30th Incident: Little girl 少女
Bumulagta ako sa sahig na naghahabol ng hininga. Napigilan ni Rio limang ghosts na nasa harapan ko. Walang bumitaw ng kamay ko. Habang nakikita kong nagaalala ang lahat. Nawalan na ako ng malay at nag fade to black ang paningin ko.
Nagising ako na hinabol ko ang hininga ko. Naramdaman ko na si Ayako ay nasa tabi ko habang binigiyan ako ng comfort. Habang nasa tabi ko rin ang nanay ko na may dalang tubig. Uminom ako at naisuka ko ito. Naramdaman ko ulit ang kirot ng pagsakal sa leeg ko. Nang mahimasmasan ako ay nagulat ako nang makita ko ulit ang lima. Pero ang kakaiba ay hindi na sila makalapit sa akin. Parang binded sila sa certain space sa sahig. Ang asin na nakapalibot sa kanila.
"Hindi sila makakagalaw. Sorry medyo na late ako. Nakalimutan ko magdala ng asin." Ito ang unang sinabi ni Rio sa akin.
Inaasahan ko talagang magkaroon ng gulo pero hindi ko inexpect na ako ang target ng mga multong ito. Anong problema?
"Akala ko ba protected ako ng charm ni Risa. Pero bakit nahawakan nila ako?" tanog ko kila Rio at Risa. Pero ibinalik lang nila ang mga tanong ng mukha ko na nagtatakang mga mukha nila.
"Actually nagtataka kami dahil malakas ang ability ni Risa na tumaboy ng mga ghosts. Pero may nalaman kami." Paliwanag ni Rio.
"Ano yun?"
"Ito." Ipinakita ni Rio sa akin ang bracelet charms na ibinigay niya sa akin pati na rin yung ibinigay ni Risa sa akin. "Hindi ka naportektahan ng mga charms naming dahil may pumutol nito."
"Baka naman naputol." Sabi ni Kitade-san sa amin. Na agad namang tumango sina Mamiya-san.
"Kung naputol yan ay hindi ganito kapulido." Sagot naman ni Police Inspector Ueda na tila nagiimbestiga na pinakita niya sa amin ang observation niya sa pulidong putol ng charm bracelets.
"Parang ginupit." Sabi ni Ayako sa amin.
"Tama ka." Sabi ni Police inspector Ueda.
"Baka naman naputol ng pulido sa tindi ng impact." Sagot ni Risa na parang nalilito.
"Pwede." Sagot rin ni Police Inspector Ueda pero parang hindi siya kumbinsido.
Naiinis ako kasi napunta sa bracelets ang attention nila. Alam ko sa sarili ko na suspicious nga pero hindi ito dapat unahin. Naniniwala akong mag nabotahe sa mga charms na meron ako. Malalaman ko rin kung sino sa inyo ang gumawa sa akin nito. Pero hindi iyon ang priority at and reason kung bakit kami nandito.
At sa totoo lang sumakit na naman ang ulo ko. Kumikirot na naman ito.
"Wala na tayong oras para sa ganyan. Ang importante ngayon ay malaman na natin ang buong kwento ng 23:57 para malaman na natin kung paano tayo makakawala dito." Bulalas ko na kahit hirap akong tumayo ay pinilit ko.
"Mama and Oya-san, please tell us what you know about 23:57. Please." Sambit ko na para bang nagmamakaawa.
Nagbuntong hininga si mama at nag gather kaming lahat habang nasa paligid lang ang mga multo isinamo ni Risa. Nahalata niyang tingin ako ng tingin sa kanila.
"Huwag kang magalala. Sila ay naka bind sa area na 'yan at hindi sila makakalapit kahit kanino sa atin." Assurance ni Risa sa akin habang itinuro ang mga ghosts na nasa isang area lang pero ramdam ko ang galit nila sa akin.
"Bakit kaya sila galit na galit sa akin?" nasabi ko sa sarili ko na hindi ko namalayan na malakas ko nap ala itong nasabi. Minsan nasasabi ko talaga ang iniisip ko.
"I am wondering too. Did you hurt them?" tanong ni Rio sa akin.
"Hindi nga e. Hindi ko alam kung anong atraso ko sa kanila."
Kita ko na ang galit nila sa akin. Hindi ko alam. Nagtataka talaga ako. Pero tulad ng sinabi ko kanina, hindi ito ang pakay namin ngayon.
"Perhaps we should proceed with the goal of this meeting before anything else." Bigla na lang kaming na interrupt ni mama "I can sense that this lady can only summon these ghosts for a specific time. We need to hurry."
