25th Incident: Rewind 巻き戻し
I am not on good terms with the person in front of me. This person who should have been the protector of my mom throughout the ruckus with Yamamura just arrived --- late. He did this before and now, he has been reckless since I was a kid. What can I expect from this person?
I hate him so much. I hate my dad.
Hideo Kobayashi. Siya ang papa ko. Tulad ng nasabi ko noon, isa siyang engineer na nakilala ng nanay ko na English teacher noon. Nagenroll si papa sa school na pinagtatrabahuan ng mom ko para mag aral ng English para makapasok siya sa isang international corporation at mag advance sa career niya bilang engineer. Things started there when they eventually became officially a couple. I heard, they were very happy as I was born.
Until things went chaotic as my dad's company broke down and he became a useless bastard. He became a drunk. He was physically, verbally and mentally hurting my mom who was working so hard for us to live. At kapag hindi pa siya nasiyahan sa pananakit niya, ako naman ang pagbubuntulan niya ng depression niya. Ang self-pity niya na naging anger dahil sa pagiging loser niya. He gets his money from the government only to buy more drink. Nilunod niya ang sarili niya sa bisyo niya. Nilunod niya ang sarili niya sa alak. He was so reliant to the government support that he no longer has the motivation to work and be productive and be useful to the society.
Naalala ko pa noong mga panahong inuntog niya ang ulo ko sa sahig dahil sag alit niya ng wala na siyang makuhang pera sa government support dahil naiwaldas niya iyon sa bisyo niya.
Naalala ko pa yung kirot ng ulo ko. Kaya nga siguro laging sumaskit ang ulo dahil doon.
Dahil sa kapabayaan at sa pagiging iresponsable ay nalugmok kami sa utang at umuwi kaming mag ina sa Pilipinas para makalayo sa kanya at makapag umpisa. Pero makalipas ang ilang taon nakabawi rin kami. Bumangon unti unti. Matapos ang ilang taon ay nabigyan ako ng chance na makabalik sa Japan dahil sa petition ko para makuha ko ang citizenship ko. I had to get my citizenship back in order for me to support my mom financially. Kailangan kong kumayod bilng factory worker para kumita ng mas malaking pera. That is the only way I can pay my mom back for all her sacrifices. Nadala ko ang nanay ko sa Japan dahil na rin sa second petition.
Makalipas ang isang taon ay naisipan kong seryosohin ang pagaaral ng Japanese language para makapaghanap na rin ako ng mas credible na trabaho. Salamat na rin at ace ako sa English subject noong kabataan ko at sa pagtuturo ng nanay ko ng English sa akin, nakakuha ako ng English teaching job. Nagaaral ako sa umaga at nagtuturo sa gabi. Ok n asana lahat kahit pagod ako hanggang sa malaman ko na ang nanay ko ay nakipagkita na naman kay papa. Sa taong sumira ng buhay naming dalawa. Ang ikinagalit ko ay nagkabalikan na silang dalawa. Walang pormal na divorce silang pinirmahan allthroughout those years kaya valid pa rin pala ang kasal nila. All this time, I felt betrayed by my mom. How can she do this to me? How can she just get back to that person who ruined almost everything for us.
Tapos ngayong okay na ulit ay nakipag balikan na? Hindi ko alam ang gagawin ko noong malaman ko. Pikon na pikon ako. Sinabi naman ni mama na nakabangon na I papa. He was rehabilitized and has a stable work as a senior engineer. However, that doesn't mean that he can just go back like it was nothing. He will always be an irresponsible person for me.
Well, even at times when Yamamura almost killed her, where was he?
I hate this person. I hate him so much. I just want him out of our lives. But how? My mom needs her right now. More than anyone else. Magkaakap sila ngayon sa harapan naming lima. Once again, I felt betrayed. That fear that I felt before about ghosts was replaced by the hatred that I have for this person.
Ilang oras na ang nakakaraan matapos ang imbestigasyon at nagbigay kaming lahat ng statements. Of course we had to lie a litte about Yamamura's cause of death. Police Inspector Ueda got us covered. Pinalabas sa imbestigasyon na kaya pinuntahan ni Yamamura ang nanay ko ay dahil nalaman ko na siya ang salarin. Ang galing rin ni Police Inspector Ueda sa kasong ito. Alam kong masama ang mag forge ng case pero wala rin namang maniniwala kung sasabihin namin ang lahat ng ito ay dahil sa 23:57 Urban legend.
