33rd Incident: Twist ねじれ
"Anong ibig sabihin nito Ayako?!" tanong ko sa girlfriend ko.
"Yuya—" sagot ni Ayako sa akin. May idudugtong pa sana siya na sasabihin sa akin pero biglang ibang boses na nagsalita sa likuran ko.
"Nabuntis mo si Ayako?" bulong ng boses. "Congrats! Nakabuo ka!"
Nagulat talaga ako. Akala ko may multo sa likuran ko. Si Rio lang pala! Hindi ko alam pero parang nasira ang moment naming dalawa ni Ayako. Nakakaasar na talaga ang taong ito.
"Umalis ka dito!" asar kong sigaw kay Rio habang tinutulak ko siya palabas.
"W-wait!" sabi ni Rio. Pero patuloy pa rin ako sa pagtulak hanggang sa isinara ko na ang pinto ng restroom. Wala na ang pampagulo.
Tumahimik ang paligid. Hinintay kong magpaliwanag si Ayako. Ayokong mag assume. Gusto kong malaman mismo at manggaling mismo kay Ayako ang rason kung bakit siya naduduwal, at napahawak sa tiyan niya.
"Buntis ako, Yuya." Mahinang umpisa ni Ayako "Magiging daddy ka na."
Hindi ko maipaliwanag pero parang kakaiba yung feeling. Naghalo halo.
Of course masaya ako. Masayang masaya dahil magiging dad na ako. Masaya kasi finally, this gave me another reason to pursue my life further. Masaya kasi hindi ko maipaliwanag, basta masaya lang ako sa narinig kong balit.
Pero kasabay ng hindi ko maipaliwanag na kasiyahan ay ang takot. Takot ako para sa buhahy ni Ayako. Takot ako dahil hindi pa kami nakakawala sa sumpa. Takot ako dahil hindi ko alam kung makakawala pa nga ba kami sa sumpa. Takot ako para sa buhay ng baby ko.
Kaya siguro takot rin ang expression ng mukha ni Ayako nang hawakan niya ang kamay niya. Kaya rin pala hindi siya makatakbo kasi delikado para sa baby. Ang dami ng tumatakbo sa utak ko at hindi ko pa alam kung paano ako magre-respond kay Ayako. Pero ayoko naman magkaroon ng confusion mula sa side niya. So I want to clear things up.
"I am so overwhelmed. I am going to be a dad soon! I am both happy and scared for your lives." 'yun na lang ang nasabi ko.
"How did you know that you're pregnant?" naitanong ko kasi gusto ko rin makasigurado. Hindi dahil nagdududa ako para sa kanya. I just want to be sure about everything para alam ko ang susunod kong gagawin.
"I consulted secretly before. When I found out that I am going to be a mom, masayang masaya ako. Pero marami rin akong takot. I know exactly how you are feeling right now. Kakaiba ang situation natin lalo na't may sumpa tayong kalaban. Natakot ako sa pwedeng mangyari sa atin. Kaya sinikreto ko. Actually, balak kong isikreto pero ang baby mo na yata ang gustong magsabi sa iyo."
"Poprotektahan ko kayo ng baby natin, Ayako." Pangako ko sa kanilang dalawa habang hawak hawak ang tiyan ni Ayako. "Trust me."
"Naalala mo noong nag stay ako sa kwarto mo noong nalaman natin ang curse ng 23:57?" biglaang tanong ni Ayako sa akin.
May nangyari nga pala sa amin noon. Napangiti na lang ako dahil sa gitna ng mga nangyayari noon, ay isang blessing ang dadating. Kaya gagawin ko ang lahat para walang masamang mangyari sa inyong dalawa...
Lumabas kaming dalawa sa restroom at dumiretsong living room.
Nakaabang si Mamiya-san, Risa at Rio. Habang nagpapahinga naman si papa sa sofa. Sinabi ko sa kanila ang balita at ipinaliwanag ang sitwasyon ng pagbubuntis ni Ayako.
"Naramdaman ko na na ang pagbubuntis niya noon pa lang." sabi ni Rio. "Pero hindi lang ako nagsasalita."
Ito na naman siya. Ito na naman ang kaepalana ng taong ito.
"Oo nga! I can sense that she is a soul inside her tummy already. Noong hiningal siya sa pagtakbo natin ay pinapunta ko kayo sa alley hindi ba? Ang purpose ko is to protect the baby as well. Pag napagod si Ayako ay lalong delikado. " paliwanag ni Rio. "Naramdaman ko rin ang sitwasyon ni Ayako. I can sense a new life inside of her according to her inner chi." Dag dag naman ni Risa sa amin.
