32nd Incident: Droplets 滴  


Note: This chapter is going to flesh out the mysterious Shibata (the one in the illustration)

Patuloy ang pagpatak ng dugo ni Kitade-san na nakikita ko. Agad na kumilos ang mga staff at natigil ang proseso ng Shibuya station. Kasabay nito ay wala na rin si Shibata-san at nakaalis na.

Anong mysteryo ang bumabalot sayo Shibata? Cursed ka rin ba?

Napaupo na lang ako. Masakit ang ulo at pagod na pagod. Lagi na lang akong stressed at nauubos na ang energy ko. Dalawa na ang sunod sunod na namatay. Si Police Inspector Ueda at si Kitade-san naman ngayon.

Uubusin talaga yata kaming lahat ng mga naisumpa ng 23:57 curse. Pito na lang kaming natitira: Ako, si Ayako, si Rio, si Risa, si Mamiya, si Oya-san, at si mama. Marami na ang mga nadamay at namatay sa sumpang ito.

Nagsalita na ako sa mga nakita ko sa bagong Inspector. Sinabi ko ang totoo na si Shibata ang nakita kong tumulak kay Kitade-san. Pero hindi ako pinaniwalaan ng mga pulis at ng mga investigators. Hanggang sa nagkaroon na ng argument between us ang the police.

"Wag ka na magpumilit pa Yuya!" hatak ni Rio sa akin. "Kapag idiniin mo si Shibata, mas lalo lang tayong mahihirapan sa ngayon. Malamang ay sinusuporthan siya ng mga higher ups ng Peculiar Magazine! Kailangan nating mag ingat!"

Natigilan ako sa sinabing iyon ni Rio.

"Kung hindi natin magagamit ang legalities, we can use other options on our hands. For now. We can't be careless. Especially now, we do not have a police on our side."dagdag naman ni Risa.

At doon na ako nahimasmasan. Hindi ako dapat maapektuhan ng emotions ko ngayon. Hindi ako dapat maapektuhan ng galit at pagkalito ngayon. Kailangan kong paganahin ang utak ko.

Agad na inilipat ang mga tao sa kabilan train lanes ng Shibuya station. Ganun talaga sa Tokyo, mabilisan ang respond eng mga staff ng station. Kapag may nagpakamatay or accident sa line na dapat sasakyan mo ay magiging libre ang next line na sasakyan mo by giving you paper explaining your situation. And then, libre na ang line mo dahil sa naabala ka. Ang pagkakaalam ko one hour and a half hours and proseso ng forensics, investigation and technical cleaning. Mabilis na ang proseso ng pagiimbistiga. At maraming reporters ang agad na nagsidatingan na nasa vicinity rin para makakuha ng scoop.

Matapos ang ilang minuto pa ay nagdecide kami na pumunta na lang kami sa apartment ko gamit ang free ride. Actually pumasok kami sa Hanzomon line ng Shibuya Station para sundan si Kitade-san. Pero dahil sa nangyari, nagdecide kaming umuwi na lang lahat sa bahay. Bukod sa aming lima ay kasama namin si papa.

Hindi pa naming alam kung anong gagawin namin. Ang alam lang naming ay kailangan naming magsama sama. Lalo na at alam na namin kung sino ang impostor. Sumama naman si papa dahil may kailangan siyang malaman para ma protektahan niya si mama.

Pagdating naming sa apartment ko ay agad kaming dumiretso sa common room. Nagulat na lang kami na nandoon na rin si Oya-san. Nakaupo siya at may dala dalang basahan. He is smiling while looking at us.

"Welcome back." Bati ni Oya-san sa amin. "I can feel that the impostor has been revealed. Is she the timid woman in glasses?"

Ang eksaktong description ni Kitade-san.

"How did you know, Oya-san?!" tanong ko. Tinanog ako ni papa kung sino ang kausap ko. Binulungan ko naman na iya ang may-ari ng apartment namin na kasama rin sa curse.

"I felt it. Your mom felt it too." Sagot ni Oya-san sa akin.

"Mrs. Kobayashi?" Ayame questioned.

"Yeah." Sagot ni Oya-san na agad sinundan ng pagsamid ng lalamunan niya.

"Why didn't you two told us about it?!" sambit ko.

'Because you need to figure it out on your own. Because there are layer of truth that you need to uncover alone. Especially the lies that your mom made in order to protect you. Also, beware of that young man who killed the timid girl. He is the last of the cursed ones. "

"What do you mean?" sagot ko.

