29th Incident: Grasp 把持
Matinding kabog ng dibdib lang ang naririnig ko. Kaya pala hindi nagsasalita si mama tungkol sa 23:57 curse ay dahil nanganganib rin pala siya. Kapag nalaman ng mga ito na siya ang survivor, hindi ko lang alam kung anong pwedeng mangyari.
"How did you know that? Is there any other way to end the curse?" tanong ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabing iyon ni Risa sa akin. At isang paraan ko na rin iyon para maiba ang atensyon ng mga kasama ko palayo sa file case.
"I don't know if there are other ways. According to my research, The religious group is the one who made the rule that they must all die together. If anyone will ever survive, then an unending curse will happen." Sagot ni Risa sa akin.
"Where did you get that information?" tanong ko.
"I have been hacking computers and all the information that I have gathered were from these two people." Sabay na ipinakita ni Risa ang smartphone niya na may detalye ng isang chat conversation ng dalawang tao. At nagulat ako nang mabasa ko ang mga pangalan nila. Si Shibata-san at si Tetsu-san.
So all this time, alam nilang dalawa ang way para makakawala sa sumpa. Pero bakit sa akin ipinasa ni Tetsu-san ang file case? Dahil ban a nalaman niyang mom ko ang survivor? Is he trying to inform me first before my mom gets killed?
And Shibata-san knew all these. Why did he keep it a secret?
Humanda ka sa akin pag nagkita tayo.
"We need to know more about the religious group then." Mamiya suggested. Tahimik lang kaming tatlo ni Rio at Ayako. Nagtitinginan sa isa't isa sa mga nangyayari. Kung noon ay ako ang paranoid na may mga nagtitinginan sa harap ko. Ngayon ay kami na mismo ang gumagawa nito.
"That is correct." Confirmation ni Risa.
"D-do you know the identity of the one who survived the group suicide four years ago?" I asked while stuttering.
"The thing is, I have no idea who that person is."sagot ulit ni Risa sa akin. "I tried so hard to hack some data but I was not successful."
Yes! I can still hide the identity of my mother. I was really hopeful until...
"Can you show us the contents of the file case, Yuya?" tanong ni Police Inspector Ueda sa akin. "All the information we need isrepresentingatinside it I believe."
No. Sh*t! Wala na akong choice. Kung ipapakita ko ito, malalaman nila na si mama ang naka survive sa suicide case. Itakbo ko na lang kaya ito? No. Mas lalala lang ang sitwasyon ngayon. For sure, obvious na magiging suspicious na ako. Ito rin ang disadvantage kapag may kasama kang pulis.
"That's correct... But I will show you the contents of the filecase later." Palusot ko na lang. Ginawan ko ng paraan na maantala panamantala habang bumubwelo pa ako at nagiiisip ng paraan para mawala ang attention nila sa file case. I have to delay this. I don't know on what will happen if they found out.
"Where did you find this file case again?" tanong ni Mamiya. Sh*t! Hindi ko na talaga ma evade ang attention nila sa file case.
"At my mom's home." Sagot ko. Medyo mahina na ang pagsagot ko. Pakiramdam ko ay nahahalata na nilang umiiwas ako.
"How did it get there? I'm curious." Sagot ni Risa at ni Police Inspector Ueda.
Dati ako ang nagtataka. Ganito pala ang pairamdam na ako naman ang nagtatago ng sikreto sa mga kasama ko.
"I just found it there after our encounter with Yamamura." Hindi ko pwedeng sabihin na nasa bahay ni mama. For sure, giveaway na ang mama ko ang magiging source of suspicion.
"That's weird." Pagtataka ni Police Inspector Ueda.
"You said that the file case almost has everything we need to know. Then, kanino galing ang File case? Sino ang nag compile nun?" tanong ni Mamiya sa amin.
Si Mamiya-san at si Police Inspector Ueda. Itong dalawang ito. Mas lalong sumasakit ang ulo ko sa kanila. Isang pulis at isang psychiatrist. Lower hand ako sa sitwasyong ito. Paano ko malulusutang ang dalawang ito?