"Pero ayun nga, pasensya na at hindi ko naprotektahan ang papa mo Yuya." Biglang naging balisa si Rio. Sinisisi niya talaga ang sarili niya sa nangyari kay papa.
"Don't worry. I am not blaming you. It is not your fault Rio." Assurance ko sa kanya. "Ang mga multo ang dapat na isipin natin ngayon. Lalo na at importanteng malaman natin ang pinaka effective means to protect ourselves to them."
"Wala rin kasi siyang charm noon. Kaya mas hirap kaming protektahan ang lahat. Pero no worries, may charm na akong ipinasuot sa papa mo." Dagdag naman ni Risa sa amin habang itinuturo ang bracelet na nakasuot kay papa.
"Salamat." Nakangiti kong sagot kay Risa at Rio "Ang dami ng mga nangyari ngayon. Buti na lang kasama naming kayo. Maraming salamat.
"Paano ba natin mapoprotektahan ang bata? Hindi siya dapat madamay sa lahat ng ito." Dagdag kong tanong dahil bilang ama, syempre nagaalala ako nang lubusan.
"Sa ngayon, may temporary akong solution bago ang actual solution para ma protektahan ang bata, si Ayako at ang mga sarili natin." Sabi ni Rio sa amin.
"Ano ang mga yun?" sagot ni Mamiya-san.
"Temporary solution, you need to guard ourselves and protect Ayako at all costs. We can make it happen if we wear charms, bring salts and I will provide a blood in a mini bottle for you to use to protect yourselves from random attacks of the ghosts.." paliwanag ni Rio. "Actual solution, we need to find the real survivor and that person has to die for us to be free of the curse."
"Are there any actual solutions?" sagot ko.
"I am not sure. Basta the goal is, let's find the real survivor and the other impostor. Then we can decide soon on what to do." Hindi direktang sinagot ni Rio ang tanong ko. Pero parang doon na rin hahantong ang sagot na hinahanap ko. Kailangang mamatay ng survivor.
Nakakatakot na isipin na kailangang patayin para mabuhay kaming lahat. Ito ba ang purpose nitong sumpa, guluhin kami at magpatayan?
"Ang sabi ni Shibata, siya ang last addition among the thirteen cursed ones." Iniba ko na lang ang usapan "Napaisip ako. Paano nagkaroon ng connection si Shibata sa 23:57? Hindi ko alam pero based on my analyzation, wala siyang kamag-anak na nagpakamatay noon."
"Si Kitade ang connection niya according to what I heard in the Peculiar office before, pinsan niya si Kitade." Sagot ni Ayako sa akin.
At napaisip ako, kung pinsan niya si Kitade-san, malamang inutusan niya ito na mag spy sa amin. Kaya malamang, marami nang nalalaman ngayo ni Shibata sa amin. Nakakatakot isipin na isang tulad ni Shibata ang naghihintay lang ng ikikilos naming para makagawa siya ng mga ipaplano siya.
Natahimik ang lahat. May kanya kanya na kaming iniiisip. Siguro dahil alam namin sa sarili namin na si Shibata ang pinaka nakakagulat na revelation sa lahat ng mga pangyayaring ito.
Maya maya ay binigyan kami ni Risa ng panibagong charms na tatagal ng ilang linggo. Naglalaman ito ng kanyang dugo at may enkantasyon na rin ito.
"Ingatan ninyo itong mabuti. Katulad ito ng suot ng papa mo Yuya. Isa itong charm na may laman ng dugo ko. At tatagal ito ng isang linggo ayon sa inkantasyon ko." Paalala ni Risa sa amin. "Wag niyo itong iwawala sa katawan ninyo. Kahit sa pagligo. Or else, mawawala san proteksyon nito sa inyo."
"Pwede itong mabasa?" tanong ko.
"Oo. Basta huwag lang mapipigtas." Sagot naman ni Risa.
Lumipas ang anim na araw na nabuhay kami na parang normal lang.
Naka recover si papa mula sa sugat niya. Kasama niya si mama sa isang room sa clinic ni Mamiya-san for three days. At eventually ay umuwi na rin silang dalawa sa Asakusa. Ang talagang residential address nila. Ipinaalam ko rin kay mama ang sitwasyon ng charms na ibinigay ni Risa.
