31st Incident: Impostor 詐欺師 

BAG! TAG! DAG!

Ingay na mula sa boundary nila Daisy, Tetsu, Oliver, Yuuri, at si Yamamura. Nag-iingay sila at gumagawa ng paraan para makawala sa boundary na ginawa para sa kanila. Nakatingin ang lahat ng mga multo sa akin.

Anong ibig sabihin nito?

Maya maya pa ay napansin ko ring lahat na ng mga nasa curse na buhay pa ay nakatingin rin sa akin. Sa mga tingin nila ay ramdam ko ang duda mula sa mga mata nila. Bukod na lang kay mama.

Ako ba ang tinutukoy nilang impostor? Wait! What?!

Magasalita na sana ako para i-defend ang sarili ko pero bigla akong pinigil ni mama.

"Kung ang anak ko ang impostor, sa palagay niyo ay anong purpose ang pwedeng meron siya?" pagpapaliwanag ni mama sa mga tao sa common room. "Kung hindi siya cursed, bakit maraming kababalaghan na nangyayari sa kanya? Hindi pa ba sapat na rason iyon para maging proof na ang anak ko ay cursed talaga?"

Natahimik ang lahat. Ang common room ay napuno na ng pagkalito.

"Cursed siya. Alam ko. Ramdam ko." Sabi naman ni Rio. Kita ko sa mga mata niya ang seryosong expression niya. Ngayon ko lang ulit siyang nakitang ganito ka seryoso. Kalimitang nakakainis si Rio pero salamat sa sinabi niya.

"So sino ang nagpapanggap?!" tanong naman ni Police Inspector Ueda.

"Hindi pa natin malalaman pero kailangan nating ihinto ang ginagawa natin ngayon. Bukod sa kailangan nating maging maingat sa pagbibigay ng info sa isa't isa, magiging delikado rin na ang malalamang info sa atin ng impostor. Magagamit ito laban sa atin. Though, hindi ko alam kung paano ito magagamit laban sa atin. Isa lang ang alam ko, may nagmamanman sa atin at inaalam ang kinikilos natin. Kailangan na rin nating huminto dahil kung nakikita niyo ngayon, pagod na pagod na rin si Risa."

Alamin muna natin kung bakit nandito si Daisy. She was captured before in the hospital by two of the ghosts of the suicide. Mapupunta sila sa kawalan 'di ba? Hindi ba galit na galit ka noon, Rio?

"Oo. Pero dahil sa kakayahan ni Risa na tumawag ng mga kaluluwa, hindi na tayo mahihirapan ng masyado sa pagalam ng mystery ng 23:57. Also, Mrs. Kobayashi's knowledge will also direct us to our goals. Unless of course your mom is lying about something. You noticed it, don't you?" Paliwanag ni Rio.

"Oo. Ayokong magduda pero totoong may tinatago si mama." Sagot ko naman.

Malalaman rin natin iyan.

"For the mean time, you guys have to go back to where you should be." Pagkausap ni Rio sa mga multong nasa boundary.

"Heaven? Hell?" patanong ko.

"Who knows. I am not dead yet." Sagot niya sa akin. Minsan, gusto ko rin siyang batukan e.

"Probably there is no heaven nor hell. Probably nothingness when you die." Sagot naman ni Risa sa amin. Hindi ko alam pero ang cryptic ng pagkakasabi niyang ito sa amin. Parang lumamig ang likuran matapos niyang sabihin iyon sa amin.

Lahat ng mga multo ay nakatingin pa rin ng masama sa akin kahit nawawala na sila. Naguguluhan talaga ako. Ano bang ibig sabihin nun? At saka ano yung sinasabi ng uncle ko na si Yuichi na "I am essential."

Essential saan? Essential ng ano?

Probably, I am playing a big role in this curse. Or probably, This curse is bigger than my perspective. Naguguluhan ako. Kahit ano pa yan. Malalaman at malalaman ko 'yan. Sisiguraduhin kong makakaligtas sila mama at Ayako sa curse na ito.

We were planning to end the meeting when Kitade-san raised her hand.

