34th Incident: Real 実在
"Yuya... Ikaw ang survivor ng 23:57 incident..."
Nagulat ako sa sinabing ito ni mama. Kung ako nga ang only survivor ng 23:57 suicide five years ago, ibig bang sabihin, did I really tried to commit suicide years ago? I mean, did I commit suicide then?
Paano? Wala naman akong maalala! It's impossible.
Pero mas nagulat at kinabahan ako nang tuluyan nang mawalan na ng hininga si mama. Nanginig akong tumawag sa mobile phone ko pero low batt na ako. Naluluha akong napatingin sa kasama ko. Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas na boses sa bibig ko. Nilapitan naman ako ni Rio para pakalmahin ako. Lalapit naman si Ayako pero pinigilan siya ni Risa. Siabing hindi advisable na ma stress din siya. At si Mamiya-san naman ay tumawag na rin sa phone pero parang hindi siya successful sa pagtawag dahil walang sumasagot sa kabilang linya. Pinulsuhan na si mama ni Rio at kitang kita sa mukha niya ang gusto niyang sabihin tungkol sa sitwasyon ni mama. Nagyakapan naman sina Ayako, Risa at Mamiya-san.
Kumpirmadong patay na si mama.
Hindi pwede! Ayokong maniwala. Ano ba naman 'to? Iniisa isa na nga talaga kami ng sumpang ito.
Agad kong kinarga si mama at tumakbo. Umiiyak akong dala dala siya kahit na nangangalay na rin ang mga braso ko. Hindi ko na alam kung gaano na kalayo ang naitakbo ko hanggang sa naramdaman ko na ang sakit ng binti ko. Bumigay na ito at napaupo ako. Napansin kong nagdudugo na ang isa kong paa dahil naiwan ko nap ala ang isa kong sapatos.
Pero walang katumbas na sakit ang naramdaman ko nang makita ko na lang ang mukha ng nanay ko. Wala na nga siyang buhay. Kawawa naman ang nanay ko. Hanggang sa napaiyak na lang ako.
Sa totoo lang, pagod na pagod na ako. Naririnig ko na lang ang takbo at boses ng mga kasama kong sina Risa, at Rio sa likuran ko. Habang sa harapan ko naman ay nakita ko ang papalapit na police na nagpapatrol pag gabi. Naka bisikleta itong papalapit sa akin. Hanggang sa nawalan na ako ng energy at kasunod nito ay nahimatay ako. Parang nag shut down na lang ako. Sa tindi ng stress, fatigue, at horrible situations na dinanas ko ngayon, natural na lang siguro ang mahimatay ako.
Kumirot ang ulo ko pero hindi na ako makagalaw sa sobrang kapaguran. Naramdaman ko lang na parang nabagok ang ulo ko sa sahig. At nawalan na ako ng malay...
Itim na lang ang paligid. Hindi ko alam pero parang pakiramdam ko ay nakakulong lang ako sa madilim na lugar na ito.
Nang dumilat ako ay nasilaw ako sa ilaw at ingay ng mga tao. Nagulat na lang ako sa biglang pagkadilat ko ay nasa Shibuya station na ako. Nagtaka ako sa mga nangyayari dahil busy ang mga tao sa paligid ko. Kanina lang ay nasa Ebisu ako pero ngayon ay nasa Shibuya Station na ako.
Nalilito ako. Anong nangyayari? Mas lalo pa akong nalito nang makita ko ang mas lalong ikinagulat ko. Isang lalake sa harapan ko ang naglalakad papalapit.
Ako ba 'yan?!
Nakikita ko ngayong ang sarili ko na naka leather coat, leather pants at boots. Hindi ko maalala ang sitwasyon na ito. Dire-deretso lang siyang naglalakad papunta sa akin. Medyo awkward ng dating dahil nakakasalubong ko ngayon ang kamukha ko.
At tumagos siya sa akin. Anong ibig sabihin nito?
Ito ba ang missing memories ko?
At kumirot na naman ang ulo ko na para nag tinutusok ng karayom. At maya maya pa ay may mga ala-alang biglaang pumasok sa utak ko. Bumibigat lalo ang pakiramdam ko dahil parang pinipilit na ipasok sa utak ko ang lahat ng mga bagay na hindi ko na maalala.
Ang mga memories na nangyari years ago...
It wall began when I was 15... Matagal na akong pabalik balik ng Pinas at Japan kasama si mama para bisitahin si papa at makapagbakasyon na rin. Pero nang mag 15 ako, nakapagdesisyon na kami ni mama na manirahan na sa Tokyo. And desisyon na iyon ang magpapabago ng buhay ko... ng buhay namin.