Nag focus akong maging English Teacher at iniwasan ko muna ang Peculiar Magazine. Ang passion ko para maging Article Photographer ay naisantabi ko muna. Pero may sideline jobs pa rin ako sa ibang Fashion magazines. Ayun nga lang, hindi regular na weekly gig tulad ng sa Peculiar Magazine. Simula noon ay nagfocus rin ako para sa pwedeng maging future ng baby namin. Magiging tatay na ako kaya dapat kumita ako ng mas malaki. Kailangan kong kumayod para sa magiging anak naming ni Ayako.
Si Risa ay balik sa pagsusulat. Isa rin siyang writer para sa isang Gothic Lolita Fashion magazine na kung saan ako currently working as a freelance photographer.
Si Mamiya-san naman ay nagpatuloy na naghahanap ng impormasyon. Habang bukas ang clinic niya as a psychiatrist.
Habang si Rio naman ang naging heir ng apartment na inuupahan ko. Pero sa Red Cage pa rin siya nakatira. Ang lolo niya na si Oya-san, ay ipina cremate na rin ay kasalukuyang nagluluksa pa rin.
Ang balita ko, si Shibata ay nakakapasok pa rin ng opisina na parang wala lang. Paano kaya siya nakakapagtrabaho sa mga ginawa niya? Sana lang at hindi ko na siya makita muli. Pero ang totoo niyan, nagpapalamig lang rin kami dahil inaalam rin naming ang totoo ng patago tungkol sa 23:57.
Kahit na namumuhay kami ng normal ngayon, hindi pwedeng ibalewala ang katotohanang bukas ay wala ng bisa ang epekto ng charms na ibinigay ni Risa sa amin. Pitong araw lang ang epekto ng charms na ito sa amin.
Habang nagtuturo ako ng English sa isang Japanese student ko, naramdaman ko na naman ang kirot ng ulo ko. Matagal ko na hindi nararamdaman nito a. Pero agad din namang nawala ang kirot. Kaya naman ay ibinalewala ko na ulit at nagpatuloy sa regular na ginagawa ko.
"Lasapin niyo na ang araw na ito dahil bukas, back to regular curse na ulit tayo." Group message text ni Rio sa amin. Para namang tanga 'tong si Rio. Hindi ko alam kung nangaasar or nananakot yung message niya e. Itong message ang naging paalala na dapat mas maging careful kami sa paggamit ng natitirang oras namin. After all, tulad ng sinabi ni Rio, curse starts again tomorrow.
Matapos ang one on one class ko at nag decide ako na umuwi ng maaga. Gusto ko talagang masulit ang araw na ito. Kaya naman ay agad kong tinawagan si Ayako at inaya ko siyang lumabas. Kakain lang dahil nga pareho naman kami ng company. At sakto, pareho kami ng schedule ngayon.
"Saan tayo kakain?" tanong ni Ayako sa akin habang naglalakad na kami papalabas ng vicinty ng school. At sa totoo lang, hindi ko rin alam.
Iniisip ko rin kung manood ng sine, pero saying sa oras. Gusto ko nakakausap ko siya at pwede kong hawakan ang kamay niya. Kaya lang puno ang restaurant na target ko for today.
"Sa Private I Café na lang tayo!" Aya ni Ayako. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil doon kami palagi nagd-date or maiinis dahil doon na nga lang kami palaging nad-date. Hindi talaga siya nagsasawa sa lugar na iyon. Lagi pa rin siyang may excitement.
Kinausap ko si Ayako about our future. Sobrang mahal na mahal ko ang babaeng kaharap ko ngayon. At ngayong may baby na kami, gusto ko ring patunayan ang sarili ko sa kanya na kaya kong maging maayos na ama at asawa sa kanya.
"Kapag natapos ang lahat ng ito, Ayako..." agad kong kinuha ang isang necklace na may ring pendant na may pendant din na susi at ibinigay ko sa kanya. "Pakasalan mo ako."
Naluluha na lang si Ayako habang sinagot ng "Oo" ang tanong ko. Actually, hindi naman tanong iyon, assurance ko iyon na lagi nila akong makakasama at assurance na poprotektahan ko silang dalawa ng baby namin.
Isinuot ko kwintas kay Ayako. Iniangat niya ang buhok niya para mai-lock ko ito. Hawak hawak niya ang singsing na pendant at susi.
"Bakit hindi ko na lang suotin ang singsing? At para saan ang susi?" tanong niya sa akin.
"Pwede naman. Pero gusto ko kasi kapag isinuot mo 'yan, wala na tayong lahat sa sumpa ngayon." Sagot ko. "Saka yang susi ay susi yan para sa puso ko."
