“This is a great article!”masayang sabi ni Tetsu-san in Japanese. Tuwang tuwa ang editor namin sa ipinasang article ni Ayako.  

 Si Mr. Kouhei Tetsu ay isa sa mga editors ng Peculiar magazine. Siya ang editor namin. Usually, online ang submission namin sa kanya. Kapag approve ang article at photos, the next week, idedeposit na sa bank account naming ang payment. Reliable editor siya. Looking at him now, he is in his forties. Medyo puti na ang buhok sa patilya at medyo malaki siya sa usual Japanese na nakilala ko. Sa desk niya, tambak ang mga paperworks pero organized. Sa tabi ng paperworks ay may maliit na notebook na nakasulat ang “Things to do today” in Japanese. I think kaya siya reliable kasi organized siya at dedicated siya sa trabaho niya.

“The Urban Legend of 23:57! This is going to sell! Once the article is out in the next week, Peculiar will receive great feedback! I’m sure of it!”Hawak-hawak niya ang printed copy sa kanang kamay niya at kinukumpas niya naman ang kabilang kamay niya.

 Naiintindihan ko na somehow kung bakit sobrang tuwang-tuwa si Tetsu-san sa article. Wala pa kasing printed article na lumalabas tungkol sa 23:57 urban legend. Usually, sa internet lang ito lumalabas.

 First time kong makita ang office ng Peculiar. Nakapunta na dati dito si Ayako dahil siya talaga ang nag apply at ni-recommend lang niya ako. Ang office ay may maraming desks pero dalawa lang ang staff na nasa loob. I think dahil break time. Si Tetsu san at ang junior assistant editor niyang si Shibata-san. Si Shibata-san ay mga aroung 25-28 years old. Payat na nakasalamin pero may stylish brown hair. Dedicated talaga sila sa palagay ko at nakakatuwa na intereted sila sa bago naming ipinasang article.

 “But how are the photos for this article? Do you have any ideas in mind?” Tanong ni Shibata-san na nakangiti at asang-asa sa isasagot ko.

 Ayun lang.

 Tinignan ko si Ayako ng patanong hoping that with my signal, she can help me out. Binalik niya ang tingin niya sa akin ng patanong din.

 Nice.

 Paano ko nga ba didiskartehan ang article na ito at mag provide ng photos ng 23:57 article? Maski ako, hindi sigurado sa concept ko.

“I think… Hmmmm… I think I-I’ll take a photo of the digital clock of 23:57?” Nauutal kong sabi ng impromptu na idea na pumasok sa utak ko. Hindi ako sigurado sa sinabi ko pero bahala na.

 “That’s perfect!”Sagot ni Tetsu-san na napa clap siya ng isang beses. As if what I told him was a great thing.

 “Eh?” takang-taka kong sagot.

 “Uh! Are you sure about this?”sabi ni Shibata-san na parang doubtful sa idea ko. Hindi ko siya masisisi. Maski ako rin naman e.

 “Do that, Yuya! That’s the whole point of this 23:57 urban legend thing! Take a pic of the 23:57 digital clock in Hanzomon line platform!”galak na galak na sabi ni Tetsu-san.

 Are you kidding me? Ito ang nakapinta sa mukha naming dalawa ni Shibata-san.

 At nag decide kami ni Ayako na mag stay until last train time sa Shibuya para makakuha ako ng actual photos ng digital clock sa Hanzomon platform at exactly 23:57.

 How awesome is that? I’m being sarcastic by the way.

 “Pwede naman na i-Photoshop yung digital clock ‘di ba?” bigla kong nabanggit. Hoping na papayag si Ayako. “Ang weird kasi kung magaantay pa tayo ng hanggang 23:57 para lang dun. Dyahe!”

 Tinignan lang ako ni Ayako na nakataas ang isang kilay niya.

 “Okay. Sabi ko nga sasakay tayo sa last train.” Papikit kong sagot habang hawak hawak ko ang batok ko. Kapag tinignan na ako ni Ayako ng ganun, give up na ako. Not because takot ako, natutuwa ako sa ganung reaction niya. I’m very amused kaya kaya kong gawin ang gusto niya.

Dahil, 19:30 (7:30PM) pa lang, we decided na gamitin ang natitirang oras sa mas productive na paraan kaysa patayin namin ang oras sa paghihintay ng last train. Kumain muna kami sa Izakaya, bumili ng hot tea sa vending machine at finally nanood ng samurai film sa Toho Cinema. Then, bumalik ulit kami sa Private I Café. Nagpapasalamat ako at may magandang naidulot ang 23:57 urban legend article na iyon sa amin. Parang naging date ang araw na ito.

