natatakot para kay Ayako. Hanggang sa ang lahat ng mga multo ay nagsipuntahan na kay Hinako.
"Si Hinako ang leader naming lahat. At siya ang kausapin mo para sa deal." Sabi ni Yuichi sa akin.
"What?!" Naguluhan ako pero nalalamig na ako nang marining ko ang revelation na iyon sa akin ni Yuichi.
"Para klaro sa iyo, kay Hinako sumapi ang pinaka root ng sumpang ito." Paliwanag ni Yuichi sa akin. "Kaya siya ang totoong leader namin. At ako lang ang image leader para paniwalaan ninyo."
"Bata ang leader? Hindi pwede iyon?" bwelta ko.
"Hindi naman siya bata. Hindi siya tao. Hindi rin siya multo." Sa mga sinabing ito ni Yuichi. Natakot ako. Nanlamig at natigilan.
"Demonyo si Hinako."
Shit! Doon na ako nagsimulang manlamig at hindi ko namalayan ay nagkamali na ako ng hawak sa lighter. Napaso na ako ng apoy sa lighter ko kaya nabitawan ko ito. Mabuti at hindi ito namatay.
Agad akong nagsaboy ng asin sa paligid. Kinuha ko si Ayako at binuhat siya. Sinaboy ko ang asin ulit. Ibinigay ko sa kanya ang charm na meron ako.
Tuloy tuloy na ako sa pagtakbo nang mapansin kong may tumatakbo na rin papalapit sa amin. Nagmumula sa harapan ko. Shit! Ano 'yan?!
Sillhouette ito ng isang babae. At unti unti ko na itong nakilala. Paparating si Mamiya! Nagulat ako at sumunod siya.
"Anong ginagawa mo dito?! Bumalik ka!" sigaw ko sa kanya habang patuloy ako sa pagtakbo at buhat buhat si Ayako.
Hindi siya sumagot. Tinulungan na lang niya ako sa pagbubuhat kay Ayako. Nagulat ako nang biglang kunin ni Mamiya ang charm niya at isinuot niya ito sa akin. Ang mas lalong ikinagulat ko ay nang biglang hinatak si Mamiya ng isang multo pabalik ng kadiliman. Hanggang sa maraming kamay na ang nakahawak sa kanya.
"Anong?! Mamiyaaaaa!!!!" sigaw ko. Iyak lang ng iyak si Ayako na sinubukang bumalik pero pinigilan ko siya.
"You need to live! Both of you! I am okay. I can be with him now..." Huling mga salita ni Mamiya sa amin. Siya ang nagsakripisyo para mauna kami sa platform. Kinuha na siya ng mga multo papunta sa dilim.
Gusto kong sagipin si Mamiya pero huli na ang lahat. Pikit mata kong na lang siyang iniwan doon.Nakita ko na lang ang lumuluha niyang mga mata habang nilalamon na siya ng kadiliman sa train rail.
I am sorry Mamiya! I am so sorry!
Dumiretso na kami at umiiyak si Ayako dahil sa pangyayari.
Nagsilabasan na namang muli ang mga multo ng last incident mula sa dilim ng train railway. Ito na siguro ang pinaka nakakatakot na naranasan ko so far. Ang habulin ng mga multong ito at hatakin pabalik sa nakakatakot at madilim na lugar na iyon. Pero patuloy lang kami ni Ayako sa pagtakbo.
23:56. Nakarating kaming dalawa ni Ayako. Si Risa ay nakaantabay na sa amin at nakaready na ang kamay niya para tumulong. Habang si Rio naman ay nakikpagsapakan sa dalawang staff ng train station. Nakita kong napigtas na ang mga charms na meron si Rio dahil sa napaaway siya. Delikado!