"I have a question. Uno-san." Sabi niya kay Oya-san. "Your son is also involved in the Laiya sect. How come you knew this all along? Can you explain this to us?"

That was unexpected. At naupo naman kaming lahat sa common room matapos linisin ang mga nagkalat. Si Oya-san naman at nag abot ng mga canned drinks sa amin.

At nagsimula na siyang magkwento matapos niyang uminom at tikman ang hawak niyang inumin.

"My twin sons committed suicide." Panimula ni Oya-san. Napakabigat ng panimula niyang ito. Balak ng pigilan pa ni Rio na magsalita ang lolo niya pero agad naman siyang pinigilan nito. Kaya naman ay nagpatuloy na magkwento si Oya-san tungkol sa kwento niya tungkol sa curse na meron siya ngayon.

"Shuunei and Shuuji died in different manner and in different places. Both of them committed suicide because of me."

"Can you be more specific about it?" sagot ni Police Inspector Ueda. Napatango naman si Mamiya-san na parang humihingi rin ng additional information from Oya-san.

"Shuunei and Shuuji are very close. They complete each other. The other one is a blessing to everyone around him. But the other is carrying a curse. Shuunei is very popular, outgoing and very positive. While Shuuji is the opposite. While Shuunei is a normal boy, Shuuji carries a curse far different from 23:57. He is a bearer of our lineage's curse. Even though both of them are very different to each other, they did had a huge fight. Until one day, both of them fell in love with a single woman.

Shuunei was so devastated with what happened and he decided to go away and he became different. Soon afterwards, I found out that Shuunei is already one of the thirteen members of a Laiya Sect. Then eventually, Shuuji committed a suicide too.

I almost lost my mind because of the death of my twin sons. Eventually, my wife passed away with the stress too. So, this made me sunk into depression. I soon forgot the real world and just decided to run my apartment and live in my room forever where I can see my son who constantly visits me. And then, some ghosts visits me too.

Shuunei is the ghost inside my room. He is one of the ghost in this apartment too.

And who is Shuuji?

"Yes, Shuuji is my father!" sagot ni Rio sa amin na nakangiti pa.

Nagulat talaga kaming lahat sa nalaman namin

"Koujiro Uno ang real name ni Oya-san. Shuunei Uno naman ang sa anak niya. So paano naging Sakurada si Rio?"

"That's because Shuuji did not adopt my surname and used his mother's surname instead as part of carrying the curse of the Sakurada lineage."

"So if ever there is no more Sakurada who is going to continue the curse, then Sakurada family name will perish as well." Sagot ni Rio sa amin.

"So iba pa ang curse na meron si Shuuji kesa sa pagsali ni Shuunei sa 23:57 incident?"

"Yes. At mas malalim ang conflict na 'yon kung paguusapan pa natin dito. I suggest not to dig further about my family's curse and focus on 23:57." Seryosong sagot ni Rio sa amin.

"I agree. Some clans carries curses depending on what kind of burden are they carrying. I can understand Rio for I am carrying a different curse apart from the 23:57 right now."

Lahat kami ay natahimik. Nalinawan. Naliwanagan na ang lahat at nagpasya nang umalis. May nalaman na naman kaming lahat.

Pero sino nga ba ang impostor sa aming lahat?

"Dapat hindi muna ikaw nagkwento lolo." Rio objected habang tinitignan niya ng masama si Kitade-san. Mailap naman si Kitade-san at umiiwas ng tingin na natatakot kay Rio.

At tumunog ang cellphone ni Kitade-san at sinagot niya iti. Kitade-san informed us na tumawag si Shibata-san at kailangan na ni Ayako at Risa mag collaborate. Medyo pagod pa si Risa pero willing pa rin siyang makipag collaborate kay Ayako. Start of the collaboration of Risa and Ayako. Ayako and Risa decided na maiwan na lang silang pareho at ako naman ay nag occupy ng ibang room sa apartment ni Oya-san na inoffer niya sa akin na pansamantala kong tirahan habang hindi pa naayos ang actual room ko na naging crime scene noon dahil sa kagagawan ni Police Inspector Yamamura.