"Galing 'to kay Tetsu-san. Ang editor naming. Cursed din siya by the way. Hindi ko alam kung paano niya nakuha ang mga impormasyon. Ibibigay niya dapat sa akin ang filecase pero namatay siya. Or to be specific, pinatay siya ng mga ghosts." Sagot ni Ayako. She saved me in this horrible situation but I think sooner or later malalaman rin nila ang totoo.
"So what is inside that File Case?" muling tanong sa akin ni Inspector Ueda. "Knowing what's inside will help us in our situation."
Damn it! Tumigil ka na please. I don't know kung makakatulong to sa situation ng lahat pero sorry, hindi ako pwedeng magsalita. My mom is surely going to be in danger if these guys will find out about my mom being the thirteenth person who tried to commit suicide four years ago. I am praying that something will happen to divert their attention from the files case. I need them to get distracted.
And yes! Ang bilis ng sagot sa panalangin ko.
"Look! There are people outside!" Biglang nakita ko mula sa labas sina Shibata at Kitade! Turo ko mula sa salamin mula sa labas. Nagtinginan ang lahat sa labas at kumaway si Shibata at medyo nahihiya naman si Kitade.
Kinabahan ako doon. Gusto pa sanang mang usisa ni Police Inspector Ueda pero hindi niya na ako natanong pa nang dumating na si Shibata-san at si Kitade-san sa kinauupuan naming at nagsimula ng conversation. Besides, nakatoon din ang attention ni Risa at Ayako sa kanila. Dahil si Shibata-san ang isang taong nakakaalam kung paano makawala sa sumpa. Siya rin ang kausap ni Tetsu-san tungkol dito.
"Nandito na siya. Actually, I called him too. I called you guys here para m gather tayong lahat. And honestly, he has no idea na tinawag ko rin kayo." Pabulong ni Risa sa akin.
Humanda ka sa akin, Shibata.
"Nandito ka rin pala Ayako. This was truly unexpected." Panimula ni Shibata sa aming lahat. Halatang gulat na gulat siya nang makita si Risa at si Ayako na magkasama. "M-Magkakilala k-kayo?"
Tumango silang dalawa. Awkward scene indeed. The rest of the people do not know what's going on exactly though.
"It seems like we're disturbing you." Sagot ni Shibata-san sa amin na parang gusto niyang umupo sa ibang upuan kasama si Kitade-san. Umiiwas ang gago.
"No! No! No! Have a sit. I would like to know more about you two actually. We need to talk." sabi ni Rio kay Shibata-san habang hila hila ang braso nito. Pinilit kumawala ni Shibata pero mahigpit ang pagkakahawak ni Rio sa braso at nakangiti siya ng sarkastiko. Na parang sinasabi ng nakangiting mukha ni Rio na "Sumunod ka na lang."
"Excuse me. Who are you?" tanong ni Shibata-san na parang naasar dahil hindi niya kilala si Rio. Kahit sino naman ay hindi matutuwa na may humahawak ng braso mo na para bang criminal ka.
"Ah sorry. He is Rio. He is with us."Sumingit si Ayako. "He is also one of the thirteen cursed people."
"What?" Sagot ni Shibata-san sa kanya. Gulat na gulat siya.
"Actually, all of the people here are cursed ones. Ikaw lang ang hindi." Sagot ko. Nagsalita na ako. Alam niya na siguro ang gusto kong iparating. Maupo ka at baka hindi kita matantiya. Naku!
Umupo naman si Shibata-san kasama si Kitade-san. Wala na silang nagawa. Actually clueless si Kitade sa mga nangyayari.
"That is correct." Rio added. "Nararamdaman ko sa aura mo na hindi ka cursed person pero may nalalaman kang dapat malaman naming lahat."
"I gathered you actually here to talk further about 23:57." Risa opened the conversation. Masikip na sa mesa naming pero lahat kami ay walak pakialam dahil nais naming malaman ang mga nalalaman ni Shibata-san. Actully, si Kitade-san rin. Alam kong cursed being rin siya. Kasi Kitade rin and isa sa mga nakalistang thirteen people na nag suicide four years ago.
