24th Incident: Voice 音声 (Part 2)
Hayup ka Yamamura!
Iyon lang ang paulit ulit na isinisigaw ng utak ko. Nakasakay na kami ng train papuntang Asakusa. Alam na ng mga kasama ko ang sitwasyon at gusto nilang samahan ako dahil baka kung ano pa ang magawa ko. Kasama ko sina: Ayako, Rio, Mamiya at Ueda. Shibuya pa kami manggagaling kaya mga 40-45 minutes pa ang travel time. I am so frustrated!
Argh!
Nakaramdam na naman ko ng kirot sa ulo ko. Lagi ko na lang itong nararamdaman simula ng masama ako sa sumpa ng 23:57. Yung tipong kirot na parang tinutusok ng karayom sa bungo mo.
Mama! Hintayin mo lang kami...
Nagaalalang paulit ulit na sinasabi ko sa sarili ko.
Nang makarating na kami sa Asakusa, doon ko lang nalaman na first time ko pa lang ako, well "kaming lima", makakapunta sa bahay ni mama. Buti na lang at handa si Ayako sa paggamit ng online gps map according the address na binigay sa kanya ni mama noon.
Akira Building. East Wing. Room 824
Lima kaming tumatakbo ng mabilisan papasok building. Usually, kapag house building, walang front desk kaya mabilis kaming nakapasok. Hawak hawak ko ang kamay ni Ayako. Kasunod lang namin sila Mamiya at Ueda. Habang si Rio naman ay nahihirapan na. Nakasuot kasi siya ng bulky boots. Wala talagang makakatakbo ng maayos kapag naka heavy at bulky boots ka.
At nang makarating kami sa room 824 ay hindi ito naka lock. Nagkatinginan pa kaming lahat at nagpasyang pumasok. Binuksan ko ito n ang naririnig ko lang ay ang sarili kong hingal. Magulo ang sahig. Nanlaban ang nanay ko. Alam ko. May mga shoeprint din akong nakita. Nagkalat ang mga gamit sa sahig. Hinalughog ang bahay ng nanay ko.
At nga maglakad pa kami papasok ay naririnig ko na ang hikbi ng nanay ko.
Kitang kita kong nakatali lang ang nanay kong may tali rin sa bibig. Pinilit niyang magpumiglas. Pero tinutukan siya ni Inspector Yamamura ng baril.
Gulat kaming lahat at agad kaming lumapit. Pero wala pang tatlong hakbang ay nagbanta na si Yamamura.
"Don't you dare come closer or she'll die." Banta ni Yamamura habang nakatutuok sa sintido ng nanay ko ang baril niya.
"What do you want?!" tanong ko sa kanya na halatang halata na sa boses ko na frustrated na ako sa pangyayari.
"I want the filecase."
Filecase? Wala nga sa akin 'yon? Pero bago pa ako makasagot ay umepal na naman si Rio.
"Of course you want the filecase." Sagot naman ni Rio.
"Shut up! I am not talking to you!" itinutok ni Yamamura ang baril kay Rio. Pero nakangiti lang si Rio sa kanya. Ako ang natatakot sa pinaggagagawa niya.
"Do you think you can have it with what you're doing right now?" Tanong ni Rio kay Yamamura. "Do you think we have it?"
"Shut up!" Sagot ni Yamamura.
"Too bad we don't have it." Reply ni Rio.
Shit ka Rio! Anong ginagawa mo?
"Give me the filecase now!!" utos ni Yamamura.
"What are you going to do Yamamura? Kill her?" tanong ulit ni Rio kay Yamamura.
"Shut up, Rio!" pasigaw ko. Hindi siya dapat nakikiala ngayon.
"You asked for this!" Kinalabit ni Yamamura ang gatilyo ng baril.
"Kyaaaa!!" sigaw nina Ayako at Mamiya habang takip ang kanilang bibig at nakapikit.