Kaya naman ay sunod naming ginawa ay ang umupo para pakinggan ang mga sasabihin ni Oya-san at ni mama.
"Ngayon ay pwede ko na ipaalam sa inyo ang tungkol sa 23:57. Kung may mga tanong kayo ay pwede niyo na akong kausapin ngayon." Panimula ni mama sa aming lahat.
"May itatanong muna ako bago tayo magsimula." Pagtaas ni Risa ng kamay niya at tinanong niya si mama. "Bakit muna natin sila tinawag dito?"
"Isinama ko ang mga namayapa na para malaman nila ang lahat at para hindi na sila maging dahilan ng susunod na curse kung sakaling matapos ito sa atin. Karapatan din naman nilang malaman ang lahat at ang totoo. This is for the clarification of their deaths. So that no more curse will proceed."
"So you know how to end this curse?" Mamiya-san asked.
"Not exactly ending it. But I am preventing the cycle from happening in our time."
"So halting it for a decade?" Tanong naman ni Rio.
"I'm hoping."
"That's understandable. So we need to do this." Rio responded.
"Do you know what happened to them?" Sabay turo ko kay Oliver at Yamamura. "This guy, Yamamura a detective killed this guy, Oliver."
"Then Oliver haunted Yamamura back and killed with revenge." At nagpatuloy akong nagpaliwanag. "Then this girl, Daisy, has been killed and her soul was taken by two of the ghosts. I don't even know why she's back here."
"And this waitress. She is Yuuri Katou. She commtted suicide before due to the pressure of being cursed. She had issues with Daisy. So all of them are clashing. Is it really okay to summon them?" Patuloy akong nagpapaliwanag na halos wala ng space sa paghinga ko. "Then Editor Tetsu. I saw how he died..."
Walang nakasagot. Awkward silence lang ang naging sitwasyon matapos kong magpaliwanag.
"Kung ganoon, mas lalong dapat na kasama natin sila." Sagot na lang ni mama sa akin. Ramdam ko, may hindi pa siya sinasabi sa amin.
"Can we talk to these ghosts?" I asked Risa.
"They cannot speak right now. I halted them." Risa replied.
But why?
"Ghosts are powerful with their words. They can harm you or control you and make you weak just by speaking. I cannot risk that."
"That is true. They must listen to us first."
"Now, let's proceed with the next question." Pagsingit ni mama.
"Ano yung religious group na sinalihan ng mga namatay four years ago? Kasama ka doon hindi ba at ikaw ang naka survive? " tanong ni Police Inspector Ueda sa mama ko.
Natahimik ang lahat. Maski ako ay nagulat sa tanong na iyon. Pero sumagot pa rin si mama.
"Ang pangalan ng religious group ay 'Layia Sect'. It was derived from a flower with radiant yellow and white petals. We were inspired by the thirteen petals of it. The small religion was a religious group created by a very small number of members. Thirteen people. These people's profile is in the file case. Ito ay nai-compile namin bilang isang secret group lamang. Lahat kami ay may iniindang problema at lahat kami ay naging support ng isa't isa. Sa una ay hopeful ako nang makasali ako sa grupo pero hindi naglaon ay naging twisted ang lahat dahil sa leader namin. Lahat kami ay namanipulate at gamit ang salita niya ay napapayag niya kami sa gusto niyang mangyari. Ang tumalong kaming lahat para sa isang mass suicide four years ago. "
"Kasama ako doon. At oo, ako nga ang nagiisang nabuhay sa suidcide incident."
Nang sabihin ito ni mama ay biglang nagwala ang mga multo sa boundary nila. Nagulat kaming lahat sa mga reaction nila.
Bakit? Anong nangyayari?
"Narinig ko na ang grupong iyan noon. Madalas itong sinasabi ng uncle kong si Shuunei noon dahil sobrang devoted siya." Dagdag ni Rio sa amin. "Hindi ko akalain na ang sinalihan niyang tutulong sa pagbangon niya ang magpapahamak pa pala sa kanya."
"Sino ang leader ng grupong iyon? Sino ang pinaka ugat ng ito kung bakit nasa curse tayong lahat ngayon?"
"Siya si Yuichi Kobayashi?"
Yuichi Kobayashi? Wait. Don't tell me siya yung mid thirties na sunod ng sunod sa akin noon pa!
"Siya ang nakababatang kapatid ng papa mo, Yuya. I am sorry for keeping this one to you. Yuichi Kobayashi is your uncle and the head of the Laiya Sect."