Hindi niya sinagot ang tanong ko at ibinaling ni Oya-san ang attention niya kay Rio. Si Rio naman ay tila tulala at sinusuportahan naman siya ni Risa na nakahawak sa braso niya.

"I'm sorry my grandson. I can no longer protect you on your journey." Sambit ni Oya-san.

At nagulat na lang ako nang biglang humagulgol si Rio.

"No! No! No!" paulit ulit na sinasabi ni Rio habang nanginginig ang boses niya at basing basa na ng mga luha niya ang mga mata niya. Kasabay nito ang napuna kong nanginginig niyang mga kamay.

Hagulgol na parang bata. Ngayon ko lang siyang ganun.

Bakit?

Hanggang sa tumakbo si Rio papunta sa lolo niya na nakaupo sa sala. Sinubukan niyang yakapin ito pero naglaho na ito na parang usok.

"Goodbye my grandson. Please live and survive this curse." Boses ni Oya-san na lang ang narinig namin.

Anong ibig sabihin nito? Sana nagkakamali lang ako ng akala.

Doon na nagsimulang umiyak nang umiyak nang sobra si Rio. Hindi ko alam kung paano siya bibigyan ng comfort dahil first time kong makita si Rio na umiyak at humagulgol. Hinawakan ni Risa ang likod niya pero parang hindi ito nakakatulong sa tindi nang nararamdamang lungkot ni Rio. Awang-awa ako sa kanya.

Agad namang tumakbo si Rio sa front desk area ng apartment at pinasok na ang pinto papasok sa kwarto ni Oya-san. At doon nakita namin nakita si Oya-san. Nakahiga sa sahig na may hawak pang basahan at nakahawak sa dibdib niya. Namumuti na ang lips niya at wala na siyang buhay. Doon ko na nga nakumpirma ang mga hinala ko na totoo.

Patay na nga si Oya-san.

Gulat na gulat na kami kahit na ineexpect na naming makikita ang bangkay ni Oya-san dahil sa nangyari.

Matapos ang ilang oras ay magang maga na ang mga mata ni Rio at pagod na pagod. Iniiyak niya na lahat. Nag sorry siya sa bangkay ng lolo niya. Namatay ng lolo niya na hindi lang man sila naging maayos. Ganun pala sa tunay na buhay, minsan wala na tayong chance to make up to our relatives and loved ones. Bigla na lang silang mawawala. Ramdam ko ang lungkot ni Rio sa pagkamatay ng lolo niya. Hindi ko na alam kung paano pa siya magiging okay sa ngayon. Kaya sinamahan ko na lang siya nang hindi nagsasalita.

It was confirmed that Oya-san died of old age and exhaustion. He died of heart attack in the middle of cleaning his room.

Bumalik kami ng apartment dahil two minutes away lang naman ang lugar na pinagdalhan ng bangkay ni Oya-san. Uuwi na dapat sina papa ay si Mamiya-san pero sinabi ni Rio na delikado pa at gabi na. Lalo na at nakita pa namin ang ginawa ni Shibata-san. Rio advised that since he is the heir of the apartment, he is permitting dad and the others to occupy the empty rooms of the apartment for tonight. I invited dad to stay with me instead. While Mamiya-san stayed in the room where Ayako and Risa are staying. In short, wala namang pinuntahang vacant room ang mga kasama namin.

Sinabihan lang kami ni Rio na magising nang maaga dahil may pupuntahan kami kinabukasan. Pumayag naman si Papa na sumama dahil wala naman siyang pasok kinabukasan.

The next day ay agad kaming dumiretso sa Shibuya para pumunta sa Peculiar Magazine office para sugurin si Shibata-san. At nandoon nga siya as if nothing happened. Siya na ang nakaupo sa dating desk ni Tetsu-san. Siya na ang chief editor ngayon. Sa likuran ng manager's chair niya ay nakapalibot sa kanya ang twelve ghosts. Kasama sina Hinako, Ayame at Dr. Higashi. Nakakatakot na ang mga nanlilisik nilang mga mata nila sa amin. Sa akin, pakiramdam ko.

Kaya naman ay wala nang sinayang na oras si Risa at agad niyang ginamit ang kanyang dugo para mawala ang mga ghosts.

"What a pleasant surprise. What are you doing here?" tanong ni Shibuya sa amin.

"Don't pretend as if nothing happened yesterday!" pasigaw kong sagot. Buti na lang ay closed office kami kaya hindi kami naririnig. Pero halata pa rin ang gigil ko sa kanya.