 23:00. Dumaan muna kami ulit sa Family Mart para bumili ng dalawang bento sets para may makain kami pag uwi naming sa sari-sarili naming apartments. Alam ko kasi na magugutom na naman kami dahil sa dami ng nangyari ngayong araw. Ako ang naghanap ng mga bento set at si Ayako naman ang naghanap ng mga drinks.

 Pareho kami ng building na tinitirahan ni Ayako. Parehong 3rd floor. Apartment room 301 ako at siya naman ay sa 303. Magkatapat lang ang apartment namin. 25 minutes ang travel time by train from Shibuya. Hindi pa kami magkakilala noon ni Ayako, doon na kami nakatira pareho sa apartment building na ‘yon.

 Naalala ko noon, lagi ko siyang nakikitang may dala-dalang laundry para labhan sa coin operated laundry room sa 6th floor. Yung laundry niya palaging lampas ulo niya at tinulungan ko na siya one time. Nakita kong nahihirapan siya kaya tumulong na ako at kinuha ang basket niya. Aloof siya sa akin noong una. Introvert. Isang quality na hindi na unusual sa mga Hapon. Kaya ng sabihin niyang pabulong na, “Ang kulit naman ng singkit na ‘to. Akala ba niya mahina ako? Saka yung bra ko baka makita pa niya. Tsk!”

 “Hahahahaha!” natawa talaga ako noon. “Nagta-tagalog ka pala? Hahaha!”

 “H-Ha?! Naintindihan mo ‘ko?”kitang kita ko sa mukha niya na parang gusto niyang manliit at namumula siya.

 “Oo naman! Pinay ka pala? Ako si Yuya. Filipina ang nanay ko,”sagot ko. Agad kong pinundot ang “arrow up” button sa elevator habang dala dala ko pa rin ang labahan naming dalawa.

 “Filipino-Japanese din ako. A-Ayako.Tatay ko naman ang Pinoy.”Sagot niya.  

 “Akalain mo nga naman o! Nice meeting you.Taga saan ang tatay mo sa Pina--”

 “K-kalimutan mo yung sinabi ko kanina about sa labahan ko.” Agad na sabi ni Ayako na naputol ang pagtatanong ko.

 “Ang alin?”medyo hindi ko a nakuha noong una kung ano yung sinasabi niya.

 “Basta kalimutan mo!” sabi niya sa akin at agad niyang kinuha ulit ang basket ng labahan niya sa kamay ko.

 May nalaglag sa labahan niya. Pink. At black. Floral.

 Naintindihan ko na.

 “…”

 The next day, nalaman ko na magiging assistant co-teacher ko siya sa English school na pinagtatrabahuan ko ng part time. It started there…

 “Yuya! Ba’t ka tulala diyan ” Tanong ni Ayako sa akin habang inaabot ang bote ng hot green tea. “Tara na! 22:30 na! Bayaran na natin ito sa cashier.”

 “Un!”sabi ko kasabay ang pagtango at pagkuha ng green tea na binigay niya sa akin.


23:30. Pumunta na kami ni Ayako sa Hachiko area na nasa tapat ng Shibuya station. May oras pa naman kami kaya tumambay muna kami. Hinanda ko na rin ang camera ko. Bukod sa 23:57 digital clock photo na kukunin ko, gusto ko rin kumuha ng maraming shots sa loob ng Shibuya station mamaya. Para may selections ng mga photos para sa article.

 “Para na tayong journalists ngayon, pansin mo? Haha!”tanong ko kay Ayako na natatawa habang inaayos ko ang settings ng camera ko.

 “Oo nga! Excited na nga ako e.” sagot in Ayako na naka upo habang ipinasok at inaayos ang mga pinamili naming isa isang malaking paperbag.

 I browsed my phone and read the urban legend story online.

 “Sabi dito, pumasok yung nagkukwento between the post and the wall para mas mapabilis siyang makapunta ng stairs going to the Hanzomon Line platform.”I told Ayako while scanning the urban legend story, “Gusto ko ‘tong makita at kumuha ng pic.”

 “Sige sige! Maganda ‘yan para sa article!”sagot naman ni Ayako sa akin na excited ang reaction.

 23:45. Pumasok na kami sa entrance papuntang Shibuya Station at pumuntang Hanzomon Line entrance. We tapped our passmo cards. Few steps from the entrance, nakita na naming ang poste at pader na binanggit sa urban legend.

 Huminto muna ako at kumuha ng photos ng post at wall na nabanggit sa urban legend. Napatingin sa amin ang train staff. Nakaramdam ako ng kaunting hiya kaya tumigil na ako sa pagkuha. Mabait naman ang train staff, nahihiya lang talaga ako bigla kasi maraming tao na rin ang nadmamadali at dumadaan at nakaharang kami. Hindi naman kami sinita. Polite kasi ang mga train staff.

 23:47. Katulad ng scenario na nasa urban legend story, pinasok din namin ang maliit na space between the post and the wall.