Bagong lipat kami noon sa apartment sa Asakusa. Maraming kailangang asikasuhin. Ang health card ko, student ID, school enrollment, residency card, at mga documents para sa pagtira ko sa Japan. Although, marami na kaming inasikasong documents at paperworks noong nasa Pinas pa lang kami, hindi pa rin madali ang pagtira namin sa Japan. Pero ang pangako lang sa akin ni mama at papa noon ay magiging masaya kami sa Japan.
Dumaan ang mga araw na nakaramdam na ako ng pagkabagot. Wala akong makausap. Basic Japanese lang ang alam ko. Walang mga kasing edad ko akong kapitbahay. Iba ang surroundings. Ibang iba sa Pinas. Hindi ako sanay. Tahimik ang mga tao. Although friendly naman ang mga tao pero hindi ko sila ka age bracket. Mga mattanda na ang mga nandito. Baka sa vicinity ko lang dito na puro matatanda.
Hanggang sa may dumating sa bahay. Ang bunso at ang nagiisang kapatid ni papa. Si Yuichi Kobayashi. May dala dala siyang pagkain, bulaklak at camera. Binigay niya ang bulaklak kay mama, ang pagkain kay papa at sa akin ang camera. Nagulat talaga ako noon. Tuwang tuwa ako. Nalaman nihyang mahilig ako mag take ng pictures noon pa. Nakikita niya siguro sa mga inaupload ko sa social media noon. Pinagusapan nila ni papa na dapat hindi ako iniispoil ng ganun. Pero depensa ni uncle, ngayon na lang kami ulit nagkita kaya dapat may regalo siya. Saka alam rin niya na pwedeng maging outlet ng boredom ko ang photography. He is so cool! At matapos makipag usap namin kay papa ay inaya ako ni uncle na sumama sa park dahil mailap at mahiyain pa rin raw ako.
Bumili muna siya sa vending machine ng inumin. Autumn noon pero mainit kaya may wide selection of iced and hot drinks.
"What do you want to drink" tanong niya sa akin in English. Fluent siya at nagulat talaga ako. "The vending machine has lemon soda and iced tea."
"Iced tea please." Sagot ko sa kanya.
Sa village park kung nasaan ako ngayon at si uncle ay nag-usap kami. Pinapanood namin ang mga pamilyang naglalaro. Kung hindi naman puros matatanda ay babies at pamilyado na ang mga nadirito. Paano ba ako magkakaroon ng kaibigan dito?
"Do you miss your family back home?"
Hindi na ako nakasagot.
"I know you are still adapting here but you will like here soon."
"There will be struggles along the way but you can always rely on your uncle."
"Come to me when you feel like you're sad. Don't think of me as your uncle. Think of me as your friend. Okay?"
"How old are you?"
"30."
"I am only 15. That means you're twice my age."
"Just shut up. Okay. Hahaha! You're so rude. I am not sure if I will laugh or get annoyed about it. Hahaha!"
Kinabukasan ay naging jogging buddy ko na si uncle. Siya ang unang naging kaibigan ko sa Japan. Minsan naman ay busy kaming pareho sa photography. Kaya pala niya ako binigyan ng camera kasi pinaglumaan niya na iyon. Langya! Photographer din pala siya sa libreng oras niya. Ang sabi niya sa akin ay hobby lang niya ito at iba pa talaga ang totoong trabaho niya.
Naka enroll ako sa isang international school mainly offered for half bloods and for foreign students. Nang magpasukan na ay nagulat na lang ako nang malaman kong Physical Education teacher ko pala ang uncle ko. Ang saya! Kahit pala medyo nangangapa pa ako, maswerte pa rin ako.
Pero nagbago ang lahat nang maging target ako ng bullying case...
Sa unang linggo ko sa eskwelahan ay hindi ko pa dama ito. Nagsimula ito nang mag second week. Naramdaman ko bigla ito nang ako na ang pinagbabayad ng mga kaklase ko school lunch at gumagawa ng school assignments. Nang subukan kong tumanggi ay naging target ako lalo ng mas malalang klase ng pambubully.
Nagumpisa na sa paninira ng school shoes, upuan, at mga gamit ko. Sumunod ang pagbangga sa akin hanggang sa pananakit. Maraming beses akong nasusuntok sa loob ng restroom. Hindi ko binabanggit ito kina mama at papa dahil alam kong mas makakagulo lang ako sa sitwasyon namin. Lal na at nalaman kong medyo mahirap ang finance ng pamilya namin dahil na rin nagkaroon ng kaaway si papa sa opisina nang malamang may asawa siyang Filipina at anak na isang half Japanese half Filipino. Alam kong hindi naman lahat ng Japanese ay racists pero mayroon pa ring iilan na hindi tama ang ginagawa kapag hindi ka puro. Ayoko na mas lalong makagulo lalo.