"So. Are you here for your article submission?" iniba na naman ni Shibata ang usapan. "No worries. I got the article from the late Kitade-san. The article will be printed in Peculiar Magazine's next issue. Grab a copy as soon as tomorrow morning."

"You cannot play us in your hands!" pasigaw na sagot ni Ayako sa kanya.

"Hahahaha! So, you felt that I played with you guys. That was rather a late reaction. Too slow for you to figure it out?" tawa ni Shibata na para bang nababaliw na ito.

Pasugod na ako para manapak pero napigilan na ako ng mga babaeng sina Mamiya-san, Risa at si Ayako.

"Why did you kill Kitade?" tanong ko sa kanya. Alam ko na nakita niya ako nang makita ko siyang itulak si Kitade-san sa Hanzomon line platform ng Shibuya Station.

"Because she is an impostor. I don't want a nuisance in the 23:57 curse." Sagot naman ni Shibata-san sa amin. "She is the reason why the curse is getting more confusing. I just eliminated unnecessary actions and people. This curse must remain a secret."

Pak!

"You murderer!" Sinampal ni Risa is Shibata-san. Hindi ko namalayan sa bilis ng pangyayari kung paano nakapunta si Risa nang mabilis sa kinauupuan ni Shibata. Matindi rin pala si Risa kapag nagalit.

"You bitch!" sagot ni Shibata na hawak ang mukha niyang nasampal. Sinubukan niyang hablutin si Risa pero buti na lang at humarang si Rio at si Papa. Isang banta na kapag pumatol siya sa babae, sila ang makakaharap niya.

Kaya naman ay ngumiti na lang si Shibata dahil wala rin naman siyang laban. Pero nanlilisik na ang kanyang mga mata. Kung dati ay timid, shy at reserved si Shibata-san, ngayon ay kabaligtaran niya na ang dati niyang sarili.

"That's why you killed Police Inspector Ueda..." nasabi naman ni Ayako. Iniba niya siguro ang mood para mawala ang attention ni Shibata-san kay Risa.

"Oh yes. I killed that bastard.." sagot ni Shibata na kalmado na para bang hindi mali ang ginawa niya. "He is such a nuisance. I removed him from my distractions. He has been doing uneccesary actions to destroy Peculiar Magazine."

"You killed Kitade-san and Police Inspector Ueda. Do you know the repercussions of your actions?"

"Add Tetsu too. He has been a great nuisance. Thank goodness that person died already."

"I can't believe you. You are just a murderer." Yun na lang ang nasabi ko sa kanya.

"Do you think you can pin it on me?" sama talaga ng budhi ng taong ito.

"I am getting curious. What made you do your actions?" Tanong ni Rio sa kanya. Are you one of the cursed people of 23:57?"

"Yes. I am the last addition to the thirteen cursed."

"That's impossible. Now that Kitade-san is gone and she is the impostor, we are already thirteen in the list." Sagot ko sa kanya na may duda.

"Then one among you is an impostor"

"Dalawa ang impostor? Seriously?" sagot naman ni Mamiya na parang natakot sa sa aming lahat.

"How do we know he's telling the truth? He's a manipulator." Sinagot ni Risa si Mamiya.

"I am telling the truth. One among the living survivors of 23:57 curse is an impostor." Isplika ni Shibata-san.

"Why don't you ask your mother?" sabi ni Shibata-san sa akin.

"Si Mrs. Kobayashi ang impostor?" napatanong si Ayako sa sarili.

"You liar! Stop saying non sense!" sagot ni papa kay Shibata-san na pikon na pikon na sa kanya.

"Who are you? Do not get involved here if you are not cursed." Sagot ni Shibata-san.

"You are talking about my wife ignorantly, you bastard!" hinawakan ni papa ang kwelyo ni Shibata-san. Sa laki ng katawan ni papa at sa liit ng katawan ni Shibata-san, pwedeng pwede niya maibato si Shibata pero nagpipigil pa rin si papa.

"Ask her. She has been hiding a lot of things." Ngisi ni Shibata kay papa. Nagpipigil pa rin ng galit si Papa dahil si Ayako na ang pumigil sa kanya.

"Anong purpose mo? Why are you doing this?!" tanong ko sa kanya. This person is indeed a manipulator. Halos lahat kami ay napikon niya.