"I thought we were going to talk about taking over Ayako-san and Yuya-san's article space" Kitade immediately replied to Risa.
"Is this some sort of a trap, Miyake-san." Medyo galit na tanong ni Shibata-san kay Risa.
Humigop muna ng tea si Risa at inilapag ito.
"Very well, kung gusto ninyong pag usapan ang tungkol sa Peculiar magazine, pwede naman. Unahin na natin iyo pero paguusapan pa rin natin ang 23:57." Sagot ni Risa kay Shibata.
Tumahimik bigla sa area namin.
"So. Why did you decide to replace Ayako's pages for Peculiar Magazine?" Risa asked. "I think she deserved her own pages. She is very good in writing and the photos of taken by Yuya-san are great photos in repreenting each article. I am actually a fan of both of them."
Everyone was so shocked sa tanong na ito ni Risa kay Shibata-san. Medyo pumalakpak ang tenga ko doon a. Nakita mo na Ayako, hindi ka dapat magalala kay Risa. Hindi siya kaaway.
"Atta girl." Pag cheer ni Rio na patago.
"Dahil ito and napag desiyunan ng higher ups."sagot ni Shibata-san sa amin.
"Talaga? Bakit? You cannot just remove writers with that kind of reply. Especially kung sila talaga ang ilang sa mga writers at photographers na binabasa ng mga tao." Sagot man ni Risa. "I don't think I can take the offer of getting the job when I know that Ayako deserves her space."
Lalo ulit akong nagulat.
"This is a major diversion and I don't have time for this." Singit ni Police Inspector Ueda at nag suggest siya, "Just don't write in Peculiar Magazine, Ayako and Risa. This will all be solved."
"No! Having empty space on that page is troublesome!" sagot ni Kitade.
"Then why not let them collaborate?" Suggestion ni Mamiya-san.
Natahimik kaming lahat. Natuwa ako doon a. Dahil nagkakainitan na tungkol sa Peculiar Magazine, nakaisip ng paraan si Mamiya-san para maging maayos ang lahat
"Co-writing?" tanong ni Ayako at Risa.
"Yeah, how about co-writing the next article. No pressure yun dahil mapagtutulungan ninyo ang bawat makukwento at mas maraming pwedeng ka brainstorm. And of course, I am a fan of both of you. You are great writers. Also, Yuya's photos make them perfect too!"
"Interesting." Sagot ni Rio.
Tahimik lang si Shibata-san. Hindi niya gusto ang suggestion. Ramdam ko.
"Kung hindi mo gusto ito. Mawawala silang dalawa." Taunt ni Police Inspector Ueda kay Shibata-san.
Nagbuntong hininga si Shibata-san.
"Deal?" tanong ni Ayako at Risa na natutuwa sa mga nangyayari.
"That's not the plan!" medyo nagtaas na ng boses si Shibata-san.
"You are the one who stopped the publication of the 23:57 article. So if there is anyone here who is pretty suspicious, it's you! Would you like us to take actions on how you stop us publishing articles about 23:57? I will make sure na pagsisisihan mo. Don't try me. " sagot ko. Ito na ang oras para makabawi. Sabi ko sayo Shibata-san, humanda ka sa akin. I want him trapped. I want to corner him. Lalo na at marami kami ngayon. Last time na nakita ko siya ay nasa Hospital pa siya.
"Is that a threat?" sagot ni Shibata sa amin.
"Are you threatened?"
"Do you want." nagbuntong hininga siyang muli.
"Well, apart from collaborating. I want you to talk with us about 23:57." patuloy ko. "Tell me, Shibata-san. What do you know about the case four years ago? The suicide of the thirteen people four years ago."
"You know you can't lie to us." Risa added.
"I have nothing to say." Sagot ni Shibata-san sa amin na papara bang sobra sobra ang pag iwas niya. Ayaw mo talagang magsalita a.
Tumayo siya paalis pero biglang nagsalita si Kitade.
" I-I am one of the thirteen cursed too!" Sagot ni Kitade.