Hinalikan ko lang si Ayako sa pisngi at iniwan ko na silang dalawa. Patulog na ako nang may kumatok sa pintuan ko.

Si Rio.

"Anong?!" Gulat na gulat ako.

"Pa sleep over! Haha!" ngiting ngiti naman si Rio.

"Ano?!"

"Bingi ka ba?" pilosopong sagot naman ni Rio sa akin. Aba aba!

"Umayos ka. Anong trip mo ba't dito ka matutulog?" banta ko.

"Kasi I am scared." Habang pekeng pekeng ang pag act out ni Rio na natatakot. Habang pinagdidikit niya ang dalawang pointing fingers niya. Sarap konyatan eh!

"Sige ka pag hindi mo ako patutulugin, walang magaassist pag may mangyari kay Ayako-chan!"

Aba! Ginamit pa ang girlfriend ko! Magaling! Pero wala na rin akong nagawa. Kaya napilitan na akong natulog kasama ang batang ito.

Nang sumunod na araw, ay maaga akong nagising dahil hindi tala ako comfortable na kasama ko si Rio sa kwarto. Dumating na rin sina Ayako at si Risa sa kwarto ko na may dalang mga pagkain. Rio turned on the TV and we started to eat in my room using a kotatsu for four people.

Nagulat na lang kami ni nang mapanod namin ang morning news at ibinalita na patay na si Police Inspector Ueda. According to the news, he was poisoned and he was found few blocks away from Private I Café.

"This is unbelievable!" napatakip si Ayako sa bibig habang patuloy na nanonood.

"Well I am not surprised. This could happen to anyone. Especially an impostor was with us yeseterday." Sagot ni Rio kay Ayako at nagpatuloy na kumain.

"Does this mean that the impostor might be involved in this?" tanong ko.

"Probably..."

"Then what should we do now?" tanong ni Risa.

"Let's gather! I will call them." Sagot ko at agad ko kinuha ang mobile phone ko.

"Wait! We must talk about this first privately before the others." pagpigil ni Risa sa akin.

"Can you attest that both of you are in your room?" agad na follow up question ni Risa sa amin ni Rio

"Yes! Of course!" agad na sagot ni Rio na nakangiti at siniko pa ako.

"Yes, magkasama kaming pareho kahit nakakapikon ang hilik niya." Depensa ko. Napangiti naman ang dalawang babae na kasama namin.

"So both have an alibi." Sagot ni Ayako.

"How about you girls?" tanong naman ni Rio.

"Of course we were together!" sagot nina Risa at Ayako nang sabay. "Ginawa pa nga naming ang collaboration article namin."

At ipinakita pa nila ang draft ng article na natapos nila at ipinaliwanag rin nila sa amin ang photo ideas nila para sa article na ipapasa nila. At dahil distracted pa rin ako sa pagkamatay ni Ueda, hindi ko na naintindihan kung tungkol saan ang article at tumango lang ako nang tumango.

"So the four of us did not kill Police Inspector Ueda." Agad na siningit ko.

"Well, that is not a sure thing but perhaps aroung 70% probability." Sagot naman ni Rio.

"So the suspects of the death of Police Inspector Ueda, apart from us, are: Mamiya san, Yolly, Oya-san, and Kitade-san." Pag analyze ni Ayako.

"Yeah..." sagot naming lahat.

"Pero pwede ring ang mga ghosts ang may gawa. But we still need to find the impostor first."

Hindi ko alam pero kumain kami na para bang walang lasa ang pagkain namin. Isa na naman ang namatay sa mge cused people of 23:57.

Matapos kumain ay agad naming kinausap si Oya-san sa common room. Tinawagan ko na rin si mama sa mobile phone at ipinaalam sa kanya na gusto ko siyang makausap.

Pero nanginginig ang boses ni mama nang sagutin niya ang mobile phone. Alam ko sa sarili ko na alam niya na ang pagkamatay ni Police Inspector Ueda.

"Mama. What happened? May alam ka ba sa pagkamatay ni Police Inspector Ueda?!"

Hindi sumagot si mama dahil inagaw ni papa ang mobile phone.