"I want to survive this curse alone. That's why I have been letting you kill yourselves. Then removing people who are doing unnecessary actions. Thank goodness, that old man died too. He will never survive this curse anyway."

"Walang hiya ka!!!" napikon na rin si Rio.

Pero bago pa man masapak ni Rio si Shibata ay nagbabala na ito.

"If you dare to hurt me here, I will make sure all of you will get arrested. Think before you act. That is the Japanese way." Babala at panliliit niya sa amin. "Well, you're not pure Japanese, so your perspective is different."

Hindi lang pala manipulator ito, racist rin.

"Guards. Escort the visitors out of the building- immediately. " May pinindot si shibata-san sa office phone niya.

"I will meet you soon and I will get the file case." Banta ni Shibata-san habang papalabas na kami. Lahat kami ay nagtitimpi.

Umalis kami na parang kami pa ang masama. Hindi ko alam kung tama bang pumunta kami dito kahit na pinagisipan at pinagplanuhan ko ito ng mabuti. Matalino ang kalaban namin. Matalino si Shibata.

Isnt it ironic? Kalaban namin ngayon ang isa sa cursed thirteen. Kung may panggulo lang sa amin, siya talaga 'yun. Patong patong na nga ang mga iniisip namin, dumagdag pa siya.

Masamang masama ang loob ko nang makalabas na kami ng building. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ito. Kailangan ko pang paghandaan si Shibata.

Maya maya pa ay nagulat na lang kami nang makita namin ang mga multong nakasunod sa aming lahat. Malayo man sila pero ramdam ko na mga multo nga sila dahil sa dumudugong mga mukha nila.

"There are ghosts everywhere!" sambit ni Mamiya-san sa amin habang nakahawak sa braso nina Risa at Ayako.

Nang lumingon ako ay nagulat ako dahil mula sa malayo ay mabilis silang naglalakad papalapit sa amin.

Tak. Clack. Shik.

Ang palakas na palakas na ingay na naririnig namin na mula sa pagtapak nila sa sahig. Kumirot na naman ang ulo ko sa sobrang sakit. Ewan ko ba. Bakit tuwing may mga ganitong incident, laging sumasakit ang ulo ko na para bang tinutusok ng karayom ang bungo ko?

Pero I have to tolerate this pain. We are all in danger.

Agad kaming tumakbo papalayo. Hanggang sa makarating kaming lahat sa isang alley.

"Di ko na kayang tumakbo!" agad na sinabi ni Ayako. Hinihingal siya nang sobra.

Parang naawa bigla si Rio kay Ayako nang makita niya ito.

"Doon tayo!" turo ni Rio.

"Ha?! Walang labasan ang alley na 'yan! Ano ka ba?" sagot k okay Rio.

"I think we should go there. Parang alam ko na ang gustong gawin ni Rio."tiwalang sabi sa akin ni Risa.

"Argh! Sige na nga!" napilitan ako. Alam ko talaga ang risk nito.

Pero ayun nga, lumiko kaming lahat sa alley na iyon.

"Kami na ang bahala ni Risa dito!" sagot naman ni Rio sa amin. "Pumunta kayo sa dulo para ma protektahan namin kayo!"

Kaya agad kaming pumunta sa dulo ng alley. Sinaboy ni Rio ang asin na dala niya sa bulsa niya sa sahig para magsilbing harang. Habang si Risa naman ay inihanda ang kanyang ballpen na may dugo niya at ang mga charms na mayroon siya.

Sa muling pag atake ng mga multo ay naghanda na si Rio ng mga ofuda na agad niyang ipinaskil sa mga pader ng alley.

"Natatakot ako sa pwedeng mangyari ngayon." Sabi ni Mamiya-san sa amin.

"Wag kang magalala nandito lang ako." Sagot naman ni Ayako sa kanya pero hinihingal na rin siya.

Habang si papa naman ay nakahanda na rin. Ako naman ay nasa kabilang side sa dulo ng alley para mas madali sa aking ma protektahan ang dalawang babae.

Pero laking gulat ko ng may pumatak na mainit na likido sa mukha ko. Napapikit ako at hinawakan ko. Malansa at mainit init pa.

Dugo ito!

At galing ito kay Yuichi Kobayashi. Ang uncle ko na leader ng Laiya Sect. Ang mid thirties na lalakeng naka surgical mask.

Naalala ko bigla ang sinabi niyang "You are essential!" sa akin noon.