"Eww ang corny." Nginitian lang ako ni Ayako at inakap. Kasunod nito ang mabilisang kiss. Nasa public place pa rin naman kami kaya hindi kami masyadong ma PDA. Nasa Japan kami e.
Nagulat na lang ako ng biglang may pumalakpak. Si Mamiya-san!
Anong ginagawa niya rito?!
"I am so happy for you!" sabay yakap ni Mamiya-san kay Ayako. Ulat na gulat naman kaming dalawa.
Well, lagi rin namang nandito si Mamiya-san kaya talagang makikita at makikita rin niya kami. Tumingin tingin naman ako sa paligid. Baka mamaya nandito rin sina Risa at Rio, hindi namin namamalayan.
Wala ang dalawa. Buti na lang. Or else, magiging magulo lalo sa Private I Café. Magkakasama na nga kami sa sumpa. Pati ba naman sa private moment ko, magkakasama pa rin kami. Actually, parang ganun pa rin naman kasi nakita na kami ni Mamiya-san. Ang awkward kasi hindi pa rin umaalis si Mamiya-san. This should be our private time together. Hay...
Matapos ang ilang minuto pa ay nag ring ang mobile phone ko. Tumatawag si mama. Medyo nagtaka ako.
Bakit naman tumatawag si mama ng ganitong oras? Nalaman kaya niya ang proposal ko kay Ayako? Hindi naman siguro. I mean, that would be ridiculous!
Nang sagutin ko ang telepono ay nagulat ako sa boses na narinig ko. Mababa at pamilyar ang boses. Hindi si mama ito. Lalake ang kausap ko.
"Pumunta ka sa isang warehouse malapit sa Ebisu. Dalhin mo sa aking ang File Case ng mama mo." Sabi ng lalake. Si Shibata ang kausap ko!
"Bakit nasayo ang phone ni—" at doon ko na napagtanto.
"I hold the life of your mom." Kumpirma ni Shibata sa akin.
"Bring me the file cases or she will die..."
"File cases?"
"Yeah. There are two file cases. The one that you have and the one that your mom has."
"I don't totally understand right now but I can bring you the one that I have."sakto at lagi kong dala ang file case sa akin.
"Go to Asakusa. You can find the other one at your mom's house, I am sure."
At ibinaba na ang mobile phone.
Nagaalalang nagtanong sila Mamiya-san at si Ayako sa akin. Sinabi ko sa kanila na si Shibata ang nakausap ko at hawak hawak niya ang mama ko. Ipinaliwanag ko rin sa kanila na gusto ni Shibata ang file cases bilang ransom para kay mama.
Argh! Bakit naman nangyayari ito?! I can't believe this. Medyo okay okay na sana ang lahat. Ano ba talagang gusto mo Shibata? Anong purpose mo sa mga ginagawa mong ito?! Ang hassle lang rin kasi kailangan ko pang pumunta sa Asakusa para kunin ang file case dawn a meron si mama.
Ibig bang sabihin, may dagdag pang information akong dapat na malaman?
Doon ako mas lalong na curious. Kasi kung may dalawan file cases, may tinatago pa si mama. At kalahati pa lang sa kung anong totoo ang nalalaman ko.
Gusto akong samahan nina Mamiya-san at Ayako na pumunta sa Asakusa para kunin ang file case pero pinigilan ko sila at sinabing maiwan na lang sila at ako na lang ang uuwi. Mas mabuting mag text na lang ako pag nakuha ko na ang file case. Delikado rin kung sasama pa sila sa akin. Kaya sinabi kong maiwan na lang sila at pumayag naman ang dalawa.
Agad akong tumakbo at dumiretso ako ng train station para pumunta sa residential house ng mga magulang ko sa Asakusa. Mabilis naman akong nakarating. Salamat na lang talaga sa charm na ibinigay ni Risa sa amin. Walang nanggugulo at walang peligrong nangyayari.
Nakita ko si papa na nagpapahinga sa kwarto. He is still recovering from his injury at suot suot rin niya ang charm na ibinigay ni Risa.
"What are you doing here?" papa asked.
"N-nothing. I am just worried about you." Palusot ko na lang.
"Did you eat already?" usual na tanong ni papa kapag umuuwi ako.
"Y-yes. I would like to go the restroom." Kailangan makita ko na yung file case.
"But that's not where the restroom is. That's our room!" pasigaw ni papa.
Sorry papa but I have to pretend that I did not hear you.