Dahil na rin sa power ni Police Inspector Ueda, napabilis ang inspection ng bahay at naireport ng mabilisan ang pangyayari. My mom still has a trauma. She was not talking since then. She only wants to be with my dad. I never wanted to get in the way.
"I guess we have to go. We're not needed here anymore." Sabi ko habang tumayo na ako na may dismaya sa mukha ko. Excuse na rin iyon para hindi makita ang tatay ko. May trauma pa rin ang nanay ko at mas gusto niyang katabi ang tatay ko kesa sa akin. The mere sight of them hugging in front of me annoys the heck out of me.
"Aalis agad? Pwede bang mag stay muna tayo dito? Pagod na pagod na ako." Biglang singit ni Rio sa usapan. Kahit kalian tlaga pabida 'tong taong 'to e.
"If it's okay, you may stay here." Paanyaya ng nanay ko. Katabi niya ang tatay ko na walang imik pero halatang halata ang awkwardness naming dalawa.
"Okay thank you!!" Sagot ni Rio habang tuwang tuwa. "Can I borrow some PJs?!"
"I'm afraid I can't stay. I have to do report thi incident at the City Ward tomorrow. It will be a busy day ahead for me." Sabi ni Police Inspector Ueda.
"I am afraid that I cannot stay here as well. Though I am free tomorrow. If you need anything, kindly call me." Mamiya san told everyone while handing out her calling cards to everyone.
Both of them left immediately pagkatapos magpaalam sa amin at sa parents ko. Bale ako, si Ayako at si Rio ang nandito. Kasama namin ang mom ko at si... Papa. Awkward... This is definitely NOT a good idea at all.
"Then I have to go too. I can't stay." Paalam ko habang inihahanda ko na ang coat ko. I was expecting Ayako to come with me.
"What? You're not staying to comfort your mom?" biglang singit na naman ni Rio. Nanlisik ang mga mata ko sa kanya. Kahit kailang talaga ang epal epal ng taong to.
"At iiwan mo kami ni Ayako-chan dito?" dagdag pa ni Rio habang nakaakbay kay Ayako. "Dito rin siya matutulog e."
"Huh? Sinabi ko 'yun?"Tanong ni Ayako.
"Di ba?" biglang nanlaki ang mata ni Rio kay Ayako.
"Kaya matulog ka na rin dito. It's stressful for you to be alone right now." Rio suggestion.
Hindi ako nakaimik. At ng sasagot na sana ay bigla na namang sumingit si Rio ng pabulong sa akin.
"If you refuse to stay here, you don't know on what will happen next. It's advisable to get close to your mom while I'm here. At least tonight, I can protect her from the ghosts of 23:57. Remember, your mom got dragged in this situation too."
Hindi na ako nakatanggi.
Agad naming nilinis ang mga kalat sa bahay. Matapos ay kumalam na ang sikmura namin. Malaki naman kasi ang bahay na tinitirahan ng parents ko. Nagtataka nga ako at malaki ang bahay nila e dalawa lang naman silang nakatira dito.
The good thing though is that this house has two rooms and a living room. Dalawa ang kwarto. Bakit kaya? Pero hindi ko na naisip iyon. Hindi nahalughog ang isang parte ng kwarto. Doon ako nakatulog. Sa isang room naman sila mama at papa. Rio insisted to stay at the living room. Pero bago pa kami makapagdecide kung saan matutulog, nakaramdam kami ng gutom. Lahat kami ang pagod na.
Nag insist si Ayako na magluto pero we insisted to buy something at the convenience store instead.
Mom is sleeping and we can't bother her right now.
"I'll go. I'll buy food for you guys." Suggestion ko. Hindi pwedeng maiwanan si mama kaya kailangan niya si papa. Si Ayako naman ay hindi pwedeng bumili dahil delikado. At kailangang may magbantay kila Ayako at mama at si Rio ang kailangan nila dahil paranormal expert siya.
I guess I have to go outside. Besides, I have salt and charm with me.