"Shut up! Kitade!" biglang napasigaw si Shibata-san.
Nagtinginan ang mga tao sa café. Agad namang nag apology bow sina Ayako at Mamiya-san sa mga tao.
"You are a cursed one too?!" tanong nilang lahat pero mahinang mahina lang ang mga boses nila. I have clue kaya naman hindi ako nagulat.
"I have to tell this to everyone. My mom committed suicide four years ago. Because she found out that my father left us with huge debt. At sa mga Yamikin ng tatay ko kinuha iyon." Isplika ni Kitade-san sa amin.
"Yamikin?!" tanong ko. Para sa kaalaman ng lahat, ang Yamikin ay ang mge loansharks ng Japan na nagpapatong ng sobra sobra. Connected sila sa mafias, yakuza, gangsters are sa mga underground criminals. Kaya kapag sinubukan mong tumakas ay may matinding pwedeng mangyari sa iyo. Sabin g iba, pwede kang ipa kidnap at ipadala sa Russia as human slave. Pwede rin naman na ipasok ka sa porn industry at kunin nila ang sweldo mo hanggang makabayad ka. Nakakatakot umutang sa isang Yamikin. Dahil siguradong wala kang kawala sa kanila.
"At dahil tumakas ang tatay ko, kami ang napagbuntulan na singilin ng mga yamikin. At dahil wala kaming maipambayad, gusto nila akong ipasok sa porn industry." Patuloy na pagkwento ni Kitade-san sa amin. "At hindi ako pwedeng humindi. Wala akong karapatan. At kapag magsumbong man ako sa pulis. Maaaring isa sa amin ni mama ang ipapatay."
What the—
"Pero ayaw ni mama na ipasok ako sa porn industry. Dahil mawawalan ako ng career opportunities dahil alam niyang gusto kong pumasok sa Peculiar Magazine noon pa. Lahat ng paraan ay ginawa niya at binigyan siya ng tatlong linggo noon para makabayad. Hindi ko alam kung paano nakapasok ang mama ko sa isang religious group at nagkaroon siya ng paraan para mailigtas ako. Kaya para makaligtas ako sa kamay ng mga Yamikin, nagpakamatay siya para makuha ko ang life insurance niya para maipambayad sa mga Yamikin."
Naluha si Kitade habang nagkukwento. Naawa ako sa kanya.
"Sobra sobra ang life insurance ni mama kaya kahit papaano ay nakapag umpisa akong muli na magbagong buhay."
Hindi ko alam pero bago ko pa lang nakilala si Kitade-san at ganito pala kalalim at kabigat ang dinadala niya. Hindi ka pala talaga dapat mag judge ayon sa nakikita mong panlabas ng tao. Pwedeng masaya siya at nakangiti pero maaring madilim pala ang nakaraan niya.
"Teka lang! Di ba kumpleto na ang thirteen cursed ones?" pagsagot ni Rio.
Pinandilatan ko si Rio. Ayaw magtigil. Sinira ang mood.
Gusto ba niyang malaman nila ang laman ng file case. Na divert na nga ang attention nila e. Minsan hindi mo alam kung kakampi mo ba talaga si Rio o hindi e. Pero buti na lang may suggestion si Rio para hindi mabuksan ang file case.
"Alamin nga natin kung sino-sino ang mga cursed ones. Ililista ko" sabi ni Rio na nakahanda na ang booklet niya at ang pen niya
"Ako na!" singit ko sabay hablot ng booklet at ng pen. Baka kung anon a naman ang ipagsususulat ng taong 'to.