Pero ang pananahimik ko ang mas lalong gumawa ng ingay para sa mga nambully sa akin. Mas lalo akong inuudyok. Akala ko kapag nanahimik ako ay titigil na sila. Pero hindi. Kaya nagsumbong ako. Pero doon sila mas lalong lumala sa akin.
Matindi ang nangnyari sa akin. Isang araw, matapos ang klase ay hinatak ako sa loob ng CR. At binuhusan ng malamig na tubig. Hinatak ako sa sink area at hinubaran ng pants. Hinubaran. Hinawakan ang braso, kamay, paa at binti ko. At saka sila kumuha ng pictures gamit ang cameras sa mobile phones nila.
Doon ko naramdaman na mahina ako. Walang akong kwenta. Ka lalaki kong tao, hindi ako nakalaban. Hanggang sa dumating si Yuichi, ang uncle ko at pinagkukuha ang mga cellphones. Nagbanta at pinaalis ang mga bullies. Pinahiram sa akin ni uncle ang extra P.E. uniform sa akin pero naka slippers lang ako. Maswerte na rin ako dahil makakauwi akong may damit. For the first time in my life, awang awa ako sa sarili ko.
Hindi ko makaklimutan ang araw na ito. Sabi ko sa sarili ko. Pero mali ako. Ito ang magiging rason kung bakit mapipilitan akong makalimot sa nakaraan ko.
Umiinom ako ng tea kasama si uncle. Matindi ang pinagdaanan ko ngayong araw kaya pinigilan ako ni uncle na umuwi sa bahay at magstay na lang sa bahay niya habang nilalabhan ang damit ko at i-dryer na rin.
"If they ever bothered you, tell me. You can tell me everything." Sabi ni uncle sa akin habang iniabot ang chips ka akin.
"Thank you for today, uncle."
"Don't mention it. Just be sure to call me if something bad happens. I hate it when you're pretending to be brave by hiding these to your parents." Bigla niyang sagot. "You can rely on your uncle. Oh... don't call me uncle. It makes me feel old. Just call me Yuichi."
Napatango na lang ako at natawa. Hindi na ako nakapagsalita. Buti na lang nandito si uncle. Buti na lang may kausap ako ngayon. Kahit hindi ako nagsasalita, pinakikinggan ko lang siya ay nadidistract na ako sa mga negatibong bagay na pwede kong gawin.
"I know you tried to kill yourself. Don't do that. You are not alone." Sinimulan na akong kausapin ni uncle tungkol sa bullying case.
"There are people like you who can help. The thing is... Are you willing to seek for help? Are you willing to be enlightened?"
Napatango ako. Buti na lang talaga at nandito si uncle.
"Then come with me tomorrow after your class. I can introduce you to the people who can help you out. You are not alone..."
Doon na nagsimula ang tiwala ko kay uncle. Kay Yuichi pala. Doon ay naging parang kabarkada ko siya. Parang hindi ko nga siya uncle. Parang kapatid ko na.
Kinabukasan ay hindi na ako ang naging target ng pambubully ng mga kaklase ko. Nagpapasalamat talaga ako kay uncle. Pero ang nakakalungkot lang ay may iba at bago na silang target. At kahit gusto kong pumigil sa kanila, wala akong magawa. Baka ako ang balingan nila ulit. Kahit wala na ako sa pagiging biktima ng pambubully. Ramdam ko pa rin na hindi ako kumportable. Ipinamukha lalo sa akin ng pangyayaring ito ang kaduwagan ko.
Matapos ang klase ay naglinis ako ng classroom dahil isa ako sa mga cleaners. Dumating si uncle at tinawag niya ako. Pinaalala niya sa akin ang tungkol sa "meeting". Kampante naman ako. Ang hindi ko alam ay magiging daan iyon para sa 23:57 incident.
Bumaba kami sa Shibuya Station. Dumaan muna kami sa Private I Café para bumili ng green tea at maraming drinks na halong kape at sweet drinks, at mga cakes.
"Bakit ang daming cakes at drinks kang pinamili, uncle?" tanong ko na nagtataka.
"Sabi ko huwag mo na akong tawaging uncle e!" naiiinis na sagot ni uncle.
"Yuichi pala..."