Binigyan ako ni papa ng pera para pambili pero hindi ko siya pinansin. Don't worry, hindi ako kasing iresponsable katulad niya kaya bibilhan ko pa rin siya ng pagkain.
Habang naglalakad ako sa labas ng building, ramdam ko agad ang lamig ng winter air sa mukha ko. Kaya naman ay mabilisan akong tumakbo. Papunta sa kitang kitang convenient store mula sa kinatatayuan ko.
Agad akong kumuha ng apat na magkakaibang bento pagkapasok ko sa Family Mart. Apat na melon pan at apat na lemon juice at tubig ang isinama ko sa basket. Pero pinalitan ko ang isang lemon juice. Hindi umiinom ang tatay ko nito. Mas gusto niya ang malamig na oolong tea. Pinalitan ko iyon.
Pagkasara na pagkasara ko ng pinto ng fridge ay nagulat ako sa nakita ko.
Hihihi
Mabilisan lang dahil dulo lang ng sapatos ng bata ang nakita ko pero alam ko na may tumakbo sa likuran ko. Nanlamig ako pero dahil na rin siguro sa gutom ay wala na akong ganang matakot.
Or so I thought...
Naglalakad na ako pabalik habang umiinom ng tubig. Naramdaman ko kasi na parang nanunuyo na ang lalamunan ko.
Habang papalapit na ako sa Akira building at napansin kong may maliit na aninong sumusunod sa akin.
Hihihi
Mabilis ang tunog ng sapatos na tumatakbo papalapit sa likuran ko. Agad ko ring binilisan ang takbo. Pero iniisip ko pa rin na ingatang mabuti ang bento dahil sa totoo lang, balewala ang paglabas ko kung uuwi kaming walang makain.
Agad akong sumakay ng elevator. At ng makarating ako sa 8th floor, nakita ko na lang na may nakatayong naka surgical mask sa harap ng bahay namin.
Kilala ko siya. Well, not exactly. Namumukhaan ko siya. Kila ko siya dahil hindi lang ito ang pagkakataong nakita ko siyang muli.
The guy is the mid thirties man na naka brush up ang buhok. May kamukha siya pero hindi ko lang matandaan kung sino. Hindi ko alam kung lalapit ba ako o hindi pero nakaharang siya sa tapat ng pinto. This is ridiculous! What am I going to do now?!
I had no choice kundi lumapit. Shit! Bakit naman humarang ka pa diyan. Dumugo ang sintido niya. I was supposed to feel used to these but I can't. Tuwing nakakakita ako ng mga multo mula sa thirteen people who committed suicide, I still got that fear. It's an uncontrollable feeling and it's eating me up.
Nanlamig ang buong katawan ko. Malamig na nga ngayon ay mas lalo pa akong nanlamig. Lalo na ang likod at tiyan ko. Nagulat na lang ako na may nakayakap na sa likuran ko at sa bandang tiyan ko. Pareho silang nakatingin sa akin.
Imposible! Nakasuot ako ng charm! Paano?! Ganito na ba ang galit ng mga ito or yung hinaharbor nilang negative feelings at hindi na tumatalab ang charms sa kanila?
Hindi ako makaalis sa kaba. Ewan ko ba. Basta, hindi ako makaalis. Ito yata ang naramdaman ni Yamamura. Nagdedelikado ako. Lalo na at papalapit ang mid thirties man na ito sa akin.
Clack. Clack. Clack
Tunog ng leather shoes niyang papalapit sa akin. Inaabot niya ang kamay niya papalapit sa akin at hawak hawak niya na ang leeg ko.
That intense feeling of fear ate me up. I can't move because of the two ghosts embracing me and the fact that I am choking as well.
Will I die here? This is unfair.
No. I can't die here!
Nagulat na lang ako ng bigla itong nawala. Nasa harapan ko na sina Rio at Ayako. Ang ilalim ng pinto ay may asin na.
"Good job, Yuya." Sabi ni Rio sa akin.
Binuksan namin ang mga bento. Tinawag ni Ayako si Papa. Medyo mailap pang lumapit si papa sa amin. Iniabot ni Ayako ang bento para sa kanya along with the lemong juice. Pinalitan ko ito ng oolong tea. Nagpasalamat si Papa at agad na bumalik si papuntang kwarto nila ni mama.
"Please join us." Alok ni Ayako.