Hinanap ko ang file case sa kwarto nina mama at papa. Huminga muna ako ng malalim. Naalala ko noon na kapag may tinatagong gamit si mama ay nilalagay niya ito sa ilalim ng headboard. Kaya doon ko sinubukang hanapin ang file case.
At doon ko nga nakita ang file case na pinapakuha ni Shibata sa akin. Mas maliit ito sa file case na meron ako. Sabik na sabik na akong malaman ang totoo. Sinubukan ko itong buksan pero kumakatok na si papa.
Wala na rin akong oras kaya kailangan ko ng makaalis dito. Binuksan ko ang pinto at nagpaalam na kay papa. Naliito si papa sa mga nangyayari. Pero iniwan ko pa rin siya. Sorry talaga papa! I don't want you to get involved lalo na at may injury ka. Ako na muna ang bahala sa sitwasyong ito.
Agad akong nag text sa phone number ni mama. Sinabi kong hawak ko na ang file cases. I just want an assurance that my mom is safe.
Nag send ng pic si Shibata ng photo ni mama na nakatakip ang bibig.
Natakot ako para kay mama. Nataranta ako. Pero kaya ko ito. Matagal na akong natatakot. Panahon na para maging matapang naman ako. Lalo na at nakasalalay dito ang buhay ni mama. Lalo na at magiging tatay na ako. May tatlong buhay na nakasalalay sa akin. Ang nagdedelikadong si mama, si Ayako at ang baby naming. Ayokong maging duwag.
Nagulat na lang ako nang makasalubong ko si Rio at Risa pagkalabas ko ng building sa Asakusa.
"Uh... Bakit kayo nandito?" tanong ko.
Hindi makasagot ng maayos ang dalawa. Something is fishy!
Nalaman kong nagde-date na pala ang dalawang ito sa Tokyo Skytree. Nasaktohan ko lang na pauwi na sila at palabas ako. Akalin mo nga naman o sa araw na nag propose ako, ito rin ang araw na mahuhuli ko ang dalawang ito.
Nagmamadali na akong nagpaalam kasi kailangan ko na maibigay ang file cases kay Shibata. Pero pinigilan ni Rio ang kamay ko at nalaglag ang phone ko. Nakita niya ang pinadalang photo ni Shibata sa akin gamit ang phone ni mama.
Agad na dinampot ni Risa ang phone ko at hindi na ako nakapalag.
"Your mom is kidnapped. We should do something about this." Sabi ni Risa.
"Just give me back my phone." Sagot ko.
"Not until you explain to use everything." Sagot naman ni Rio sa akin.
"Then come with me to Ebisu."
At napilitan akong isama sila. Wala na akong oras. Mas okay kung ipapaliwanag ko na lang sa train ang lahat. Kahit na ayoko na nga isama ang mga ito, wala naman akong magagawa.
Ipinaliwanag ko ang lahat lahat. Tinagalog ko na kasi ang suspicious kapag in Japanese ko pa sinabing na kidnap si mama and all. Nalaman nilang dalawa ang file case pero nang subukan na naming buksan ito ay nasa Ebisu station na kaming lahat.
Rio told Ayako and Mamiya-san to go to Ebisu station too. Mamiya-san and Ayako were together in Private I Café. Ayoko na sanang gambalain pa sila pero sinabihan ako ni Rio at Risa na mas makakabuti kung kasama namin sila dahil nalalapit na ang oras na mawala ang bisa ng charms.
Magkakasama na kaming lima sa Ebisu station. Tinawagan ko si Shibata para malaman ang exact location.
"I can see you guys." Sagot ni Shibata sa phone.
Nandito rin siya sa station. Hinanap ko siya at nakita ko ang lalaking naka sombrero na kumaway na akin. Casual lang ang suot niya na naka denim pants, leather boots at leather jacket.
"You are the only person I asked to come but you got friends with you." Singit ulit ni Shibata. "No worries, I don't mind. Give me the file case."
"I will bring the file cases to you once I see my mom."
"Follow me. All of you." Huling sabi ni Shibata at agad niyang ibinaba ang telepono.
Inabisuhan ko ang mga kasama ko na si Shibata ay nasa paligid at kailangan namin siyang sundan. Nauuna siyang maglakad sa amin at nakita ko agad na suot suot niya ang charm ni mama. Mas lalo akong nagalala para kay mama, kung wala sa kanya ang charm niya, delikadong mag isa siya.