"Well, marami tayong makakausap mamaya sa meeting. Magugustuhan mo sila."
At agad na kaming lumabas ng café. Napadaan kami sa isang building na katabi ng Peculiar Magazine. Habang nakikita ko ang Peculiar Magazine office building, namangha ako. Alam ko na sa sarili ko na doon ko gustong makapasok. Nakabasa na kasi ako ng issues na kopya na meron si uncle sa bahay niya.
At sa isang maliit na building ay pumasok kami. Nag elevator para makarating sa pinakataas na floor. Ang 13th floor.
At nang makarating te 13th floor ay pumasok kami sa isang kwarto na may putting bulaklak na sign sa pinto. Laiya Sect ang nakasulat.
Sa loob ng kwarto ay parang isang chapel na may white flower na symbol sa harapan. Ang lahat ay mataimtim na nagdadasal.
Ano ba ang nangyayari? Ano bang meeting ito? Doon na ako nakaramdam ng takot dahil ang weird ng lugar na ito. Dumiretso si uncle sa harapan na kasama ako. At tumigil ang lahat sa pagdadasal. Bilang lang ang mga tao sa chapel na ito. May tatlong mga bata at ang iba ay mga halos kasing edaran o mas bata ng kaunti kay uncle. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Lahat sila ay malalalim ang mga mata.
This situation I am in is really weird. They, looking at me, made me feel very awkward.
"Hi guys. This is my nephew, Yuya." Pagpapakilala sa akin ni uncle sa mga taong nasa isang kwarto. "He is the thirteenth petal. The one who will complete us."
Huh?! Thirteenth petal? Hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari.
At dahil nakita ni uncle ang pagkalito sa mukha ko, humarap siya sa akin at nagsimulang magpaliwanag.
"This is the Laiya Sect. A private group of people who encountered clinical depression. People here were bullied. Some has financial issues. Some has issues with health. Some with their families. Some with their status. All of us here lost our hope. These people knows exactly how you feel, Yuya."
At napatingin ako sa kanila. Lahat sila ay may problemang malala? Pati ang mga bata? Pati ang isang batang babae sa dulo na kasama ng nanay niya? Nakita kong sugatang ang binti ng bata. Hindi ko alam ang sitwasyon pero ramdam ko nga na lahat ng tao rito ay may kanya kanyang sitwasyon.
"And I am the leader of this group. I plan to pass this group to you. You are an essential one. The one who will succeed me." Hawak hawak ni uncle ang balikat ko habang sinasabi niya iyon sa akin. Pakiramdam ko ay literal na bumigat ang balikat ko sa sinabi niyang iyon dahil mabigat na responsibilidad and iaataw niya sa akin. Nakita na naman niya siguro ang uncomfy na mukha ko sa sinabi niya.
"But do now worry. I will wait till you're ready. Right now, I just want you to be with us."
Isa isa kong nakilala ang mga taong nasa chapel. Kinilala ko muna yung mga nakakabata. Bawat araw ay may nakikilala akong is o dalawang miyembro at nalaman ko ang purpose, situations at pain nila.
Una kong nakilala si Ayame Mendez. 14 years old. Heartbroken siya dahil nawala sa kanya ang bestfriend niya. Ayako daw ang pangalan. Gusto lang naman daw niyang maging mabuting bestfriend kaya ginawa niya ang lahat para sa bestfriend niya. To the point na nagpa plastic surgery siya para maging kamukha niya ito. That is ridiculous! Fourteen pa lang siya. Hindi kapani paniwala pero iyon ang sinabi sa akin ni uncle. Grabe! Obsession niya ang bestfriend niya. Hindi ko nga alam kung Mendez ba talaga ang apelyido nito. Ang alam ko lang ay twisted siya. At sa unang beses ko siyang nakilala ay nakaramdam na ako ng eerie vibe mula sa kanya.
Si Gen Kawashita naman ay school mate ko at junior ko, 11 years old. Biktima rin na pambubully. Nakilala ko lang siya nang makita ko ang nalaglag niyang ID sa bag niya. Nalaman kong schoolmate ko siya. Nasa elementary department siya kya siguro hindi ko siya gaanong nakikita. Ang nakakatakot lang ay tahimik si Gen. Hindi umiimik. At nang makita ko siya personally sa school, iniiwasan niya ako. Sinamahan naman siya ng isang albino na kaibigan niya na nakasalamin. Parang may kamukha siya na kakilala ko ngayon.