The cursed people of 23:57
1. Yuya Kobayashi – Me.
2. Ayako Mendez – My girlfriend.
3. Rio Sakurada – Pink haired dude.
4. Police Inspector Kotaro Ueda – Shibuya ward police.
5. Tomomi Mamiya – The Psychiatrist.
6. Kojiro Uno – Oya-san. The owner of the apartment where I live. Rio Sakurada's grandfather.
7. Yolly Kobayashi – my mother.
8. Risa Miyake- The latest addition. Writer.
9. Tetsu Kouhei –Former editor of Peculiar Magazine. Deceased.
10. Taro Yamamura – The Shibuya ward investigator who killed Oliver. Deceased.
11. Oliver Figueroa – Private I Café Shibuya Branch Manager. Daisy's brother. Deceased.
12. Daisy Figueroa – Private I Café Waitress. Oliver's sister. Deceased.
13. Yuri Katou – Private I Café Waitress. Committed suicide. Deceased.
Matapos kong isulat ang thirteen cursed ones, nagkaroon ako ng realization.
"Kitade-san just declared that she's also cursed. So that means pang 14 siya. Pero kung 14 ang cursed ones, it doesn't make sense. One of them is lying. One of them is not the true cursed." Sabi ko sa kanilang lahat.
At lahat kami ay nagduda na sa isa't isa. Pero binasag iyon ni Rio nang mag suggest siya ng naiisip niya.
"Pwede ring ganito ang scenario, fourteen talaga ang cursed ones. Kasi isa sa thirteen person ang nakaligtas sa suicide incident noon. Tama dib a?" sabi ni Rio na hinihimas niya ang baba niya habang nagsasalita "Think of it this way: The survivor is like the rotten tomato na hinawaan tayo sa basket of thirteen tomatoes."
Anong klaseng logic yan? Pero sa totoo lang may point rin naman. Paano nga kaya kung yung thirteen na nasa curse ngayon ay hindi kasama ang survivor?
"So nadamay tayo sa sumpa?" bulalas ni Kitade-san.
"Exactly. So patuloy na may mamamatay kung buhay pa yung isang nakaligtas." Sagot naman ni Shibata-san. Dapat tumahimik ka na lang Shibata. Maswerte ka at hindi ka kasama sa cursed ones.
"You must all stop the curse. The survivor must die."patuloy ni Shibata-san.
"There should be a way to save us. We must separate the 'rotten tomato'. Killing him or her is not exactly a solution." Sagot naman ni Ayako sa kanila.
"So we really need to see what's inside that file case to know the thirteen people who committed suicide thireen years ago!" sagot naman ni Police Inspector Ueda sa amin.
This is inevitable dahil hinablot ni Police Inspector and file case. Hindi ko nga namalayan na nasa kanya na pala. Damn it. Wala na akong nagawa.
Nang buksan ni Police Inspector Ueda ang file case. Nakaramdam ako ng intense na kabog sa dibdib ko. Alam ko na makikita nila ang lahat pero kabado pa rin ako.
And they find out that the list, the photos, the profiles and the complete article of the 23:57 incident four years ago. Agad namang iniabot ni Mamiya-san ang booklet ni Rio at pen sa akin.
"Please list the thirteen people who committed suicide and describe them briefly." Nakangiti niyang sabi sa akin. Ang hirap ng sitwasyon ko pero wala na rin naman akong magagawa. Basta ako na ang bahala kung paano ko ililigtas ang nanay ko sa pwedeng mangyari pag nalaman nila na nanay kop ala ang survivor. Bahala na!
Thirteen people who committed suicide (23:57 Incident):
Ayame Mendez – Thought to be Ayako's twin sister but is actually's Ayako's obsessed friend who share the same surname. Gen Kawashita – Rio's classmate and close friend. Victim of bullying. Doctor Carl Higashi – Mamiya's fiancé. Had an affair with Nurse RiikoRiiko Katou– Yuuri Katou's (Private I Café waitress and Daisy's workmate.) sister. Shibuya General Hospital's nurse. Doctor Higashi's other girlfriend. Police Inspector Sawada – Ueda's brother in law and workmate. Minami Yamamura – Yamamura's wife who cannot bore a child. Hinami Uchida – the ghost kid who is always with my mother. Yamamura's daughter to Yoko Uchida. Why would she commit suicide? She probably was dragged into the incident. Yoko Uchida – Hinami's mom. Oliver's EX. Yamamura's lover too. Yamamura is the father of Hinami. He killed Oliver. Oliver killed him too. Rica Miyake – Rica was explained to be Risa's sister. Nanami Kitade –Basing on the mugshot, she looks like a 70-80 year old grandma. Kitade's mother who committed suicide to save her daughter.Shuunei Uno – Oya-san's son. I have seen him once as a ghost with Oya-san. Yolly Kobayashi – My mother. Yuichi Kobayashi – I have no clear idea of who he is. Basing on his surname, he could be my relative. I think he is the mid thirties guy who has been haunting me.