Wala na akong ibang marinig nang makita ko ang pagkalabit ni Yamamura. Parang naging slow motion ang lahat at halos masuka na ako sa mangyayari sa tindi ng kabog ng dibdib ko.
Tik. Tik.
Wala kaming narinig na putok. Isang mahinang pitik lang.
Walang bala ang baril.
Nakita ko na lang na Nahimatay na ang nanay ko sa shock.
Matindi pa rin ang kabog ng dibdib ko sa pangyayaring iyon.
"Ahahahahaha!!" yun na lang ang narinig ko mula kay Yamamura. Ang tawa niyang iyon. Hayop siya. Papatayin ko siya!!
Papasugod na ako. Nang biglang itinapon ni Yamamura ang hawak niyang baril at naglabas ulit ng bagong baril.
"Now, give me the filecase!" utos ni Yamamura.
"We don't have the filecase! How many times do I have to repeat it." Sagot ko sa kanyang pikon na pikon na.
"Then who has it?! I've searched everywhere! Even the polic don't have a clue!" Who has it?!"
"I don't know!"
"Yamamura-san, please believe us... We don't have it." Sagot ni Ayako.
"Shut up! Stop lying to me!" Frustrated na si Yamamura habang itinututok niya na kahit kanino ang baril na hawak niya.
"Why are you doing this?! We are all cursed here! We want the filecase too! What do you want to achieve in having the filecase?" Police Ueda told him.
"I just want to know on how to end this curse!" Natigilan si Yamamura. "My wife committed suicide four years ago. Along with the mas suicide is my daughter."
"Your daughter?" tanong ko.
"My six year old daughter." Sagot ni Yamamura habang nangingilid ang luha sa mga mata niya. "I just want to know on how to stop all of these!"
Hihihi
Narinig ko ang tawang iyon.
"Did you hear that?!" tanong ko.
"Hear what?" Walang naririnig si Yamamura.
"That laugh."
"Enough!" Pikon na si Yamamura sa amin kaya takot na rin akong magsalita.
Nagulat na lang ako ng biglang sinipa ni Police Inspector Ueda ang braso ni Yamamura. Tumalsik ang baril papalayo. Pero nakatakbo si Yamamura papalabas ng bahay.
Hinabol siya ni Police Inspector Ueda at ni Rio.
"Ayako, Mamiya, kayo na munang bahala kay mama!" sambit ko.
Tumango naman sila at humabol naman na ako.
Naabutan ko na lang ang likod ni Rio na pumasok sa fire exit door. Kaya sumonod ako. Tumatakbo pa habang pababa si Yamamura. Hinahabol ni Police Inspector Ueda ito. At ng maaabutan na ay lumabas na ulit si Yamamura sa fire exit door ng 6th floor.
Hingal na hingal akong makalabas ng pintuan ng magulat ako sa nakita ko.
Si Yamamura ay nasa dulo ng floor kasama ang tatlong mga multo. May dalawang babaeng nakayakap sa kanya. Ang ikinagulat ko ay ang batang kasama niya na nakahawak sa bandang paanan niya.
Takot na takot si Yamamura. Hindi siya makagalaw.
"H-help me please!" makaawa ni Yamamura sa aming tatlo. "The reason why I wanted the filecase is to stop them from ruining my life."
"Them? What?" tanong ko. Silang tatlo ba ang gumugulo sa kanya?
"My wife, my lover and this kid. I want to get rid of them!!"
"But she is your daughter right?" Rio pointed the little girl. The little girl who was bugging my mom too.
"No! That ghost is not my daughter!!!"
Pagkasigaw niyang iyon ay sinakal siya ng isa pang babae ng multo na duguan.
Kasabay nito ang pag akap sa kanya ng isa pang babae habang akap akap siya sa paanan ng batang multo.
Sinubukan ni Rio na sabuyan sila ng asin pero lumayo sila.
Wala akong magawa sa pangyayari. Wala kaming magawa.
Lumayo sila na hatak hatak si Yamamura.