"Yuya, my son, this is the last time that I am allowing your mother to be part of this activity!" galit nag alit na boses ni papa at naririnig ko si mama na may sinasabi pero hindi ko marinig. Parang nagtatalo silang dalawa.

"Papa! What happened?" nalilito na akong nagtanong habang naririnig ko ang hindi ko maintindihang pagtatalo ng dalawa.

"I have allowed your mother before!" sagot ni papa sa akin. "But meeting the other cursed people has put her in grave danger! She has been in terrible situation already. Yamamura threatened her before and last night this Police Inspector Ueda followed your mom!"

"What do you mean papa?"

"Police Inspector Ueda attacked your mother last night!"

"What?!" Gulat man ako, ramdam ko na talaga noon pa lang ang curiosity at eagerness ni Police Inspector Ueda na ma solve ang 23:57 curse. At lalo siyang nagka interes nang malaman niyang si mama ang survivor ng last incident.

So hindi na ako nagtaka na sinundan niya at inatake si mama. Pero ang takot ko ay namatay si Police Inspector Ueda that night. Itatanong ko na sana kung involved ba si mama at papa sa incident ni Ueda pero...

"But listen... We are not involved in his death." Sinagot na ni papa ang dapat na itatanong ko pa lang. "He died in the nearby area of Pivate I Café. It is impossible for us to kill him. I swear to you, your mom nor I did not kill Ueda."

"What?! Then who?"

"I think I saw that Police Inspector was with another woman during that time. I am not sure kung sino."

"Wait. Kitade? Mamiya?" I blurted out dahil sila lang namna ang mga kasama sa sumpang ito.

"It is for you to find out who that person is! That person might be involved with the death of Police Inspector Ueda. Just do not involve your mother anymore! She sacrificed a lot already for this curse! She has sacrifice a lot already for you—"

At agad na inagaw ni mama ang telepono at naririnig ko ang pagtatalo nilang dalawa.

Beep. Beep. Beep.

Hanggang sa maputol na ang linya.

"Kitade at Mamiya. Sino sa inyong dalawa ang involved sa pagkamatay ni Police Inspector Ueda?" bulong ng isip ko na paulit ulit na tinatanong ko sa sarili ko.

Agad ko namang ipinaliwanag sa mga kasama ko ang napag usapan namin ng mga magulang ko kila Ayako, Rio at Risa.

"We need to meet the cursed ones in Private I Café." Sabi ko sa mga kasama ko at nag text na rin ako kay Kitade at Mamiya na makipag meet sa amin. Pinalabas na lang naming lahat na paguusapan namin ang pagpapasa ni Ayako and Risa ng kanilang collaboration article nila kay Kitade-san. At ang sinabi naman namin kay Mamiya-san ang tungkol kay Police Inpsector Ueda. Pero balak talaga naming I confront silang dalawa.

Wala na kaming police force sa amin kaya mas mahirap na ang mga next steps na gagawin namin para matunton ang source at resolution ng 23:57 incident and curse.

Habang tumatagal parang mas lalong humihirap ang ginagawa naming at habang tumatagal ay nalalagas na kami.

Nakarating kaming lahat sa Private I Café. Anim lang kaming nagkita-kita. Ako, si Ayako, si Rio, si Risa, si Mamiya-san, at si Kitade. Wala sina Oya-san at si mama sa amin. Si Oya-san ay hindi na naming ginulo dahil marami rin siyang ginagawa. At matanda na siya para sa curse na ito. Makakasagabal lang siya sa mga gagawin namin. Sorry pero totoo naman. At si mama naman ay hindi na pinayagan ni papa. Pakiramdam may mga itinatago pa rin sila sa akin. Lalo na sa mga sakripisyo ni mama. Pero hindi iyong ang kailangan naming malaman ngayon.

Sino ang pumatay kay Police Inspector Ueda?

Sino ang impostor?

Matapos mapasa ang article submission nina Ayako at Risa kay Kitade-san. Pinag-usapan na naming ang tungkol kay Police Inspector Ueda. Biglang pinagpawisan silang dalawa. This time, sigurado na kami. Isa kay Kitade at kay Mamiya ang pumatay kay Police Inspector Ueda. Maaring isa rin sa kanila ang impostor. At panahong ito, kailangan naming malaman ang totoo.