At ngayon ay lumapit siya at ibinulong ang pangalan ko. Sa sobrang gulat ko ay napatihaya akong natisod sa sahig. Matindi ang pagbagsak ko sa sahig at namanhid na ang buo kong katawan.

Samantala, may isa pang butas na hindi natakpan sina Rio at Risa. At busy sila sa pagpigil ng mga ghosts sa harapan. Kaya pala nakapunta si mid thirties na lalake sa akin dahil sa isang area na hindi naprotektahan. Kaya naman nagsisunuran ang mga multo sa isang open area at papasugod na silang lahat sa akin.

Ano na naman ba ang trip ng mga multong ito?

"Hindi tayo ang puntirya ng mga multo. Si Yuya lang!"

Ano?! Maski ako ay nagulat sa isinigaw ni papa sa lahat. Papalapit na ang mid thirties na lalake sa akin na para bang gusto niya akong sakalin gamit ang mga kamay niyang may mahahaba at matatalas na mga kuko. Nakakatakot ang tingin niyang parang nilalamon niya ang kaluluwa ko. Nakakatakot. Papalapit na siya kaunod ang iba pang mga multo ng 23:57 suicide four years ago. Mabilisan at paatake na silang lahat sa akin.

Pero humarang si Papa.

"Ugh!" Hindi ko na alam o nakita ang nangyari pero nararamdaman ko.

Nasaktan si Papa. Napatunayan kong tama ang kutob ko ng makaramdam ako ng mainig na tumutulong dugo sa katawan ko. Galing itong lahat kay papa. At napansin ko ang tumutulong dugo na kumalat na sa sahig. Sugatan si papa.

"Papa! No! Papa!" hindi ko akalaing si papa pa ang maapektuhan sa pangyayari.

Agad na ginamit ni Risa ang final result niya. Ang kanyang dugo. Napaalis niya ang multo ni uncle.

Bakit ba ako ang puntirya ng mga multong ito?

"Kailangan niyang magamot agad." Sabi ni Ayako. "Dalhin natin sa Shibuya Hospital."

"Wag!" pigil ni papa. "Wag niyo akong dalhin sa hospital na iyon. Delikado para sa inyo at sa mama mo, Yuya. "

Ano ba papa! Duguan ka na at kailangang magamot ka.

"Ok! Ok! Let's go to my clinic. I will try to find a way to save him." Suggestion ni Mamiya-san.

"Huh?!" Napatingin kaming lahat kay Mamiya-san. Anong pinagsasabi niya? Psychiatrist siya hindi naman siya doctor talaga. I mean doctor for this kind of case na magamot si papa sa sugat niya.

"I know what you're thinking. I am a psychiatrist but I have background in medical conditions like your dad. After all my fiancé was a doctor. I still have all his materials in my clinic."

Natulala lang kaming lahat. Paano ba? Is this a good situation to trust dad's case to Mamiya-san?

"Hurry! Are you waiting for the patient to lose more blood?!" sigaw ni Mamiya-san sa amin habang agad niyang binalutan si papa ng tela mula sa bag niya.

Agad kaming tumakbo akay-akay si papa. Buti na lang at naka coat si papa kaya hindi halata na duguan siya. Isinakay namin si papa sa taxi. Ako, si papa, si Mamiya-san ang magkakasama. Si Rio, Risa at Ayako naman ay magkakasama sa isa pang taxi. Hindi ako makatawag kay mama dahil baka magduda ang taxi driver. Sa Tokyo pa naman, kapag suspicious ang passenger, nirereport mismo ng driver sa police.

Kaya naman ay nag text ako kay mama instead.

"Mama. Papa can't go home tonight. He is in a serious situation. Please call me later tonight. I can't call you now because I am in a public place." Sulat ko sa ipinadalang text k okay mama.

Nang makarating kami sa clinic ni Mamiya-san ay agad naming inakay si papa papasok. Hindi na naming hinintay sina Rio, Risa at Ayako. Si Ayako rin kasi ay nahihilo at parang nasusuka kaya kailangan rin niya ng attention. Gusto ko rin siyang makasama, of course, pero mas malapit sa akn si papa nang mga oras na iyon at kailangan niya ng attention ko.

Kasunod naming sina Rio, Risa at Ayako na kakababa lang sa isang taxi at pasunod na rin sa amin. Nakakahiya mang pero si Rio na ang nagbayad ng taxi fares ng parehong taxi bills.

"Papa, are you okay?" tanong ko kay papa habang nakaupo siya sa sofa ng clinic. At medyo naghihingalo.