Nag sumunod na mga araw, nakilala ko sina Doctor Carl Higashi at Nurse Riiko Katou. Nagtatrabaho sa Shibuya Hospital. Nakilala naming sila nang ipagamot naming ng patago ang mga sugat na nakuha ni Gen dahil sa pambubully sa kanya. Si Doctor Higashi ay isan 32 year old doctor. Magkaibigan na sila ni uncle. Isang 20 year old nurse na may kapatid na waitress of Private I Café naman si Nurse Riiko. Pakiramdam ko ay mayroong "something" ang dalawang ito dahil para silang couple kung mag usap. Sweet sila kapag nasa chapel pero kapag nasa labas ay parang casual lang sila. Mas naintindihan ko ang lahat nang pumunta kami kasama si uncle sa Private I Café. Nakita namin si Yuuri na waitress na kapatid ni Nurse Riiko. Kasama ni Yuuri and isa pang witress na si Daisy. At sakto na nandoon rin ang fiancée daw ni Doctor Carl Higashi na nakasalamin. Nagulat ako s mga nalaman ko. The doctor is commiting adultery.
Sunod kong nakilala si Police Inspector Sawada, 28. Kasal na siya at may brother in law rin na Police Inspector at kasamahan pa niya sa Shibuya Ward. Kasama niya palagi ang brother in law niyang si Police Inspector Ueda. He is like our protector in terms of legalities. Siya rin ang nagsilbing underground protector namin. Pero nalaman ko na bukod sa buhay married at work life ay may affair din siya sa isang newbie na mystery at article writer na si Risa Miyake.
Nalaman ko ito dahil ka member namin ang isa pang member ng Laiya Sect na si Rica Miyake. 19. Step sister ni Risa Miyake na may affair kay Police Inspector Sawada. Si Rica naman ay maganda. Tahimik at mayroon siyang personal issues with her health. Rica is dying. She has a malignant stage 4 lung cancer. Her only comfort is to be in a group like Laiya Sect. She knows that she will die soon and she doesn't want her sister and her family to know. She must get her life insurance for her family. Somehow, naaawa at humanga ako para kay Rica. She is a wonderful person.
Magkakasama palagi si Rica at ang matandang babae na si Nanami Kitade. Para niya na itong ina sa loob ng Laiya Sect. Si Nanami ay 42 years old pero mukha siyang mas matanda pa sa edad niya. She looks very depressed. May anak daw siyang babae na aspiring editor at naalala niya si Rica dito. Pero may isa pa siyang anak na lalake na anak niya sa isang rape incident na nangyari sa kanya noon at ipinaampon niya ito sa isang powerful at rich family of Shibata clan. Hirap siya sa buhay at ang only way for her to relive he stress is to be with Laiya Sect.
Iba naman ang sitwasyon ni Minami Yamamura. 29 years old. Isang housewife rin. Asawa ng isang Investigator. She is very happy with her financial status. However, masyadong busy ang asawa at bored siya palagi sa bahay. Actually may mas malalim pa pala siyang kwento bukod sa boredom. Hindi siya magkakaanak dahil baog siya at simula nang malaman ng asawa niya iyon ay lumamig na ito sa kanya. Provided naman siya finance aspect pero nalaman niyang may affair ito since six years ago. Pero hindi niya pa alam kung sino sila hanggang sa ngayon. Inamin niya na nagkaroon siya ng maikling affair sa isang Chief Editor ng Peculiar Magazine. Bestfriend ng asawa niya pa ito. Kaya somehow, ang pagsali sa Laiya Sect ang redemption niya para sa sarili.
At sobra ang ikinagulat ko nang makilala ko ang mag inang sina Hinako Uchida at si Yoko Uchida. Si Hinako ay 6 years old at ang ina niya naman na si Yoko ay 27 years old. Ayon sa pag open up nila sa akin, si Yoko ay nagkaroon ng affair sa isang Investigator at nagkaroon sila ng anak na babae. Pero dahil babae ito, hindi ito pinanagutan ng nakabuntis sa kanya at gusto itong ipalglag. Hindi ito ginawa ni Yoko. Binuhay niya ang bata. Nalaman naman ito ng detective at wala na siyang nagawa. Itinago nila it okay Minami for six years. Actualy hanggang ngayong timeline na ito. Yes, si Yoko ang ka affair ng asawa ni Minami.