"So sino sa inyo ang pumatay kay Police Inspector Ueda?" agad na bulalas ni Rio sa dalawa na parang biglang naging interrogation ang nangyari.Wala talagang tamang timing itong taong ito e.

"I did not kill him!" sabay na depensa nina Kitade-san at ni Mamiya-san sa amin na gulat na gulat.

"Where were you at the incident of Police Inspector Ueda's death?" tanong naming pareho.

"I was with him but I didn't kill him. I was scared of going home because of the things that happened yesterday. So I asked him to come with us." Sagot ni Mamiya-san. "But we were also with Kitade-san and Mrs. Kobayashi."

Ikinagulat naman ito ni Kitade-san. Pakiramdam niya ay nadamay siya bigla sa sinbi ni Mamiya-san.

"Why are you just pointing at us?" sagot ni Kitade-san sa amin. "How about Mrs. Kobayashi? You should be interrogating her too!"

"Police Inspector Ueda attacked my mother last night." Sagot ko

"Then she might be involved." Agad na depensa ni Kitade-san sa akin.

"My father saved my mom from him but they did not kill him. My father told me that he saw a woman who followed Police Inspector Ueda when he ran away after my father and him got into a fight." Paliwanag ko na sinabi lang sa akin ni papa. Actually medyo malabo pa talaga ang sinabing ito sa akin.

"That woman is probably one of you. It might lead us to the one who killed Police Inspector Ueda."

"What made you guys innocent?" sagot naman ni Kitade-san sa amin. "You are pointing your fingers to us but it is unfair because you can be suspects too!"

"We did not kill him. We were together."

"That's it! What if you are conspiring together to point at us!"sagot naman ni Kitade-san sa amin. "Talk to us if you have a solid evidence. I am out of here."

At umalis si Kitade. Si Mamiya-san naman ay nag stay sa amin. Pero masama ang loob niya. Sobrang awkward talaga ng mga nangyari. Wala na! Watak watak na kami. Paano pa ba namin maaayos ito? Damn!

Nakita kong sinalubong ni papa si Kitade-san! Anong ginagawa ni papa dito?! Agad akong tumayo, lumabas ng Private I Café at agad akong sinundan sila sa isang street na hindi dinadaanan ng mga tao.

Agad namang sumunod sina Rio, Risa, Ayako, at Mamiya sa akin. I warned them not to make any noise. Dahil narinig ko na ang mga boses ni Kitade-san at ni papa.

"I have found you!" simula ni papa kay Kitade-san.

"Who are you?!"

"Why were you with Police Insector Ueda when he attacked my wife?" agad na nag iba ang tono ni papa. Agad siyang nagalit.

"I am not going to answer that question."

"Don't make me use force in order to get the answer that I want!" galit nag alit na si papa. Gusto ko siyang pigilan pero pinigilan naman ako ni Rio.

"Go away!" bulalas n Kitade-san at nagtangka na itong umalis.

"You are the impostor, right? I can smell how fake you are." Sigaw ni papa sa kanya. "What is your purpose in involving yourself in this curse? Are you really enjoying this? Putting yourself in danger to get information?"

"Who are you with?! Tell me!"dagdag na tanong ni papa. Natigilan kaming lahat sa sinabi niyang ito.

"Papa! What is the meaning of this?!" Hindi na ako nakapagpigil pa.

Parang na trap na si Kitade-san dahil nasa kabilang side lang kami ng alley at nasa kabila naman si papa.

"This woman is the impostor! I have seen the actual list of the people in the file case. Even though her grandmother is in there, she is not cursed." Paliwanag ni papa.

Hindi na nakasagot si Kitade-san.

Natahimik kaming lahat. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Pero parang alam na ni Kitade-san ang itatanong namin. Kaya naman nagbuntong hininga siya at nagsalita matapos ang nakakabinging katahimikan.

"Yes! I am not really part of the cursed people of 23:57! I was just forced to be involved with this. But I did not kill Police Inspector Ueda!"