"Y-yeah." Sagot niya sa akin pero alam ko na hindi. Matindi ang tama ng sugat niya. Paanong nakasakit ang mga multong ito? They don't have physical properties to hurt humans. Iyon talaga ang ipinagtataka ko. Ngayong pwede na silang makasakit directly, mas natatakot na ako para sa pwedeng mangyari.

Biglang nag inject si Mamiya-san ng kung anong gamot kay papa. Nagulat na lang ako.

"Ano yan?" me referring to her injection habang nakanguso ako.

"Anesthesia. I want lessen his physical pain." Seryosong sagot ni Mamiya-san sa akin. Agad niyang pinahiga si papa ng patalikod.

"Medyo malalim ang tama ng papa mo sa likod. Kaya ko naman itong gamutin pero kailangan niya ng surgery. Most of my items are just basic. I need these" sabi ni Mamiya-san habang nagsusulat ng mga listahan ng mga kakailanganin. "Pero sa Shibuya Hospital lang available ito. Hindi ko alam kung paano tayo makakakuha ng bagong set nito though..."

"I will get the items, leave it to me." Rio took the list from Mamiya-san. Pinigilan ko siya pero mapilit pa rin siya. "It's my fault that your dad is in trouble now. I am sorry."

Agad na lumabas agad si Rio. Para bang nahiya siya sa lahat ng nganyari. Pero sa totoo lang, wala akong galit sa kanya. Wala namang may kasalanan. Ang alam ko lang, dapat mapapanagot si Shibata at dapat makakawala na kami sa sumpang ito. Marami na ang nadadamay.

Tumunog na ang cellphone ko pero hindi ko pa rin ito sinagot. Nakatulala lang ako at patuloy sa pagiisip. Hanggang sa sinita na ako ni Risa para sagutin ang phone ko.

Si mama ang tumatawag. Nagbuntong hininga muna ako bago ko sagutin. Dapat strong lang ako para kay mama. Pag mahina ako, mahahawa si mama sa akin. Ayokong mangyari iyon.

"How is your dad?" unang tanong ni mama sa akin. Ramdam ko ang pagaalala niya. Pero kailangan kong maging maingat sa pagsagot sa kanya.

"He is good. Tinulungan kami ni Mamiya-san." Assurance ko kay mama.

"Can you tell me in detail on what happened?" mom asked me but I can hear her worries with the tone of her voice.

At kinwento ko ng madetalye ang pangyayari kay mama. I have to be honest while exlaining carefully. Matapos nito ay naintindihan ni mama ang pangyayari. At nalaman niya ang ginawa ni Shibata.

"Shibata-san is now raoming around free as if nothing happened. He happens to be the last addition to the thirteen cursed ones. He told me to ask you about something. Are you really cursed too?" tanong ko kay mama. This time, I have to clear all my doubts to my mom.

Hindi sumagot si mama. Pero may isa lang siyang sinabi sa akin.

"Aayusin ko ito, anak."

Binaba niya ang mobile phone pagkatapos niyang sabihin iyon. Kinabahan ako. Baka may gawin si mama na hindi maganda. Sinubukan ko siyang tawagan ay hindi na siya sumagot. Kinulit ko at tumawag ulit ako sa kanya pero this time patay na ang phone.

At nataranta na ako. Ayako went to me and hugged me to give comfort. Somehow, napakalma ako sa yakap ni Ayako sa akin.

Si Risa naman ay nag umpisa nang maglagay ng mga charms sa paligid. Habang si Mamiya-san naman ay patuloy sa pagasikaso sa sugat ni papa. Si papa naman at nakatulog na.

Nag request naman si Mamiya-san na i-lock ko ang pinto at ilagay ang "Closed" at "The Doctor is out." Signs. Isinara ko na rin ang blinds ng clinic.

Pagkabalik ko sa sofa area ay nakita ko si Ayako na biglang naduwal at tumakbo papuntang restroom. Nagulat kaming lahat. Sinundan ko siya. Naiwang nagtataka sina Risa at Mamiya-san sa living room area kasama si Papa.

Pagdating ko sa restroom ay nakita ko na lang na may tumulong tubig sa legs ni Ayako. Napatingin sa akin si Ayako sa akin na nagulat.

"Yuya." Naluluha siya. Natatakot. Hawak hawak niya ang kanyang tiyan.

Anong ibig sabihin nito, Ayako? 

RAYKOSEN Creator

32nd Incident: Droplets 滴