Naglakad kami ng mga 3 minutes at nakita na naming ang isang abandoned warehouse. Pinasok namin iyon at nakita ko nga si mama na nakaupo at nakatali na naka blindfold. Sa paligid niya ay may mga asin na nakapalibot sa sahig. Parang barrier niya ito.
Awang awa ako sa itsura ni mama. Mukhang nauuhaw na siya. Hinihingal na siya at pawis na pawis. Hindi pa siya naka winter coat kaya malamig ang condition na ito sa kanya. Matanda na siya at dapat hindi siya ginaganito.
Sinubukan kong lumapit kay mama pero naglabas na si Shibata ng baril at tinutok niya ito sa akin. Kaya naman ay napatigil ako.
"Akin na ang file cases." Sabi niya habang itinutok na niya ang baril sa sintido ni mama. Doon na naipon ang galit ko. Wala kang awa. Walang hiya ka Shibata!!
Gigil na gigil kong iniabot ang sa kanya ang mga file cases. Pero hindi ko magawang magwala dahil delikado para sa nanay ko. Binuksan ni Shibata ang mas malaking file case kung saan nandoon ang profiles namin at binasa ang mga laman nito.
Wala akong idea sa mga nangyayari. Mas tutok ang mga mata ko kay mama dahil nakatutok sa kanya ang baril ni Shibata. Sinubukan ni Rio na ilabas ang mobile phone niya pero sinenyasan ko na huwag niyang gawin iyon. Alam kong balak niyang tumawag ng pulis pero hindi worth it ito ngayon. Lalo na at mas makakagulo ito sa sitwasyon namin ngayon. Actually, natatakot rin ako sa situation ni Ayako. Bawal sa kanya ma stress. Buti na lang nandito si Mamiya-san at si Risa. Tama pa rin talaga ang desisyon na sama sama kaming lahat.
Nagulat na lang ako nang biglang umupo si Shibata sa tabi ng nanay ko at isinara ang laman ng file case na mas malaki.
"As expected." Sinabi ni Shibata na ngumingisi pa pero ramdam ko ang asar niya.. "May mali sa mga laman nito."
"You fabricated the contents of the files, old lady!" sigaw ni Shibata kay mama. Grabeng pambabastos na ito. Patuloy naman sa paghingal si mama at tumulo na ang luha niya kahit naka blindfold na siya.
"Shibata!" sigaw ko at hindi na ako nakapagpigil. "I gave you the file cases already. I want my mom back! That is the deal!"
"Right." Sagot ni Shibata sa akin na natatakot na ako sa ngiti niya. "But aren't you curious of the other file case?"
Hindi ako sumagot. Oo, curious ako pero priority ko si mama.
"Very well, I will take your answer as a yes. Don't you dare make any wrong move, this woman will die."
Hindi na kami nakakilos. Binuksan ni Shibata ang pangalawa at mas maliit na file case. At may tatlong papel lang itong laman. Hindi ko makita dahil malayo na si Shibata sa amin. I am so curious! Ano ang contents ng tatlong papel na iyon?
"This confirmed it!" bulong ni Shibata na narinig ko dahil nag echo ang boses niya sa buong warehouse.
"Listen to me, Yuya." Sinimulan na akong kausapin ni Shibata "Your mother fabricated a scene in order to make things worse for the people who are cursed."
"What to do mean?" gulong gulo na ako. Ano ba talaga ang nangyayari?
"Shibata! Don't say it! Please!" Nagulat na lang ako nang biglang nagsalita si mama. Nagmamakaawa siya kay Shibata.
"Shut up, old woman!" sinampal niya si mama.
Nagalit na ako pero pinigilan ako ni Rio at Risa.
"We can't afford to make a mistake right now. Your mother is in danger." Sabi ni Rio sa akin. Habang hawak hawak ni Ayako ang kamay ko.
Sobra na talaga itong Shibata na ito! Ano ba kasi ang laman ng second file case? Kung alam ko lang, dapat tinignan ko na ito kanina pa! Damn!
"Yuya, your mother is an impostor. She is not part of the cursed ones." Panimula ni Shibata na agad naming ikinagulat. So siya pala ang impostor. Pero bakit?
Patuloy lang sa pagmamakaawa at pag iyak si mama. Hanggang sa napatigil na lang siya dahil sinabi niyang nakatutok sa akin ang baril kaya dapat tumahimik lang siya.
"She chose to be part of the curse by fabricating the file case." Dugtong ni Shibata. "She wanted to be part of the cursed ones to protect someone... But I salute you mother's courage."