"Did Shibata involved you here?" tanong ni Ayako.

Hindi man sumagot si Kitade-san ay damang dama ko nga na involved si Shibata-san sa mga nangyayari.

"Of course Shibata involved you here. He has been dominating you since you replaced Tetsu-san." Sagot ko. Naiinis na ako sa totoo lang.

"I have to go now." At agad na mabilis na umiwas ni Kitade-san sa amin at tumakbo na siya papalayo.

"Wait!!!" hinabol namin siya.

Tumakbo na siya papasok sa Shibuya Station entrance stairs at sinundan namin siya. Maraming tao sa paligid kaya kailangan naming maging discreet sa pagsunod sa kanya.

Hanggang sa pumasok kaming lahat sa pag tap ng cards at sinundan namin siya sa Hanzomon line platform ng Shibuya Station. Nakatayo na si Kitade-san sa pinakaharap ng platform at parating na rin ang train. Sinubukan naming lumapit pa pero sa dami ng tao na nakapila ay hindi na rin kami makalapit pa. Rush hour na rin kasi ng mga oras na iyon.

Papalapit na ang train. Kung makakasakay na si Kitade-san hindi na naming alam kung kalian naming siyang muli makikita. Pwedeng layasan na lang niya kami at mahirap na siya m track down. Gusto ko pang lumapit at nag attempt talaga ako pero mahirap. Masikip at may mga tao na ang naiinis sa pagpupumilit ko. Napansin kong naiwan ang mga kasama kong sina Ayako, Rio, Risa at Mamiya sa likuran.

Nagulat na lang ako nang makita ko na nasa likod na pala ni Kitade-san si Shibata. Pero hindi ito napansin ni Kitade-san dahil naka focus siya sa paparating na train. Nang malapit na ang train, Shibata pushed her and caused her death.

"Aaaaaahhhh!" sigaw ni Kitade-san. Kitang kita ko ang takot sa mga mata niya.

Napasigaw ako sa gulat sa nakita ko. Nalaglag si Kitade-san at sumaboy ang mga paperworks na dala niya. At nagsitalsikang ang dugo sa harapan. Naramdaman ko rin ang pagsaboy ng dugo nito sa kaliwang part ng mukha ko. Putol ang katawan niya. Kalahati nito ay nakaladkad na. Ang kalahati ay kitang kita kong nakatingin pa sa akin. Naghihingalo. At nawalan na ng hininga na bukas ang mga mata at nakatingin sa akin.

Natulala na ako at parang nabingi na ako at parang bumagal ang paggalaw ng lahat. Alam ko na nagpanic ang mga tao sa Shibuya station pero hindi ako makagalaw.

Pumapatak ang dugo ni Kitade-san. Kitang kita namin ang buong pangyayari. Nagtakip ng mata si Ayako at si Risa naman ay inakap siya. Si Mamiya naman ay agad na tumawag ng emergency. Si Rio naman ay tinitignan lang ako.

Ngayong patay na ang impostor. Mas lalong gumulo ang lahat.

Sumakit na naman ang ulo ko na parang tinutusok ng karayom. Tuwing nakakaranas ako ng bagay tungkol sa 23:57 curse, nararamdaman ko ang ganitong klaseng sakit ng ulo.

Ibinaling ko ang attention ko sa tumulak kay Kitade-san. Nakita ko na lang si Shibata-san tumingin pabalik sa akin. Hindi ko alam kung paano niya nakuha ang submission paper nina Ayako at Risa pero hawak hawak niya na ito. At ang isa pang ikinagulat ko ay ang makita ko na nagsilabasan na ang twelve ghosts na nakapaligid sa kanya. Matalim ang tingin sa akin ni Shibata habang inayos ang salamnin niya. Blanko ang mga mata niya. At umalis ito.

Si Shibata ay napapalibutan ng twelve ghosts na nag commit ng suicide four years ago habang naglalakad siya paalis. Anong ibig sabihin nito?

What is Shibata up for?! Anong kinalaman niya sa 23:57? 

RAYKOSEN Creator

31st Incident: Impostor 詐欺師