23rd Incident: Voice 音声 

Tak!

Tunog na narinig ko. Tinapalan ni Rio ang glass window ng ofuda. At parang malakas na hanging ang bumuga ng malakas sa mukha ko at napapikit ako. Wala akong marinig bukod sa kabog ng dibdib ko. Pagkadilat ko ay wala na ang mid thirties na lalake.

"Whala! Magic!" Nakangiti lang si Rio sa aming lahat habang ikinumpas niya ang kamay niya.

Nakatingin lang kaming lahat sa kanya. Walang imik. Siguro dahil sa bilis ng pangyayari at pagka intense nito ay hindi pa maka cope up ang reactions namin sa mga nangyayaring ito.

"Hindi pwedeng magka eskandalo ngayon lalo na at may mga inaalam tayong information. Mamaya na siya manggulo sa atin." Paliwanag ni Rio sa amin. Tagalog ang pagkakasabi niya kaya hindi ito maintindihan ni Police Inspector Ueda at ni Mamiya-san. Eventually, pinaliwanag naman ni Ayako ang ibig sabihin ni Rio sa Japanese.

Nakita rin nila Ayako, Mamiya-san at ni Police Inspector Ueda ang mid thirties na lalake na nasa harap ko kanina. Kinumpirma nila ito sa akin.

"H-how did you do that?!" Mamiya-san was shocked pero mahina pa rin ang pagtatanong niya sa amin habang inayos niya ang salamin niya at tumitingin sa paligid.

"He's an exorcist. I don't think there is any shorter explanation." Sagot ni Police Inspector Ueda kay mamiya. Hindi na inusisa ni Mamiya-san. And then, there's an air of awkwardness.

Nagkatinginan na lang kami ni Ayako. Sa palagay ko nagmamadali si Police Inspector Ueda. O kung hindi man, he wants to be direct in gathering information.

"So as I was saying, what was your relation ship to 23:57 curse?" ipinagpatuloy ni Police Inspector Ueda ang pang uusisa. "That ghost earlier, is that your connection to this curse?"

Ako na naman ang nakasalang.

"I honestly don't know." Sagot ko. "I think so too. That mid thirties guy can be the link of why I am in this curse. I want to investigate this further. Also, my mom is also in this curse. A lot has been happening in a short period of time and I have to investigate that too."

Kung ang nanay ko ay pinapaligiran ng batang multo, ibig sabihin cursed din ang mom ko. Pero kung lahat kami ay may connection sa mga namatay, sino ang connection ng nanay ko? Hindi kaya ang batang iyon? Pero parang hindi ito tugma sa logical reasoning. I mean, kung kapatid ko siya, hindi ko naman siya nakita noon ever. Or hindi ko maalala. Naguguluhan ako.

This left a loophole. I don't know why I'm cursed exactly.

"Si Oliver... Bakit kaya siya cursed?" Biglang tanong ni Ayako.

"Oo nga no. Bakit nga ba? Di kaya dahil kay Daisy?" sagot ko. :Pero hindi pwede. Dahil si Daisy ang connection niya ay si Yuri. So may ibang connection din si Oliver. Di ba?"

No one among us could give an answer. So instead, I diverted it to a question connected to our goal.

"Why were you at the apartment at that time of Oliver's death?" tanong ko kay Police Inspector Ueda.

"I know where this is going but I am not the killer. I cannot do that. I was there because I am investigating Mr. Yamamura."

"Why?" Rio and Ayako asked. Mamiya-san was there looking puzzled. I am not expecting her to fully understand everything though. I just want to get info from Police Inspector Ueda. Sorry.

"He was involved with somehow unusual cases. Four years ago, he had an affair and his wife committed a suicide. And apparently, his wife was one of the 13 people who committed suicide."

"Wait a minute..." biglang may mga pumapasok na namang idea sa utak ko at nabubuo na ang misteryo. "So his connection is his wife..."

"It could be. But that doesn't matter as of the moment. What made me suspicious about him is that he was there when Oliver died. I think he—" Paliwanag ko pero pinutol na naman ako ni Rio.

"I think he killed Oliver too." Rio replied. And he finished drinking his strawberry smoothie.

Nanlamig ako. Napahawak ng bahagya si Ayako sa akin. Mamiya-san is pretty shocked too.

"What was his purpose?" Tanong ni Ayako habang nanginginig ang boses nito.

"The file case. He wanted it so badly right?" Rio replied. Hindi na nakasagot si Police Inspector Ueda. Hindi ko alam kung napipikon na siya kay Rio o hinahayaan lang niya ito at nagpapasensya.

"This means that the file case is very essential for him too." I concluded.

"Too essential that he could even kill Oliver." Rio replied.

"Then, how can we prove it?" sagot ko sa kanya.

"We can't. We have no evidence yet." Sagot ni Police Inspector sa amin. "The only way is to meet him and investigate further."

Ring!

At may awkward silence na naman sa aming lima dahil tumunog ang mobile phone ko. Ayoko sanang sagutin pero nakita kong ang tumatawag ay ang mom ko.

"Ma, napatawag ka?" sagot ko sa phone habang sumesenyas sa kasama ko na sasagutin ko lang ang phone.

"Yuya!" sagot ng mom ko sa kabilang linya. Hinihingal siya at hindi ko na marinig ng maayos. Mabilis siyang nagsasalita.

Kinabahan ako. Kumabog ang dibdib ko.

Siyempre nanay ko yun.

"Ma! Anong nangyayari?"

"Anak. Tulungan mo ako anak." Pabulong niya sa phone. "May gustong pumatay sa akin."

Nanginginig ang boses niya at wala na akong ibang marinig. Uminit ang mukha ko. Nanlalamig ang mga kamay ko.

"Nasaan ka?!" Pasigaw ko sa phone.

Pinagtinginan ako ng mga kasama ko at ng ibang customers sa Private I Café. Pero wala na akong pakialam.

"Anak. Nasa bahay ako. Pumnta ka na dito!"

"Oo! Pupunta na ako."

Sigaw na lang ng narinig ko sa kabilang linya at mga kalabog.

Tumayo na ako at hinatak ko si Ayako. Nataranta na rin yung mga kasama ko. Pero tumayo na rin sila at sumama sa amin ni Ayako habang papalabas ng Private I Café. Si Police Inspector Ueda-san na ang nagprisintang magbayad ng bill namin. Nakakahiya man pero nagmamadali na rin ako.

Tumakbo ako habang nakakabit pa rin ang phone sa tainga ko.

"Hello! Ma! Sumagot ka!" pasigaw ko sa phone at pinagtitinginan na rin ako ng mga tao.

"Hurry up Yuya! Hurry up if you want to see your mother alive." Huling narinig ko sa kabilang linya. Boses ng lalake at ibinaba niya na ito.

Shit!

Kilala ko ang boses na 'yon.

Si Investigator Yamamura!

Hayup ka!

RAYKOSEN Creator

23rd Incident: Voice 音声