 “Talagang 23:57 experience a! Parang re-enactment lang a.” natatawa kong sabi. At natawa naman si Ayako.

 Habang pababa na kami sa hagdan papuntang Hanzomon Line platform, napansin naming tumahimik bigla. Wala na yung mga taong nagmamadali at hindi na naming naririnig ang noise ng mga footsteps, beep ng cards, at pati ang human noise.

 Hindi ko alam kung napansin ni Ayako ito kaya naman nang makababa na kami ay huminto muna ako at lumingon ako mula sa hagdan. Mataas ang mga steps ng hagdan mula sa kinatatayuan ko kaya wala akong nakita kundi ang liwanag lang ng ceiling.

 “Tara na.” aya ni Ayako sa akin habang hawak hawak ang braso ko.

 23:54. Makikita mula sa kinauupuan namin ni Ayako ang digital clock ng train. Nakaupo kami sa waiting area. Doon na namin naramdaman pareho na pagod na nga kami.

 “Dito ka lang,” bilin ko kay Ayako habang pinakita ko ang camera ko. Senyales na magte-test shot lang ako ng digital clock.

 Tumango naman siya at ngumiti. Ayoko na rin naman kasi siyang mas lalong mapagod pa dahil mapungay na ang mga mata niya.

 Naglakad ako papalapit sa digital clock. Nakangiti ako. Somehow, na realize ko na ang awesome ng araw na ito. Approved ang article namin at unintentionally nag‘date’ pa kami ni Ayako dahil sa kailangan kong makuhanan ng picture ang 23:57 clock.

 Kaya, in a way, thankful ako sa 23:57 urban legend na ito.

 I took two test shots of the digital clock na 23:55 na.

I checked my camera’s screen to see my earlier shots at nagulat ako sa nakita ko.

The digital clock is coated with blood from my camera.

Shit! What the he---

Napaatras ako ng three steps sa gulat at napatingin ako sa rails ng train. Sa rails ng train ay may mga talsik ng dugo. Pulang pula ang rails ng train mula sa view na kinatatayuan ko. Nanlamig ako at napaatras. Nawalan na ako ng balance at napaupo ako.

What the hell is going on?!

Hindi na ako makahinga ng maayos. Malamig na pawis an tumutulo sa noo ko.

 Biglang may humawak sa balikat ko ng mahigpit. Malamig ang kamay. At naramdaman kong payat ang mga daliri nito. Dahan dahan akong lumingon para makita ang kamay.  Mapulang kamay na nababalot ng dugo ang nakita ko.

“Yuya! Yuya!” Nakita ko ang mukha ni Ayako na inaalog ang balikat ko. “Anong nangyari? Okay ka lang?”

 Hinawakan ko ang kamay ni Ayako. Walang dugo. Binalik ko ang tingin ko sa railway at wala ring dugo. Wala ring dugo ang digital clock.

 Sigh. Ano bang nangyayari sa akin.

 Hinanap ko agad ang camera ko. Buti na lang at nakasabit sa leeg ko. Kung nalaglag ang DSLR ko, magiipon na naman ako. And worse, wala kaming mapapasang photos for this week pag nasira ang camera ko.

Inakap ko si Ayako at nakaramdam ako ng comfort. Naamoy ko ang mint shampoo na ginamit niya. Bagong shampoo niya ba ito? Ang alam ko parang amoy flower petals ang shampoo na gamit niya.

 “Bakit ano bang nakita mo?” tanong ni Ayako.

 “Wala. Pagod lang.” akap akap ko pa rin si Ayako.

 “Nagulat ako a. Nagalala ako.”

 “Sorry.” Sabi ko habang nakangiti.

 I think part of having a great day is getting physically tired. Dama ko kasi medyo masakit na rin ang balikat at leeg ko. At kung anu-ano na rin ang nakikita ko.

 Habang patuloy ang pag akap k okay Ayako, nakita ko ang digital clock.

 23:57.

 Agad kong kinuhanan ito gamit ang camera ko na akap akap pa rin si Ayako.

 “Wag kang gagalaw.” Sabi ko habang tuloy tuloy ang pag click ko sa camera.

 Dumating ang train at that very moment.

 “23:57 na.. Hihihi!.” bulong sa akin ni Ayako habang akap akap niya ako at patuloy ako sa pagkuha ng maraming shots.

 The weird thing is, parang nag iba ang boses niya.

 When the train stopped, I realized wala akong kaakap. Nakaupo pa rin si Ayako sa waiting area na nakaidlip. Nakita kong nagising siya.

“Yuya, nakuhanan mo na yung clock? Nandito na yung train” tanong niya sa akin mula sa kinauupuan niya habang kinukusot niya ang mata niya.

 Sino ang kaakap ko kanina?


Chapter 2 End.

To be continued…


 

RAYKOSEN Creator

Enjoy~!