At nang ma-analyze nila ang listahan at profile. Nagkaroon sila ng realization.
"According to the list, si Yolly lang ang naka survive. She is the rotten tomato." Sabay sabay nilang sinabi.
At sa itsura ng pagmumukha nila, nakikita ko ang nakakatakot nilang expression na para bang sinasabi nilang, "The survivor must die."
Bukod rito si Rio at Ayako.
"Why do we have to blame it to the survivor?" tanong bigla ni Ayako.
"We are not. It is actually a fact. The rotten tomato is alive." Sagot ni Kitade-san.
Na offend ako doon. Nanahy ko na ang pinaguusapan.
"So, are we going to become killers?" Rio replied. "Based on your looks, you want Yuya's mother to die to end the curse."
"..."
Walang nakasagot. At mas lalo akong kinabahan.
"I mean seriously, look, all of us are connected to these people. So ibig sabihin ay we are meant to be cursed. Huwag lang nating basta isisi sa isa."Rio defended my mom. "But you know, I don't care of your plans after this. But be sure to take responsibility for it."
"I still don't know who is Yuichi Kobayashi yet." Pagbasag ko ng awkwardness ng lahat. "But I am sure that he is the mid-thirties guy na naka surgical mask. He kept on following me before and tried hurting me too. I am still confused with all of this."
"You should find that one out by asking your mother. We also need to know important information from her. She is the real key to this curse." Police Inspector Ueda suggested.
I can't do that. Delikado. Pero lahat ay gusto ang naging suggestion ni Police Inspector Ueda. Nangako naman si Police Inspector sa akin na poprotektahan niya si mama. Nag decide ang lahat na kailangang ma-meet siya ng mga kasama ko.
Tumawag ako kay mama nang patago.
"Oh anak. Napatawag ka. May nangyari ba?"
"Are you free tomorrow? I want to talk to you about 23:57 with the cursed ones. I'm sorry mom but they knew already. I tried to keep it but.."
"Don't worry. I am anticipating it. You don't need to feel sorry for it."marinig ko lang ang boses ng nanay ko ay lumakas na rin ang loob ko. "I am free tomorrow. I will meet you all at your apartment."
"My apartment?!"
"I actually have a scheduled meeting with your landlord. So, tomorrow is okay. Besides, cursed one din siya hindi ba?"
Oo nga.
"Don't worry, sa may common room tayo pwedeng mag usap lahat. Or pwede rin sa coffee shop. Let's decide there."
"Ok po. Ingat ka ma."
"I love you anak."
Ibinaba ko ang phone at sinabi ang appointment naming sa nanay ko.
"Sa palagay ko hindi na ako kailangan dito." Sabi ni Shibata at tumayo siya. " Kitade-san, let's go."
Tumayo na silang dalawa at umalis.
"Don't forget to come tomorrow." Sabi ko sa kanilang dalawa.
"I don't think we can come. All I did was listen actually." Sagot ni Shibata-san.
"You actually did not tell anything to us about your knowledge in 23:57. Because of what Kitade-san told us, we were distracted of confronting you. Tandaan mo, we are still eyeing you." Rio told him.
Shibata-san decided to go because he needs to work. He told us that he is expecting an article of Risa and Ayako together. Something that is far relevant from 23:57. Tumango naman and dalawa.
"I will surely come tomorrow." Sagot naman ni Kitade-san habang nagmamadaling hinahabol si Shibata-san na nasa labas na ng Private I Café.