Hatak hatak si Yamamura sa dulo hanggang sa mahulog siya. Sinubukan pa naming tatlong humabol pero huli na ang lahat.
Kita ko sa sahig ang katawang bali bali ni Yamamura na nakabukas pa ang mga mata na may takot.
Medyo hinahabol pa niya ang paghinga niya ng lumabas ang multo ni Oliver.
Takot na takot si Yamamura habang papalapit si Oliver. At nalagutan na ito ng hininga.
Si Oliver ang pumatay kay Yamamura.
Napapikit ako.
Matapos ang lahat ng iyon ay tumawag na si Police Inspector Ueda sa headquarters ng Asakusa Police Ward para makapunta na sila at makapag imbestiga. Buti na lang ay pulis siya at nai cover niya ang ibang pangyayari ng may realistic resaons. Sino ba namang maniniwala na namatay si Yamamura dahil sa mga multo, dib a? Ibinaba niya rin ang telepono at nagusap kaming lima sa room 824, sa bahay ng nanay ko.
Wala pa ring malay ang nanay ko at inihiga na siya sa kwarto. Lahat kami ay nasa kwarto. Alam na ni Ayako at Mamiya ang nangyari.
"Why does it have to be this way?" nafu frustrate na tanong ni Ayako sa amin.
Ako rin kitang kita na ganun din ang gusto kong itanong. Kaya sumagot na si Police Inspector Ueda sa amin.
"Before you arrived when we chased Yamamura, the ghosts told me their identities. One was his wife and the little one was his daughter."
"Then who is the other ghost?" I asked.
"He had an affair." Rio replied.
"What?!" Tatlo kami ni Mamiya at Ayako ang sumagot. Mas malakas lang ang boses ni Mamiya. Alam ko nakaka relate siya dito.
"According to my investigation, the other one is actually Oliver's ex. She is Yoko Uchida." Sabi ni Ploice Inspector Ueda. "The wife's name is Minami Yamamura. The little is believed to be Hinami."
"Hinami is Minami's daughter from Yamamura?" I asked.
"Nope."
"What?!" tatlo na naman kaming gulat nina Mamiya at Ayako.
"Hinami's mother is Yoko Uchida. They had a daughter and it was kept from Minami for six years." Sagot ni Police Inspector Ueda.
"Is it possible that Yamamura's reason of killing Oliver is because of Yoko too?" tanong ni Mamiya.
"We'll never know." Sagot naman ni Rio.
"All I know is that Oliver killed Yamamura too." Dagdag ko.
"That's tragic for them." Ayako said with sad eyes. "I feel sad for Hinami. She was just six. How can it be suicide?"
"I don't know." Sagot ko "If we can only get that file case."
"Rio, kaya mo bang mahanap ang plastic file case?" tanong ko.
"Ano ako, Google?"
Biglang dumating ang mga pulis at forensics. Kasabay nito ang pagkagising nanay ko. Inakap ko siya para maging komportable siya. Lumabas naman si Police Inspector Ueda para pamunuan ang investigation. At siyempre, to cover things up for us.
Iniwan ko muna si mama kanila Mamiya, Ayako at Rio para kumuha ng tubig. Kita ko na nagsisimula na ang pag iimbestiga sa mga numbers na nakalagay sa sahig at sa mga staff na nasa bahay namin. Narinig ko rin na tinatawagan na ang medical staf na paparating para mag aid sa nanay ko.
Matapos kong kumuha ng tubig ay nakarinig ako ng ingay mula sa labas.
"Let me in!!" Sigaw niya.
Kilala ko ang boses na iyon.
"My wife is inside! Let me in!!"
At nabitawan ko ang tubig na hawak ko.
Pumasok ang lalakeng ito sa bahay na nakasuot ng business suit. Dala dala niya ang blueprint na madalas kong makita kapag pumapasok siya sa trabaho. Alam kong engineer siya. Kilalang kilala ko siya.
"Papa..."
24th Incident: Voice 音声 (Part 2)