Biglang may mga series of flashbacks na pumasok sa utak ko. Nakita ko ang mukha ni Yuichi Kobayashi sa isang malabong memorya ko. Ngumiti siya at binigyan niya pa ako ng camera. Bigla ko ring naalala nang makita ko ang mukha ni Yuichi na kasama si papa at nagtatalo sila. Nakita ko rin siyang dala dala ang isang Laiya flower na ibinigay niya kay mama.
Anong ibig sabihin ng mga series of flashbacks na iyon?
Nagibla ako dito dahil para na lang itong basta pumasok sa akin na hindi ko alam kung bakit. Pero ramdam ko na ayaw ko ang ganitong pakiramdam.
Kumirot ang sintido ko na parang tinutusok ng karayom. Sakit na hindi ko maipaliwanag.
"Argh!" hawak hawak ko ang ulo ko na hindi ko na kinaya. Nakikita ko sa view ko ang mga kasamahan kong natataranta at lumabo na ang paningin ko. At tulad kanina ay nag black out ako.
Pagkadilat ko ay nagulat na lang ako at nasa harapan ko na si Yuichi Kobayashi. Alam ko na siya iyon kahit nakatakip ng surgical masks ang mukha niya. Tinanggal niya ang surgical mask niya nang dahan dahan.
Nakita ko ang mukha niya. Mid thirties na nga ang itsura niya. Seryoso itong nakatingin sa akin na walang bakas nang emosyon. Nagsimula siyang lumapit. Narinig ko ang tunog ng bawat yapak ng sapatos niya.
Tack. Tack. Tack.
Hindi ko alam kung anong gagawin pero sinubukan kong umatras.
Nagulat na lang ako na nasa likod ko na siya.
At nang harapin ko siya ay agad niya akong hinawakan sa balikat nang mahigpit na mahigpit. Ang kailang kamay naman niya ay nakahawak sa ulo ko. At nag simula itong kumirot.
Naramdaman kong may mainit na likidong tumutulo mula sa ulo ko. Nang tignan ko ay nanggalin iyon sa sintido ko at naramdaman ko rin ang init ng likido na iyon sa balikat ko. Hindi na ako nakapalag at nakakalas mula sa kanya. Tumutusok ang mga daliri niya sa sintido at balikat ko na dumudugo na. At naramdaman ko na lalo ang sakit. Matinding sakit na parang ikamamatay ko na pero hindi pa rin ako namamatay.
Nanlaban ako at sinubukan kong pumalag.
"Bakit mo ito ginagawa? Uncle kita. Kapatid ka ni papa!" bulalas ko.
Ngumiti lang siya at nagsimula na rin siyang dumugo. Nakita ko ang nakakatakot na anyo niya. Wasak na ang kalahati ng mukha niya at duguan ang buo niyang katawan.
Nang makapalag ako at inihagis niya ako. Tumama ang ulo ko sa isang bagay na hindi ko alam. Madilim kasi ang lugar. Actually, all black ang paligid.
Kumirot ang ulo ko sa pagkakatalsik ko. Masakit talaga ang ulo ko at nahihilo na ako. Hindi ko na maramdaman ang mga paa ko at sinusubukan kong gumapang.
Pero nasa harapan ko na ang duguan sapatos ni Yuichi. Nilapitan niya ako at iniluhod niya ang isa niyang paa.
"You are very essential." Sabi niy Yuichi sa akin na may nakakatakot na facial expression.
Sinimulan niyang pigain ang ulo ko. Napahiyaw ako sa sobrang sakit.
AAAAAAAAAHHHHH!!!!
Nakita ko na lang na yinuyugyog ako ni mama. Panaginip lang pala. Hindi, bangungot! Nang magising ako ay nakita ko silang lahat na nakatingin sa akin. Agad akong bumangon. Nakahiga ako sa sofa ng common room. Natakot kasi ako dahil baka ilang oras o araw na ang lumipas at ako pa ang naging dahilan ng delay. Buti naman at isang oras lang akong nakatulog.
Naramdaman ko na alng na lumuluha na pala ako. Hindi ko rin alam kung bakit.
"Mama. Nakita ko si Yuichi Kobayashi sa panaginip ko."
"Anong sinabi niya sa iyo?!"
"You are essential." Sambit ko.
Napatakip si mama ng bibig niya. Nagulat siya na may halong takot.
"Bakit mama? Anong ibig sabihin nun?" tanong ko. "May nalalaman ka ba?"
"Kailangan na nating ipagpatuloy ang goal natin." Iniba niya ang usapan at nagkatinginan sila ni Oya-san. Napansin rin iyon nila Ayako, Rio, Kitade-san at Risa. Samantalang ramdam ko na naiinip na sina Police Inspector Ueda at Mamiya-san.