Iba naman ang sitwasyon ni Hinako. Matatakuting siya at laging nakakapit sa mama niya. Takot na takot siya palagi. Sinubukan ko siyang kausapin pero hindi ko makausap ng maayos dahil natatakot siya sa akin. Ipinaliwanag naman ni uncle at ni Yoko na biktima si Hinako ng child abuse. At ang sarili niyang papa ang nananakit sa kanya. Hindi matanggap ng detective na tatay niya na babae ang anak niya at hindi niya actually ito kinikilalang anak. Payat si Hinako. Maraming sugat at pasa sa binti at braso. Nang palitan ito ng nanay niya ng damit ay nakita ko pa ang payat nitong katawan at mas marami pa ang sugat niya sa katawan. Ganun rin ang sitwasyon ni Yoko. Biktima sila ng physical abuse at hindi nila ma ireport sa police dahil detective and bumubugbog at may sikreto silang dapat na ingatan. At ang rason nila kung kaya nasa Laiya Sect sila ay para magkaroon sila ng safe place at makaiwas sa taong nananakit sa kanila. Kahit na kasama nila mismo sa grupo ang tunay na asawa ng ka affair ni Yoko. Sa totoo lang, matindi itong nalaman ko tungkol sa kanila.
Si Shuunei Uno naman ay nakilala ko dahil magkakilala sila ni Gen Kawashita. 34 na si Uno-san. Para naman siyang normal. Pero mayroon rin siyang own share of pain. May kakambal siya at anak sila ng isang owner ng isang apartment. Si Shuunei is outgoing and positive. Parang hindi niya na kailangan pang sumali sa Laiya Sect. Pero ang totoo, depressed siya nang malaman niyang ang kakambal niya ang next heir ng Sakurada surname. Ang surname na gusto niyang mapunta sa kanya. At kasabay nito ay nagkagalit pa sila ng kakambal niya dahil sa isang babae. Hindi ko alam pero kahit pala surname ay pwede na rin magin isa sa root ng depression at pain mo.
At ang leader naman na si Yuichi Kobayashi. 30 years old. Kapatid ng tatay ko at uncle ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan mabuo ng Laiya Sect. Mukha siyang normal. Napakatapang niya. Siguro yung katapangan niya ang naging reason kung bakit gusto niyang buuin ang Laiya Sect. I tried to know him more as time passes by. He is my hero and idol. Inihaon niya ako sa pagkalugmok sa depression dahil sa bullying case. Wala pa rin akong nalaman tungkol sa kanya. I mean tungkol sa motivation at reason kung bakit niya binuo ang Laiya Sect. Ano ba talaga ang pain mo uncle?
May itinatago ka ba sa akin?
At ako naman ang nag open up sa kanilang lahat tungkol sa pangyayari sa buhay ko. Naintindihan nila ako. Maraming nabubully sa Japan at naiintindihan nila ako. Nakaramdam ako ng comfort. Nakaramdam ako na somehow, I am saved. Naintindihan ko lalo ang Laiya Sect. Lahat kami ay mga broken people na gusto lang magkaroon ng isang lugar na walang mananakit, magj-judge, magdidikta, at mangingialam sa amin. Isang sanctuary namin na kung saan ay safe kami sa lahat ng external forces na pwedeng makapanakit sa amin. Emotionally, Physically or Mentally.
Halos araw araw na akong nasa Laiya Sect chapel. Lagi kaming naguusap. Nagdarasal. Therapy ko na siguro ito. Sa loob ng Laiya Sect chapel, ramdam ko na safe ako. Ramdam ko na walang makakapanakit sa akin.
Sa labas ay tingin ng iba ay kami ay kulto. Pero ang hindi nila alam ay naghahanap lang kami ng comfort dahil lahat kami nawawalan na ng pag-asa. Lahat kaming nasa Laiya sect ay mga biktima lang.
Tuwing pumupunta ako ng Laiya Sect chapel ay ginagawa ko ang profile ng bawat kasama ko. Lahat ng mga kasama ko ay kinuhanan ko ng photos. Inilagay ko sa isang file case. Kasama ako sa profiling. Lahat ng data ay nandoon. Hindi ko alam pero parang sinasabi ng sarili ko na dapat ko itong gawin. Ang wala lang gaanong info ay si uncle. Pakiramdam ko ay weird ako noon pero hindi ko alam na magagamit ko pala ang profiles na iyon sa tamang panahon...
Dumaan ang mga araw na naging mas masaya ako at parang naging reliant ako sa mga kasmahan ko sa Laiya Sect. Hanggang sa nalaman ito ng parents ko at pinigilan akong pumunta pa sa Shibuya. They felt that I am being obsessed and I am separating myself with school and in real world. Pero ang naiisip ko lang noon, and Laiya Sect ang mundo ko. Ito lang ang nakakatulong sa akin. Itong grupo lang ang kailangan ko.