Iniakyat ko si Ayako sa platform at sa tulong ni Risa ay naging mas mabilis ang pag akyat niya. Pero nagulat ako lalo nang makita kong ang mga multo ay inatake na si Risa. Particularly Rica na agarang sinakal si Risa. Agad namang ginamit ni Risa ang dugo niya para maitaboy ang mga multo. Pero huli na ang lahat...
Hindi ko rin namalayan na hawak na ng mga multong ito si Ayako. Hostage na nila si Ayako dahil bawat isa ay may mahahabang kuko na. May kukong tutusok sa tiyan ni Ayako. May nakahawak sa leeg ni Ayako. May tutusok ng puso ni Ayako. May kukong nakatapat sa mata ni Ayako.
Si Rica naman ay nakasakal na ulit kay Risa. At maraming nakapigil sa kamat at paa ni Rio na mga multo at kasabay nito ang mga epal na train station staff na pinosasan siya. Nagsisigaw lang si Rio dahil hindi siya makakalaban hangga't hindi gamit ang mga kamay niya. Sinubukan pa rn niyang pagsaboy ng asin pero wala na itong silbi.
Wala na akong choice.
"H-huwag niya siyang sasaktan." Naluluha luha at nauutal kong pagmamakaawa ko sa mga multo habang hawak hawak nila ang fiancée ko.
Hihihihi!
Tawang narinig ko mula sa dark side ng train railway.
Biglang lumabas si Hinako at nakangiti siya habang naririnig ko ang mga yapak niya.
"Ngayon Yuya. Alam mo na ang gagawin mo." Sabi niya sa akin. "Ikaw na ang susunod."
Nakakatakot ang boses ni Hinako. First time kong marinig na magsalita si Hinako. First time niya akong kausapin ng ganun at hindi ko maipaliwanag ang takot na naramdaman ko noong mga panahong iyon.
Binulungan ako ni Hinako pero wala na akong maintindihan sa sobrang takot ko. Basta ang alam ko lang, dapat kong maitigil ang sumpang ito.
I have decided.
It must happen.
I cannot avoid it.
Kailangan ko na rin naman itong gawin para mailigtas ang mga natitira pa.
Tinanggal ko na ang charm. At mabilisan naman akong kinuha ng mga multo.
Ramdam ko ang mga malalamig na kamay na nakahawak sa akin. Hindi na ako nagpumiglas pa. Alam ko rin naman na kailangan kong mamatay. Dapat ginawa ko na ito noon pa. Bakit hinintay ko pang umabot sa ganito?
"Mahal na mahal ko kayo ng baby natin." Umiiyak kong sinabi ito kay Ayako.
"Yuyaaaaaaa!!!!" Kitang kita ko ang muka ni Ayako na umiiyak at. Kapit kapit siya sa kamay ko.
Pero ako na mismo ang bumitaw.
At nilamon na ako ng mga multo papunta sa madilim na area ng train railway. Mas naramdaman ko ang takot dahil wala akong makita pero ramdam na ramdam ko ang mahihigpit na mga hawak sa katawan ko. Ang nakikita ko na lang ang digital clock ng train station...
23:57.
Dumating na ang train. Ramdam ko ang mabilis na impact ng rumaragasang train sa katawan ko. Nagsuka ako ng dugo. Sa tindi ng impact, lasog lasog na ang katawan ko. At hindi ko na alam kung saan napunta ang ibang parte ng katawan ko. Ganito pala. Alam mong mamatay ka na pero nakakapagisip ka pa rin.
At nanlabo na ang buong paningin ko at tumigil na ako sa paghinga. Hindi ko nga alam kung naipikit ko pa ang mga mata ko. Dumilim ang lahat.
Sa pagkamatay kong ito, maililigtas kayong dalawa ng baby natin, Ayako. At kahit paano maliligtas na rin sina Risa at Rio.
At ngayon, kumpleto na ang mga namatay.
I am no longer a survivor.
Kumpleto na ang thirteen na nagpakamatay four years ago...
35th Incident: Thirteen 十三