"Please Shibata! Don't say it..." mahinang pagmamakaawa ni mama.
"Are you ashamed, old woman? Why don't you tell all of them that you betrayed them?" sigaw ni Shibata. "That you fooled and manipulated all of them. Especially your son. Just to hide something, you went overboard."
Pinalapit ako ni Shibata papunta sa kanya. Tumingin ako sa mga kasama ko. Pare pareho kaming kinakabahan sa pangyayari. Isang maling galaw ko lang, mababaril ako ng taong ito.
Nang makalapit ako ay ibinato ni Shibata sa sahig ang tatlong pirasong papel na nagkalat sa sahig. Sumenyas siya gamit ang baril na basahin ko ito. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng pambabastos. Pero dahil curious din ako ay agad kong pinulot ang mga papel.
At nagulat ako sa mga nakita ko. Tatlo ang papel. Profile ni Shibata, and listahan ng mga na-curse at ang isa pang profile ko.
"Now you understand, Yuya?" tanong ni Shibata sa akin. "That three pieces of paper were the secrets that your mother fabricated. I wasn't expecting these at all."
"She stole the file case from you when you passed out after Tetsu's death. She told me everything! You see, my aim is to get back all information and keep it. Especially the file case. I want to keep my identity but you guys kept digging and digging. So annoying!" Nagsimula nang maging nakakatakot lalo ang expression ng mukha ni Shibata. Ibang iba na siya sa tahimik, timid, at mahiyaing Shibata na nakilala ko. "It was a good thing Yolly hid my identity before as my request before to her. But I didn't know that she plotted everything."
"Oh well, her carelessness made things more interesting. I was able to use Kitade for my advantage." Biglang ngiti ni Shibata.
"So you killed her after when she is no longer of use to you?" tanong ni Risa sa kanya.
"Yes! I killed That police too."
"I knew it... You killed Police Inspector Ueda!" sabi ni Ayako.
"You are evil." Mamiya-san started crying. Agad naman siyang pinatahan ni Risa.
"Do not pin this on me. His mother is the mischievous one here." Sabay turo ni Shibata sa akin. "This old lady is something. I asked Kitade to be a spy inside the circle of the current cursed ones and found out something. She lied about one thing."
"Your profile is hidden in the original. Because your mom did something to twist everything." Tuloy si Shibata sa pagpapaliwanag. At nagulat kami sa sunod niyang sinabi.
"She wanted to become a replacement of another cursed one. She originally planned to take the curse for that person so that the other person will be removed from the curse."
Natahimik ang lahat at nakikinig lang kay Shibata. Habang si mama naman ay parang nawalan na ng energy para magmakaawa at tumahimik na lang.
"But it didn't go as to what she originally planned. Being involved in the curse will just get her mixed up in the circle but will not remove someone from the curse. And now, she is trying her best in hiding her fabrications and manipulations to everyone."
"Poor you, Yolly. Everyone knows already. "
"You are not part of the thirteen. It is better off if you just get lost already." Ikinasa na ni Shibata ang baril niya at itinutok niya kay mama.
Napasigaw ang mga babaeng kasama ko. Napatakbo kaming dalawa ni Rio para umagap.
May malakas na hanging pumigil sa amin ni Rio at biglang lumabas si Hinako. Nagulat kaming lahat sa nakita namin.
"B-bakit nandito ang batang yan? Bakit nakikita natin si Hinako?!" tanong ko ng pabulong kay Rio pero wala akong sagot na narinig. Marahil gusto niyang iligtas si mama.
Sinubukang lumapit nito kay Shibata. Pero hindi niya masaktan si Shibata dahil sa charm ni mama na suot suot na ngayon ni Shibata. Ang charm na dapat ay para kay mama.
"Hahahaha! Thank goodness I have this charm. With this one with me, I am unstoppable!" sabi ni Shibata na wala na yata sa sarili niya."But before I kill this old woman, I will have to go and kill her son first."
At ako na nga ang tinutukoy ni Shibata. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil may sira na ang ulo ni Shibata.
Si Rio naman ay nakatingin lang sa relo niya.
"Ano sa palagay mo ang mapapala mo sa ginagawa mong ito?" tanong ni Rio. "Kapag pinatay mo si Mrs. Kobayashi o si Yuya, sa palagay mo ay makakawala ka dito?"
"Oo. As long as I have this charm, I am safe." Pakita si Shibata sa charm na suot niya sa kamay niya at tinutok ang baril sa akin. "Say you final farewell Yuya.