Hindi ko na ipinilit itanong ang mga bagay na naku-curious ako. Kaya naman ay bumalik kami sa dati naming pwesto at ipinagpatuloy ang lahat. Nahalata kong pinagpapawisan na si Risa.
"Okay ka lang ba?" Tanong ni Ayako sa kanya.
"I think I have been summoning the ghosts for quite a long time already." Paliwanag ni Risa na medyo hinihingal at naghihingalo. "Summoning them uses my blood, so this is the side effects. Summoning them for a long period of time drains my energy."
"Please hold on Risa. I need them with us." Pakiusap ni mama sa kanya na agad naman tumango si Risa. Ramdam ko na nagaalala si Rio sa kanya. Nagaalala naman na kami kaya naman ay binilisan na namin ang paguusap.
"Let's continue." Sambit ko. "Whoever among you has questions regarding 23:57. Please do ask my mom immediately."
"So, lahat ba ng na curse ay nagsimula Shibuya station ng 23:57?" tanong ni Ayako. Napatango naman si Rio, Mamiya-san at Police Inspector Ueda sa pagsang-ayon sa tanong ni Ayako.
"Ang pagkakaalam ko ay Oo." Sagot ni Oya-san. "Dahil matgal na itong nagaganap maski noong kabataan ko pero hindi ito tulad ng thirteen ghosts. Naalala ko pa na isa lamang itong urban legend na pinagtatawanan namin noon. Hindi na nakasagot si mama dahil sa sinagot ni Oya-san.
"Kung ang lahat ng curse ay matagal na sa 23:57, ibig sabihin na mas may matinding kalaban pa tayo bukod sa thirteen ghosts." Pag analyze ni Rio. "At may isa pang gusto akong itanong. Tignan ninyo ang profiles ng mga nag suicide sa file case."
Tinignan naming muli ang mga profiles at nakita namin ang profile ni Hinako. Napatingin kaming lahat kay Rio habang ipinagpatuloy niya ang pagtatanong.
"Matagal ko nang gustong malaman ito. Who is that child with you? Kasama siya sa nag suicide according to this profile. Pero bakit kailangan niyang mamatay? Kids at that age don't just commit suicide."
At nakita nga naming nakayakap kay mama si Hinako. Ang batang multong gumugulo kay mama.
Nagulat si Kitade-san sa pagkakaupo dahil katabi niya si mama.
"Siya si Hinako Uchida. Matagal ko na ring tinatanong iyan. Hindi pwedeng kasama siya sa thirteen na nagsuicide kasi bata pa siya para isipin ang magpakamatay."
"Gusto kong ipaliwanag ang kwento tungkol kay Hinako." Panimula ni mama.
Ngunit bago pa makapagsalita si mama ay tumayo na si Hinako sa gitna naming lahat. Lumamig at lumakas ang hangin sa paligid namin.
"Listen everyone! This girl is trying to connect with us. Maghawak hawak tayong lahat. Huwag na huwag kayong bibitaw sa isa't isa. Maaring isama niya tayo sa kanya kapag may bumitaw. Maliwanag?!" announcement ni Rio. Agad naman kaming tumango.
Nagulat na lamang kami ng lumutang si Hinako.
Hihihi!
Hindi ko maipaliwanag pero biglang nanlamig ang pisngi ko. May dalawang maliliit na kamay na nakahawak sa mga pisngi ko. Nanlamig ako sa takot at napahigpit ako ng hawak sa mga kamay ng mga kasama ko. Ramdam kong natatakot na rin si Ayako sa mga nangyayari. Kaya naman gusto kong malaman ang kundisyon niya. Napansin ko na lang na pati ang pisngi niya ang may maliit na kamay ring nakahawak. Actually, lahat ng mga pisngi naming ay may mga magkakaparehas na mga maliliit na kamay.
Hihihi! Hihihi! Hihihi!
Dumami ang mga tumatawa sa paligid.
Nabalot na ng dilim ang paligid at nabalot na rin ang mukha namin ng takot.
Naramdaman kong may nakikita ako sa isip ko. Nawala na ako sa sarili ko at imahe na lang sa utak ko ang lumalabas. Imahe ng tumatawang bata. Si Hinako!
Tumatakbo siya at nakita rin namin si Minami. Isa sa mga nasa profile. Isa sa mga nagpakamatay noon sa 23:57 incident. Ang nanay ni Hinako.