Ngumiti si papa pero tumanggi pero hinatak siya ni Rio at pinaupo sa hapag kainan. Kung kanina ay nakaramdam ako ng panlalamig dahil sa takot. Ngayon naman ay naramdaman ko ulit ang panlalamig. Lalo na at katapat ko ang taong ito sa hapagkainan.
Walang nagsalita sa amin. Literally galit galit kaming kumakain.
Matapos kaming kumain ay nag meeting kaming lahat sa anong nangyayari sa amin.
"I'm sorry if I arrived late." Panimula ni papa sa amin.
Hindi ko exactly malaman kung anong mararamdaman nang marinig ko ang boses niya sa harapan ko mismo.
It's been a long while.
"Mr. Kobayashi." Panimula ni Rio.
Pareho kami ni papa na nakatingin sa kanya. Sumenyas naman si Rio na hindi ako ang kausap niya kungi ang tatay ko. Tsk!
"Mr. Kobayashi, I guess it's time that you should know the case of your son and your wife about the 23:57 curse."
"I know exactly what you're going to say. Yolly, my wife, kept on telling me not to get involved. But it has come to this. I guess I have to do my part now as his husband."
I was shocked. Somehow I felt uneasy and annoyed. Pero wala akong sinabi.
"Yuya. My son." Nakaharap ang tatay ko ngayong sa akin. Ang tagal ko na ring narinig ang katagang iyon. Nagpipigil lang ako ng galit pero naghahalo na rin ang emosyong nasa loob ko ngayon.
"Let me do something about 2357." This person in front of me assured me.
"Are your cursed too?" Ayako asked.
"Nope but I will do everything in power to help out. Babawi ako sa inyong mag ina." At umalis si papa at bumalik siya sa kwarto. Likod na lang niya ang nakita ko.
Nakahiga ako sa kwarto. Somehow I felt fuzzy and relxed with the comforter on me. It has been a tough day. Pero kahit nakahiga ako ngayon ay marami pa rin ang nagkaklash na iniisip ko sa utak ko.
"Finally matatapos na rin ang araw na ito." Narinig ko na lang ang boses sa tabi ko.
Shit! Katabi namin ni Ayako si Rio? What is he doing here?
"Dito na ako kasi ang lungkot pala sa labas." Rio added.
"Seriously?!" Tanong ko sa kanya.
"Yep. Seriously"
Aba't sumagot pa.
"'Di ba sanay kang mag isa? Di ba mag isa ka lang sa Red Cage?" sagot ko sa kanya.
Hindi na siya sumagot. Tahimik akong sinita ni Ayako nang tapikin niy ang balikat ko.
Somehow I felt bad for saying that. At hindi na ako nagsalita pa.
Nakatitig na lang ako sa kisameng puti habang akap akap ko si Ayako. It has been a while since we last did something like this.
Unti unting pumungay na ang mata ko. Pagod na pagod na nga talaga ako.
Nagulat na lang ako ng may biglang may sumakal sa akin at hinatak ako mula sa kinahihigaan ko. Hindi ako makasigaw o makapagsalita. Ang alam ko lang ay may madugong kamay sa humahatak sa akin. Inilabas ako sa kwarto nila mama at papa. Nakita ko sa salamin kung sino ang kumakaldakad sa akin. Siya ang mid thirties man na nakaharap ko kanina!
Anong kailangan mo sa akin?!
Tulog na tulog naman ang mga magulang ko at hindi talaga ako makapagsalita. Ipinasok niya ako sa loob ng cabinet. Nagulantang ako ng makita kong may mga smiling mouths na nasa long ng cabinet. Maraming kamay na kulay itim. Kasing itim ng mga anino ang lumabas sa madilim na cabinet. Hinatak nila ako papaso. Sinubukan kong humawak sa kahit anong pwedeng mahawakan pero wala akong magawa. I tried to reach my mom and dad with my hand. It was impossible. At sa loob ng madilim na madilim na cabinet ay lalo pang dumilim ng isara ito ni mid thirties dude.
Tak. Shkk.
Tunog ng sliding door ng cabinet.
Dilat na dilat ako. Alam ko dahil sobrang dilim sa loob. At alam ko na hindi lang ako ang mag isang nandidito ngayon...
25th Incident: Rewind 巻き戻し