Isang araw ay nalaman ko na lang na nagtatalo si Papa at si uncle. Kumampi ako kay uncle. Hanggang sa binulalas ni papa na nagagalit siya kay uncle dahil may gusto siya kay mama. Nalaman ko na si uncle ay may issues with dad and that he admired my mother for the longest time. Si Yuichi talaga ang nanligaw kay mama noon. English Teacher kasi ni mama noon at estudyante niya si uncle. Pero nang malaman ni uncle na nagustuhan ni mama si papa ay naglayas siya. Bumalik rin naman matapos ang ilang linggo pero simula noon ay naging casual na lang. Pero ang sabi ni papa ay naiinis siya tuwing binibigyan niya ng white flower si mama noon. So ito pala ang pain ni uncle... Ang forever na heartbroken dahil ang babaeng gusto niya ay hindi magiging kanya kahit kalian.
Patuloy pa rin ako sa pagpunta sa Laiya Sect pero patago na at mas kakaunting oras na lang ang nilalaan ko. Masaya naman ako dahil ang Laiya Sect ang naging sandalan ko sa recovery ko sa depression. Noong panahong iyon akala ko ay okay na ako. Pero hindi ko inaasahang may nagaabang pang malalang mangyayari.
January na noon at para na itong bagong simula ng 2011 ko. Akala ko ay ok na talaga ang lahat nang biglang nakatanggap ako ng message mula sa isang group chat ng class namin. Isang link. Noong una ay hindi ko pinansin dahil busy ako sa school activities.
Napansin kong may mga ngumingisi sa akin na mga kaklase ko tuwing dumadaan ako ng school corridor. At ang mga babae kong kaklase ay nandidiri sa akin. Hanggang isa sa mga kaklase ko ang nagpakita sa akin ng link ng group chat.
Ang mga hubad kong larawan sa CR noong pinilit nila akong hubaran at hawak hawak nila ang braso at paa ko. Naka upload ito sa social media at naka tag ako sa mga pictures.
Nakakahiya! Kalat na kalat na ang pictures ko na iyon. Nanghina ako. Winasak nito ang mundo ko. Tiawanan lang ako ng mga kaklase ko at pinahiya pa ako lalo na may printed version pa ang mga pictures ko. Sinabihan pa ako na wala na akong mukhang ihaharap sa lahat kaya mabuti pang magpakamatay na lang ako.
Masamang masama ang loob kong tumakbo at dumiretso sa comfort place ko. Sa Laiya Sect. At tulad ng inaasahan, nandoon ang mga kasama ko. Umiyak ako para mailabas ko ang lahat ng sama ng loob ko.
Nakakahiya! Ayoko na pumasok bukas!
Ano bang kasalanan ko sa kanila? Bakit ba nila ito ginawa?
At dumating naman si uncle.
"Three days from now, January 27, all of us will end our suffering." Sabi ni Yuichi sa akin. "After that, you will become an essential person for this whole event."
Hindi ko pa alam ang ibig sabihin niya pero gusto ko na ring matapos na ang lahat ng ito. Kinabukasan naman ay hindi na ako pumasok. Hindi na rin ako umuwi.
Sinubukan kong mag online at kalat na kalat na ang napakarami kong photos online. Nanghina ako sa mga comments sa photos ko. Mga hate comments at lalong na highlight ang mag commit na ako ng suicide.
January 27, 2011. Dumating na ang araw na sinabi ni uncle. Nalilito pa rin ako sa mga nangyayari. Gabi na noon. Ang alam ko lang ay hinahanap na ako ng mga magulang ko pero ayokong magpahanap.
Lahat kami ay pinagsuot ng surgical masks. Naglakad kami papasok sa Shibuya station. Pumasok si uncle sa gitna ng post and wall. Hindi ko alam kung bakit napagaya kaming lahat. Hawak hawak kaming lahat.
23:55. Nakatayo na kami ng nakahilera sa Shibuya Station Hanzomon platform.
"Listen everyone. At 23:57, we will all jump and end all of this." Huling sabi ni uncle sa aming lahat. 23:56 na noon at nagulat talaga ako.
Ito ba ang inasabi ni uncle noon pa? Biglaan ito. Hindi ko alam na ito pala ang ibig sabihin ni uncle. Gusto kong mag back out pero naisip ko na kapag hindi ko ito itinuloy, mabubuhay ako sa kahihiyan. Mabubuhay akong nakatatak na sa akin ang kahihiyang may kumakalat akong photos. Gusto ko na lang mamatay...