Kinabukasan, nakipagmeet ako sa mga nakilala ko sa Private I Café kahapon. Sinundo ko sila sa tapat ng Family Mart na malapit lang sa area kung saan ako nakatira. Bumili na rin ako ng mga makakain naming lahat. Kasama ko sina Ayako, Rio, Mamiya, Police Inspector Ueda, Risa, at Kitade. Wala si Shibata-san as expected.
Everything seems fine. We all had our charms from Rio and Risa's power to shove away the ghosts are quite powerful too.
When I called my mom to know her location, she told me that she is with Koujiro Uno-san already at the common room of the apartment.
This is good. We need to all meet to talk further about the scenario. The common room is a perfect place. Kung sa café kami, maliit iyon para sa aming lahat. Kapag sa park naman, masyadong public.
Dumiretso kaming lahat sa common room ng apartment ko. Nakita ko na agad silang dalawa ni mama at ni Oya-san. Naguusap sila na parang matagal na matagal na silang magkakilalang dalawa.
Napansin nilang dalawa na nakarating na kami kaya naman ay pinaupo na kaming lahat. Tama lang ang laki ng room para sa aming lahat. May three long couch na kasya ang limang tao per couch. May isang center table, TV at refrigerator. Mukha siyang relaxing living room. May kinuha si mama sa loob ng refridgerator. Ang gawa niyang sushi para sa aming lahat. Kasabay nito ay naglabas si Oya-san ng isang bowl of chips at tatlong mallaking soda at mga baso. Inilapag nila ang lahat ng pagkain sa center table. Isinara ni Oya-san ang pinto ng commont room para maging private ang lugar. At nilagyan ito ng sign na huwag papasok. Well, sino pa ba ang kokontra kung ang may-ari na mismo ang gagamit ng common room hindi ba?
Sa apat na sulok ay nagdikit si Rio ng my Ofuda. Pinagsuot na rin kaming lahat ng bagong mga charm bracelets mula kay Risa. Sabi niya para lang sa security namin kapag nagtangkang lumapit at manggulo ang mga multo ng mga nag suicide four years ago. At lahat kami ay kumalma na at nawala na ang mga takot naming at pangamba.
Masaya kaming kumain at inenjoy ito habang nagusap ng light na usapan lang na walang kinalaman sa 23:57. Hanggang sa magsimulang magsalita si mama.
"Now that you are all here. I want to know the real story of 23:57." Umpisa ni mama. "Anak, dala mo ba ang file case?"
Tumango ako at inilabas iyon. Nakita na nilang lahat ang laman nito kaya naman ay hindi ko na kailangang magsinungaling or magtago ng information pa sa kanila. Basta ako na ang bahala kay mama.
"Nakikita niyo naman na may complete profiles ng thirteen na nagsuicide noon. May mga documents na rin regarding the event at ang mga litrato. May idea na rin kayo siguro dahil sa mga napagimbestigahan ninyo. Kaya bago ko ipaalam sa inyo ang lahat, gusto ko sanang humingi ng isang pabor sa inyo." Isplika ni mama habang ipinakita ang laman ng file case.
"Ano 'yun mama?" sagot ko.
Nagtinginan sina Oya-san at si mama. At matapos ay tinignan nila si Rio.
"What?" tanong ni Rio sa dalawa na di kumportable sa mga tingin nila.
"Before we tell you everything, I want you to summon the remaining deceased cursed ones." Sagot ni Oya-san at tumingin siya kay Risa. "This little girl has a different blood, isn't she? I can feel it in her aura"
" We need Yuuri Katou, Tetsu-san, Daisy, Oliver, and Yamamura." Dugtong ni mama.
"What?! No! Yuuri Kato and Tetsu-san died of horrible deaths. Delikado rin mag summon ng iba. Yamamura murdered Oliver. Oliver murdered Yamamura. Daisy was practically taken by Carl Higashi's ghost." Singit ko.
"Sasabihin ko nga sana 'yan e. Inunahan mo 'ko. Tsk!" Rio replied to me.
"Then, I don't think we can summon them. It will be dangerous."Risa added.
"Trust me." Sagot naman nila mama at Oya-san ng sabay pero iba ang tinitignan nila. Si mama ay nakatingin sa akin. At si Oya-san naman aty nakatingin kay Rio.