Past ba ito ni Hinako? Masaya ang nakikita ko sa memorya niya. Masaya sila ng ina niya. Pero napansin ko rin na nagaaway sila palagi ni Yamamura.
Nakaramdam ako ng takot at lungkot.
Sumunod kong nakita ang patuloy na pagaaway nila Yamamura at ni Minami. Umalis si Yamamura at napaluha ako. Ito ba ang nararamdaman ni Hinako? Nararamdaman ko rin. Natataranta at nababalisa.
Nakita ko ang mukha ni Minami na umiiyak at naging desperado.
"Sana hindi na lang kita ipinanganak! Nagsimula akong malungkot dahil ipinanganak ka!" paulit ulit na sigaw na nariringig ko sa ulo ko. Boses ito ni Minami. Naluha ako at nasaktan sa narinig ko. Hindi ko mapigilang manghina at nakaramdam ako ng sobra sobrang lungkot.
Nakita ko na lang na sumama si Minami sa isang religious group kasama ang mga iba pa. Nakatayo kaming thirteen sa platform. Lahat ay magsuicide na. Sumama si Hinako sa mama niya at hindi niya ito binitawan. At tumalon kaming lahat nang dumating ang tren.
Shit!
Namulat akong sobrang lungkot. Lahat kami ay natahimik. Ang mga babae ay nagiiyakan. Lahat siguro kami ay nakita ang past na ipinakita ni Hinako sa amin.
"Nakita niyo bang lahat iyon?" tanong ko.
Lahat ay tumango.
"Kaya pala kapit na kapit siya kay Mrs. Kobayashi. Gusto lang niya ng nanay na hindi siya iiwanan." Sabi ni Ayako.
"Mahal na mahal niya ang nanay niya kaya naman ay willing rin siyang mamatay para sumama." Dugtong ni Mamiya-san.
Umiiyak na lang si mama nang makita ko, "Ito ang dahilan kaya hindi ko maaring maiwanan si Hinako."
Ang bigat sa pakiramdam.
Mula sa pagkakalutang ay bumalik si Hinako sa tabi ni mama.
Naawa ako para kay Hinako pero hindi pwedeng habang buhay siyang nasa tabi ng nanay ko. Kailangang makagawa ako ng paraan para makakawala sa sumpang ito.
"I am sad about Hinako's death but I have been wondering." Singit ni Police Inspector Ueda na itinanong niya kay mama. Alam kong nagmamadali na siya dahil napansin niyang nanghihina na rin si Risa. "Ikaw ang survivor hindi ba? Totoo bang kailangan mong mamatay para matigil ang sumpa?"
Agad na humarang si Hinako sa harapan ni mama na parang poprotektahan niya ito.
May mabuti rin palang purpose ang pagkapit ni Hinako sa nanay ko. Walang mananakit kay mama. Pero hindi ba sinaktan niya si mama noon? Naguguluhan rin ako. Natatakot rin ako sa pwedeng gawing ng batang it okay mama.
"Sa palagay ko ay hindi iyon ang solution." Sabi ni Rio. "Killing Mrs. Kobayashi will kill us all. With a dangerous soul of that kid, hindi ko alam kung bubuhayin kayo niyan kapag sinaktan ninyo si Mrs. Kobayashi."
Nakangisi lang si Rio. Lahat naman kami ay parang nawawalan na ng loob.
Paano na kaya ito?
Biglang nagtaas ng kamay si Mamiya-san. Gusto niyang magtanon.
"Fourteen ba talaga ang cursed ones. Thirteen na nadamay at additional na isa na survivor ng suicide incident?" tanong ni Mamiya-san.
Whoa! Buti naitanong mo 'yan! Great, Mamaiya-san!
"Hindi. Dahil thirteen lang dapat na cursed ones dahil kasama na yung former. Iyon ang pagkakalam ko sa cycle ng curse na ito." Sagot ni Oya-san.
Tumango naman si mama sa pagsang-ayon kay Oya-san.
Nanlamig ako sa narinig ko. Matapos ang lahat ng ito ang sumakit at kumirot ulit ang ulo ko ko sa sakit. Naalala ko ang sakit ng pagkakauntog ko sa isang bagay noong nakita ko si Yuichi. Ang uncle ko.
"May isang nagpapanggap na cursed one sa atin." Huling sabi ni Oya-san sa amin na may seryosong mukha at bumukas na ang maliit nitong mga mata.
Tinignan ko ang lahat. Sino sa mga ito ang impostor? At anong point ng pagpapanggap niya?
Nakikita ko ang mga mukha nilang nagdududa sa rin sa isa't isa.
Sino ka ba?
30th Incident: Little girl 少女