Hawak hawak kaming lahat. Tumingin ako sa kaliwa at nakangiti ang mga mata ni uncle. Kitang kita kong nakangiti siya kahit naka surgical masks pa siya. Nang tumingin naman ako sa kanan ay nakita ko si Yoko Uchida. Katabi niya ang anak na si Hinako. Nagulat ako lalo. Oo nga pala may 6 years old kaming kasama.
Hindi ko namalayan na pati ang bata ay kasama sa bilis ng pangyayarng ito. Sinubukan kong kumalas sa pagkakahawak pero mahigpit ang hawak ni uncle sa akin. Sa kabilang kamay naman nakahawak ang kamay ng partner ni Yamamura at nanay rin ng batang si Hinako. Bakit idadamay ang bata? Bakit kailangang mamatay ni Hinako?
Maraming pwedeng dapat na mabuhay dito. Si Ayame ay 14 pa lang. Si Gen ay 11 pa lang. Mahaba pa ang buhay nila. Kailangan ba talagang tapusing sa ganitong paraan? Maraming hindi dapat ang nandito.
At tumunog na ang signal tone na may paparating na tren at narinig ko na rin ang announcements. Pinilit kong makakawala nang papalapit na ang tren para itulak si Hinako, Ayame at Gen. Pero natisod ako. I slammed my head to the edge ot the post. I hit so hard that I only saw them all dying. Their blood splashed towards me.
23:57. I failed to save the kids. Nakita ko ang mga mukha nilang nagdudugo na binabalutan ng surgical masks. Pero ang mas lalong nakakagulat ay nang dumudugo na ang ulo ko at halos mahihimatay ay nakita kong ngumiti si Hinako. Tumawa pa ito.
Hihihihihi.
Sa sitwasyon ngayon ay hindi ko na alam kung tama pa bang nabuhay ako. At nawalan na ako ng malay...
Nakita ko ang sarili ko na nabagok at papalapit si mama sa akin at yakap yakap ako. And then, I saw my mom coming towards me. She was crying and behind her is Tetsu who has my file case. Kinuha niya ba iyon sa bahay namin?
Malakas na pagkabog ng dibdib ko ang naririnig ko sa paligid.
At nagising na ako. Nasa hospital na naman ako at hinahabol ang paghinga ko. Narealize kong panaginip lang ang lahat. Panaginip na pinaalala at binuo ang mga nawawala kong alaaala sa past ko.
Una kong nakita si Ayako sa harapan ko. Alam ko ang lugar na ito. Ito ang Red Cage. Ang lugar kung saan nakatira si Rio. Bakit ako nandito?! Pero naisip ko rin na mas mabuti na nandito ako. Buti hindi ako dinala sa Shibuya Hospital. Na realize ko na ang lahat ng nangyari habang tulog ako ay recollection na lahat ng mga nangyari noon sa akin.
Inalala ko ang lahat. At naluha ako. Masaya akong buo na ulit ako. Pero hindi ako masaya sa mga naalala ko. Lalo na at nang sumagi ulit sa isip ko ang nangyari sa warehouse at nang mabaril ni Shibata si mama.
"Nasaan si mama?" una kong tanong habang nagpapanic. Actually alam ko na rin naman ang maririnig ko pero umaasa pa rin ako.
At ibinalita sa akin ni Ayako na patay na talaga si mama. Doon na nagsibalikan ang lahat ng alalaala ko. Noong panahong nag collapse ako dahil sa kagagawan ni Shibata. Bumigat na lalo ang pakiramdam ko. Gumuho ang mundo ko.
Agad naman akong yinakap ni Ayako. Kahit papaano, sa pagyakap niya sa akin ay naramdaman ko na may kasama ako. Na hindi pa rin ako nagiisa.
Nalaman kong tatlong araw na akong walang malay sa ospital. At nai cremate na si mama. Iniabot sa akin ni Ayako ang isang stone version na extracted from partial of mom's ashes. Hawak hawak ko ito at yinakap. Umiyak ako. Hindi ko na mapigilan ang lungkot ko. Hindi ko na mapigilan ang sakit na nararamdaman ko.
Iniiyak ko ang lahat. Ngayon wala na si mama, malaking parte ko ang nawala sa akin. Mahal na mahal ko si mama. Doon mo pa lang pala lalong mare-realize ito lalo na pag wala na sayo ang taong iyon.
Patuloy akong umiiyak habang mahigpit na mahigpit akong humahawak sa stone. Para ulit akong batang paslit. Kailangan ko ang mama ko.
Ang sakit sakit.
Kakayanin ko pa ba ang mga susunod na mga mangyayari?
34th Incident: Real 実在