"I guess we should do it in order to know the details of 23:57." Suggestion ni Police Inspector Ueda.
"Are you ready to see ghosts?" tanong ni Risa. "Summongin them is okay but I don't want other people to die of a heart attack."
"If you are referring to me, I can handle it." Sagot ni Kitade-san.
"I can handle it too. There's a ghost in my clinic." Mamiya-san added.
At tinignan ni Risa si Ayako.
"I don't think you need to ask me. I've seen lots of ghosts already." Sagot ni Ayako sa kanya.
"I think all of us are ready except for you." Sabi ni Rio sa akin.
Hindi ko alam ang isasagot ko. Dahil sa totoo lang delikado talaga. Pero...
"Kung gusto ng lahat na ituloy ang plano nina mama at Oya-san, gawin niyo na." sagot ko.
Sa totoo lang against ako dito. Kung hindi lang nakatingin silang lahat sa akin. Hindi ako ma pepressure ng ganito.
"Very well. Akin na ang listahan ng mga deceased cursed ones." Sabi sa akin ni Risa. Ibinigay ko naman.
"Pero bago ako mag summon, kailangan ko muna alisin ang mga charms. Rio, paki alis na rin muna ang mga ofuda pansamantala." Request ni Risa.
Ginawa naman ni Rio iyon. Nag form kami ng circle at nasa gitna namin ang center table. Magkakahawak kami ng mga kamay. Pwera lang kay Risa at Rio na gumagawa ng summoning ritual at inaassist naman siya ni Rio.
"Maghawak hawak kayo ng mga kamay at huwag kayong bibitaw. Kapag bumitaw kayo, hindi ko kayo maililigtas." Babala ni Risa sa amin.
At ginawa nga ni Risa ang summoning ability niya. Sinugatan niya ang sarili niya habang binabanggit ang mga pangalan ng mga deceased cursed ones. Para siyang may spell na binabanggit na hindi ko maintindihan.
Lumakas ang hangin. Dumilim pero hindi iyon dahil sa gabi. Ito ay dahil sa maitim na aura na parang usok. Nagdilim ang paligid na para bang wala na kami sa common room. Maski ang kisame at ang sahig ay hindi ko makita sa dobrang dilim. Kami kami lang ang nakikita ng isa't isa. Para bang nasa isang dimension kami na itim lang. Hindi mo maramdaman ang sahig. Nakakatakot sa totoo lang. Dahil buong paligid mo ay itim lang.
Mula sa kadiliman ay lumabas sila.
Si Yuuri Katou.
Si Editor Kouhei Tetsu.
Si Oliver Figueroa.
Si Investigator Taro Yamamura.
At nagulat akong lumabas din si Daisy Figueroa.
Lahat ng mga ghosts at lumabas na mga mapuputla at alam mong wala ng bakas ng buhay na meron sa kanila.
At thirteen na kami ngayon... Well fourteen.
Sumama si Risa at Rio sa paghawak sa amin para maka buo ng circle. Nakaramdam ako ng takot nang biglang tumingin sa akin gang limang namatay na cursed ones at matatalim at nanlilisik ang mga tingin nila sa akin.
Biglang bumilis ang pangyayari.
"Agh!" Nararamdaman ko na lang ang sakal nila at ang init ng mukha ko. Maya maya pa ay lumamig ang pakiramdam ng mukha ko. Buong minuto nang pagsakal sa akin ay ramdam na ramdam ko ang pagdiin ng mga daliri nila sa leeg ko. Ramdam ko ang tindi ng pagsakal nila.
"Hgk!"
Wala na akong ibang makita kundi ang madiing pagsakal nilang lima sa akin. Ramdam ko rin ang matinding kapit ng mga kamay nila braso ko.
Hindi ko na maramdaman ang katawan ko.
Mukha lang nila ang nakikita ko. May galit ito na para bang matindi ang ginawa ko sa kanila.
Bakit galit na galit sila sa akin?
29th Incident: Grasp 把持