"Goodbye."
Nagulat na lang kami nang biglang nakakawala si mama sa pagkakatali niya at agarang tumakbo papalapit sa akin.
Bang!
Tumakbo rin akong papalapit pero hindi ko namalayang humarang si mama. Binaril na ni Shibata si mama. Kaya ba siya tahimik kanina pa ay dahil kinakalas niya ang sarili niya sa pagkakatali?
Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa nakikita ko pero parang hindi totoo ang lahat. Nagsuka na si mama ng dugo.
"Mamaaaaa!!!"
Tumakbo ako papalapit. Inakap ko si mama at tinakpan ko agad ang nabaril na parte ng katawan niya. Nakikita ko na rin na babarilin pa rin ako ni Shibata ulit. Takot ako pero wala na akong pakialam. Nakarinig na lang ako ng sigaw.
"Shibataaaaa!" sigaw ni Rio na galit na galit.
"Are you going to do something to stop me too?" ngising sagot ni Shibata kay Ri.
"Time's up!" Tumingin si Rio sa relo niya.
Nagtaka kaming lahat. Anong sinasabi ni Rio.
"I won't do anything. They will..." sabay turo ni Rio sa mga taong naka surgical masks na nasa likuran ni Shibata.
Ang twelve ghosts ay nasa likuran na ni Shibata. Pinangungunahan ito ni Hinako.
Dahan dahan ay papalapit na sila.
TAK. CLACK. SHIK.
"I- I am protected by these charms!" assurance ni Shibata sa sarili.
"Not anymore. The chant and effect of that charm is now over. It's already 12 midnight. All our charms are no longer effective." Blanko ang mukha ni Rio sa pagsagot kay Shibata. " Good thing is, all of us have new charms to protect us. We all wore it before we reach this place."
"W-what?!" Kitang kita sa mukha ni Shibata ang takot at ayaw niyang tumalikod para harapin sila. Hindi na rin siya makagalaw sa kinatatayuan niya at pawis na pawis na rin siya.
Sinubukan ni Shibata na humakbang papalapit sa amin pero may humawak sa binti niya. Dito na nagsimulang mataranta si Shibata at pinagbababril ang mga multo.
Pero hindi ito tumalab sa kanila. Alam naman niya na hindi ito pwedeng gamiting weapon to kill ghosts. Patuloy sa paghawak ng mga multo na ito sa kanya. Mula mukha, balikat, kamay, binti hanggang paa. Lahat at hinahatak siya. Sinubukan pa rin ni Shibatang makakawala hanggang sumigaw na siya.
Hiya ng takot niya lang ang naririnig sa buong warehouse. Sinubukan ni Risa na gamitin ang dugo niya pero pinigilan siya ni Rio.
"We can't save him. You have used too much blood today. Also, saving him will cause us trouble. Thirteen ghosts want him dead already. If we stop them, they will attack us."
"Also, if Shibata is alive, who knows on what will he do next to us." Huling sabi ni Rio na ipinarinig niya kay Shibata.
Sa paggapang ni Shibata pabalik may sinabi siya sa amin...
"Help me!"
At agad na sinugod si Shibata ng mga multo. Hinatak ang kamay niya. Itinaas. At hinatak pababa. Inihampas siya sa sahig.
THUD! THUD! THUD!
Para siyang lantang gulay na punong puno na ng dugo niya ang sahig. May tumusok sa tenga ni Shibata, isang matalim at napakahabang kuko ni Hinako.
TSAG!
Wala ng buhay si Shibata...
Hinatak ni Hinata ang buhok niya at naglakad patungo sa mga multong kasamahan niya.
Matapos ang mabilisang pangyayaring iyon ay hinawakan ako ni mama sa mukha. Naghihingalo na si mama. Pinigilan ko siyang magsalita. Agad akong kinuha ang mobile phone ko para tumawag ng tulong sa mga pulis pero pinigilan ako ni mama.
"Anak... Ugh! Ramdam ko na hindi na ako magtatagal pa. Kaya makinig ka sa sasabihin ko..." sabi ni mama sa akin at hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa paghikbi na parang bata.
"Mama, 'wag ka na magsalita! Please. I will call some help!" pero tumatawag na rin sila Risa, Ayako ay Mamiya-san ng tulong.
"I am sorry for lying to you all but I did my best to protect you..." Hanggang a hinawakan na ni mama ang kamay ko ng mahigpit.
"Yuya... Ikaw ang survivor ng 23:57 incident..."
33rd Incident: Twist ねじれ